Tuesday, November 29, 2016

The Treasures We Ought to Gather (Matthew 6:19-21)


A screen shot on The NIV 50th Anniversary app by Tecarta.
In the Holy Scriptures, we meet men of God who are well-to-do.

Abraham was abundant in livestock, silver and gold (Gen. 13:2). Before he was given a son, his frustration was the absence of an heir except his servant Eliezer (Gen.15:2-3).

When there was a severe famine in the land, Isaac was compelled to migrate in the land of the Philistines. There the Lord blessed his endeavors in agronomy and animal husbandry. On his first year of farming alone, his cropped yielded a hundredfold. It was like investing a hundred thousand pesos and by the end of the year, he earned a million. He grew so wealthy that the Philistines envied him. Eventually, their leader begged Isaac to move somewhere else because Isaac "have become too powerful". Perhaps they feared the great number of his servants could be transformed into a private army thus a treat to them all. (Gen. 26:12-15)

Then there was Job. After surviving the great test, he was made richer than before. He accumulated 14,000 sheep + 6,000 camels + 1,000 cows + 1,000 donkeys.

If we could spend more time going through the Scriptures, I'm sure we could find more of such servants of God who were well-to-do. I therefore conclude that one could be wealthy and godly at the same time. We can condemn the "health-and-wealth gospel" as a false teaching without demonizing those who are blessed with the skill of growing wealth.

Aside from giving us accounts of godly people who were wealthy, the Holy Bible also encourages diligence (Prov. 10:4), enterprise (Prov. 31:16), investments (Luke 19:22), and saving for future needs (Prov. 6:6-8).

But there is a kind of wealth-gathering that is harmful to our souls so Jesus instructed his audience to stop1 it. I see three things from our text:

1. IT IS A SELFISH FORM OF WEALTH GATHERING


NIV: "Do not store up for yourselves treasures on earth... "
ESV: "Do not lay up for yourselves treasures on earth..."
HCSB: “Don’t collect for yourselves treasures on earth..."

What's common in the translations above? They all point to a self-centered kind of wealth-gathering2. Selfishness is never ever God's intention to those whom he has entrusted wealth. Rather, what he wants them to learn is to do various good deeds and to be kind to those in need (1 Tim.6:17). He also wants them to know that wealth spent on doing good unto others is never wasted for it earns better rewards in the life to come (1 Tim. 6:18).

2. IT IS A VIEW OF POSSESSIONS THAT HAS NO ETERNAL PERSPECTIVE

There are two kinds of treasures in the Lord's teaching. First, are the treasures on earth. The second one is treasures in heaven. What is being corrected here is the zealous collection of the first kind of wealth without giving value to the second kind. It is a view of possessions that ignores eternal and spiritual things. It is focused only on things that are visible to the physical eyes. We will identify this as materialism: "The theory or doctrine that physical well-being and worldly possessions constitute the greatest good and highest value in life."3

Materialism is foolish because:
i. Our earthly possessions won't last forever. They could be ruined or stolen (Matt. 6:19)
ii. Upon death, we cannot bring them with us (1 Tim. 6:7)
iii. It leads to the practice of various evil deeds (1 Tim. 6:9-10)
iv. It is contrary to the very essence of the Christian faith which values unseen things above all (2 Cor. 4:18)

3. IT IS A SYMPTOM OF MISPLACED LOVE AND DEVOTION

"For where your treasure is, there your heart will be also." (Matthew 6:21)

Whom are we suppose to love above all? To whom are we suppose to offer our most passionate devotion? Of course you know very well that it should be unto God. We are to love him with all our hearts, souls and minds (Matt. 22:37). But if that love and devotion is dedicated to earthly treasures, it just shows that we are offering our worship to created things, not the Creator. Preoccupation on treasures that will not last is a symptom of misplaced loved and devotion.

It is vital that we understand what the word "heart" means in 6:21. Most of the time, we understand it to mean as the muscle inside our chest that pumps blood all-over the body. But for the ancient Jew, it could mean "the center or focus of man's inner personal life. The heart is the source, or spring, of motives; the seat of the passions; the center of the thought processes; the spring of conscience.4" And this is what was intended here.

The heart is the center of our personality. It encompasses the mind, emotion, and will. The heart dictates what will come out of the mouth (Matt. 12:34-35). An evil heart moves a man to do all sorts of evil acts (Mark 7:21-22). No wonder the wise father counseled his son to guard the heart, for it is the wellspring of life. It is the starting point of all our acts (Prov. 4:23).

When Jesus said "for where your treasure is, there your heart will be also", what he meant was whatever you adore above all shall control your life. D.A. Carson puts it this way: "... the most cherished treasure subtly but infallibly controls the whole person's direction and values.5" (EN5)

  • Where do you go when you have the freedom and the time?
  • What do you do when there are no restraints?
  • What do you imagine when you think nobody knows what you imagining?

All these are determined by what your heart treasures.

Sometimes we think we can give half of our hearts to the Lord, and the other half to the world. But it doesn't work that way. The heart cannot be in two places at the same time-- it can only stay at the
place where its treasure is.

So how shall I start storing treasures in heaven? The good news is this: the Lord takes notice of every good deed done in His name. We can start by taking to heart what is already here in the current chapter we are tackling. The Lord rewards...
  • publicly unknown help to the needy (Matt. 6:4)
  • publicly unknown prayer (Matt. 6:6)
  • publicly unknown fasting (Matt. 6:18)
And once he sees your deeds done in his name, he will never forget them (Heb. 6:10). They will never be in vain (1 Cor. 15:58). These are the treasures we ought to gather. Go and start filling your vault in heaven.

