Showing posts with label blessing. Show all posts
Showing posts with label blessing. Show all posts

Tuesday, April 14, 2015

Mapapalad ang mga Mapagpakumbaba (The Beatitudes, part 4)



"Mapapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat mamanahin nila ang lupa."
(Mateo 5:5)


Sa mga patimpalak sa telebisyon ng mga batang lalaki tulad ng That's My Boy, ganito ang karaniwang itinuturo sa mga kalahok:
  • entrance pa lang ay kailangang punong-puno na ng self-confidence ang bata.
  • maglalakad-lakad siyang parang isang siga
  • paminsan-minsan ay haharap sa camera ang bata at ilalagay ang daliri na naka-Laban sign sa ilalim ng baba upang bigyang-diin ang pogi niyang mukha
  • lalapit sa mikropono at sasabin: "Oops, oops, oops! Relax lang kayo mga girls. Akala nyo si Dingdong Dantes ito. Nagkakamali kayo. Mas pogi ako 'dun"

Ito ay sintomas ng malalang kalagayan ng ating lipunan.Ang pagiging mababang-loob ay isang katangian na hindi natin pinapahalagahan. Tayo ay mga taong mapagmataas at ito ang itinuturo natin sa ating mga anak. Salungat diyan ang ikatlong Beatitude na winika ni Hesus: "Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig." (Mateo 5:3)

Ang orihinal na salitang Griyego na "praus" na isinalin sa Ingles bilang "meek" at "mapagpakumbaba" sa Filipino ay hindi nalalayo sa kahulugan ng pagiging dukha sa espiritu (poor in spirit) na natalakay sa ikatlong talata. Ang pagkakaiba lang nito ay ang "poor in spirit" ay ang kalagayan ng tao samantalang ang "meek" ay kung paano siya makitungo sa Diyos at sa kapwa-tao1. Ito ay kawalan ng pagmamagaling na nagdudulot ng pagpapakumbaba at hinahon kung kaharap natin ang iba.

Para naman kay John Macarthur, ang pinakamainan na paraan upang maipaliwanag ang katangiang ito ay hindi sa mga depinisyon kundi sa pagbibigay ng mga halimbawa2 tulad nina:

a. si Joseph, na ibinenta ng kanyang mga kapatid bilang isang alipin. Ngunit noong nagkaroon na siya ng kapangyarihan, pinili niyang gawan ng mabuti ang kanyang mga kapatid sa halip na maghiganti (Gen. 50:19-20)

b. si Pablo, na sa kabila ng kanyang katayuan bilang apostol at tagumpay sa pagtatayo ng mga iglesya sa mga lugar na hindi pa naaabot ninuman ay nagsabi na siya ay ni hindi karapat-dapat tawaging apostol (1 Cor. 15:9-10)

c. si Hesus, na bagamat siya ay Diyos at Haring nakaluklok sa kaitaas-taasan ay nagpakababa bilang tao, namuhay na tila isang alipin at naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus (Fil. 2:6-8)

Maaari rin maging halimbawa ng pagpapakumbaba ang sinuman sa atin kung sa kabila ng ating mga kakayahan at talento, ating kinikilala na ang may hawak ng ating kinabukasan ay hindi ang ating angking galing kundi ang Diyos pa rin na siyang bukal ng lahat ng habag at pagpapala. Ipagpalagay natin na sina Ginoo at Ginang Vergara ay mag-asawang mahuhusay na negosyante. Matitinik sila pagdating sa pagkilatis ng mga business opportunities at sa pagpapalago ng puhunan. Kung sila ay tatanungin, "How do you see yourselves 10 years from now?" maaari silang sumagot ng ganito: "Well, 10 years from now we will have a mansion much bigger than this house. Each of our sons and daughters will drive their own cars. Our business will have branches in Laoag in the north and Davao in the south and other major cities in-between." Ang ganitong pagtitiwala sa sarili ay papalakpakan ng sanlibutan tulad ng pagpalakpak nila sa mga kalahok  sa patimpalak na That's My Boy. Subalit kung Bibliya ang pagbabatayan, ang nararapat na sagot ng mag-asawa ay "If it is the Lord's will, we will live and do this or that." (Santiago 4:13-16)

Talababa:

