Monday, May 9, 2016

A Christian Foothold in the Emperor's Home


Nero was Rome's emperor when the epistle to the Philippians was written.
You come to minister to a brother who is going through a difficult time. You thought that somehow the circumstances might weaken his faith. So you visit him so you could at least contribute something to make him strong. No doubt, your labor was not in vain. You did help in strengthening him. God saw your love for your brother so his favor is upon you. But you know you have been to a specially strong Christian when after ministering to him, you realize that you were the one who received more strength.

Paul was such a person. Paul and the Philippians were certainly going through difficult times because of the opposition to the  gospel. Yet Paul's condition was the worse since at that time he was in prison. Yet his joy in the Lord never faded. He prayed with joy for the evidence of God's work in the Philippians (1:3; 3 John 1:4). He rejoiced because his imprisonment lead to the advancement of the gospel (1:13ff.). The one who was in greater trouble urged everyone to rejoice (3:1, 4:4).

I would like to point you to a small verse easily overlooked. For us modern readers, it was a not so obvious way of encouraging the Philippians, but I guess it easily caught the attention of the original recipients of this letter.
“All the saints greet you, especially those who belong to Caesar’s household.” (4:22)
Philippi was a Roman colony. Believers there were experiencing opposition from the followers of the emperor.The joyful surprise of this verse is this: Christianity has established a foothold in the enemies' headquarters!!! Gordon Fee comments:
"Household would include household slaves as well as family members, but in either case it refers in particular to those who actually lived in Nero's palace in Rome..."1
Some of these were converts through Paul's ministry (1:13) and some through the ministry of others.

The 19th century New Testament scholar J. B. Lightfoot found some striking parallels between the names Paul listed in Romans 16:8–15 and the names of members of the Caesar’s household coming from the same era. He concludes,
“As a result of this investigation, we seem to have established a fair presumption, that among the salutations in the Epistle to the Romans some members at least of the  imperial household are included.”2
At the center of the persecution source, they have been gaining victory. Even in the very residence of the emperor, the Holy Spirit is in action. The gospel has infiltrated the tightly secured palace. There is a rebellion to the emperor's "lordship" even under his own roof. The powerful word of God destroyed the palace's defense system.

In the opposition's territory, there were true saints. The emperor set them apart to serve him. Yet the Holy Spirit set them apart to serve a different king.

Out of this verse, I suggest two life applications:
1. Be assured that the work of the church is not futile. Even if our conditions seems to indicate that we are at the losing end, the message of salvation is advancing. Our Lord is a mighty warrior, no opposition can win against him. "The gates of Hades" cannot prevail against the church (Matt. 16:18)

2. Be emboldened in your personal walk. For the same Spirit who is at work for the victory of the church over opposition, is also the same Spirit who works in your personal battles. The Lord our Mighty Warrior transforms us into conquerors like him, that we may persevere in the faith even against all the opposition (Rom. 8:37-38)

-----------
ENDNOTES:
1. Gordon Fee, Philippians (IVP New Testament Commentary) 
2. J. B. Lightfoot, St. Paul’s Epistle to the Philippians (cited in John Macarthur's Philippians, Macarthur New Testament Commentary)

Friday, April 8, 2016

Ang Lunas sa Kamatayan


Tantsa ko'y mahigit dalawang dekada na ang lumipas. Sa column ni Dr. Charles Chante sa Philippine Star, tinalakay ang mga bagong tuklas na paraan ng panggagamot. Patuloy ang pagsulong ng katalinuhan ng tao at maya't maya ay may bagong teknolohiyang natutuklasan upang gamutin ang ibat ibang karamdaman. Sa pagtatapos ng kanyang artikulo, kanyang ipinahayag ang kanyang optimismo na balang araw ay matutuklasan ang lunas sa lahat ng karamdaman at maging ang kamatayan ay magagamot na rin. Posible raw na maging imortal ang tao dahil sa patuloy na pagsulong ng kaalaman sa larangan ng medisina.

Bilang isang tao na dumaan rin sa ibat ibang malulubhang karamdaman, ako ay nagpapasalamat dahil sa lahat ng biyayang ating nakamtan bunga ng pagsulong ng agham at teknolohiya. Kung wala ang mga antibiotiko na ipinainom sa akin o itinurok sa aking katawan, malamang matagal na akong pumanaw.  Sandaang taon na ang nakalipas, ang inaasahang haba ng buhay (life expectancy) ng isang sanggol na bagong silang ay 31 anyos. Sa ating kapanahunan, ito ay 67. Ganyan kalaki ang ating pakinabang sa pagsulong ng kaalaman sa medisina.

