Friday, October 21, 2016

Si Propeta Elias at ang Babaeng Balo sa Zarephath (1 Kings 17:8-16)


 
Namulot ng mga piraso ng kahoy ang babae bilang panggatong. Akala niya, minsan na lang siyang magluluto at kakain sa huling pagkakataon pagkatapos ay mamamatay na sa gutom.

Nasa abroad si mister; nasa Pilipinas si misis. Habang nag-uusap sila sa pamamagitan ng Skype isa-isang binabanggit ni misis ang mga dapat gastusan ng kanilang pamilya. Ang sagot ni mister: “Alam mo darling, minsan lang sa isang buwan ang suweldo dito.” Maliban sa iilan na labis ang kinikita, ito ang suliranin ng karamihang pamilyang Pilipino. Mahirap pagkasyahin ang budget sa dami ng gastusin: pagkain, kuryente, upa sa bahay, matrikula at baon ng mga bata, gamot ng mga maysakit, at kung anu-ano pa. Ang kahirapan sa buhay ay yumayanig sa ating pananampalataya at kung hindi mababantayan, baka tayo ay tuluyang manghina.

Ang bahagi ng kasulatan na tatalakayin sa paskil na ito hango sa buhay si Elias, isang propeta ng Diyos. Siya ay naglingkod bilang propeta sa panahong ang bansa ay nasa ilalim ng isang haring ubod ng sama, si Haring Ahab. At hindi pa siya nakuntento sa kanyang kasamaan, kumuha pa siya ng first lady na masama-- isang dayuhan na nagngangalang Jezebel. Sa ilalim ng pamumuno ng mag-asawa ay hinatak nila ang buong bansa sa kasamaan tulad ng pagsamba kina Baal at Asherah. Ito ay mailalarawan bilang conjugal reign of wickedness.

Bilang propeta ng Diyos, si Elias ang humarap sa kanya at idineklara niya ang mahabang tagtuyot: walang ulan ni hamog. Nagalit ang hari; nanganib ang buhay ni Elias. Siya ay inutusang magtago at manatili sa tabi ng isang batis. Dito pa lang ay makikita na natin ang pagtutustos ng Panginoon sa kanyang mga pangangailangan. Umaga at hapon, ang mga uwak ay inutusang maghatid ng pagkain kay Elias. Kung saan sila kumuha ng supply ay nananatiling misteryo hanggang ngayon. Doon na rin sa batis umiinom ng tubig si Elias.

Pero dahil wala ngang ulan ni hamog, natuyuan rin ang batis. Panahon na upang lumipat ng kuta. Si Elias ay ipinadala ng Panginoon sa tahanan ng isang babaeng balo at isang munting bata. Wika ni Hesus, maraming babaeng balo sa Israel sa panahon na iyon, ngunit hindi ipinadala si Elias sa kanila. Sinadya ng Diyos na pumili ng isang Hentil sa lupain ng Sidon. It was by God's sovereign choice! Puwede naman siyang pakainin ang kanyang propeta sa ibang kaparaanan. Ngunit ipininadala si Elias sa tahanan ng babaeng ito dahil may gagawin ang Diyos sa buhay ng mag-ina.

Inabutan niya ang babae na namumulot ng panggatong. Humingi ng maiinom si Elias. Pupunta na ang babaeng balo upang kumuha ng maiinom, subalit may pahabol na kahilingan ang propeta: isang piraso ng tipanay. Sagot ng niya, "Saksi si Yahweh, ang inyong buhay na Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay." (v.12)

Kung kayo ay gutom at ipapadala kayo ng Panginoon sa isang pamilya, aasahan ninyo siguro na sa marangyang pamilya kayo idadako. Lumalabas dito na ang gutom na si Elias ay ipinadala ng Panginoon sa isang mag-inang dukha. Ang inaasahan ng babae, magluluto na lang siya ng minsan at huling hapunan na iyon.

Subalit nagpakita pa rin ng pananampalataya ang babae:

1. Kinilala niya na ang Diyos ni Elias , ang Diyos ng Israel bilang siyang tunay na Diyos. Wika niya: "Saksi si Yahweh, ang inyong buhay na Diyos" (v.2). Siya ay hindi naman Israelita. Iba ang kinalakihan niyang kultura at relihiyon, ngunit kumbinsido siya na ang Diyos ng Israel ay ang siyang tunay.

2. Sumunod siya sa bilin ni Elias at kinilala niya ito bilang propeta ng Diyos. " Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang maliit na tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo. " (v.13). Isipin mo ang kalagayan ng babae. Kakarampot na harina na lamang ang hawak mo at biglang may susulpot na dayuhan na makikihati pa sa anong meron ka. Mahirap magbigay sa ganitong kalagayan.

Ngunit dahil kinilala na niya ang Diyos ng Israel bilang tunay na Diyos, kasunod noon ay ang pagtanggap sa propeta ni Yahweh. Ang gawaing ito ay kasiya-siya sa paningin ng Diyos (Mateo 10:41). Ipinagluto niya si Elias, dahil pinanghawakan niya ang pangako ng Panginoon sa v. 14: "Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan."

Tinupad ba ng Panginoon ang kanyang pangako? Heto ang pagpapatuloy ng salaysay:
vv. 15-16 "Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at hindi naubos ang pagkain ni Elias at ng mag-ina sa loob ng maraming araw. Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias."

Huwag ninyong iisipin na sa araw mismo na iyon ay biglang nagkaloon ng santambak na dami ng harina sa bahay ng babae. Huwag ninyong iisipin na bigla na lang nagkaroon ng balde-baldeng dami ng langis sa kusina. Yung dating sisidlan pa rin ng harina ang gamit nila at kung titignan mo araw-araw ay kakapiranggot lang ang laman. Yung dating sisidlan pa rin ng langis ang gamit nila at kung titignan mo araw-araw ay iilang patak lang ang laman. Maaaring ito ang araw-araw na tanong ng babae, “Meron ba kaya bukas?”. Araw-araw, napapatibay rin ang pananampalataya ng babae at ng bata.