1. William Hendriksen, Exposition of the Gospel According to Matthew (NTC, Baker Book House 1973)
2. John Macarthur, The Only Way to Happiness: The Beatitudes (Moody Press, 1998; unang inilathala noong 1980 sa pamagat na Kingdom Living, Here and Now)

Mapapalad ang mga Nahahapis (The Beatitudes, part 3)

 "Mapapalad ang mga nahahapis, sapagkat sila ay aaliwin."
(Mateo 5:4)

Sa nakaraang paskil ay nakita ang una sa mga Beatitudes at ito ay ang mga dukha sa espiritu. Ang sumunod na Beatitude ay nababagay na karugtong nauna: mapalad ang mga nagdadalamhati. Nagdadalamhati sila sa pagkaunawa na sa kanilang karukhaan sa espiritu, sila ay mga makasalanan.

Hindi lahat ng aminado na sila ay mga dukha sa espiritu ay ikinalulungkot ito. Ang iba ay ay nagmamalaki pa at ipinagdiriwang ang kanilang kasalanan. May mga taong sadyang proud na proud pa habang ikinukuwento kung paano sila mangupit sa magulang, mambabae, manlamang sa kapwa, atbp. Maraming ganun sa Israel noong mga panahon na yun. 'Yan ay kung ibabatay sa mensahe ng pangangaral ni Juan Bautista na nabuhay rin sa panahong iyon. Sa Lukas 3 makikita natin na ang mga kasalanang binanatan ni Juan Bautista ay ang korapsyon, ang pang-aabuso sa kapangyarihan, ang pagsasawalang bahala sa mga nangangailangan, at pagsasamantala sa kapwa. Parang katulad rin ng ating kapaanahunan; magmula sa pinakamataas at pinakamababang posisyon may nananamantala upang kumita. Mula sa Senado hanggang sa palengke, may nandadaya. Ito ay araw-araw na nagaganap tila isang normal na bagay lamang. At ito ay hindi nila ikinalulungkot o ikinahihiya.

Ang mga taong nagdiriwang sa kanilang mga kasalanan ay hindi kinalulugdan ng Diyos. Ang mga taong mapapalad ay yung mga tulad na salmista na nagsabing:
    Parang agos na ng batis ang daloy ng aking luha,
dahilan sa mga taong sa utos mo'y sumisira.
(psalm 119:136)

Gayon din ang pagdadalamhati ni Ezra:
Pinalipas niya roon ang magdamag na nagdadalamhati dahil sa kataksilan ng mga bumalik mula sa pagkabihag. Hindi siya kumain ni uminom ng anuman (Ezra 10:6b)

Sa isang iglesyang napasukan ng seksuwal na imoralidad, sila ay pinagsabihan ni Pablo ng ganito:
"At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana'y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag! " (1 Cor. 5:2)

Sa halip na tanggapin nila ang nararapat na kaparusahan ng kasalanan, tatanggap pa ng pagpapala ang mga nagluluksa sa kasalanan. Sila ay aaliwin ng Diyos kasabay kalakip ang pagpapatawad (Isa. 40:1-2). Balang araw, ang lahat ng luhang pumatak dulot ng daigdig na ito ay papahirin ng Diyos (Pahayag 7:17)

Mapapalad ang mga Dukha sa Espiritu (The Beatitudes, part 2)




"Mapapalad ang mga dukha sa espiritu,
sapagkat kanila ang kaharian ng langit." (Mateo 5:3) 1

Una sa listahan ng Panginoong Hesus ng mga taong mapapalad ang mga dukha sa espiritu (poor in spirit). Mapalad sila sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit (theirs is the kingdom of heaven), ibig sabihin sila ang mga magtatamasa sa mga biyaya ng paghahari ng Mesias sa ngayon at sa hinaharap. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng pagiging dukha sa espiritu.