Ngunit ang tanong, totoo kaya ang sinasabi ng kolumnistang doktor na iyon na magagamot ng teknolohiya ang kamatayan pagdating ng panahon? Sa katanungan pong iyan, tayo ay tutungo sa Bibliya para sa kasagutan.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit namamatay ang tao?
Ayon sa Bibliya, ang ugat ng ating kamatayan, ay kasalanan. Nang magkasala ang ating mga unang magulang sa Hardin ng Eden, ang isa sa mga parusang ipinataw sa kanila sa atin na kanilang mga inapo ay kamatayan.

Gen. 3:19 -- "Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin."

Rom. 5:12 -- "Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala."

Rom. 6:23-- "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan"

At ang kabayaran ng kasalanan ay hindi natatapos sa pagkalagot ng hininga. Sa Pahayag 21:8 ay may tinutukoy na ikalawang kamatayan-- ang pagtapon sa lawa ng apoy at asupre na mas kilala ng mga tao sa tawag na impiyerno, kung saan ang parusa ay walang katapusan.

Sa kabilang banda, may tama naman ang manggagamot na yun. Totoo naman na may lunas nga sa problema ng kamatayan. Subalit ang lunas sa kamatayan ay hindi produkto ng pagsulong ng kaalaman ng tao sa agham at teknolohiya. Bagkus, ito ay  nakasaad mismo sa aklat na ibinigay sa atin ng Diyos na siyang may akda ng buhay

Kung pag-uusapan ang lunas sa kamatayan, kailangang pag-usapan rin ang ugat ng kamatayan. Iyan ay ang kasalanan. Ang problemang ito ay hindi kayang gamutin ng mga tableta at mga kapsulang nabibili sa Mercury Drug o iba pang mga botika. Ang suliranin na ito ay hindi malulutas sa St. Luke's o iba pang mga ospital. Mas malalim na paggagamot ang kailangan sapagkat ito ay isang ispirituwal na suliranin.

Ano nga ba ang kasalanan?

  • Ang kasalanan ay ang pagbabalewala sa kalooban ng Diyos; ito ay paglabag sa mga utos, sa mga tuntunin ng Panginoon. Sa tuwing isinasantabi natin ang utos ng Diyos, at ang nasusunod ay ang nais natin o ang nais ng Diyablo, tayo ay nagkakasala. (1 John 3:4)
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing hindi natin ginagawa ang alam nating tama (James 4:17)
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing may sinasambit tayo na hindi dapat sambitin. Sa Mat. 12:36, nakasaad na pananagutan natin ang bawat salitang ating binigkas nang walang pag-iingat.
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing meron tayong iniisip na 'di kalugod-lugod sa Diyos, tulad ng pag-iisip ng mahalay (Matt. 5:28) o pagtatanim ng galit sa kapwa (Matt. 5:22)

Maraming paraan ng pagkakasala at ang sinumang magsabing wala siyang kasalanan ay di nauunawaan kung ano ang kasalanan.

Ang kasalanan ay mailalarawan din bilang kawalan ng pasasalamat sa Diyos. Ang Diyos ang ating Manlilikha. Nagpakita siya ng kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay ng buhay sa atin. Ang araw na tumutuyo sa ating mga isinampay ay likha niya. Ang ulan ay ipinapadala niya sa takdang panahon upang lumago ang mga pananim at nang tayo ay may kakainin. Lahat ng ating isinusubo, nginunguya at nilulunok ay galing sa kanyang mapagpalang mga kamay. Siya ang dahilan kung bakit humihinga ka pa hanggang ngayon. Siya ang dahilan kung bakit pumipintig pa rin an iyong puso at dumadaloy pa rin ang dugo sa iyong mga ugat. Napakabuti ng Diyos sa atin. Subalit ano ang ating iginanti kapalit sa lahat ng kanyang kabutihan?