------------
ENDNOTES:
1. Daniel Wallace observes that the grammatical construction in Matt. 6:19 "either expresses a command to stop an action already in progress or establishes a general precept". (Greek Grammar Beyond the Basics; Zondervan, 1996). Charles Quarles surveyed Matthew's Gospel and concludes that Jesus intended the former nuance. He remarks "Several features in Matthew suggest that Jesus observed that His disciples were too focused on earthly treasures and that His prohibition called them to change their priorities" (see Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church; B&H Academic, 2011)

2. D.A. Carson, "Jesus is concerned about selfishness in misplaced values." (EBC Volume 8, 1st edition; Zondervan, 1984)

3. American Heritage Talking Dictionary (The Learning Company, 1997)

4. Owen Rupert Brandon ("Heart" in Evangelical Dictionary of Theology, 1st edition; edited by Walter Elwell; Baker Books 1984)

5. D.A. Carson, ibid

Friday, October 21, 2016

Si Propeta Elias at ang Babaeng Balo sa Zarephath (1 Kings 17:8-16)


 
Namulot ng mga piraso ng kahoy ang babae bilang panggatong. Akala niya, minsan na lang siyang magluluto at kakain sa huling pagkakataon pagkatapos ay mamamatay na sa gutom.

Nasa abroad si mister; nasa Pilipinas si misis. Habang nag-uusap sila sa pamamagitan ng Skype isa-isang binabanggit ni misis ang mga dapat gastusan ng kanilang pamilya. Ang sagot ni mister: “Alam mo darling, minsan lang sa isang buwan ang suweldo dito.” Maliban sa iilan na labis ang kinikita, ito ang suliranin ng karamihang pamilyang Pilipino. Mahirap pagkasyahin ang budget sa dami ng gastusin: pagkain, kuryente, upa sa bahay, matrikula at baon ng mga bata, gamot ng mga maysakit, at kung anu-ano pa. Ang kahirapan sa buhay ay yumayanig sa ating pananampalataya at kung hindi mababantayan, baka tayo ay tuluyang manghina.

Ang bahagi ng kasulatan na tatalakayin sa paskil na ito hango sa buhay si Elias, isang propeta ng Diyos. Siya ay naglingkod bilang propeta sa panahong ang bansa ay nasa ilalim ng isang haring ubod ng sama, si Haring Ahab. At hindi pa siya nakuntento sa kanyang kasamaan, kumuha pa siya ng first lady na masama-- isang dayuhan na nagngangalang Jezebel. Sa ilalim ng pamumuno ng mag-asawa ay hinatak nila ang buong bansa sa kasamaan tulad ng pagsamba kina Baal at Asherah. Ito ay mailalarawan bilang conjugal reign of wickedness.

Bilang propeta ng Diyos, si Elias ang humarap sa kanya at idineklara niya ang mahabang tagtuyot: walang ulan ni hamog. Nagalit ang hari; nanganib ang buhay ni Elias. Siya ay inutusang magtago at manatili sa tabi ng isang batis. Dito pa lang ay makikita na natin ang pagtutustos ng Panginoon sa kanyang mga pangangailangan. Umaga at hapon, ang mga uwak ay inutusang maghatid ng pagkain kay Elias. Kung saan sila kumuha ng supply ay nananatiling misteryo hanggang ngayon. Doon na rin sa batis umiinom ng tubig si Elias.

Pero dahil wala ngang ulan ni hamog, natuyuan rin ang batis. Panahon na upang lumipat ng kuta. Si Elias ay ipinadala ng Panginoon sa tahanan ng isang babaeng balo at isang munting bata. Wika ni Hesus, maraming babaeng balo sa Israel sa panahon na iyon, ngunit hindi ipinadala si Elias sa kanila. Sinadya ng Diyos na pumili ng isang Hentil sa lupain ng Sidon. It was by God's sovereign choice! Puwede naman siyang pakainin ang kanyang propeta sa ibang kaparaanan. Ngunit ipininadala si Elias sa tahanan ng babaeng ito dahil may gagawin ang Diyos sa buhay ng mag-ina.

Inabutan niya ang babae na namumulot ng panggatong. Humingi ng maiinom si Elias. Pupunta na ang babaeng balo upang kumuha ng maiinom, subalit may pahabol na kahilingan ang propeta: isang piraso ng tipanay. Sagot ng niya, "Saksi si Yahweh, ang inyong buhay na Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay." (v.12)

Kung kayo ay gutom at ipapadala kayo ng Panginoon sa isang pamilya, aasahan ninyo siguro na sa marangyang pamilya kayo idadako. Lumalabas dito na ang gutom na si Elias ay ipinadala ng Panginoon sa isang mag-inang dukha. Ang inaasahan ng babae, magluluto na lang siya ng minsan at huling hapunan na iyon.

Subalit nagpakita pa rin ng pananampalataya ang babae:

1. Kinilala niya na ang Diyos ni Elias , ang Diyos ng Israel bilang siyang tunay na Diyos. Wika niya: "Saksi si Yahweh, ang inyong buhay na Diyos" (v.2). Siya ay hindi naman Israelita. Iba ang kinalakihan niyang kultura at relihiyon, ngunit kumbinsido siya na ang Diyos ng Israel ay ang siyang tunay.

2. Sumunod siya sa bilin ni Elias at kinilala niya ito bilang propeta ng Diyos. " Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang maliit na tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo. " (v.13). Isipin mo ang kalagayan ng babae. Kakarampot na harina na lamang ang hawak mo at biglang may susulpot na dayuhan na makikihati pa sa anong meron ka. Mahirap magbigay sa ganitong kalagayan.

Ngunit dahil kinilala na niya ang Diyos ng Israel bilang tunay na Diyos, kasunod noon ay ang pagtanggap sa propeta ni Yahweh. Ang gawaing ito ay kasiya-siya sa paningin ng Diyos (Mateo 10:41). Ipinagluto niya si Elias, dahil pinanghawakan niya ang pangako ng Panginoon sa v. 14: "Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan."

Tinupad ba ng Panginoon ang kanyang pangako? Heto ang pagpapatuloy ng salaysay:
vv. 15-16 "Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at hindi naubos ang pagkain ni Elias at ng mag-ina sa loob ng maraming araw. Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias."