Ang interpretasyon ng ilan dito ay ganito: "sa langit ang mga mahihirap; sa impyerno ang mayayaman". Mabilis silang tatalon sa kahilerang talata sa Lucas 6:20 kung saan walang nakasulat na "sa Espiritu". Ang angkop na interpretasyon nito ay intindihin ang pagiging dukha sa espiritu bilang kasalatan sa espiritu o spiritual bankruptcy. Sila ang mga taong walang anumang hawak na maipagmamalaki sa Diyos. Wala silang anumang taglay na maihahandog sa Diyos kaya't wala silang magawa kundi dumaing na lamang at mamalimos ng habag. Maaaring hindi naman sila salat sa yaman tulad ni Haring David ngunit kinikilala ang kanilang pangangailangan sa Diyos (Awit 40:17). Magiging kapaki-pakinabang lamang ang pinansyal at materyal na karukhaan kung ang dulot nito ay kapakumbabaan sa harap ng Diyos 2  

Ang kabaligtaran nito ay ang mga taong panatag sa sarili nilang katayuang espirituwal na nag-iisip na may sapat silang mga katangiang taglay upang maging katanggap-tangap sa Diyos. Sa wari nila ay may sapat silang espirituwal na yaman kaya't karapat dapat silang papasukin sa kaharian ng Diyos. Halimbawa nito ay ang Fariseo sa kuwento ni Hesus na ganito manalangin:

'O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang beses akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita. (Lucas 18:11-12)

Ang taong dukha sa espiritu ay ang maniningil ng buwis na kasabay ng Fariseo na pumasok sa templo. Nakatayo siya sa malayo at 'di makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at ang kanyang kahilingan ay ang habag ng Diyos sa tulad niyang makasalanan (Lucas 18:13)

Kung tutuusin ay pareho lang na walang maipagmamalaki ang Fariseo at ang maninigil ng buwis. Pare-pareho lang naman ang lahat ng tao na nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Roma 3:23). Yun nga lang hindi alam ng Fariseo at ng iba sa atin na mga dukha sila sa espiritu. Patuloy silang nagmamalaki sa kanilang pagkarelihiyoso at naniniwala silang sapat ang kanilang kabutihan upang mapunta sa langit. Subalit ang mga nakakaunawa na sila ay mga dukha sa espiritu ay aasa lamang sa yaman ng sakripisyo ni Kristo na nagpakadukha sa ikayayaman ng mga sasampalataya sa kanya (2 Corinto 8:9)

Talababa:

1. Ang sipi ng Mateo 5:3 ay mula sa Ang Bagong ang Biblia; ang sipi ng Lucas 18:11-12 ay mula sa Magandang Balita Biblia
2. D. A. Carson: "though poverty is neither a blessing nor a guarantee of spiritual rewards, it can be turned to advantage if it fosters humility before God."  (Matthew, Expositor's Bible Commentary, 1st edition)

Monday, February 9, 2015

Ang Mapapalad (The Beatitudes): Panimula


http://biblehub.com/adb/matthew/5.htm
Dahil sa pagpapagaling ni Hesus sa sari-saring mga karamdaman noong siya ay lumibot sa Galilea, maraming mga tao mula sa iba't ibang lugar ang lumapit sa kanya upang makatanggap ng tulong (Matt. 4:23-25). Nang makita ni Hesus ang natipon na mga tao, siya ay umakyat sa bundok. Ang kanyang pag-upo ay bilang paghahanda sa susunod niyang gagawin. Sa kanilang kultura, ang pag-upo ang karaniwang postura ng mga tagapagturo. Sumunod ang kanyang mga alagad, at nagsimula na ngang magturo si Hesus.

Bagamat ang mga aral na ibabahagi ng guro ay para sa maliit na pangkat ng kanyang mga alagad, walang duda na sinadya niyang lakasan ang kanyang tinig upang ito ay mapakinggan din ng napakaraming mga tao na nagtipon doon. Ang mga aral na ito ay kilala sa tawag na Sermon sa Bundok (Sermon on the Mount). Ito ay napapaloob sa tatlong kabanata ng ebanghelyo ayon kay Mateo (kabanata 5, 6, at 7).

Kung loloobin ng Panginoon, nais kong simulan ngayon ang isang serye ng mga paskil na sasaklaw sa unang bahagi ng Sermon sa Bundok na tinatawag na The Beatitudes. Ito ay galing sa salitang Latin na beautus na ang kahulugan ay "mapalad".