Walang matuwid, wala, wala kahit isa
wala ni isang nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa sa Diyos
Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan, walang gumagawa ng mabuti,
wala, wala kahit isa. (Romans 3:10-12)

Paano maiiwasan ang kaparusahan ng kamatayan?
Ang ating mga sementeryo, nakahimlay ang maraming kakilala natin na mababait at mabubuti. Yan ay patunay na maski ang mga pinakamababait at mabubuti sa atin ay apektado rin ng kasalanan. Hindi sapat ang ating kabaitan at kabutihan upang makatakas sa kamatayan. Walang nakaabot sa pamantayan ng Diyos.

Kung ganyan kahigpit ang Diyos, na maski ang mga pinakamababait sa atin ay napaparusahan pa rin, wala na tayong pag-asa. Mamamatay tayong lahat. Mabubulid tayong lahat sa impiyerno! Mapaparusahan tayong lahat!

Kabayan, meron akong mabuting balitang ihahatid. Ito ang mabuting balita: ang Diyos mismo ang gumawa ng solusyon. Ang Diyos mismo ang nagbibigay ng lunas sa kamatayan. Ipinadala niya ang kanyang tanging anak, si Hesus. Si Hesus na kapilang na ng Ama sa simulat simula pa (Juan 1:1). Sa kanyang kalikasang Diyos, siya ay kumuha ng isa ng kalikasan, kaya naman siya ay likas na Diyos at likas na tao noong siya ay nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa. Ang Manlalalang ay bumaba at namuhay sa piling ng kanyang mga nilalang (John 1:14). Siya ay namuhay ng perpekto, walang kasalanan, walang kapintasan.

Siya ay ipinadala dito ng Ama upang saluhin ang kaparusahan ng mga kasalanan para sa lahat ng sasampalataya sa kanya. Noong siya ay dinakip, at dumaan sa paglilitis na salat sa katarungan.  Siya'y pinarusahan sa krus, sa katuparan ng tagna:

Isaiah 53:5"Sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniiis niya ang nagbigay sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, gumaling tayo." (punahin ang HEALING language)

Siya ay namatay, ngunit hindi siya nanatiling patay. Sa ikatlong araw ay muli siyang nabuhay. At ito ay isang kuwento na kathang-isip. Unang-una, daan-daang taon bago ipinanganak si Hesus, hula na ng kasulatan na hindi siya hahayaang mabulok ng kanyang Ama (Awit 16:10). Pangalawa, si Hesus mismo, bago pa man siya namatay, inihula na niya na kung iguguho ng mga kaaway ang kanyang katawan, muli niya itong itatayo sa ikatlong araw (John 2:19). Pangatlo, maraming saksing nakakita na siya ay namatay, inilibing at muling nabuhay. Sa ulat ng Apostol Pablo, may 500 saksi na nakakita na nabuhay siyang muli.

Bakit mahalagang paniwalaan na si Kristo ay muling nabuhay? Dahil ito ang garantiya na mabubuhay din muli ang mga sumusunod sa kanya. Sa katuruan ng bibliya, kung paano pumasok sa sanlibutan ang kamatayan sa kasalanan ni Adan, ganun rin naman papasok ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng matuwid na si Kristo.

1 Corinto 15:22, Kay Adan, lahat ay mamamatay. Kay Kristo, ang lahat ay mabubuhay.

Ito na nga ang lunas sa kamatayan para sa lahat ng nananampalataya kay Hesus at sa kasapatan ng kanyang sakripisyo sa krus--- pananampalatayang kalakip ang pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.

Wednesday, March 2, 2016

Ang Lakad ni Enoch

"Enoch walked with God, and then he disappeared because God took him away." (Genesis 5:24, NET Bible)

"By faith Enoch was taken up so that he did not see death, and he was not to be found because God took him up. For before his removal he had been commended as having pleased God. Now without faith it is impossible to please him, for the one who approaches God must believe that he exists and that he rewards those who seek him."
(Hebrews 11:5-6, NET Bible)
 -----
"Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay MAMAMATAY KA" (Gen. 2:17), babala ng Diyos sa ating mga unang magulang sa hardin. Binale-wala nila ang babala at mas pinaniwalaan ang panlilinlang ng ahas. Kaya naman ipinataw sa tao ang parusang ito: "Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin." (Gen. 3:19). Pagdating sa ikalimang kabanata ng Genesis, naroon ang talaan ng mga pangalan nina Adan at ng mga inapong sumunod sa kanya:
  • Sa gulang na 930, si Adan ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 912, si Seth ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 905, si Enosh ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 910, si Cainan ay bumalik sa alabok.
  • Sa edad na 895, si Mahalalel ay bumalik sa alabok.

