Sunday, March 2, 2025

Pangako at Sumpa (Hebreo 6:17-18)

HEBREO 6:17-18 AB 2001

17 Gayundin naman, sa pagnanais ng Diyos na maipakita sa mga tagapagmana ng pangako na hindi maaaring mabago ang kanyang pasiya, pinagtibay niya ito sa pamamagitan ng isang sumpa; 18 upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na di-mababago, na dito'y hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayong nagtungo sa kanlungan ay magkaroon ng higit na katiyakang panghawakan ang pag-asang nakalagay sa harapan natin.

Pangangako at Panunumpa: dalawang mga paraan ng pagtiyak ng tao na totoo at maaasahan ang kanyang mga sinasabi.

Ipinapangako ko.

Isinusumpa ko.

Ngunit marami sa mga pangako ay napapako. Ngunit marami sa mga sumpa ay napupuksa. Bakit ganun? Iyan ay sapagkat likas sa makasalanang tao ang pagsisinungaling.


Awit 58:3- Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata,

silang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay naliligaw mula sa pagkapanganak.

Awit 12:2- Bawat isa ay nagsasalita ng kabulaanan sa kanyang kapwa

Sa tekstong ating binasa, tayong mga nagsitungo sa Diyos upang manganlong sa kanyang kaligtasan ay nararapat magsipanatag ng loob. Bakit? Sapagkat ang ating inaasahang pagliligtas ng Diyos ay mga salitang hindi nagbabago dahil ito ay ipinangako niya at pinagtibay pa ng isang sumpa. At hindi tulad ng makasalanang tao na nangako nga at nanumpa’y wala pa ring katiyakan kung tunay ngang maaasahan, ang Diyos ay hindi maaaring magsinungaling. Siya ay Diyos ng katotohanan kaya naman ang lahat ng kanyang mga sinambit na mabubuting bagay para sa atin ay kanyang tutupdin isa-isa. Hinding-hindi niya hahayaang madungisan ang kanyang banal na ngalan kaya naman mananatili siyang tapat sa kanyang mga sinasambit.

Saturday, October 5, 2024

Imbakan ng Kaalaman at Karunungan

na sa kanya nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman.” 

Colosas 2:3 (AB 2001)



Ayon sa mga ulat ng Matandang Tipan, si Haring Solomon ay may taglay na pambihirang kaalaman at karunungan. Siya ay naging bantog dahil dito kaya naman may mga taong naglalakbay mula sa malalayong lupain upang mapakinggan lamang ang lalim at lawak ng kaalaman at karunungan ni Haring Solomon. Ang mga hari mula sa malalayong mga bansa ay nagpapadala ng kanilang mga kinatawan upan dumalaw sa tanyag na hari ng Israel.

Ang mga nagsisidalaw ay mga pagano. Napakaliit ng kanilang kaalaman tungkol sa Tunay at Nag-iisang Diyos ngunit sa kabila nito ay mayroon silang mataas na pagpapahalaga sa kaalaman at karunungan. Ito ay patunay na sa kaibuturan ng bawat puso, alam ng lahat na ang pagtataglay ng kaalaman at karunungan ay kaibig-ibig.

Ang nasusulat sa Colosas 2:3, kay Cristo “nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman.” Si Cristo ang imbakan. Siya ang kamalig. Ang problema ng makasalanang sangkatauhan ay kung saan-saan sila lumalapit upang magtamo ng kaalaman at karunungan ngunit lumalayo naman sa imbakan. Lumalayo sila sa kamalig. Ang Reyna ng Timog ay naglakbay mula dulo ng daigdig upang mapakinggan lamang si Haring Solomon samantalang ayaw lumapit ng mga tao kay Jesus na higit kay Solomon. (Luke 11:31)

Mga kapatid, maaaring hindi tayo matalino at marunong ayon sa pamantayan ng sanlibutan. Maaaring hindi ganun kataas ang ating pinag-aralan. Ngunit kung ikaw ay nakay Cristo, ang imbakan ay bukas. Ang kamalig ay bukas. Sa pagtuturo at paggabay ng Banal na Espiritu, tayo ay nakikibahagi sa kaalaman at karunungan ng Diyos.