Sa ating kalagayan, huwag nating iisipin na kailangang magbigay ng milyon-milyong pera ang Diyos para masabing pinagpala tayo. Huwag natin iisipin na kailangang puno lagi ang refrigerator bago tayo maniwalang “the Lord provides!”. Ang araw-araw na pagtutustos niya sa ating mga pangangailangan at napagkakasya natin ito ng hindi inaasahan ay sapat ng dahilan upang mamangha tayo sa kagandahang-loob niya. Ito ay kanyang paraan upang turuan ang puso natin na magtiwala.

At kung babalikan natin ang sinabi ng Panginoon, maraming babaeng balo sa Israel pero ang pinili ng Diyos padalhan ng grasya ng kaligtasan ay isang babaeng Hentil (Lucas 4:25-26). Isipin rin ninyo ang ginawa ng Panginoon sa buhay ninyo: hindi ba doon sa baranggay ninyo, maraming mga tahanan? Hindi ba marami kayong mga kapitbahay? Sa dinami-dami ng mga tao doon, iilan lang ang bilang ng mga mananampalataya.

If he has sent to your home the blessing of salvation, which is the greatest blessing of all, will you not trust him to give you the lesser blessings like food, shelter and clothing?

Romans 8:32--  He who did not spare his own Son, but gave him up for us all--how will he not also, along with him, graciously give us all things?”

Monday, May 9, 2016

A Christian Foothold in the Emperor's Home


Nero was Rome's emperor when the epistle to the Philippians was written.
You come to minister to a brother who is going through a difficult time. You thought that somehow the circumstances might weaken his faith. So you visit him so you could at least contribute something to make him strong. No doubt, your labor was not in vain. You did help in strengthening him. God saw your love for your brother so his favor is upon you. But you know you have been to a specially strong Christian when after ministering to him, you realize that you were the one who received more strength.

Paul was such a person. Paul and the Philippians were certainly going through difficult times because of the opposition to the  gospel. Yet Paul's condition was the worse since at that time he was in prison. Yet his joy in the Lord never faded. He prayed with joy for the evidence of God's work in the Philippians (1:3; 3 John 1:4). He rejoiced because his imprisonment lead to the advancement of the gospel (1:13ff.). The one who was in greater trouble urged everyone to rejoice (3:1, 4:4).

I would like to point you to a small verse easily overlooked. For us modern readers, it was a not so obvious way of encouraging the Philippians, but I guess it easily caught the attention of the original recipients of this letter.
“All the saints greet you, especially those who belong to Caesar’s household.” (4:22)
Philippi was a Roman colony. Believers there were experiencing opposition from the followers of the emperor.The joyful surprise of this verse is this: Christianity has established a foothold in the enemies' headquarters!!! Gordon Fee comments:
"Household would include household slaves as well as family members, but in either case it refers in particular to those who actually lived in Nero's palace in Rome..."1
Some of these were converts through Paul's ministry (1:13) and some through the ministry of others.

The 19th century New Testament scholar J. B. Lightfoot found some striking parallels between the names Paul listed in Romans 16:8–15 and the names of members of the Caesar’s household coming from the same era. He concludes,
“As a result of this investigation, we seem to have established a fair presumption, that among the salutations in the Epistle to the Romans some members at least of the  imperial household are included.”2
At the center of the persecution source, they have been gaining victory. Even in the very residence of the emperor, the Holy Spirit is in action. The gospel has infiltrated the tightly secured palace. There is a rebellion to the emperor's "lordship" even under his own roof. The powerful word of God destroyed the palace's defense system.

In the opposition's territory, there were true saints. The emperor set them apart to serve him. Yet the Holy Spirit set them apart to serve a different king.

Out of this verse, I suggest two life applications:
1. Be assured that the work of the church is not futile. Even if our conditions seems to indicate that we are at the losing end, the message of salvation is advancing. Our Lord is a mighty warrior, no opposition can win against him. "The gates of Hades" cannot prevail against the church (Matt. 16:18)

2. Be emboldened in your personal walk. For the same Spirit who is at work for the victory of the church over opposition, is also the same Spirit who works in your personal battles. The Lord our Mighty Warrior transforms us into conquerors like him, that we may persevere in the faith even against all the opposition (Rom. 8:37-38)

-----------
ENDNOTES:
1. Gordon Fee, Philippians (IVP New Testament Commentary) 
2. J. B. Lightfoot, St. Paul’s Epistle to the Philippians (cited in John Macarthur's Philippians, Macarthur New Testament Commentary)

Friday, April 8, 2016

Ang Lunas sa Kamatayan


Tantsa ko'y mahigit dalawang dekada na ang lumipas. Sa column ni Dr. Charles Chante sa Philippine Star, tinalakay ang mga bagong tuklas na paraan ng panggagamot. Patuloy ang pagsulong ng katalinuhan ng tao at maya't maya ay may bagong teknolohiyang natutuklasan upang gamutin ang ibat ibang karamdaman. Sa pagtatapos ng kanyang artikulo, kanyang ipinahayag ang kanyang optimismo na balang araw ay matutuklasan ang lunas sa lahat ng karamdaman at maging ang kamatayan ay magagamot na rin. Posible raw na maging imortal ang tao dahil sa patuloy na pagsulong ng kaalaman sa larangan ng medisina.

Bilang isang tao na dumaan rin sa ibat ibang malulubhang karamdaman, ako ay nagpapasalamat dahil sa lahat ng biyayang ating nakamtan bunga ng pagsulong ng agham at teknolohiya. Kung wala ang mga antibiotiko na ipinainom sa akin o itinurok sa aking katawan, malamang matagal na akong pumanaw.  Sandaang taon na ang nakalipas, ang inaasahang haba ng buhay (life expectancy) ng isang sanggol na bagong silang ay 31 anyos. Sa ating kapanahunan, ito ay 67. Ganyan kalaki ang ating pakinabang sa pagsulong ng kaalaman sa medisina.

Ngunit ang tanong, totoo kaya ang sinasabi ng kolumnistang doktor na iyon na magagamot ng teknolohiya ang kamatayan pagdating ng panahon? Sa katanungan pong iyan, tayo ay tutungo sa Bibliya para sa kasagutan.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit namamatay ang tao?
Ayon sa Bibliya, ang ugat ng ating kamatayan, ay kasalanan. Nang magkasala ang ating mga unang magulang sa Hardin ng Eden, ang isa sa mga parusang ipinataw sa kanila sa atin na kanilang mga inapo ay kamatayan.