Huwag ninyong iisipin na sa araw mismo na iyon ay biglang nagkaloon ng santambak na dami ng harina sa bahay ng babae. Huwag ninyong iisipin na bigla na lang nagkaroon ng balde-baldeng dami ng langis sa kusina. Yung dating sisidlan pa rin ng harina ang gamit nila at kung titignan mo araw-araw ay kakapiranggot lang ang laman. Yung dating sisidlan pa rin ng langis ang gamit nila at kung titignan mo araw-araw ay iilang patak lang ang laman. Maaaring ito ang araw-araw na tanong ng babae, “Meron ba kaya bukas?”. Araw-araw, napapatibay rin ang pananampalataya ng babae at ng bata.

Sa ating kalagayan, huwag nating iisipin na kailangang magbigay ng milyon-milyong pera ang Diyos para masabing pinagpala tayo. Huwag natin iisipin na kailangang puno lagi ang refrigerator bago tayo maniwalang “the Lord provides!”. Ang araw-araw na pagtutustos niya sa ating mga pangangailangan at napagkakasya natin ito ng hindi inaasahan ay sapat ng dahilan upang mamangha tayo sa kagandahang-loob niya. Ito ay kanyang paraan upang turuan ang puso natin na magtiwala.

At kung babalikan natin ang sinabi ng Panginoon, maraming babaeng balo sa Israel pero ang pinili ng Diyos padalhan ng grasya ng kaligtasan ay isang babaeng Hentil (Lucas 4:25-26). Isipin rin ninyo ang ginawa ng Panginoon sa buhay ninyo: hindi ba doon sa baranggay ninyo, maraming mga tahanan? Hindi ba marami kayong mga kapitbahay? Sa dinami-dami ng mga tao doon, iilan lang ang bilang ng mga mananampalataya.

If he has sent to your home the blessing of salvation, which is the greatest blessing of all, will you not trust him to give you the lesser blessings like food, shelter and clothing?

Romans 8:32--  He who did not spare his own Son, but gave him up for us all--how will he not also, along with him, graciously give us all things?”

Monday, May 9, 2016

A Christian Foothold in the Emperor's Home


Nero was Rome's emperor when the epistle to the Philippians was written.
You come to minister to a brother who is going through a difficult time. You thought that somehow the circumstances might weaken his faith. So you visit him so you could at least contribute something to make him strong. No doubt, your labor was not in vain. You did help in strengthening him. God saw your love for your brother so his favor is upon you. But you know you have been to a specially strong Christian when after ministering to him, you realize that you were the one who received more strength.

Paul was such a person. Paul and the Philippians were certainly going through difficult times because of the opposition to the  gospel. Yet Paul's condition was the worse since at that time he was in prison. Yet his joy in the Lord never faded. He prayed with joy for the evidence of God's work in the Philippians (1:3; 3 John 1:4). He rejoiced because his imprisonment lead to the advancement of the gospel (1:13ff.). The one who was in greater trouble urged everyone to rejoice (3:1, 4:4).

I would like to point you to a small verse easily overlooked. For us modern readers, it was a not so obvious way of encouraging the Philippians, but I guess it easily caught the attention of the original recipients of this letter.
“All the saints greet you, especially those who belong to Caesar’s household.” (4:22)
Philippi was a Roman colony. Believers there were experiencing opposition from the followers of the emperor.The joyful surprise of this verse is this: Christianity has established a foothold in the enemies' headquarters!!! Gordon Fee comments:
"Household would include household slaves as well as family members, but in either case it refers in particular to those who actually lived in Nero's palace in Rome..."1
Some of these were converts through Paul's ministry (1:13) and some through the ministry of others.

The 19th century New Testament scholar J. B. Lightfoot found some striking parallels between the names Paul listed in Romans 16:8–15 and the names of members of the Caesar’s household coming from the same era. He concludes,
“As a result of this investigation, we seem to have established a fair presumption, that among the salutations in the Epistle to the Romans some members at least of the  imperial household are included.”2
At the center of the persecution source, they have been gaining victory. Even in the very residence of the emperor, the Holy Spirit is in action. The gospel has infiltrated the tightly secured palace. There is a rebellion to the emperor's "lordship" even under his own roof. The powerful word of God destroyed the palace's defense system.

In the opposition's territory, there were true saints. The emperor set them apart to serve him. Yet the Holy Spirit set them apart to serve a different king.

Out of this verse, I suggest two life applications:
1. Be assured that the work of the church is not futile. Even if our conditions seems to indicate that we are at the losing end, the message of salvation is advancing. Our Lord is a mighty warrior, no opposition can win against him. "The gates of Hades" cannot prevail against the church (Matt. 16:18)

2. Be emboldened in your personal walk. For the same Spirit who is at work for the victory of the church over opposition, is also the same Spirit who works in your personal battles. The Lord our Mighty Warrior transforms us into conquerors like him, that we may persevere in the faith even against all the opposition (Rom. 8:37-38)

-----------
ENDNOTES:
1. Gordon Fee, Philippians (IVP New Testament Commentary) 
2. J. B. Lightfoot, St. Paul’s Epistle to the Philippians (cited in John Macarthur's Philippians, Macarthur New Testament Commentary)

Friday, April 8, 2016

Ang Lunas sa Kamatayan


Tantsa ko'y mahigit dalawang dekada na ang lumipas. Sa column ni Dr. Charles Chante sa Philippine Star, tinalakay ang mga bagong tuklas na paraan ng panggagamot. Patuloy ang pagsulong ng katalinuhan ng tao at maya't maya ay may bagong teknolohiyang natutuklasan upang gamutin ang ibat ibang karamdaman. Sa pagtatapos ng kanyang artikulo, kanyang ipinahayag ang kanyang optimismo na balang araw ay matutuklasan ang lunas sa lahat ng karamdaman at maging ang kamatayan ay magagamot na rin. Posible raw na maging imortal ang tao dahil sa patuloy na pagsulong ng kaalaman sa larangan ng medisina.

Bilang isang tao na dumaan rin sa ibat ibang malulubhang karamdaman, ako ay nagpapasalamat dahil sa lahat ng biyayang ating nakamtan bunga ng pagsulong ng agham at teknolohiya. Kung wala ang mga antibiotiko na ipinainom sa akin o itinurok sa aking katawan, malamang matagal na akong pumanaw.  Sandaang taon na ang nakalipas, ang inaasahang haba ng buhay (life expectancy) ng isang sanggol na bagong silang ay 31 anyos. Sa ating kapanahunan, ito ay 67. Ganyan kalaki ang ating pakinabang sa pagsulong ng kaalaman sa medisina.