Friday, August 16, 2024

☠️ Pura Luka's Ama Namin, Paris Olympics' Last Supper, and the Concept of Deathworks


This post is a follow-up to what has been built in yesterday's post: radical changes are taking place not just in the Western world but also in Philippine social imaginary. The proof we presented is how the public receives the statement "I am a woman trapped in a man's body." In 1987, it was used in the film Jack & Jill with the intent of making moviegoers laugh. Fast forward to 2024, the same declaration is now considered serious and sensible.

You have seen their blasphemous spoof attempts: Pura Luka on Ama Namin and the Paris Olympics organizers on the Last Supper. Maybe you were one of those who protested in righteous indignation. I think we have not seen anything yet. The worst is yet to come. 

Any society moving towards secularization must use the arts to change the public social imaginary. Only a few read the theories of the philosophers. The greater number of people are changed through the arts. Only a few Filipinos were directly exposed to the writings of Jean Jaques Rousseau but a decade and a half of Vice Ganda on Philippine TV reached saturated the hearts and minds of many. Only a few could could grasp the ideas of David Hume but everyone who listened to Gloc-9's Sirena understood what he was saying. 

The power of arts in changing the moral structure of the society is taken to a higher level in Philip Rieff's (1922-2006) concept of "Deathworks". What is a "deathwork"? It is a work of art that assaults the objects of admiration of established cultures. Assaulting the Lord's Prayer (Ama Namin) is one example. The same is true in assaulting the Last Supper.

In his book The Rise and Triumph of the Modern Self (Crossway, 2020), Carl R. Trueman explains:

 ❝deathworks are powerful because they are an important factor in changing the ethos of society, of altering that social imaginary with which, and according to which, we live our lives. Deathworks make the old values look ridiculous. They represent not so much arguments against the old order as subversions of it. They aim at changing the aesthetic tastes and sympathies of society so as to undermine the commands on which that society was based.❞

Jack & Jill and Social Imaginary

 


After reading Carl Trueman's The Rise and Triumph of the Modern Self (Crossway, 2020) and listening to a few of his lectures and interviews, this is how I understand Charles Taylor's concept of "social imaginary" at the moment.

Social imaginary is the way ordinary people "imagine" the world. This is often not expressed in theoretical terms. It is acquired less likely by deep thinking over ideas but mostly by sharing in the collective intuitions of the crowd. It is carried largely in visual arts, stories, movies, music, etc.

Theories are often in the possession of a small minority (a few intellectual elites). In contrast, social imaginary is shared by the society's majority if not the whole of it. It dictates what practices in the society are acceptable and which ones are unacceptable. It is the way we as a society look at the world, make sense of the world, and make sense of our behavior within it.

Let's take this statement as an example: "I am a woman trapped in a man's body." I first heard the statement as a small kid in the late 1980s from the character of Jill in the movie Jack & Jill (portrayed by Sharon Cuneta and Herbert Bautista respectively). It was a comedy film. It was intended to make moviegoers laugh. The fact that the statement is now considered serious and sensible indicates that in a short period of time, radical shifts are taking place not just in the Western world but in the Filipino social imaginary as well.

Sunday, June 30, 2024

Ang Diyos na Maawain

PASSAGE: 2 SAMUEL 24:14

Then David said to Gad, “I am in great distress. Let us fall into the hand of the Lord, for his mercy is great; but let me not fall into the hand of man.”

Malalim ang unawa ni Haring David tungkol sa pagkamahabagin ng Panginoon. Ang pangungusap na ating binasa ay sinambit ni David noong siya ay pinapapili kung anong parusa ang gusto niya. Parusa dahil malaki ang pagkakasala niya sa pagsasagawa ng isang unauthorized census. Ang mga pagpipiliang parusa ay ang mga sumusunod:

  • A. Tatlong taong taggutom sa buong lupain.

  • B. Tatlong buwan na siya ay hahabol-habulin ng kanyang mga kaaway.