Subalit mas makakatulong sa ating pangunawa kung ang susuriin natin ay ang wikang ginamit ni Mateo noong isulat niya ang kanyang ebanghelyo. Sa wikang Griyego, ang salitang ginamit ay makarios. Ang salitang ito ay tumutukoy sa taong tumanggap ng pabor mula sa Diyos. Napakaganda pala ng pangalang Macario :D

May kahulugan din ito na "masaya", kung kaya't may mga salin ng bibliya tulad ng Good News ay isinalin ito bilang "Happy". 'Yun nga lang, may kailangang linawin. Sa kapanahunan natin, sinasabi nating "happy" tayo ayon sa nararamdaman natin. Halimbawa na lang ay itong ginagamit na sukatan ng Social Weather Stations (SWS)1. Ang tinatanong nila sa kanilang mga survey ay: "Kung iisipin ninyo ang inyong buhay sa kabuuan sa ngayon, masasabi ba ninyo na kayo ay... " Ang pagpipiliang mga sagot ay:
  • talagang masaya
  • medyo masaya
  • talagang hindi masaya

Natural, ang resulta ay nakabatay sa pabago-bago at pansariling pakiramdam (subjective feelings) ng mga tinatanong. Subalit ang salitang makarios ay hindi nakasalalay sa kung ano ang pakiramdam natin. Paliwanag ni  Willoughby Allen, ang kasiyahang tinutukoy ng makarios ay:

"a state not of inner feeling on the part of those to whom it is applied, but of blessedness from an ideal point of view in the judgment of others"2

Sa pagkakataong ito, ang gumagawa ng "judgment of others" ay si Hesus. Ito ang mga taong pinagpala at "masaya" ayon sa Panginoon. At kung si Hesus ang nagbigay ng pananaw, maaari ba naman siyang magkamali? Siyempre hindi. Kung sinabi niyang pinagpala ka, pinagpala ka nga. Iyan ang dapat ikagalak.

Sa mga susunod na paskil ng seryeng ito, iisa-isahin natin ang mga katangian ng mga taong pinagpala ayon sa ating Panginoon.
 ----------------

Talababa:

1. Fourth Quarter 2013 Social Weather Survey, http://www.sws.org.ph/pr20140227.htm

2. Willoughby C. Allen, A Critical and Exegetical Commentary on the Gospel According to S. Matthew. Edinburgh: T. & T. Clark, 1912 (sinipi ni D. A. Carson sa Matthew, Expositor's Bible Commentary, 1st edition)

Friday, November 23, 2012

Joel Osteen: Visiting the Facebook Pages of Prosperity Preachers, part 5



Taken from the Facebook page of Joel Osteen Ministries

This lady bought Principle One of Joel Osteen's book Your Best Life Now. This principle  is "Enlarge Your Vision"; here you must believe that God gave his children "special advantages" and "preferential treatment". The way to avail of these is to declare them with your mouth, which by the way is related to Principle Three "Discover the power of your thoughts and words".

The lady in the photo is declaring that people will bless her, even her enemies. Because according to  Osteen, as the children of the Most High God, we can expect people to treat us differently. We must expect them to do good things for us.

Of course the Lord can do that if he wills. The Egyptians who were naturally cruel to their Israelite slaves suddenly turned super generous to them just before the Exodus because God supernaturally controlled their wills and desires (Exodus 11:2-3). But that wasn't the norm. Right after that, the Egyptians pursued them again relentlessly until the LORD drowned them in the Red Sea.

So in our time, we can believe that the Lord can supernaturally work in the desires and wills of the people around us (bosses, teachers, politicians, neighbors, drivers, barbers, doctors, criminals, etc.) so we can receive favors. But never expect that to be the norm. What we should expect is that everyone who wants to live a godly life in Christ will be persecuted (2 Timothy 3:12). They may stone us to death (Acts 7:57), throw us to prison (Acts 22:4), confiscate our properties (Hebrews 10:34), toss us to the lions' den, or burn us on stakes. And when these things do happen, we should not be caught surprised. The Apostle Peter wrote:
"Dear friends, do not be surprised at the painful trial you are suffering, as though something strange were happening to you." (1 Peter 4:12)
When people mistreat you because of your faith, do not for a single minute think you're not getting the best out of what God has provided for you. The very opposite could be true. For our Lord Jesus Christ taught:
Blessed are those who are persecuted because of righteousness, for theirs is the kingdom of heaven. Blessed are you when people insult you, persecute you and falsely say all kinds of evil against you because of me. Rejoice and be glad, because great is your reward in heaven, for in the same way they persecuted the prophets who were before you. (Matthew 5:10-12)