Ngunit ang tanong, totoo kaya ang sinasabi ng kolumnistang doktor na iyon na magagamot ng teknolohiya ang kamatayan pagdating ng panahon? Sa katanungan pong iyan, tayo ay tutungo sa Bibliya para sa kasagutan.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit namamatay ang tao?
Ayon sa Bibliya, ang ugat ng ating kamatayan, ay kasalanan. Nang magkasala ang ating mga unang magulang sa Hardin ng Eden, ang isa sa mga parusang ipinataw sa kanila sa atin na kanilang mga inapo ay kamatayan.

Gen. 3:19 -- "Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin."

Rom. 5:12 -- "Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala."

Rom. 6:23-- "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan"

At ang kabayaran ng kasalanan ay hindi natatapos sa pagkalagot ng hininga. Sa Pahayag 21:8 ay may tinutukoy na ikalawang kamatayan-- ang pagtapon sa lawa ng apoy at asupre na mas kilala ng mga tao sa tawag na impiyerno, kung saan ang parusa ay walang katapusan.

Sa kabilang banda, may tama naman ang manggagamot na yun. Totoo naman na may lunas nga sa problema ng kamatayan. Subalit ang lunas sa kamatayan ay hindi produkto ng pagsulong ng kaalaman ng tao sa agham at teknolohiya. Bagkus, ito ay  nakasaad mismo sa aklat na ibinigay sa atin ng Diyos na siyang may akda ng buhay

Kung pag-uusapan ang lunas sa kamatayan, kailangang pag-usapan rin ang ugat ng kamatayan. Iyan ay ang kasalanan. Ang problemang ito ay hindi kayang gamutin ng mga tableta at mga kapsulang nabibili sa Mercury Drug o iba pang mga botika. Ang suliranin na ito ay hindi malulutas sa St. Luke's o iba pang mga ospital. Mas malalim na paggagamot ang kailangan sapagkat ito ay isang ispirituwal na suliranin.

Ano nga ba ang kasalanan?

  • Ang kasalanan ay ang pagbabalewala sa kalooban ng Diyos; ito ay paglabag sa mga utos, sa mga tuntunin ng Panginoon. Sa tuwing isinasantabi natin ang utos ng Diyos, at ang nasusunod ay ang nais natin o ang nais ng Diyablo, tayo ay nagkakasala. (1 John 3:4)
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing hindi natin ginagawa ang alam nating tama (James 4:17)
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing may sinasambit tayo na hindi dapat sambitin. Sa Mat. 12:36, nakasaad na pananagutan natin ang bawat salitang ating binigkas nang walang pag-iingat.
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing meron tayong iniisip na 'di kalugod-lugod sa Diyos, tulad ng pag-iisip ng mahalay (Matt. 5:28) o pagtatanim ng galit sa kapwa (Matt. 5:22)

Maraming paraan ng pagkakasala at ang sinumang magsabing wala siyang kasalanan ay di nauunawaan kung ano ang kasalanan.

Ang kasalanan ay mailalarawan din bilang kawalan ng pasasalamat sa Diyos. Ang Diyos ang ating Manlilikha. Nagpakita siya ng kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay ng buhay sa atin. Ang araw na tumutuyo sa ating mga isinampay ay likha niya. Ang ulan ay ipinapadala niya sa takdang panahon upang lumago ang mga pananim at nang tayo ay may kakainin. Lahat ng ating isinusubo, nginunguya at nilulunok ay galing sa kanyang mapagpalang mga kamay. Siya ang dahilan kung bakit humihinga ka pa hanggang ngayon. Siya ang dahilan kung bakit pumipintig pa rin an iyong puso at dumadaloy pa rin ang dugo sa iyong mga ugat. Napakabuti ng Diyos sa atin. Subalit ano ang ating iginanti kapalit sa lahat ng kanyang kabutihan?

Walang matuwid, wala, wala kahit isa
wala ni isang nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa sa Diyos
Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan, walang gumagawa ng mabuti,
wala, wala kahit isa. (Romans 3:10-12)

Paano maiiwasan ang kaparusahan ng kamatayan?
Ang ating mga sementeryo, nakahimlay ang maraming kakilala natin na mababait at mabubuti. Yan ay patunay na maski ang mga pinakamababait at mabubuti sa atin ay apektado rin ng kasalanan. Hindi sapat ang ating kabaitan at kabutihan upang makatakas sa kamatayan. Walang nakaabot sa pamantayan ng Diyos.

Kung ganyan kahigpit ang Diyos, na maski ang mga pinakamababait sa atin ay napaparusahan pa rin, wala na tayong pag-asa. Mamamatay tayong lahat. Mabubulid tayong lahat sa impiyerno! Mapaparusahan tayong lahat!

Kabayan, meron akong mabuting balitang ihahatid. Ito ang mabuting balita: ang Diyos mismo ang gumawa ng solusyon. Ang Diyos mismo ang nagbibigay ng lunas sa kamatayan. Ipinadala niya ang kanyang tanging anak, si Hesus. Si Hesus na kapilang na ng Ama sa simulat simula pa (Juan 1:1). Sa kanyang kalikasang Diyos, siya ay kumuha ng isa ng kalikasan, kaya naman siya ay likas na Diyos at likas na tao noong siya ay nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa. Ang Manlalalang ay bumaba at namuhay sa piling ng kanyang mga nilalang (John 1:14). Siya ay namuhay ng perpekto, walang kasalanan, walang kapintasan.