Gen. 3:19 -- "Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin."

Rom. 5:12 -- "Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala."

Rom. 6:23-- "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan"

At ang kabayaran ng kasalanan ay hindi natatapos sa pagkalagot ng hininga. Sa Pahayag 21:8 ay may tinutukoy na ikalawang kamatayan-- ang pagtapon sa lawa ng apoy at asupre na mas kilala ng mga tao sa tawag na impiyerno, kung saan ang parusa ay walang katapusan.

Sa kabilang banda, may tama naman ang manggagamot na yun. Totoo naman na may lunas nga sa problema ng kamatayan. Subalit ang lunas sa kamatayan ay hindi produkto ng pagsulong ng kaalaman ng tao sa agham at teknolohiya. Bagkus, ito ay  nakasaad mismo sa aklat na ibinigay sa atin ng Diyos na siyang may akda ng buhay

Kung pag-uusapan ang lunas sa kamatayan, kailangang pag-usapan rin ang ugat ng kamatayan. Iyan ay ang kasalanan. Ang problemang ito ay hindi kayang gamutin ng mga tableta at mga kapsulang nabibili sa Mercury Drug o iba pang mga botika. Ang suliranin na ito ay hindi malulutas sa St. Luke's o iba pang mga ospital. Mas malalim na paggagamot ang kailangan sapagkat ito ay isang ispirituwal na suliranin.

Ano nga ba ang kasalanan?

  • Ang kasalanan ay ang pagbabalewala sa kalooban ng Diyos; ito ay paglabag sa mga utos, sa mga tuntunin ng Panginoon. Sa tuwing isinasantabi natin ang utos ng Diyos, at ang nasusunod ay ang nais natin o ang nais ng Diyablo, tayo ay nagkakasala. (1 John 3:4)
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing hindi natin ginagawa ang alam nating tama (James 4:17)
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing may sinasambit tayo na hindi dapat sambitin. Sa Mat. 12:36, nakasaad na pananagutan natin ang bawat salitang ating binigkas nang walang pag-iingat.
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing meron tayong iniisip na 'di kalugod-lugod sa Diyos, tulad ng pag-iisip ng mahalay (Matt. 5:28) o pagtatanim ng galit sa kapwa (Matt. 5:22)

Maraming paraan ng pagkakasala at ang sinumang magsabing wala siyang kasalanan ay di nauunawaan kung ano ang kasalanan.

Ang kasalanan ay mailalarawan din bilang kawalan ng pasasalamat sa Diyos. Ang Diyos ang ating Manlilikha. Nagpakita siya ng kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay ng buhay sa atin. Ang araw na tumutuyo sa ating mga isinampay ay likha niya. Ang ulan ay ipinapadala niya sa takdang panahon upang lumago ang mga pananim at nang tayo ay may kakainin. Lahat ng ating isinusubo, nginunguya at nilulunok ay galing sa kanyang mapagpalang mga kamay. Siya ang dahilan kung bakit humihinga ka pa hanggang ngayon. Siya ang dahilan kung bakit pumipintig pa rin an iyong puso at dumadaloy pa rin ang dugo sa iyong mga ugat. Napakabuti ng Diyos sa atin. Subalit ano ang ating iginanti kapalit sa lahat ng kanyang kabutihan?

Walang matuwid, wala, wala kahit isa
wala ni isang nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa sa Diyos
Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan, walang gumagawa ng mabuti,
wala, wala kahit isa. (Romans 3:10-12)

Paano maiiwasan ang kaparusahan ng kamatayan?
Ang ating mga sementeryo, nakahimlay ang maraming kakilala natin na mababait at mabubuti. Yan ay patunay na maski ang mga pinakamababait at mabubuti sa atin ay apektado rin ng kasalanan. Hindi sapat ang ating kabaitan at kabutihan upang makatakas sa kamatayan. Walang nakaabot sa pamantayan ng Diyos.

Kung ganyan kahigpit ang Diyos, na maski ang mga pinakamababait sa atin ay napaparusahan pa rin, wala na tayong pag-asa. Mamamatay tayong lahat. Mabubulid tayong lahat sa impiyerno! Mapaparusahan tayong lahat!

Kabayan, meron akong mabuting balitang ihahatid. Ito ang mabuting balita: ang Diyos mismo ang gumawa ng solusyon. Ang Diyos mismo ang nagbibigay ng lunas sa kamatayan. Ipinadala niya ang kanyang tanging anak, si Hesus. Si Hesus na kapilang na ng Ama sa simulat simula pa (Juan 1:1). Sa kanyang kalikasang Diyos, siya ay kumuha ng isa ng kalikasan, kaya naman siya ay likas na Diyos at likas na tao noong siya ay nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa. Ang Manlalalang ay bumaba at namuhay sa piling ng kanyang mga nilalang (John 1:14). Siya ay namuhay ng perpekto, walang kasalanan, walang kapintasan.

Siya ay ipinadala dito ng Ama upang saluhin ang kaparusahan ng mga kasalanan para sa lahat ng sasampalataya sa kanya. Noong siya ay dinakip, at dumaan sa paglilitis na salat sa katarungan.  Siya'y pinarusahan sa krus, sa katuparan ng tagna:

Isaiah 53:5"Sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniiis niya ang nagbigay sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, gumaling tayo." (punahin ang HEALING language)

Siya ay namatay, ngunit hindi siya nanatiling patay. Sa ikatlong araw ay muli siyang nabuhay. At ito ay isang kuwento na kathang-isip. Unang-una, daan-daang taon bago ipinanganak si Hesus, hula na ng kasulatan na hindi siya hahayaang mabulok ng kanyang Ama (Awit 16:10). Pangalawa, si Hesus mismo, bago pa man siya namatay, inihula na niya na kung iguguho ng mga kaaway ang kanyang katawan, muli niya itong itatayo sa ikatlong araw (John 2:19). Pangatlo, maraming saksing nakakita na siya ay namatay, inilibing at muling nabuhay. Sa ulat ng Apostol Pablo, may 500 saksi na nakakita na nabuhay siyang muli.