Friday, September 9, 2011

Earth's City Lights

Click HERE for larger image
Matagal-tagal na rin ang pagkakagawa ng imaheng nasa itaas subalit kamakailan ko lang ito namasdan. Gamit ang satellite, ito ay pinagtagpi-tagping mga kuha ng larawan upang maipakita ang liwanag at dilim sa iba't ibang panig ng daigdig sa oras ng gabi.

Sa mga mauunlad na lungsod, kitang-kita ang ningning ng mga ilaw. Matingkad na kadiliman naman sa mga kagubatan at disyerto ng Africa. Natural na madilim din sa Antartica kasi wala namang taong nakatira doon maliban sa mga scientist na nananaliksik.

May tuldok ng liwanag sa gitna ng Palawan kaya nasabi ko sa aking sarili, "Ah! yun siguro ang Puerto Princesa!"

Sa Asya, walang papantay sa Japan. Mula dulong hilaga hanggang dulong timog, nakakasilaw ang liwanag.

Sumagi lang sa aking isip, hindi lang naman industriyalisasyon at pag-usbong ng ekonomiya ang palatandaan ng pagpapala ng Diyos sa mga bansa. Maunlad nga ang Japan subali't ayon sa datos ng Joshua Project:
  • 1.56% lang ng populasyon ang professing Christians (kasama na diyan ang mga Romano Katoliko, Greek Orthodox, at sari-saring mga kulto)
  • 0.5% lang ng populasyon ang professing Evangelical
  • 67.6% sa kanila, ni walang access sa pakikinig sa ebanghelyo.

Sa mapa ay kitang-kita rin ang liwanag ng mga mauunlad na lungsod sa Europa; subalit ayon sa 2005 Eurostat Eurobarometer Poll, hindi maikakaila na dilim ang naghahari doon. Ang mga naniniwalang may Diyos ay
  • anim lamang sa bawat sampung katao sa Espanya
  • lima lamang sa bawat sampu sa Germany
  • apat lamang sa bawat sampu sa United Kingdom
  • tatlo lamang sa bawat sampu sa France
  • dalawa lamang sa bawat sampu sa Sweden

Kung meron lang sanang satellite na may kakayahang kumuha ng mga larawan ng ispirituwal na liwanag, makikita na ang pagpapala ng Diyos ay nasa mga dako kung saan nananahan ang kanyang mga tunay na anak. Kung nasaan ang mga sumasampalataya kay Hesus, naroon ang liwanag.

Eph. 5:8
"for at one time you were darkness, but now you are light in the Lord. Walk as children of light" (ESV)

Phi. 2:15
"that you may be blameless and innocent, children of God without blemish in the midst of a crooked and twisted generation, among whom you shine as lights in the world,

John 8:12
"I am the light of the world. Whoever follows me will not walk in darkness, but will have the light of life.”

Matt. 5:14-16
"You are the light of the world. A city set on a hill cannot be hidden. Nor do people light a lamp and put it under a basket, but on a stand, and it gives light to all in the house. In the same way, let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven."

Thursday, January 13, 2011

5th Halo-halo Huwebes



Newswatch
"... we should likewise see in those affairs reported in our daily paper the sovereign hand of God just as much as we see it in the Bible. Of course, we don't have the advantage of the divinely revealed explanation of today's events, as we do of those recorded in the Bible, but that does not make God's sovereign rule today any less certain. God recorded in His Word specific instances of his sovereign rule over history in order that we might trust Him in the affairs of history as they unfold before us today. we should remember that, for those experiencing the events recorded in the biblical narratives, God's hand was no more apparent to them in those events than His hand is apparent to us today in ours."
- Jerry Bridges
Trusting God, p.80

The Peter Syndrome



"The Peter Syndrome is a deadly disease rampant amongst modern Roman Catholic apologists. And it is a disease that makes you see every reference to Peter anywhere in an early father as somehow relevant to the bishop in Rome even if that father never makes that connection himself, never shows that he believes the bishop of Rome is the vicar of Christ on earth, never says that Peter's successor sit only on the sit in Rome, it doesn't matter as long as an early father says something nice about Peter, therefore he is in support of the bishop of Rome."
- James R. White