  • C. Tatlong araw ng salot na ikakamatay ng marami sa buong kaharian.

Pili na David. Pili na!

Labis na nabalisa si Haring David sa pagpili ngunit sa huli ay tinanggihan niya ang pangalawang parusa. Mas ninais niya na magdusa sa kamay ng Panginoon keysa sa kamay ng mga kaaway. Bakit? Dahil unawa niya na masakit man magparusa ang Panginoon, taglay pa rin niya ang katangiang pagkamahabagin. Mayamang habag. Saganang awa. Isang bagay na hindi mo masasabi tungkol sa sinumang tao.

70,000 ang namatay mula Dan hanggang Beersheba, at noong susunod na sana ang lungsod ng Jerusalem ay napatunayang hindi nagkamali sa pagpili si David. Sabi ng Panginoon, “Tama na. Sapat na ang parusang iyon.” Ipinamalas nga ng Diyos na siya ay maawain sa isang bayang karapat dapat sa parusa.

Sa mga mananampalatayang dumaranas ng sari-saring pighati, ang paalala ni Pablo sa atin ay ang ating Ama sa langit ay Father of mercies and God of all comfort” (2 Cor. 1:3). Ang kanyang trono na ating nilalapitan sa tuwing tayo ay nananalangin ay tinatawag na “throne of grace” at ang mga nagsisilapit ay tumatanggap ng awa at nakakasumpong ng grasya sa oras ng pangangailangan (Heb. 4:16).

Higit sa lahat, ang pagkamaawain ng Diyos ang siyang nagdala ng kaligtasan sa bawat mananampalataya. Ayon sa Titus 3:5, tayo ay kanyang iniligtas hindi dahil sa ating mabubuting gawa. Hindi ito dahil sa ating pagiging matuwid. Bagkus tayo ay kanyang iniligtas ayon sa kanyang awa.

Sunday, June 9, 2024

God is Love; God is Just

 

PASSAGE: Romans 3:25 ESV

[Jesus Christ] whom God put forward as a propitiation by his blood, to be received by faith. This was to show God's righteousness, because in his divine forbearance he had passed over former sins.

Let me begin this exhortation by reminding us of two things about God:

  • First, God is love and so he doesn’t want anyone to perish.

  • Second, God is just and justice demands that penalty for every sin.

Since God is just, it is but right that he should be wrathful against sin. But to save his people whom he loves he gave his Son, Jesus Christ. Jesus shed blood and gave his life— he died on the cross to provide what? “Propitiation”. This word basically means a sacrifice that turns wrath into favor.

Why did God do this? The second half of the verse says that is is meant to show that God is righteous. For in the ages past particularly in the Old Testament times, God in his forbearance just passed over sins. But how could a just God ignore sins? How could he be righteous if he allows sins to go unpunished? Is he like a trial court judge paying lip service to justice then acquits the wrongdoers? Of course not!

The penalty for sin has been paid for, but it is God himself who provided the payment for sin. He sent his Son Jesus, the Sinless One, to take upon himself all the punishment that the sins of his people deserve.

  • God is love; it is proven at the cross.

  • God is just; also proven at the cross.

It is for these proven truths that we could altogether sing:

Because the sinless Savior died

My sinful soul is counted free

For God the Just is satisfied

To look on Him and pardon me (2X)

(~Before the Throne Above)


Friday, May 17, 2024

Takbo pa, kapatid, takbo! (Hebreo 12:1-3)

 

Photo Credit: Pixabay

Ang mga unang pinadalhan ng Aklat ng Hebreo ay mga mananampalataya na hirap na hirap na. Dahil sa pananampalataya kay Hesus, ang ilan sa kanila ay nabilanggo. Dahil sa pananampalataya kay Hesus, ang ilan sa kanilang mga pag-aari ay sinamsam. Dahil sa pananampalataya kay Hesus, sari-saring anyo ng pag-uusig ang kanilang naranasan. Sila ay sususko na. Malapit na nilang talikuran si Hesus at bumalik na lamang sa dating relihiyon na Judaismo.