Siya ay ipinadala dito ng Ama upang saluhin ang kaparusahan ng mga kasalanan para sa lahat ng sasampalataya sa kanya. Noong siya ay dinakip, at dumaan sa paglilitis na salat sa katarungan.  Siya'y pinarusahan sa krus, sa katuparan ng tagna:

Isaiah 53:5"Sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniiis niya ang nagbigay sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, gumaling tayo." (punahin ang HEALING language)

Siya ay namatay, ngunit hindi siya nanatiling patay. Sa ikatlong araw ay muli siyang nabuhay. At ito ay isang kuwento na kathang-isip. Unang-una, daan-daang taon bago ipinanganak si Hesus, hula na ng kasulatan na hindi siya hahayaang mabulok ng kanyang Ama (Awit 16:10). Pangalawa, si Hesus mismo, bago pa man siya namatay, inihula na niya na kung iguguho ng mga kaaway ang kanyang katawan, muli niya itong itatayo sa ikatlong araw (John 2:19). Pangatlo, maraming saksing nakakita na siya ay namatay, inilibing at muling nabuhay. Sa ulat ng Apostol Pablo, may 500 saksi na nakakita na nabuhay siyang muli.

Bakit mahalagang paniwalaan na si Kristo ay muling nabuhay? Dahil ito ang garantiya na mabubuhay din muli ang mga sumusunod sa kanya. Sa katuruan ng bibliya, kung paano pumasok sa sanlibutan ang kamatayan sa kasalanan ni Adan, ganun rin naman papasok ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng matuwid na si Kristo.

1 Corinto 15:22, Kay Adan, lahat ay mamamatay. Kay Kristo, ang lahat ay mabubuhay.

Ito na nga ang lunas sa kamatayan para sa lahat ng nananampalataya kay Hesus at sa kasapatan ng kanyang sakripisyo sa krus--- pananampalatayang kalakip ang pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.

Wednesday, March 2, 2016

Ang Lakad ni Enoch

"Enoch walked with God, and then he disappeared because God took him away." (Genesis 5:24, NET Bible)

"By faith Enoch was taken up so that he did not see death, and he was not to be found because God took him up. For before his removal he had been commended as having pleased God. Now without faith it is impossible to please him, for the one who approaches God must believe that he exists and that he rewards those who seek him."
(Hebrews 11:5-6, NET Bible)
 -----
"Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay MAMAMATAY KA" (Gen. 2:17), babala ng Diyos sa ating mga unang magulang sa hardin. Binale-wala nila ang babala at mas pinaniwalaan ang panlilinlang ng ahas. Kaya naman ipinataw sa tao ang parusang ito: "Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin." (Gen. 3:19). Pagdating sa ikalimang kabanata ng Genesis, naroon ang talaan ng mga pangalan nina Adan at ng mga inapong sumunod sa kanya:
  • Sa gulang na 930, si Adan ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 912, si Seth ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 905, si Enosh ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 910, si Cainan ay bumalik sa alabok.
  • Sa edad na 895, si Mahalalel ay bumalik sa alabok.

Wala tayong oras at espasyo para isa-isahin ang mga pangalan. Sapat na ang sabihin na mula sa unang pangalang nabanggit hanggang sa huli, silang lahat ay bumalik sa alabok--- MALIBAN SA ISA!!! Si Enoch ay umabot sa gulang na 365 at ang pagkakasabi sa talata 25, sa gulang na iyon siya ay nawala (wala nang nakasulyap pa sa kanya) dahil kinuha siya ng Diyos. 

Sa pagbuklat natin sa Bagong Tipan, mas nabigyang linaw ang nangyari sa kanya: "... si Enoch ay hindi nakaranas ng kamatayan. Hindi na siya nakita sapagkat kinuha siya ng Diyos." (Heb. 11:5).

Ito ang unang pahiwatig ng Bibliya na ang parusang kamatayan na ipinataw sa sangkatauhan ay maaaring matakasan. Ang tao na bihag sa kuko ng kamatayan ay maaaring makaalpas. Ngayon at kumpleto na ang kapahayagan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya, unawa natin na ang pagbabalik sa alabok ay hindi ang ating huling hantungan. Ang huling patutunguhan natin ay sa presensya ng Diyos upang makapiling siya araw at gabi at mamangha sa kanyang kadakilaan magpakailanman.

Kung paano nalampasan ni Enoch ang parusang kamatayan ay nandun rin sa Gen 5:24. Sa buong buhay niya, siya ay naglakad kasama ang Diyos o sa talasalitaan (vocabulary) ng sumulat ng aklat ng Hebreo, ang buhay niya ay kalugod-lugod sa Diyos (Heb. 11:5). Sa buong buhay niya, wala siyang ibang inisip kundi kung ano ang magbibigay-lugod sa Diyos. Naging maingat siya sa paglayo sa mga bagay at mga gawaing kinamumuhian ng Diyos. Ang lumakad sa tuwid na daan at mabuhay ng may takot sa Diyos ang nasa puso at isipan niya. Iyan ang ikinatuwa ng Diyos kaya't siya ay kinuha nang hindi dumadaan sa kamatayan.

Maaaring magtanong ang ilan, "Akala ko ba sa pananampalataya naliligtas ang tao at hindi sa gawa? Bakit tila ang kanyang matuwid na buhay ang siyang nagbigay-lugod sa Diyos at naging daan kung bakit siya nakalaya sa parusang kamatayan? Akala ko ba 'alvation by grace through faith alone?” 

Sinagot 'yan ng may akda ng aklat ng Hebreo. Aniya, ang dahilan kung bakit ganun na lamang kaganda ang lakad ni Enoch na siya namang ikinalugod ng Diyos ay dahil sa pananampalataya. Sa teolohiya ng sumulat, imposible para sa sinuman ang makapagbigay-lugod sa Diyos kung siya ay walang pananampalataya (Heb 11:6). Kaya naman sa konklusyon niya, ang ugat ng pagkalugod ng Diyos kay Enoch ay hindi dahil sa likas siyang matuwid, kundi dahil sa may pananampalataya siya-- pananampalatayang ang dulot ay matuwid na pamumuhay.

Ito ay isang nakakagalak na katotohanan: tayo na may pananampalataya sa Diyos ay kinalulugdan niya. Hindi na bale kung hindi man malugod ang mga tao sa atin sa tuwing naninindigan tayo sa katotohan. Ang tanging may halaga, nalulugod sa atin ang Diyos.