Grace Changes Our Vocabulary
"Filthiness, foolish talk, and crude joking are 'out of place'-- they're forbidden not because they're on some arbitrary "banned words" list, but because they reflect the heart and attitude of those who disregard God and his Word. Living in a way that's distinct from the world means speaking in a way that's distinct from the world. Grace changes us from the inside out, and a changed heart will lead to a changed vocabulary.."
- Craig Cabaniss
God, My Heart, and Media
chapter 5 in "Worldliness"
C.J. Mahaney, editor 


What is "Sixpence None the Richer"?



Leigh Nash: A little boy asks his father is he can get a Sixpence which is a very small amount of English currency for the boy to go and get a gift for his father and then the father gladly accepts the gift; he's really happy with it but he also realizes that he is not any richer for the transaction because he gave his son the money in the first place.

David Letterman:
He bought his own gift

Leigh Nash:
... C.S. Lewis was comparing that to his belief that God has given him the gift and us the gifts that we posses and to serve him the way we should. We should do it with humble hearts realizing how we get the gifts in the first place.

Monday, January 10, 2011

Access to and Standing in God's Sphere of Grace

Part 2 of 4: Some Fruits of Justification Series
Gleaned from Romans 5:1-4

"Therefore, since we have been justified through faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ, through whom we have gained access by faith into this grace in which we now stand. And we rejoice in the hope of the glory of God. Not only so, but we also rejoice in our sufferings, because we know that suffering produces perseverance; perseverance, character; and character, hope." (NIV)

This could be treated in two separate points; one point for our access to God's grace and another point to our standing in God's grace. But because the two verbs are both used in relation to grace, I'll put them together.


Photo Credit: Virtual Math Museum

By using the phrase “sphere of Grace”, I see grace here as an area. We have entered into this area of grace, we are standing in this area of grace where we receive nothing but grace. An area where we receive all God's blessings that john calls grace upon grace.

What do you mean by access into God's grace?
When the government has finally solved the Oakwood Mutiny, with Antonio Trillanes and the rest of his cohorts already in jail, the authorities pursued Sen. Gringo Honasan  for his alleged participation in the mutiny, yet they could not find him. GMA-7 was able to track him down. Reporter Sandra Aguinaldo asked why was he hiding. The Senator replied, “I am not hiding, I am just inaccessible”.

Well, whether he was hiding or not, my point is it is possible for a person to be not hiding but inaccessible. You may see the the city mayor daily. He is not hiding from you. But you have no access to him. You cannot pour out your complaints heart to heart. You have no means to make your personal requests known. He is so near yet so far.

Eph.2:11-13- "Therefore, remember that formerly you who are Gentiles by birth and called "uncircumcised" by those who call themselves "the circumcision" (that done in the body by the hands of men)-- remember that at that time you were separate from Christ, excluded from citizenship in Israel and foreigners to the covenants of the promise, without hope and without God in the world. But now in Christ Jesus you who once were far away have been brought near through the blood of Christ."

What does in mean to stand in the grace of God?
“...It is a state in which a believer lives. God's free giving to us does not stop when we become Christians. It continues to be poured out on us so much that we can be said to live in a constant state of grace.” (Douglas Moo, NIVAC)

Hindi paminsang-minsan lamang ang pagtangap natin ng pagpapala; ito ay walang patid, tuloy-tuloy tila agos ng batis na kailanman ay hindi natutuyuan.

After justification, we live in this place where God's blessing is being poured out on us unceasingly--- totally opposite of our condition before justification: the state of condemnation.

Friday, July 24, 2009

We Could Have Been More Blessed

“And if all this had been too little,
I would have given you even more.”

2 Samuel 12:8 (NIV)

What we are and who we are today is because of God’s sovereignty. We are here right now because we have received countless blessings from the Lord and we should thank him for all our benefits.

Subalit hindi natin maaalis ang panghihinayang sa mga nasayang na pagkakataon sa mga lumipas na panahon.