Bakit mahalagang paniwalaan na si Kristo ay muling nabuhay? Dahil ito ang garantiya na mabubuhay din muli ang mga sumusunod sa kanya. Sa katuruan ng bibliya, kung paano pumasok sa sanlibutan ang kamatayan sa kasalanan ni Adan, ganun rin naman papasok ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng matuwid na si Kristo.

1 Corinto 15:22, Kay Adan, lahat ay mamamatay. Kay Kristo, ang lahat ay mabubuhay.

Ito na nga ang lunas sa kamatayan para sa lahat ng nananampalataya kay Hesus at sa kasapatan ng kanyang sakripisyo sa krus--- pananampalatayang kalakip ang pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.

Wednesday, March 2, 2016

Ang Lakad ni Enoch

"Enoch walked with God, and then he disappeared because God took him away." (Genesis 5:24, NET Bible)

"By faith Enoch was taken up so that he did not see death, and he was not to be found because God took him up. For before his removal he had been commended as having pleased God. Now without faith it is impossible to please him, for the one who approaches God must believe that he exists and that he rewards those who seek him."
(Hebrews 11:5-6, NET Bible)
 -----
"Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay MAMAMATAY KA" (Gen. 2:17), babala ng Diyos sa ating mga unang magulang sa hardin. Binale-wala nila ang babala at mas pinaniwalaan ang panlilinlang ng ahas. Kaya naman ipinataw sa tao ang parusang ito: "Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin." (Gen. 3:19). Pagdating sa ikalimang kabanata ng Genesis, naroon ang talaan ng mga pangalan nina Adan at ng mga inapong sumunod sa kanya:
  • Sa gulang na 930, si Adan ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 912, si Seth ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 905, si Enosh ay bumalik sa alabok.
  • Sa gulang na 910, si Cainan ay bumalik sa alabok.
  • Sa edad na 895, si Mahalalel ay bumalik sa alabok.

Wala tayong oras at espasyo para isa-isahin ang mga pangalan. Sapat na ang sabihin na mula sa unang pangalang nabanggit hanggang sa huli, silang lahat ay bumalik sa alabok--- MALIBAN SA ISA!!! Si Enoch ay umabot sa gulang na 365 at ang pagkakasabi sa talata 25, sa gulang na iyon siya ay nawala (wala nang nakasulyap pa sa kanya) dahil kinuha siya ng Diyos. 

Sa pagbuklat natin sa Bagong Tipan, mas nabigyang linaw ang nangyari sa kanya: "... si Enoch ay hindi nakaranas ng kamatayan. Hindi na siya nakita sapagkat kinuha siya ng Diyos." (Heb. 11:5).

Ito ang unang pahiwatig ng Bibliya na ang parusang kamatayan na ipinataw sa sangkatauhan ay maaaring matakasan. Ang tao na bihag sa kuko ng kamatayan ay maaaring makaalpas. Ngayon at kumpleto na ang kapahayagan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya, unawa natin na ang pagbabalik sa alabok ay hindi ang ating huling hantungan. Ang huling patutunguhan natin ay sa presensya ng Diyos upang makapiling siya araw at gabi at mamangha sa kanyang kadakilaan magpakailanman.

Kung paano nalampasan ni Enoch ang parusang kamatayan ay nandun rin sa Gen 5:24. Sa buong buhay niya, siya ay naglakad kasama ang Diyos o sa talasalitaan (vocabulary) ng sumulat ng aklat ng Hebreo, ang buhay niya ay kalugod-lugod sa Diyos (Heb. 11:5). Sa buong buhay niya, wala siyang ibang inisip kundi kung ano ang magbibigay-lugod sa Diyos. Naging maingat siya sa paglayo sa mga bagay at mga gawaing kinamumuhian ng Diyos. Ang lumakad sa tuwid na daan at mabuhay ng may takot sa Diyos ang nasa puso at isipan niya. Iyan ang ikinatuwa ng Diyos kaya't siya ay kinuha nang hindi dumadaan sa kamatayan.

Maaaring magtanong ang ilan, "Akala ko ba sa pananampalataya naliligtas ang tao at hindi sa gawa? Bakit tila ang kanyang matuwid na buhay ang siyang nagbigay-lugod sa Diyos at naging daan kung bakit siya nakalaya sa parusang kamatayan? Akala ko ba salvation by grace through faith alone?” 

Sinagot 'yan ng may akda ng aklat ng Hebreo. Aniya, ang dahilan kung bakit ganun na lamang kaganda ang lakad ni Enoch na siya namang ikinalugod ng Diyos ay dahil sa pananampalataya. Sa teolohiya ng sumulat, imposible para sa sinuman ang makapagbigay-lugod sa Diyos kung siya ay walang pananampalataya (Heb 11:6). Kaya naman sa konklusyon niya, ang ugat ng pagkalugod ng Diyos kay Enoch ay hindi dahil sa likas siyang matuwid, kundi dahil sa may pananampalataya siya-- pananampalatayang ang dulot ay matuwid na pamumuhay.

Ito ay isang nakakagalak na katotohanan: tayo na may pananampalataya sa Diyos ay kinalulugdan niya. Hindi na bale kung hindi man malugod ang mga tao sa atin sa tuwing naninindigan tayo sa katotohan. Ang tanging may halaga, nalulugod sa atin ang Diyos.

Huling punto: ang Diyos ay nagbibigay gantimpala sa mga masigasig humahanap sa kanya (Heb. 11:6). Kung wala tayong mapapala sa paglilingkod sa Diyos, kung wala tayong mapapala sa pamumuhay nang matuwid, kung wala tayong pakinabang sa pagsunod sa Diyos--- kawawa naman tayo. Mauuwi lang pala sa wala ang lahat. Ganito rin ang saloobin ni Apostol Pablo (1 Corinto 15:19). Mabuti na lang may pakinabang tayo sa pananampalataya ayon sa Heb.11:6. Ang Diyos ay nagbibigay gantimpala sa mga humahanap sa kanya.
---------------- 
Like Enoch, walk with God, and you cannot mistake your road. You have infallible wisdom to direct you, immutable love to comfort you, and eternal power to defend you."
Charles H. Spurgeon
Morning and Evening



Tuesday, January 19, 2016

Huwag Maging Artista (Mateo 6:1-18)

Sa paggawa ng mabuti, tumitibay ang ating katiyakan na tayo nga ay mga anak ng Diyos (1 Juan 2:29). Sa pamamagitan rin ng paggawa ng mabuti, ating naluluwalhati ang ating Ama sa langit (Mateo 5:14-16). Ganyan kahalaga ang paggawa ng mabuti.