Huling punto: ang Diyos ay nagbibigay gantimpala sa mga masigasig humahanap sa kanya (Heb. 11:6). Kung wala tayong mapapala sa paglilingkod sa Diyos, kung wala tayong mapapala sa pamumuhay nang matuwid, kung wala tayong pakinabang sa pagsunod sa Diyos--- kawawa naman tayo. Mauuwi lang pala sa wala ang lahat. Ganito rin ang saloobin ni Apostol Pablo (1 Corinto 15:19). Mabuti na lang may pakinabang tayo sa pananampalataya ayon sa Heb.11:6. Ang Diyos ay nagbibigay gantimpala sa mga humahanap sa kanya.
---------------- 
Like Enoch, walk with God, and you cannot mistake your road. You have infallible wisdom to direct you, immutable love to comfort you, and eternal power to defend you."
Charles H. Spurgeon
Morning and Evening



Tuesday, January 19, 2016

Huwag Maging Artista (Mateo 6:1-18)



Sa paggawa ng mabuti, tumitibay ang ating katiyakan na tayo nga ay mga anak ng Diyos (1 Juan 2:29). Sa pamamagitan rin ng paggawa ng mabuti, ating naluluwalhati ang ating Ama sa langit (Mateo 5:14-16). Ganyan kahalaga ang paggawa ng mabuti.

Para sa mga Hudyo, may tatlong pangunahing gawain ang isang taong matuwid i:
  • a. pagbibigay sa mga kapus-palad
  • b. pananalangin
  • c. pag-aayuno

Bagamat duda ako na ang mga ito nga ang dapat na ibilang bilang mga “pangunahing gawain”, sapat naman ang datos sa bibliya na ang mga ito nga ay mga gawaing inaasahang makita sa mga taong nagmamahal sa Diyos.

Ang problemang tinugunan ni Hesus sa mga talatang ating sinusulyapan ay ang palagiang pagnanais ng tao na maitaas ang kanyang sarili. Madalas na ang layunin sa paggawa ng mabuti ay hindi na ang pagluluwalhati sa Diyos kundi ang sila ay palakpakan ng mga nanonood.

Noong sinabi ni Hesus sa Mateo 6:1, Beware of practicing your righteousness before other people...” , ang pandiwa na ginamit na isinalin bilang “Beware” o “Be careful” ay isang present imperative. Ang utos ay pagbabantay o pagmamatyag ng walang tigil o pahinga. Ayon kay Charles Quarles:
The grammatical form implies that the disciple must continually and consciously avoid making a show of acts of righteousness since the temptation to seek personal aggrandizement is ever present.”ii
Samakatuwid, likas sa makasalanang tao ang humanap lagi ng kanyang maipagmamalaki at ipagmamayabang. Kailangang bantayan ang ating sarili sa tuwi-tuwina sapagkat naririyan lagi ang pagnanais ng laman na magmapuri sa sarili.

Ang mga Artista 
Sa aking napiling pamagat na “Huwag Maging Artista”, wala akong intensyong hubaran ng dangal ang mga taong ganito ang propesyon. Ako man ay nanonood ng ilan sa kanilang mga obra at napapahanga rin sa husay ng ilang mga artista sa kanilang sining.

Ang pamagat ay hango sa salitang Griyego na hupokrites na isinalin sa wikang Ingles bilang “hypocrites” (verses 2, 5 and 16). Ang salitang ito ay orihinal na tumutukoy sa mga artistang nagtatanghal sa entablado sa mga teatro.iii Sa isa namang Greek lexicon, ang depinisyon sa salitang ito ay “one who pretends to be other than he really is"iv Ganun naman talaga ang mahuhusay na artista: kahit maginhawa ka sa totoong buhay, napapaluha mo ang mga tao kapag nakikita nila ang iyong paghihikahos sa telebisyon; kahit ikaw ay may problemang dinadaanan, napapahalakhak mo ang mga manonood; o mabait ka naman sa totoong buhay pero nasusuklam sa iyo ang mga tao sa iyong pagganap bilang kontra-bida. Sa Kalye-serye ng Eat Bulaga, ang mga gumaganap na lola ni Yaya Dub ay mga lalake!!! 

Ganyan ang mga mahuhusay na artista. Kapanipaniwala at epektibo sa kanilang pagganap. Ang pag-arte ay isang talentong kahanga-hanga sa entablado, telebisyon at sine. Pero ang kakayahang ito ay nagiging masama kung gagamitin upang magmukhang banal sa paningin ng mga tao, tumanggap ng mga papuri at palakpak, at hindi na ang kaluguran ng Diyos ang layunin. 

Ang Logical na Istruktura ng Leksyonv 
Sa bawat gawaing tinalakay, pare-pareho ang lohikal na istrukturang ginamit ng ating Panginoon.

1. Babala na huwag gumawa ng mabuti sa layuning ikaw ay mapapurihan ng mga tao. (pagbibigay limos 6:2a/ pananalangin 6:5a/ pag-aayuno 6:16a)

2. Sa mga hindi makikinig sa babala, makukuha nila ang gusto nila ("papuri ng mga tao"), pero hanggang doon na lang yun (pagbibigay limos 6:2b/ pananalangin 6:5b/ pag-aayuno 6:16b)

3. Ang bilin na gawin ang kabutihan ng palihim (pagbibigay limos 6:3/ pananalangin 6:6/ pag-aayuno 6:17-18) 
  4. Ang katiyakan na ang Ama na nakakita ng palihim na kabutihan ay magbibigay gantimpala (pagbibigay limos 6:4/ pananalangin 6:6b/ pag-aayuno 6:18) 

Paano Magbigay sa mga Nangangailangan (Mateo 6:2-4)
Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay isang gawain na dapat gampanan ng sinumang may pananampalataya sa Diyos (Deuteronomy 15:7-11, Leviticus 19:9-10, Matthew 25:34-40). May mga ipinangako pa ngang mga pagpapala at gantimpala sa mga tumutupad nito (Deuteronomy 15:10, Proverbs 19:17, 1 Timothy 6:18-19). Ngunit meron rin namang mga gumagawa nito na hindi kinalulugdan ng Diyos. Sila yung mga nagbibigay sa layuning sila ay mapansin at parangalan ng mga tao. Hindi kaluwalhatian ng Diyos ang kanilang hangad kundi ang pagtingala sa kanila ng lipunan.

