Kararating lang ni misis mula sa tindahan. Iniwanan niya ang tangke ng LPG sa labas upang humingi ng tulong sa kanyang asawa. Pagpasok niya sa bahay ay nakita niya si Mr. Masculado na may hawak na dumbbells sa magkabilang kamay. Gamit ang kanyang malambing na tinig ay kanyang hiniling, “Sweetheart, paki-buhat naman yung tangke ng LPG papasok dito sa bahay para makapagsaing na ako”
Pasigaw ang sagot ni Mr. Masculado, “ANO !!!??? HINDI MO BA NAKIKITA NA NAGWO-WORKOUT AKO !!!??? IKAW NA LANG ANG MAG-BUHAT !!! ISTORBO !!!
Ober da bakod, kararating rin ng isa pang misis. Pagod man siya sinisikap niyang ipasok ang tangke ng LPG sa bahay. Paano naman kasi, nakaratay nanaman sa higaan ng karamdaman ang kanyang asawa na si Mr. Lampayatot. Nang maramdaman ni Mr. Lampayatot ang ginagawa ng kanyang asawa, pinilit niyang bumangon inaapoy man siya ng lagnat. Sinalubong niya ang kanyang asawa at kanyang sinabi, “Honey, magpahinga ka na. Ako na ang bahala diyan”. Tinangka niyang buhatin ang tangke subalit hindi talaga kaya.
Ang problema kay Mr. Masculado, bagamat meron siyang kakayahan na buhatin ang tangke, wala naman siyang pagnanais na gawin ito.
Ang problema kay Mr. Lampayatot, bagamat nais niyang buhatin ang tangke, wala naman siyang kakayahan upang gawin ito.
Bago tayo makakilala sa Panginoon at kilusan ng Banal na Espiritu, ang problema kay Mr. Masculado at ang problema kay Mr. Lampayatot at parehong nasa atin.
Tulad ni Mr. Masculado, wala tayong pagnanais na sundin ang kalooban ng Diyos.
Romans 8:7 "the sinful mind is hostile to God. It does not submit to God's law, nor can it do so." (NIV)
Tulad ni Mr. Lampayatot, wala tayong kakayahan upang gawin ang kalooban ng Diyos.
Romans 8:7 "the sinful mind is hostile to God. It does not submit to God's law, nor can it do so." (NIV)
Subalit ngayon na nasa atin na ang Espiritu Santo:
- Nagkaroon tayo ng pagnanais na tuparin ang kalooban ng Diyos
- Nagkaroon tayo ng kakayahan na gawin ito.
Phil. 2:13 "For God is working in you, giving you the desire and the power to do what pleases him." (NLT)
No comments:
Post a Comment