Para sa mga Hudyo, may tatlong pangunahing gawain ang isang taong matuwid i:
  • a. pagbibigay sa mga kapus-palad
  • b. pananalangin
  • c. pag-aayuno

Bagamat duda ako na ang mga ito nga ang dapat na ibilang bilang mga “pangunahing gawain”, sapat naman ang datos sa bibliya na ang mga ito nga ay mga gawaing inaasahang makita sa mga taong nagmamahal sa Diyos.

Ang problemang tinugunan ni Hesus sa mga talatang ating sinusulyapan ay ang palagiang pagnanais ng tao na maitaas ang kanyang sarili. Madalas na ang layunin sa paggawa ng mabuti ay hindi na ang pagluluwalhati sa Diyos kundi ang sila ay palakpakan ng mga nanonood.

Noong sinabi ni Hesus sa Mateo 6:1, Beware of practicing your righteousness before other people...” , ang pandiwa na ginamit na isinalin bilang “Beware” o “Be careful” ay isang present imperative. Ang utos ay pagbabantay o pagmamatyag ng walang tigil o pahinga. Ayon kay Charles Quarles:
The grammatical form implies that the disciple must continually and consciously avoid making a show of acts of righteousness since the temptation to seek personal aggrandizement is ever present.”ii
Samakatuwid, likas sa makasalanang tao ang humanap lagi ng kanyang maipagmamalaki at ipagmamayabang. Kailangang bantayan ang ating sarili sa tuwi-tuwina sapagkat naririyan lagi ang pagnanais ng laman na magmapuri sa sarili.

Ang mga Artista 
Sa aking napiling pamagat na “Huwag Maging Artista”, wala akong intensyong hubaran ng dangal ang mga taong ganito ang propesyon. Ako man ay nanonood ng ilan sa kanilang mga obra at napapahanga rin sa husay ng ilang mga artista sa kanilang sining.

Ang pamagat ay hango sa salitang Griyego na hupokrites na isinalin sa wikang Ingles bilang “hypocrites” (verses 2, 5 and 16). Ang salitang ito ay orihinal na tumutukoy sa mga artistang nagtatanghal sa entablado sa mga teatro.iii Sa isa namang Greek lexicon, ang depinisyon sa salitang ito ay “one who pretends to be other than he really is"iv Ganun naman talaga ang mahuhusay na artista: kahit maginhawa ka sa totoong buhay, napapaluha mo ang mga tao kapag nakikita nila ang iyong paghihikahos sa telebisyon; kahit ikaw ay may problemang dinadaanan, napapahalakhak mo ang mga manonood; o mabait ka naman sa totoong buhay pero nasusuklam sa iyo ang mga tao sa iyong pagganap bilang kontra-bida. Sa Kalye-serye ng Eat Bulaga, ang mga gumaganap na lola ni Yaya Dub ay mga lalake!!! 

Ganyan ang mga mahuhusay na artista. Kapanipaniwala at epektibo sa kanilang pagganap. Ang pag-arte ay isang talentong kahanga-hanga sa entablado, telebisyon at sine. Pero ang kakayahang ito ay nagiging masama kung gagamitin upang magmukhang banal sa paningin ng mga tao, tumanggap ng mga papuri at palakpak, at hindi na ang kaluguran ng Diyos ang layunin. 

Ang Logical na Istruktura ng Leksyonv 
Sa bawat gawaing tinalakay, pare-pareho ang lohikal na istrukturang ginamit ng ating Panginoon.

1. Babala na huwag gumawa ng mabuti sa layuning ikaw ay mapapurihan ng mga tao. (pagbibigay limos 6:2a/ pananalangin 6:5a/ pag-aayuno 6:16a)

2. Sa mga hindi makikinig sa babala, makukuha nila ang gusto nila ("papuri ng mga tao"), pero hanggang doon na lang yun (pagbibigay limos 6:2b/ pananalangin 6:5b/ pag-aayuno 6:16b)

3. Ang bilin na gawin ang kabutihan ng palihim (pagbibigay limos 6:3/ pananalangin 6:6/ pag-aayuno 6:17-18) 
  4. Ang katiyakan na ang Ama na nakakita ng palihim na kabutihan ay magbibigay gantimpala (pagbibigay limos 6:4/ pananalangin 6:6b/ pag-aayuno 6:18) 

Paano Magbigay sa mga Nangangailangan (Mateo 6:2-4)
Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay isang gawain na dapat gampanan ng sinumang may pananampalataya sa Diyos (Deuteronomy 15:7-11, Leviticus 19:9-10, Matthew 25:34-40). May mga ipinangako pa ngang mga pagpapala at gantimpala sa mga tumutupad nito (Deuteronomy 15:10, Proverbs 19:17, 1 Timothy 6:18-19). Ngunit meron rin namang mga gumagawa nito na hindi kinalulugdan ng Diyos. Sila yung mga nagbibigay sa layuning sila ay mapansin at parangalan ng mga tao. Hindi kaluwalhatian ng Diyos ang kanilang hangad kundi ang pagtingala sa kanila ng lipunan.

Paano sila magbigay? Inaanunsyo nila ang kanilang pagbibigay sa pamamagitan ng pagpapatunog sa trumpeta. Iba-iba ang opinyon ng mga nasangguni kong iskolar tungkol dito:
  1. May mga nagsasabi na ito ay literal na pagpapatugtog ng trumpeta.
  2. May mga nagsasabi na ito ay isang sisidlan na hugis trumpeta kung saan inihuhulog ang mga alay na salapi.
  3. May mga nagsasabi na ito ay hyperbole lamang na ginamit ni Hesus upang ilarawan ang mga taong papansin sa pagbibigay
Ang aking puso ay may pagkiling sa pangatlo: ito ay hyperbole lamang na ginamit ni Hesus pang ilarawan ang mga taong papansin sa pagbibigay. Paliwanag ni Craig Keener:
 “Although some scholars have argued that people actually blew trumpets during giving in the synagogues, Jesus probably simply uses rhetorical exaggeration to reinforce his point, as when picturing the Pharisees who swallow a camel whole but strain out a mere gnat (23:24)”vi

Para sa mga taong ganun magbigay, natanggap na nila ang kanilang gantimpala (they have received their reward in full”). Ang salitang Griyego na isinalin bilang “in full” ay apechousin na nangangahulugang "to receive something in full, with the implication that all that is due has been paid"vii . Ibig sabihin, nakuha na nila ang gusto nila: ang sila ay parangalan ng mga tao. Ngunit hanggang doon na lang yun. Wala na silang matatanggap pa na parangal mula sa langit.

