Basahin muna: Genesis 50:15-21
Dalawang kasabihang magkasalungat ang mensahe. Ang una'y mahirap gawin. Ang pangalawa'y natural sa makasalanang tao. Pero bakit nagawa ni Joseph ang una? Siya na ipinagbili ng kanyang mga kapatid bilang kalakal; Siya na naging alipin sa Ehipto; siya na nabilanggo nang walang katarungan; siya na sa loob ng maraming taon ay nagdusa sa sakit ng damdamin at lungkot ng pag-iisa. Paano niya nagawang gantihan ng kabutihan ang lahat ng kasamaang ginawa sa kanya?
Siyempre, kasama diyan yung kanyang pananaw na ang Diyos na may kontrol sa lahat ng naganap ay may mabuting layunin. Kayang-kaya ng Diyos na baligtarin ang masamang hangarin ng tao para sa kabutihan (Genesis 50:20).
Siyempre, kasama diyan yung kanyang pananaw na ang Diyos na may kontrol sa lahat ng naganap ay may mabuting layunin. Kayang-kaya ng Diyos na baligtarin ang masamang hangarin ng tao para sa kabutihan (Genesis 50:20).
Bukod diyan, isa ring dahilan ang kanyang pagkakilala sa Diyos bilang Tanging Hukom. Sagot niya sa pag-aalinlangan ng kanyang mga kapatid, "Am I in the place of God?' (verse 19) Para sa kanya, ang Diyos lamang ang nasa posisyon upang magbigay katarungan. Hindi nararapat na ilagay natin ang batas sa ating sariling kamay. Kung kailangang sungkitin ang mata ng tao, ang nagbigay ng mata ang siyang may karapatang manungkit. Kung kailangang putulin ang daliri ng tao, ang pinagmulan ng daliri ang may karapatang pumutol. Kung kailangan pumatak ang dugo, ang nagkaloob ng dugo ang siyang dapat magpapatak nito. Kung kailangang kitilin ang buhay ng tao, ang may bigay ng buhay ang siyang may karapatang magpataw ng parusang kamatayan.
Romans 12:19-20
19 Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,” says the Lord. 20 On the contrary:
“If your enemy is hungry, feed him;
if he is thirsty, give him something to drink.
In doing this, you will heap burning coals on his head.” (NIV)
if he is thirsty, give him something to drink.
In doing this, you will heap burning coals on his head.” (NIV)
If wrath is needed, it must not come from sinful beings like us but from the one who remains perfectly holy even in his expression of wrath.
Thanks and Godbless u more
ReplyDelete