  • Sayang! Kung di sana ako nagbulakbol nang ako ay nag-aaral, ngayon sana’y…
  • Sayang! Kung nag-ipon lang sana ako noong panahon ng kasaganaan, ngayon sana'y may krisis ay…
  • Sayang! Kung nakinig lang sana ako sa payo ni Tatay, ngayon sana’y…
We regret bad decisions and bad acts we have made in the past for we know that we could have been better if we have done otherwise. Kaya nga may kantang "Kung Maibabalik Ko Lang" eh... hehehe

Proverbs 13:13 says, “He who scorns instruction will pay for it, but he who respects a command is rewarded”. It is clear from this that listening to the Lord brings reward; and if we don’t, we have to pay for its consequences.

We are blessed. But if we have only listened to God in the past, we could have been more blessed.

Isa sa mga eksena sa buhay ni David na masasabi nating dapat panghinayangan ay ang kanyang pakikiapid kay Bathseba at ang kanyang pagpaplano sa kamatayan ni Uriah. Dahil doon, ipinadala ng Panginoon ang Propetang Nathan upang sawayin si David.

Nang siya ay sawayin, ipinaalala sa kanya ng Panginoon ang mga pagpapalang kanyang natanggap:

1. Siya ay iniahon mula sa pastulan patungo sa trono
2. Iniligtas siya mula sa mga banta ni Saul
3. Ang kahariaan kasama ang mga luho ng buhay ay ibinigay sa kanya

At kulang pa raw yan, anya: “And if all this had been too little, I would have given you even more.” (2 Samuel 12:8). Nakahanda sana ang Panginoon na ibuhos ang higit pang mga pagpapala.

Because he despised the word of the Lord (verse 9), punishment came instead of blessing. Despising the word of God is despising the Lord himself because his word is a reflection of who he is. And those who despise the Lord must pay for the consequences.

David is blessed. But he could have been more blessed if he had not despised the word of the Lord.

Looking forward
But since we cannot turn back the hands of time, the best we can do is to learn from the past. We should look forward with this mindset:

Do you want to be more blessed in the future?
Then love the word of God now

Do you want to be more blessed tomorrow?
Then obey God’s voice today.
--------------------------------------------

Wednesday, December 17, 2008

Aanhin Mo ang "Answered Prayer" kung Nakasimangot naman ang Diyos?

Psalm 106:15: "So he gave them what they asked for,
but sent a wasting disease upon them."


Which do you prefer: a prayer denied or a prayer answered?

Surely, we want God to grant our requests. We want to receive the things that we are longing for. Hindi matino para sa isang tao ang humingi pero ayaw namang tumanggap. We ask because we want to receive.

Ngayo’y baguhin natin ang tanong. Alin ang gusto ninyo: Ipagkait ng Diyos ang ating hinihiling- pero nakangiti siya sa atin o ibigay ng Diyos ang gusto natin pero nakasimangot naman siya?

Minsan ay nagreklamo ang mga Israelita: “Hay! Abo ba natan ‘to? Wala man lang karne… Buti pa sa Ehipto, may isda… may pipino… may milon. May sibuyas… may bawang…pero Ngayon puros manna… manna… manna… Sawang-sawa na kami. Bumalik na lang tayo sa Ehipto”

Ano ang tugon ng Panginoon? Ibinigay niya ang layaw ng kanilang puso. Umihip ang hangin at dala nito maraming karne, karne ng pugo. Abot hanggang baywang, pulot lang ng pulot. Malamang ay sasabihin ng iba: "Aba, answered prayer!"

Subalit sa galit ng Diyos, ang kasunod ng karne ay isang salot at marami ang namatay. Bakit, ang sabi sa verse 13, “they forgot his works” and “they did not wait for his counsel”. They did not honor him as holy. They think of God as untrustworthy. Their belly is more important than God. They craved for meat… they craved for fish… they craved for cucumbers, melons, onions and garlic… May gana sa pagkain, pero walang gana sa Diyos.

Brethren, what does it profit a man if he gains the desires of his heart yet forfeits the pleasure of God? Let us honor Him. Let us wait for his counsel. Let us trust and obey. By His perfect wisdom, He knows what to give. And He knows what to withhold.

Let us keep on asking, but let us remember that we should seek the Giver, not the gifts.

------------------------------------