Paano ang tamang paraan ng pagbibigay sa katuruan ni Hesus? Huwag ipaalam sa kaliwang kamay ang pagbibigay ng kanang kamay. Siyempre hindi literal ang kahulugan niyan. Muli, ito ay isang hyperbole. Ito ang nagkakaisang opinyon nina Charles Quarles at William Hendriksen:
the image of keeping one’s acts of goodness secret even from oneself is a hyperbole meaning that the disciple must not give so that he can pat himself on the back or applaud his own goodness.” (Charles Quarles)viii
the expression probably refers to the fact that as much as possible a person must keep his voluntary contribution a secret not only to others but even to himself; that is, he should forget about it, instead of saying in his heart, “What a good man, woman, boy, girl, am I!” (William Hendriksen)ix
Ang ating Ama sa langit ay nakakakita ng ating mga kabutihan na ginagawang palihim. May gantimpalang laan para sa atin. 

Paano Mag-ayuno (Matthew 6:16-18)
Ang orihinal na utos tungkol sa pag-aayuno (fasting) ay ibinigay kasama ng utos sa paggunita sa Day of Atonement ng mga Israelita. Higit sa pagkain at inumin ang saklaw nito. Ang utos ay deny yourselves (Leviticus 16:31; 23:27). Kaya naman may mas malawak na depinisyon (broader definition) ang pag-aayuno:
"... fasting... must not only be confined to the question of food and drink; fasting should really be made to include abstinence from anything which is legitimate in and of itself for the sake of some special spiritual purpose. There are many bodily functions which are right and normal and perfectly legitimate, but which for special peculiar reasons in certain circumstances should be controlled. That is fasting." (Martyn Lloyd-Jones)x
"Traditionally this self-denial included abstaining from eating, drinking, sexual activity, washing, anointing, or putting on sandals." (Charles Quarles)xi
Subalit ang pag-aayuno na saklaw ng kasalukuyang leksyon ay ang mas makitid na depinisyon (narrower definition) nito: "The act of total or partial abstinence from food for a limited period of time, usually undertaken for moral or religious reasons." (Robert D. Linder)xii 

Kung tutuusin ay mayroon pang mas makitid na depinisyon. Ito ang depinisyong alok ni Donald Whitney: “a Christian’s voluntary abstinence from food for spiritual purposes”. xiii Ang mga salitang sinalungguhitan diyan ay pawang mahalaga:
  • Christian: hindi natin bibigyang pansin ang pag-aayuno sa ibang relihiyon tulad ng sa Islam at Jainism sapagkat wala namang ispirituwal na halaga ang mga ito.
  • for spiritual purposes: hindi natin ibibilang ang mga nagha-hunger strike o nagpapapayat
  • voluntary: hindi natin ituturing na pag-aayuno ang mga taong nagkataon lamang na wala talaga silang budget pambili ng pagkain o 'di kaya ay ang mga taong nagmamadali sa pagpasok sa trabaho at wala ng oras mag-almusal.
Ang pag-aayuno ay maaaring gawin ng kongregasyon (Acts 13:2). Maaari rin itong gawin ng isang indibiduwal (Matthew 4:2). Ang uri ng pag-aayuno na tinalakay dito ni Hesus ay ang personal na pag-aayuno ng mga indibiduwal.
Iba-iba rin ang mga biblikal na dahilan ng pag-aayuno:
  • 1. bilang pagpapahayag ng pagluluksa (1 Samuel 31:13)
  • 2. bilang pagpapakita ng pagsisisi (2 Samuel 12:15-23)
  • 3. upang idulog sa Diyos ang isang seryosong suliranin (2 Chronicles 20:1-4)
Nakapulot ako ng pang-apat na biblikal na dahilan ng pag-aayuno mula kay Donald Whitney:
  • 4. bilang pagpaparamdam natin sa Diyos ng ating pag-ibig at pagsamba sa kanya tulad ng isinabuhay ni Anna (Luke 2:36-37)
Paliwanag ni Whitney:
Fasting can be an expression of finding your greatest pleasure and enjoyment in life from God. That’s the case when disciplining yourself to fast means that you love God more than food, that seeking Him is more important to you than eating. This honors God and is a means of worshiping Him as God. It means that your stomach isn’t your god as it is with some (Philippians 3:19). Instead it is God’s servant, and fasting proves it because you’re willing to sublimate its desires to those of the Spirit.”xiv
Ngunit merong mga nag-aayuno na mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos sa sarili at sinasadya nilang magmukhang malungkot sa layuning sila ay mapansin ng mga tao. Sila ay walang mapapalang anuman sa langit. Ang parangal sa kanila ng tao ang tanging babaunin nila sa kabilang buhay.

Sa aral ng Panginoong Hesus, ang mga nag-aayuno ay kailangang mag-ayos sa sarili. Lumabas at ngumiti sa mga tao. Huwag ipahalatang walang laman ang iyong sikmura. Hindi man alam ng mga tao ang iyong mga banal na gawain, meron ka namang Ama sa langit at siya ang magbibigay gantimpala sa iyo.

Meron ka bang alalahanin na lubhang seryoso at nangangailangan ka ng isang ekstra-ordinaryong pagkilos mula sa Panginoon? O 'di kaya nais mo lang magpahayag ng pag-ibig sa Diyos? Bagamat ang pag-aayuno ay hindi gaanong naipapangaral at nabibigyang atensyon sa mga iglesya ng Diyos ngayon, ang pamamaraang ito ng pakikipagpisan sa Panginoon ay nariyan pa rin at maaari nating gamitin. Tandaan lamang na ito ay ating gagawin hindi upang mapansin ng mga tao. Mayroon taong Ama na nagbabantay sa atin. Nakikita niya ang lahat ng kabutihang gawa mo kahit ito pa ay ginawang palihim. 