Sa Banal na Nasusulat na ating binasa, sila ay hinihikayat ng manunulat na magtiis at magpakatatag. Sila ay binibigyan ng pampalakas-loob upang tapusin ang mahabang marathon upang sila ay mangagsitakbo hanggang sa dulo.

Sa Kabanata 11 ay binanggit ang mga naunang mananakbo na nagsisilbing mga halimbawa ng pagtitiis at pagpapakatatag sa pananampalataya sa kabila ng lahat ng hirap tulad ni Abraham, Moises, at marami pang iba.

Sila ay dapat nating tularan sa pamamagitan ng pagsasantabi ng lahat ng mga pabigat na pumipigil sa atin upang sila ay makatakbo ng matulin. Sila ay hinihikayat na iwaksi ang lahat ng mga kasalanang kumakapit at pumupulupot sa mga mananakbo (12:1).

Sa ikalawang taludtod ay ang panghihikayat na ituon ang paningin kay Hesus. Siya ang pinakadakilang halimbawa ng pagtitiis at pagpapakatatag. Hindi niya inalintana ang hirap at kahihiyan ng kamatayan sa krus dahil alam niyang kasunod nito ay ang kagalakan ng kaluwalhatian ng pag-upo sa kanan ng trono ng Ama.

Gayundin ay totoo sa bawat nagtitiis at nagpapakatatag sa pananampalataya: may kagalakang naghihintay sa dulo ng marathon.

Mga kapatid, ang mga pag-uusig at iba pang mga hirap na dinaranas ninyo ngayon ay hindi na bago. Pinagdaanan na ng mga sinaunang mananampalataya ang mga ‘yan. Ang mga bagay-bagay na nagdudulot ng panghihina at panlulupaypay ng inyong pananampalataya ay naranasan na ng mga nauna sa atin. Kaya naman ang salita ng Diyos sa kanila ay siya rin namang salita ng Diyos para sa atin. Tanggalin ang lahat ng mga pabigat na pumupulupot sa atin upang walang hadlang sa ating pagtakbo. Tularan ang mga unang mananakbo. Ituon ang paningin sa halimbawang ipinakita ni Hesus sa krus.

Takbo pa, kapatid, takbo! Sa dulo ng marathon ay may kagalakang naghihintay para sa iyo. Magpatuloy sa pananampalataya! Magpatuloy sa paglilingkod! Magpatuloy sa pagsamba!

Thursday, April 18, 2024

Ultimate Beauty (Psalm 27:4)


Ultimate beauty is spiritual, not physical. In saying this, I am in no way denying the presence of beauty in the physical world. We can all testify to the breath-taking pleasure we felt upon beholding the physical creation: the moon and the stars. The sunrise. The sunset. The meeting of the sand and the waves in the beach. The mountains, the birds, the trees, and the flowers. Its not hard to find here a husband who is willing to testify of how he was mesmerized by the physical beauty of the woman he married.

The statement “Ultimate beauty is spiritual, not physical” is grounded on the truth that God is a spirit and he is incorporeal— he has no body and he is not composed of matter. Though God has no body and is not composed of matter, God is the most beautiful of all. He is not only the most beautiful of all; he possesses all beauty and excellency in infinite measure. And there’s more: as the Creator and Sustainer, he is the source of all beauty that could be found in the created order. If something could be rightly called beautiful, it is because God gave such beauty.

At the incarnation, the Son of God who was without body and uncomposed of matter took upon himself a human body. We can name multiple reasons for the incarnation but surely one of the central reasons is that he may be offered on the cross as a sacrifice. Yes, he who is infinitely beautiful was given a body so he could be pierced, wounded, crushed and murdered. Through the sacrifice of the body of Jesus, the elect were made holy once for all (Hebrews 10:10).

How then shall we respond? We can respond by being vocal in our appreciation of the beauty of the gospel in songs and in conversations. As we do so, we make our feet beautiful as it is written, “How beautiful are the feet of those who bring good news!” (Romans 10:15). We can respond by resolving in our lives and songs that we will not trade the adoration of the ultimate beauty to lesser beauties.

Come let us rise and worship him who is ultimately beautiful.