Click HERE for larger image |
Matagal-tagal na rin ang pagkakagawa ng imaheng nasa itaas subalit kamakailan ko lang ito namasdan. Gamit ang satellite, ito ay pinagtagpi-tagping mga kuha ng larawan upang maipakita ang liwanag at dilim sa iba't ibang panig ng daigdig sa oras ng gabi.
Sa mga mauunlad na lungsod, kitang-kita ang ningning ng mga ilaw. Matingkad na kadiliman naman sa mga kagubatan at disyerto ng Africa. Natural na madilim din sa Antartica kasi wala namang taong nakatira doon maliban sa mga scientist na nananaliksik.
May tuldok ng liwanag sa gitna ng Palawan kaya nasabi ko sa aking sarili, "Ah! yun siguro ang Puerto Princesa!"
Sa Asya, walang papantay sa Japan. Mula dulong hilaga hanggang dulong timog, nakakasilaw ang liwanag.
Sumagi lang sa aking isip, hindi lang naman industriyalisasyon at pag-usbong ng ekonomiya ang palatandaan ng pagpapala ng Diyos sa mga bansa. Maunlad nga ang Japan subali't ayon sa datos ng Joshua Project:

- 1.56% lang ng populasyon ang professing Christians (kasama na diyan ang mga Romano Katoliko, Greek Orthodox, at sari-saring mga kulto)
- 0.5% lang ng populasyon ang professing Evangelical
- 67.6% sa kanila, ni walang access sa pakikinig sa ebanghelyo.
Sa mapa ay kitang-kita rin ang liwanag ng mga mauunlad na lungsod sa Europa; subalit ayon sa 2005 Eurostat Eurobarometer Poll, hindi maikakaila na dilim ang naghahari doon. Ang mga naniniwalang may Diyos ay
- anim lamang sa bawat sampung katao sa Espanya
- lima lamang sa bawat sampu sa Germany
- apat lamang sa bawat sampu sa United Kingdom
- tatlo lamang sa bawat sampu sa France
- dalawa lamang sa bawat sampu sa Sweden
Kung meron lang sanang satellite na may kakayahang kumuha ng mga larawan ng ispirituwal na liwanag, makikita na ang pagpapala ng Diyos ay nasa mga dako kung saan nananahan ang kanyang mga tunay na anak. Kung nasaan ang mga sumasampalataya kay Hesus, naroon ang liwanag.
Eph. 5:8
"for at one time you were darkness, but now you are light in the Lord. Walk as children of light" (ESV)
Phi. 2:15
"that you may be blameless and innocent, children of God without blemish in the midst of a crooked and twisted generation, among whom you shine as lights in the world,
John 8:12
"I am the light of the world. Whoever follows me will not walk in darkness, but will have the light of life.”
Matt. 5:14-16
"You are the light of the world. A city set on a hill cannot be hidden. Nor do people light a lamp and put it under a basket, but on a stand, and it gives light to all in the house. In the same way, let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven."

No comments:
Post a Comment