Paano manalangin (Matthew 6:5-6) 
Gustong-gusto nating maglaan ng oras upang makasama ang mga mahal natin sa buhay. Hindi nga ba't 'yan din ang dahilan kung bakit naghihinagpis tayo sa pagpanaw ng isang taong mahalaga sa atin. Sa sandaling naputol na ang kanyang paghinga, alam mong hindi mo na siya makakausap; hindi mo na rin maririnig ang kanyang tinig. Nagluluksa tayo dahil alam nating hindi na natin sila makakaniig sa kasalukuyang buhay. 

May mga tao na gusto nating makasama; mga taong itinuturing nating mahalaga sa buhay natin. Kung gayon, hindi ba't dapat ay sabik din tayong makausap at makaniig ang Diyos? Hindi ba't nararapat lamang na ang Diyos ang pinakamamahal ng ating puso? "Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin" (Mateo 10:37).

Sa panalangin, nakakapisan natin ang ating Manlilikha (Acts 17:26b), Tagapangalaga (1 Peter 5:7), Tagapagligtas/Manunubos (Isaiah 43:11), Manananggol (Proverbs 23:10-11) at Kaibigan (John 15:15). Sa anumang relasyon, mahalaga ang komunikasyon. Ipinapahayag ng Diyos ang kanyang kalooban sa atin sa pamamagitan ng Bibliya. Naipapahayag naman natin ang ating saloobin sa pamamagitan ng pananalangin.

Ngunit gaya ng iba pang mga mabubuting gawain, ito ay maaaring mawalang saysay dahil sa maruming motibo. Ang motibo ng maraming tao noon sa panahon ni Hesus at maging sa ating kapanahunan ay hindi ang pakikipagniig sa Diyos kundi magpa-impress sa mga tao. Pinuna ni Hesus ang gawain ng marami sa panahong iyon sapagkat sinasadya nilang tumayo at manalangin sa mga lugar kung saan maraming tao. Makukuha nga nila ang nais nila: papuri ng mga tao, subalit hanggang doon na lang yun. Wala na silang maaasahang gantimpala pa buhat sa langit.

Salungat sa pamamaraang ito, ang dapat na panalangin ayon kay Hesus ay dinadala sa isang lugar (Marcos 1:35-36) na walang ibang makakaalam kundi ikaw. Ang Diyos na nakakakita ng mga lihim na bagay ang siyang magbibigay gantimpala. Hindi nito minamasama ang lahat ng pampublikong pananalangin (Acts 4:24). Ang punto ay ano ba ang motibo sa pananalangin? Ito ba ay para ikaw ay hangaan ng mga tao sa iyong “kabanalan”?

Kailan at saan ka nakakapanalangin? Sa piling lang ba ng isang grupo tulad ng konggregasyon o isang bible study group? Isa sa mga sukatan nga ispirituwal na kalusugan ay ang pagkakatugma ng kanyang public prayer life at private prayer life. Ika nga ni D. A. Carson: 
 “The person who prays more in public than in private reveals that he is less interested in God's approval than in human praise. Not piety but a reputation for piety is his concern.”xv
Ang ating audience
Sa mga artista, paramihan ng audience ang laban. Pataasan ng ratings ang mga istasyon ng TV. Sa mga mananampalataya, iisang audience lang ang mahalaga; siya ay ang ating Ama na nakaluklok sa kanyang walang hanggang trono at nanonood sa atin mula sa langit.

---------------- 

FOOTNOTES
i the three chief acts of Jewish piety: almsgiving, prayer, and fasting (C.G. Montefiore and H. Loewe, A Rabbinic Anthology). Cited by D. A. Carson in EBC, 1st edition
ii Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
iii Craig Keener, Matthew (IVP New Testament Commentary)
iv J.P Louw and Eugene Nida, Greek-English Lexicon of the New Testament: Based on Semantic Domains
v H.D. Betz, "Eine judenchristliche Kult-Didache in Matthaus 6:1-18; cited by D.A. Carson in EBC, 1st edition
vi Craig Keener, Matthew (IVP New Testament Commentary)
vii J.P Louw and Eugene Nida, Greek-English Lexicon of the New Testament: Based on Semantic Domains
viii Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
ix William Hendriksen, Exposition of the Gospel According to Matthew (NTC)
x Martyn Lloyd-Jones, Studies in the Sermon on the Mount
xi Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
xii Evangelical Dictionary of Theology, 1st edition (Walter Elwell, editor)
xiii Donald Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life
xiv Donald Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life
xv D. A. Carson, Matthew in Expositor's Bible Commentary, 1st edition

Thursday, October 29, 2015

Our Immortal Help (Psalm 146)

 
Holman Christian Standard Bible (HCSB); screenshot taken from www.biblegateway.com


They don't have much in life. They are weak and powerless. They belong to the lowest layers of the socio-economic strata. The world refers to them as the "less-fortunate" as they are not so "lucky" in life. And since they don't have the ability to defend themselves, they are the most vulnerable victims of abuse by those who have guns, goons and gold.

People who belong to this marginalized group would naturally dream of moving up higher. Who doesn't want a little improvement in life? Nobody enjoys hardship; everyone wants a little more comfort. If help is available, we can't blame the powerless for taking the offer.

Yet oftentimes in their pursuit of moving up to a higher stratum, they forget God. Their faith is not on the Sovereign God who has the power both to demote and to promote. Rather they put their trust is princes, those who possess political and financial advantages. What a fatal mistake! They have forgotten the Heavenly Judge who has the authority to put down one and exalt another (Psalm 75:7)

Not so the psalmist. This psalmist is calling upon all including the powerless ones to praise the Lord and has stated his commitment to praise the Lord as long as he lives (v.1,2). This is followed by his instruction to the people that they should not put their trust in the current political powers who are but mortals just like the rest of us (v.3-4). They too are subject to the frailties and limitations of the flesh. Putting one's trust in them is a dying hope for this hope dies with the prince.