Paano sila magbigay? Inaanunsyo nila ang kanilang pagbibigay sa pamamagitan ng pagpapatunog sa trumpeta. Iba-iba ang opinyon ng mga nasangguni kong iskolar tungkol dito:
  1. May mga nagsasabi na ito ay literal na pagpapatugtog ng trumpeta.
  2. May mga nagsasabi na ito ay isang sisidlan na hugis trumpeta kung saan inihuhulog ang mga alay na salapi.
  3. May mga nagsasabi na ito ay hyperbole lamang na ginamit ni Hesus upang ilarawan ang mga taong papansin sa pagbibigay
Ang aking puso ay may pagkiling sa pangatlo: ito ay hyperbole lamang na ginamit ni Hesus pang ilarawan ang mga taong papansin sa pagbibigay. Paliwanag ni Craig Keener:
 “Although some scholars have argued that people actually blew trumpets during giving in the synagogues, Jesus probably simply uses rhetorical exaggeration to reinforce his point, as when picturing the Pharisees who swallow a camel whole but strain out a mere gnat (23:24)”vi

Para sa mga taong ganun magbigay, natanggap na nila ang kanilang gantimpala (they have received their reward in full”). Ang salitang Griyego na isinalin bilang “in full” ay apechousin na nangangahulugang "to receive something in full, with the implication that all that is due has been paid"vii . Ibig sabihin, nakuha na nila ang gusto nila: ang sila ay parangalan ng mga tao. Ngunit hanggang doon na lang yun. Wala na silang matatanggap pa na parangal mula sa langit.

Paano ang tamang paraan ng pagbibigay sa katuruan ni Hesus? Huwag ipaalam sa kaliwang kamay ang pagbibigay ng kanang kamay. Siyempre hindi literal ang kahulugan niyan. Muli, ito ay isang hyperbole. Ito ang nagkakaisang opinyon nina Charles Quarles at William Hendriksen:
the image of keeping one’s acts of goodness secret even from oneself is a hyperbole meaning that the disciple must not give so that he can pat himself on the back or applaud his own goodness.” (Charles Quarles)viii
the expression probably refers to the fact that as much as possible a person must keep his voluntary contribution a secret not only to others but even to himself; that is, he should forget about it, instead of saying in his heart, “What a good man, woman, boy, girl, am I!” (William Hendriksen)ix
Ang ating Ama sa langit ay nakakakita ng ating mga kabutihan na ginagawang palihim. May gantimpalang laan para sa atin. 

Paano Mag-ayuno (Matthew 6:16-18)
Ang orihinal na utos tungkol sa pag-aayuno (fasting) ay ibinigay kasama ng utos sa paggunita sa Day of Atonement ng mga Israelita. Higit sa pagkain at inumin ang saklaw nito. Ang utos ay deny yourselves (Leviticus 16:31; 23:27). Kaya naman may mas malawak na depinisyon (broader definition) ang pag-aayuno:
"... fasting... must not only be confined to the question of food and drink; fasting should really be made to include abstinence from anything which is legitimate in and of itself for the sake of some special spiritual purpose. There are many bodily functions which are right and normal and perfectly legitimate, but which for special peculiar reasons in certain circumstances should be controlled. That is fasting." (Martyn Lloyd-Jones)x
"Traditionally this self-denial included abstaining from eating, drinking, sexual activity, washing, anointing, or putting on sandals." (Charles Quarles)xi
Subalit ang pag-aayuno na saklaw ng kasalukuyang leksyon ay ang mas makitid na depinisyon (narrower definition) nito: "The act of total or partial abstinence from food for a limited period of time, usually undertaken for moral or religious reasons." (Robert D. Linder)xii 

Kung tutuusin ay mayroon pang mas makitid na depinisyon. Ito ang depinisyong alok ni Donald Whitney: “a Christian’s voluntary abstinence from food for spiritual purposes”. xiii Ang mga salitang sinalungguhitan diyan ay pawang mahalaga:
  • Christian: hindi natin bibigyang pansin ang pag-aayuno sa ibang relihiyon tulad ng sa Islam at Jainism sapagkat wala namang ispirituwal na halaga ang mga ito.
  • for spiritual purposes: hindi natin ibibilang ang mga nagha-hunger strike o nagpapapayat
  • voluntary: hindi natin ituturing na pag-aayuno ang mga taong nagkataon lamang na wala talaga silang budget pambili ng pagkain o 'di kaya ay ang mga taong nagmamadali sa pagpasok sa trabaho at wala ng oras mag-almusal.
Ang pag-aayuno ay maaaring gawin ng kongregasyon (Acts 13:2). Maaari rin itong gawin ng isang indibiduwal (Matthew 4:2). Ang uri ng pag-aayuno na tinalakay dito ni Hesus ay ang personal na pag-aayuno ng mga indibiduwal.
Iba-iba rin ang mga biblikal na dahilan ng pag-aayuno:
  • 1. bilang pagpapahayag ng pagluluksa (1 Samuel 31:13)
  • 2. bilang pagpapakita ng pagsisisi (2 Samuel 12:15-23)
  • 3. upang idulog sa Diyos ang isang seryosong suliranin (2 Chronicles 20:1-4)
Nakapulot ako ng pang-apat na biblikal na dahilan ng pag-aayuno mula kay Donald Whitney:
  • 4. bilang pagpaparamdam natin sa Diyos ng ating pag-ibig at pagsamba sa kanya tulad ng isinabuhay ni Anna (Luke 2:36-37)
Paliwanag ni Whitney:
Fasting can be an expression of finding your greatest pleasure and enjoyment in life from God. That’s the case when disciplining yourself to fast means that you love God more than food, that seeking Him is more important to you than eating. This honors God and is a means of worshiping Him as God. It means that your stomach isn’t your god as it is with some (Philippians 3:19). Instead it is God’s servant, and fasting proves it because you’re willing to sublimate its desires to those of the Spirit.”xiv
Ngunit merong mga nag-aayuno na mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos sa sarili at sinasadya nilang magmukhang malungkot sa layuning sila ay mapansin ng mga tao. Sila ay walang mapapalang anuman sa langit. Ang parangal sa kanila ng tao ang tanging babaunin nila sa kabilang buhay.

