Ang lakas ng dating sa akin ng mensahe ni Ptr. Jun Malazo noong araw ng Linggo. Mula sa mga kabanatang 2, 3 at 4 ng Jeremias, ipinakita niya ang kahinaan (vulnerability) ng isang taong nanlamig ang pag-ibig sa Panginoon. Tila ba nawawala ang immune system mo kapag backslider ka na. Nawawalan ka ng lakas upang labanan ang kasalanan.
Ang talagang kumintal sa isip ay ang implikasyon ng Jer.2:24:
"a wild donkey accustomed to the desert,
sniffing the wind in her craving--
in her heat who can restrain her?
Any males that pursue her need not tire themselves;
at mating time they will find her." (NIV)
Dito ay inihalintulad ang kalagayan ng mga backslider sa isang inahing asno na nag-iinit naghahanap ng makakatalik. Hindi na raw mahihirapan ang mga barako na suyuin siya. Mula dito ay sinabi ni Ptr. Malazo na madaling bibigay sa kompromiso ang isang backslider.

Sakay pa lang ako ng dyip papauwi ay gumawa na ako ng resolusyon na magsasaliksik tungkol dito.
Malaki ang respeto ko sa mga iskolar ng bibliya kaya naman madalas akong sumangguni sa kanila. Inisip ko, anu-ano ba yung mga komentaryo sa Jeremias na accessible sa akin. Aha! Nandiyan si J. Andrew Dearman, Academic Dean sa Austin Presbyterian Theological Seminary. Nandiyan din si Charles Feinberg, mentor lang naman siya ng kagalang-galang John Macarthur noong nag-aaral pa siya sa Talbot. Ngunit sa pagkakataong ito hindi sila ang kailangan ko. Sa Jer.2:24, may kilala akong higit na dalubhasa sa kanila. Bagamat ang nasa Jer.2:24 ay tungkol sa asno, sa aking palagay ay may mga ugali naman ang mga asno na hindi nalalayo sa mga baka.
Bago lumipad patungong Inglatera si Kuya Arnel, hilig niya talaga ang pag-aalaga ng baka. Nasa sinapupunan pa lang siya ni nanay, magkasama na silang nagpapastol ng baka.Sa katunayan, nang minsang umuwi siya dito sa Pinas, isa sa mga bida sa kanyang camera ay ang kanyang naiwang alagang baka.
Sa kabutihan ng Panginoon, nakasabay ko si Kuya Arnel Lunes ng madaling araw. Sinamantala ko ang pagkakataon upang hingin ang kanyang expert opinion.
Ayon sa kaya, kung wala pa sa mating period and isang baka, hindi niya hahayaang makasampa ang barakong toro. Magpapakita ito ng resistance.
Subalit 'pag nasa mating period na ang isang inahing baka, hindi ito mapapakali. Ang dating ayaw masampaan ay siya na mismong sasampa-- sa kapwa niya inahing baka; sa sarili niyang anak-- sa LAHAT ng makikita niyang baka. Kaya naman kapag inilapit mo siya sa barakong toro, walang kahirap-hirap. Game na game ang inahing baka.

Ganun pala ang kalagayan ng backslider. Maaaring malakas siya noon. Ni hindi makalapit sa kanya ang mga masasama. Subalit kapag nanlamig ang pag-ibig niya sa Panginoon. magkakaroon siya ng isang 'di mapipigilang pagnanasa na gumawa ng masama. Siya na mismo ang maghahanap ng paraan upang makagawa ng hindi kanais-nais. Kapag niyaya siya ng mga hindi mananampalataya upang maligo sa dagat ng basura, mauuna siyang lulusong.
Panginoon, pakaingatan mo ang aming mga puso.
Huwag nawa kaming humantong sa ganito.
Nawa'y ikaw lagi ang aming iibigin.
**************
**************
No comments:
Post a Comment