Wala tayong oras at espasyo para isa-isahin ang mga pangalan. Sapat na ang sabihin na mula sa unang pangalang nabanggit hanggang sa huli, silang lahat ay bumalik sa alabok--- MALIBAN SA ISA!!! Si Enoch ay umabot sa gulang na 365 at ang pagkakasabi sa talata 25, sa gulang na iyon siya ay nawala (wala nang nakasulyap pa sa kanya) dahil kinuha siya ng Diyos. 

Sa pagbuklat natin sa Bagong Tipan, mas nabigyang linaw ang nangyari sa kanya: "... si Enoch ay hindi nakaranas ng kamatayan. Hindi na siya nakita sapagkat kinuha siya ng Diyos." (Heb. 11:5).

Ito ang unang pahiwatig ng Bibliya na ang parusang kamatayan na ipinataw sa sangkatauhan ay maaaring matakasan. Ang tao na bihag sa kuko ng kamatayan ay maaaring makaalpas. Ngayon at kumpleto na ang kapahayagan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya, unawa natin na ang pagbabalik sa alabok ay hindi ang ating huling hantungan. Ang huling patutunguhan natin ay sa presensya ng Diyos upang makapiling siya araw at gabi at mamangha sa kanyang kadakilaan magpakailanman.

Kung paano nalampasan ni Enoch ang parusang kamatayan ay nandun rin sa Gen 5:24. Sa buong buhay niya, siya ay naglakad kasama ang Diyos o sa talasalitaan (vocabulary) ng sumulat ng aklat ng Hebreo, ang buhay niya ay kalugod-lugod sa Diyos (Heb. 11:5). Sa buong buhay niya, wala siyang ibang inisip kundi kung ano ang magbibigay-lugod sa Diyos. Naging maingat siya sa paglayo sa mga bagay at mga gawaing kinamumuhian ng Diyos. Ang lumakad sa tuwid na daan at mabuhay ng may takot sa Diyos ang nasa puso at isipan niya. Iyan ang ikinatuwa ng Diyos kaya't siya ay kinuha nang hindi dumadaan sa kamatayan.

Maaaring magtanong ang ilan, "Akala ko ba sa pananampalataya naliligtas ang tao at hindi sa gawa? Bakit tila ang kanyang matuwid na buhay ang siyang nagbigay-lugod sa Diyos at naging daan kung bakit siya nakalaya sa parusang kamatayan? Akala ko ba 'alvation by grace through faith alone?” 

Sinagot 'yan ng may akda ng aklat ng Hebreo. Aniya, ang dahilan kung bakit ganun na lamang kaganda ang lakad ni Enoch na siya namang ikinalugod ng Diyos ay dahil sa pananampalataya. Sa teolohiya ng sumulat, imposible para sa sinuman ang makapagbigay-lugod sa Diyos kung siya ay walang pananampalataya (Heb 11:6). Kaya naman sa konklusyon niya, ang ugat ng pagkalugod ng Diyos kay Enoch ay hindi dahil sa likas siyang matuwid, kundi dahil sa may pananampalataya siya-- pananampalatayang ang dulot ay matuwid na pamumuhay.

Ito ay isang nakakagalak na katotohanan: tayo na may pananampalataya sa Diyos ay kinalulugdan niya. Hindi na bale kung hindi man malugod ang mga tao sa atin sa tuwing naninindigan tayo sa katotohan. Ang tanging may halaga, nalulugod sa atin ang Diyos.

Huling punto: ang Diyos ay nagbibigay gantimpala sa mga masigasig humahanap sa kanya (Heb. 11:6). Kung wala tayong mapapala sa paglilingkod sa Diyos, kung wala tayong mapapala sa pamumuhay nang matuwid, kung wala tayong pakinabang sa pagsunod sa Diyos--- kawawa naman tayo. Mauuwi lang pala sa wala ang lahat. Ganito rin ang saloobin ni Apostol Pablo (1 Corinto 15:19). Mabuti na lang may pakinabang tayo sa pananampalataya ayon sa Heb.11:6. Ang Diyos ay nagbibigay gantimpala sa mga humahanap sa kanya.
---------------- 
Like Enoch, walk with God, and you cannot mistake your road. You have infallible wisdom to direct you, immutable love to comfort you, and eternal power to defend you."
Charles H. Spurgeon
Morning and Evening