Sa aral ng Panginoong Hesus, ang mga nag-aayuno ay kailangang mag-ayos sa sarili. Lumabas at ngumiti sa mga tao. Huwag ipahalatang walang laman ang iyong sikmura. Hindi man alam ng mga tao ang iyong mga banal na gawain, meron ka namang Ama sa langit at siya ang magbibigay gantimpala sa iyo.

Meron ka bang alalahanin na lubhang seryoso at nangangailangan ka ng isang ekstra-ordinaryong pagkilos mula sa Panginoon? O 'di kaya nais mo lang magpahayag ng pag-ibig sa Diyos? Bagamat ang pag-aayuno ay hindi gaanong naipapangaral at nabibigyang atensyon sa mga iglesya ng Diyos ngayon, ang pamamaraang ito ng pakikipagpisan sa Panginoon ay nariyan pa rin at maaari nating gamitin. Tandaan lamang na ito ay ating gagawin hindi upang mapansin ng mga tao. Mayroon taong Ama na nagbabantay sa atin. Nakikita niya ang lahat ng kabutihang gawa mo kahit ito pa ay ginawang palihim. 

Paano manalangin (Matthew 6:5-6) 
Gustong-gusto nating maglaan ng oras upang makasama ang mga mahal natin sa buhay. Hindi nga ba't 'yan din ang dahilan kung bakit naghihinagpis tayo sa pagpanaw ng isang taong mahalaga sa atin. Sa sandaling naputol na ang kanyang paghinga, alam mong hindi mo na siya makakausap; hindi mo na rin maririnig ang kanyang tinig. Nagluluksa tayo dahil alam nating hindi na natin sila makakaniig sa kasalukuyang buhay. 

May mga tao na gusto nating makasama; mga taong itinuturing nating mahalaga sa buhay natin. Kung gayon, hindi ba't dapat ay sabik din tayong makausap at makaniig ang Diyos? Hindi ba't nararapat lamang na ang Diyos ang pinakamamahal ng ating puso? "Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin" (Mateo 10:37).

Sa panalangin, nakakapisan natin ang ating Manlilikha (Acts 17:26b), Tagapangalaga (1 Peter 5:7), Tagapagligtas/Manunubos (Isaiah 43:11), Manananggol (Proverbs 23:10-11) at Kaibigan (John 15:15). Sa anumang relasyon, mahalaga ang komunikasyon. Ipinapahayag ng Diyos ang kanyang kalooban sa atin sa pamamagitan ng Bibliya. Naipapahayag naman natin ang ating saloobin sa pamamagitan ng pananalangin.

Ngunit gaya ng iba pang mga mabubuting gawain, ito ay maaaring mawalang saysay dahil sa maruming motibo. Ang motibo ng maraming tao noon sa panahon ni Hesus at maging sa ating kapanahunan ay hindi ang pakikipagniig sa Diyos kundi magpa-impress sa mga tao. Pinuna ni Hesus ang gawain ng marami sa panahong iyon sapagkat sinasadya nilang tumayo at manalangin sa mga lugar kung saan maraming tao. Makukuha nga nila ang nais nila: papuri ng mga tao, subalit hanggang doon na lang yun. Wala na silang maaasahang gantimpala pa buhat sa langit.

Salungat sa pamamaraang ito, ang dapat na panalangin ayon kay Hesus ay dinadala sa isang lugar (Marcos 1:35-36) na walang ibang makakaalam kundi ikaw. Ang Diyos na nakakakita ng mga lihim na bagay ang siyang magbibigay gantimpala. Hindi nito minamasama ang lahat ng pampublikong pananalangin (Acts 4:24). Ang punto ay ano ba ang motibo sa pananalangin? Ito ba ay para ikaw ay hangaan ng mga tao sa iyong “kabanalan”?

Kailan at saan ka nakakapanalangin? Sa piling lang ba ng isang grupo tulad ng konggregasyon o isang bible study group? Isa sa mga sukatan nga ispirituwal na kalusugan ay ang pagkakatugma ng kanyang public prayer life at private prayer life. Ika nga ni D. A. Carson: 
 “The person who prays more in public than in private reveals that he is less interested in God's approval than in human praise. Not piety but a reputation for piety is his concern.”xv
Ang ating audience
Sa mga artista, paramihan ng audience ang laban. Pataasan ng ratings ang mga istasyon ng TV. Sa mga mananampalataya, iisang audience lang ang mahalaga; siya ay ang ating Ama na nakaluklok sa kanyang walang hanggang trono at nanonood sa atin mula sa langit.

---------------- 

FOOTNOTES
i the three chief acts of Jewish piety: almsgiving, prayer, and fasting (C.G. Montefiore and H. Loewe, A Rabbinic Anthology). Cited by D. A. Carson in EBC, 1st edition
ii Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
iii Craig Keener, Matthew (IVP New Testament Commentary)
iv J.P Louw and Eugene Nida, Greek-English Lexicon of the New Testament: Based on Semantic Domains
v H.D. Betz, "Eine judenchristliche Kult-Didache in Matthaus 6:1-18; cited by D.A. Carson in EBC, 1st edition
vi Craig Keener, Matthew (IVP New Testament Commentary)
vii J.P Louw and Eugene Nida, Greek-English Lexicon of the New Testament: Based on Semantic Domains
viii Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
ix William Hendriksen, Exposition of the Gospel According to Matthew (NTC)
x Martyn Lloyd-Jones, Studies in the Sermon on the Mount
xi Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
xii Evangelical Dictionary of Theology, 1st edition (Walter Elwell, editor)
xiii Donald Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life
xiv Donald Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life
xv D. A. Carson, Matthew in Expositor's Bible Commentary, 1st edition