(Mateo 5:5)
Sa mga patimpalak sa telebisyon ng mga batang lalaki tulad ng That's My Boy, ganito ang karaniwang itinuturo sa mga kalahok:
Ito ay sintomas ng malalang kalagayan ng ating lipunan.Ang pagiging mababang-loob ay isang katangian na hindi natin pinapahalagahan. Tayo ay mga taong mapagmataas at ito ang itinuturo natin sa ating mga anak. Salungat diyan ang ikatlong Beatitude na winika ni Hesus: "Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig." (Mateo 5:3)
Ang orihinal na salitang Griyego na "praus" na isinalin sa Ingles bilang "meek" at "mapagpakumbaba" sa Filipino ay hindi nalalayo sa kahulugan ng pagiging dukha sa espiritu (poor in spirit) na natalakay sa ikatlong talata. Ang pagkakaiba lang nito ay ang "poor in spirit" ay ang kalagayan ng tao samantalang ang "meek" ay kung paano siya makitungo sa Diyos at sa kapwa-tao1. Ito ay kawalan ng pagmamagaling na nagdudulot ng pagpapakumbaba at hinahon kung kaharap natin ang iba.
Para naman kay John Macarthur, ang pinakamainan na paraan upang maipaliwanag ang katangiang ito ay hindi sa mga depinisyon kundi sa pagbibigay ng mga halimbawa2 tulad nina:
a. si Joseph, na ibinenta ng kanyang mga kapatid bilang isang alipin. Ngunit noong nagkaroon na siya ng kapangyarihan, pinili niyang gawan ng mabuti ang kanyang mga kapatid sa halip na maghiganti (Gen. 50:19-20)
b. si Pablo, na sa kabila ng kanyang katayuan bilang apostol at tagumpay sa pagtatayo ng mga iglesya sa mga lugar na hindi pa naaabot ninuman ay nagsabi na siya ay ni hindi karapat-dapat tawaging apostol (1 Cor. 15:9-10)
c. si Hesus, na bagamat siya ay Diyos at Haring nakaluklok sa kaitaas-taasan ay nagpakababa bilang tao, namuhay na tila isang alipin at naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus (Fil. 2:6-8)
Maaari rin maging halimbawa ng pagpapakumbaba ang sinuman sa atin kung sa kabila ng ating mga kakayahan at talento, ating kinikilala na ang may hawak ng ating kinabukasan ay hindi ang ating angking galing kundi ang Diyos pa rin na siyang bukal ng lahat ng habag at pagpapala. Ipagpalagay natin na sina Ginoo at Ginang Vergara ay mag-asawang mahuhusay na negosyante. Matitinik sila pagdating sa pagkilatis ng mga business opportunities at sa pagpapalago ng puhunan. Kung sila ay tatanungin, "How do you see yourselves 10 years from now?" maaari silang sumagot ng ganito: "Well, 10 years from now we will have a mansion much bigger than this house. Each of our sons and daughters will drive their own cars. Our business will have branches in Laoag in the north and Davao in the south and other major cities in-between." Ang ganitong pagtitiwala sa sarili ay papalakpakan ng sanlibutan tulad ng pagpalakpak nila sa mga kalahok sa patimpalak na That's My Boy. Subalit kung Bibliya ang pagbabatayan, ang nararapat na sagot ng mag-asawa ay "If it is the Lord's will, we will live and do this or that." (Santiago 4:13-16)
- entrance pa lang ay kailangang punong-puno na ng self-confidence ang bata.
- maglalakad-lakad siyang parang isang siga
- paminsan-minsan ay haharap sa camera ang bata at ilalagay ang daliri na naka-Laban sign sa ilalim ng baba upang bigyang-diin ang pogi niyang mukha
- lalapit sa mikropono at sasabin: "Oops, oops, oops! Relax lang kayo mga girls. Akala nyo si Dingdong Dantes ito. Nagkakamali kayo. Mas pogi ako 'dun"
Ito ay sintomas ng malalang kalagayan ng ating lipunan.Ang pagiging mababang-loob ay isang katangian na hindi natin pinapahalagahan. Tayo ay mga taong mapagmataas at ito ang itinuturo natin sa ating mga anak. Salungat diyan ang ikatlong Beatitude na winika ni Hesus: "Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig." (Mateo 5:3)
Ang orihinal na salitang Griyego na "praus" na isinalin sa Ingles bilang "meek" at "mapagpakumbaba" sa Filipino ay hindi nalalayo sa kahulugan ng pagiging dukha sa espiritu (poor in spirit) na natalakay sa ikatlong talata. Ang pagkakaiba lang nito ay ang "poor in spirit" ay ang kalagayan ng tao samantalang ang "meek" ay kung paano siya makitungo sa Diyos at sa kapwa-tao1. Ito ay kawalan ng pagmamagaling na nagdudulot ng pagpapakumbaba at hinahon kung kaharap natin ang iba.
Para naman kay John Macarthur, ang pinakamainan na paraan upang maipaliwanag ang katangiang ito ay hindi sa mga depinisyon kundi sa pagbibigay ng mga halimbawa2 tulad nina:
a. si Joseph, na ibinenta ng kanyang mga kapatid bilang isang alipin. Ngunit noong nagkaroon na siya ng kapangyarihan, pinili niyang gawan ng mabuti ang kanyang mga kapatid sa halip na maghiganti (Gen. 50:19-20)
b. si Pablo, na sa kabila ng kanyang katayuan bilang apostol at tagumpay sa pagtatayo ng mga iglesya sa mga lugar na hindi pa naaabot ninuman ay nagsabi na siya ay ni hindi karapat-dapat tawaging apostol (1 Cor. 15:9-10)
c. si Hesus, na bagamat siya ay Diyos at Haring nakaluklok sa kaitaas-taasan ay nagpakababa bilang tao, namuhay na tila isang alipin at naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus (Fil. 2:6-8)
Maaari rin maging halimbawa ng pagpapakumbaba ang sinuman sa atin kung sa kabila ng ating mga kakayahan at talento, ating kinikilala na ang may hawak ng ating kinabukasan ay hindi ang ating angking galing kundi ang Diyos pa rin na siyang bukal ng lahat ng habag at pagpapala. Ipagpalagay natin na sina Ginoo at Ginang Vergara ay mag-asawang mahuhusay na negosyante. Matitinik sila pagdating sa pagkilatis ng mga business opportunities at sa pagpapalago ng puhunan. Kung sila ay tatanungin, "How do you see yourselves 10 years from now?" maaari silang sumagot ng ganito: "Well, 10 years from now we will have a mansion much bigger than this house. Each of our sons and daughters will drive their own cars. Our business will have branches in Laoag in the north and Davao in the south and other major cities in-between." Ang ganitong pagtitiwala sa sarili ay papalakpakan ng sanlibutan tulad ng pagpalakpak nila sa mga kalahok sa patimpalak na That's My Boy. Subalit kung Bibliya ang pagbabatayan, ang nararapat na sagot ng mag-asawa ay "If it is the Lord's will, we will live and do this or that." (Santiago 4:13-16)
Talababa:
1. William Hendriksen, Exposition of the Gospel According to Matthew (NTC, Baker Book House 1973)
2. John Macarthur, The Only Way to Happiness: The Beatitudes (Moody Press, 1998; unang inilathala noong 1980 sa pamagat na Kingdom Living, Here and Now)
No comments:
Post a Comment