Instead of holding on to a dying hope, we ought to choose a living hope. This hope will not die for it places its trust in the immortal God. Perhaps at present, one is "not so lucky" in the eyes of the world but if he has chosen to trust in the right person, he has positioned himself into a state of blessedness. Why? Let me give six reasons from the psalm at hand:

1st, He has put his trust in the God of Jacob (verse 5). Jacob is of course, the father of all the tribes of Israel. Putting one's trust in YHWH is putting one's trust in the same God who has founded the nation of Israel. One could not go wrong with the tried and tested foundation-builder namely YHWH, the God of Jacob.

2nd, He has put his trust in the Creator of the universe (verse 6). The one who made the earth and everything in it. The One who spoke the words and all the world came into order. Greater is he than anything else in the created order for every power in existence is indebted to Him.

3rd, He has put his trust in the faithful God (verse 6, "who remains faithful forever"). In other psalms, this faithfulness is said to be reaching up to the skies. In Psalm 89:2 says that God has established his faithfulness in heaven itself.

4th, He has put his trust in the God whose benevolence has already been experienced by many, even among the weakest of the weak and the poorest of the poor (verses 7-9)

The oppressed has experienced how he executes justice.
The hungry has experienced being fed by his hand
The prisoners has been set free.
The blind were given sight.
Those who are bowed down has been raised
The righteous are loved.
The strangers/aliens were protected.
The orphans and the widows were cared for.

Notice that in all these, it is God who is the doer of the action: he executes... he feeds... he sets free... he gives... he raises... he loves... he protects... he cares... Those who trust him contributed nothing. All they did was to put their faith in him. Isn't that a picture of our own eternal salvation? God did all the work. Salvation belongs to our God!

5th, He has put his trust in the God who doesn't show favor to the wicked
(verse 9c). In human systems of justice, the guilty often get away because they have the money and the influence to elude punishment. Not so in God's system of justice. God is not a respecter of persons. No matter who they are, if they will not repent and surrender to God, they will pay for their crimes.

6th, He has put his trust in the King whose reign is unending (verse 10). That is in contrast with the mortal princes whose plans and ambitions die with them. God however reigns forever. Forever the crown belongs to him. Forever the scepter belongs to him. Forever the throne belongs to him.  From everlasting to everlasting, he is God.

Monday, September 14, 2015

"Mapalad ang mga Mahabagin" (The Beatitudes, part 6)

"Mapalad ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng Diyos" (Mateo 5:7)

Ubos na ang kanilang mga bala. Sila ay mga sugatan. Walang kalaban-laban. Subalit tinuluyan pa rin silang pinagbababaril ng mga pinagsama-samang puwersa ng MILF, BIFF, at iba pa. Hindi na iginalang ang kanilang uniporme na patunay na sila ay mga awtoridad na ipinadala ng pamahalaan. Ngunit bago pa man nangyari ang lahat ng ito, ang kawalang-habag ay matagal ng nakapasok sa ating daigdig. Sa mga anak pa lang nina Adan at Eva ay naipamalas na ang kawalang-habag ng paslangin ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel.

Ikaw ba ay mahabagin? Siguro nga ay wala ka pang napapatay o nakakagawa ng anumang karahasan, subalit hindi lamang naman doon nakikita ang kawalang-habag. Naantig pa ba ang ating mga damdamin kung may nakikita tayong naghihirap o nagdurusa? Ang pagkamahabagin ay isang katangian ng Diyos na dapat tularan ng kanyang mga anak. Kapag ang katangian ng Diyos na ito ay nababanggit sa bibliya, ito ay madalas inilalakip sa dalawa pang ibang katangian: ang grasya at pasensya ng Diyos (tignan sa Exodus 34:6 at Psalm 103:8). Maaari rin na ituring ang tatlong ito bilang tatlong aspeto ng kabutihan ng Diyos1

Ang kanyang habag ay tumutukoy sa kanyang kabutihan sa mga nahihirapan.
Ang kanyang grasya ay tumutukoy sa kanyang kabutihan sa mga karapat-dapat parusahan.
At ang kanyang pasensya ay tumutukoy sa kanyang pagpipigil sa pagpaparusa sa mga nagkasala na madalas ay umaabot sa mahabang panahon.

Ang pagiging mahabagin kasama ang dalawang katangian madalas na kalakip nito (grasya at pagpapasensya) ay kabilang sa mga tinatawag na communicable attributes of God o mga katangian ng Diyos na maaaring tularan ng kanyang mga anak2. Sa sinumang nagsasabi na siya ay anak ng Diyos, marapat lamang na tularan niya ang mga communicable attributes ng kanyang Ama sa langit (Colosas 3:10). Kung ikaw ay mahabagin, magpapakita ka ng kabutihan sa mga taong naghihirap. Gagawa ka ng mga hakbang upang maibsan ang kanyang pagdurusa kahit na ang pagdurusang ito ay bunga ng sarili niyang kagagawan.

Idinugtong rin ni Hesus na ang mga mahabagin ay kahahabagan din. Sa isang taong mahabagin, ito ay patunay na ang Diyos ay kumilos na sa puso niya upang siya ay maging kawangis ng mahabaging si Kristo at magkakarooon siya ng kapanatagan na ang habag ng Diyos ay higit sa mga parusang nararapat sa kanya3.
 

--------------
FOOTNOTES
1. "God’s mercy, patience, and grace may be seen as three separate attributes, or as specific aspects of God’s goodness. (Wayne Grudem, Systematic Theology)
2. "Communicable attributes: Aspects of God’s character that he shares or “communicates”with us." (Jeff Purswell, the glossary section of Wayne Grudem's Systematic Theology)
3. "The presence of love (or mercy) shows that God has performed a work of grace in the believer's heart, making him like Christ. As a result, he can have confidence when he is judged.(Donald Burdick's commentary on James 2:13 in Expositor's Bible Commentary, 1st edition)

Wednesday, August 12, 2015

"Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran" (The Beatitudes, part 5)



"Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran sapagkat sila ay bubusugin."  (Mateo 5:6)


Hindi na nga nakapag-almusal si Pilar, tumagal pa ang pulong ng higit sa inaasahan. Nanginginig ang kanyang tuhod sa gutom at halos mahihilo na siya. Paglabas niya ng gusali ay may natanaw siyang dalawang tindahan: ang nasa kanan ay tindahan ng mga kakanin at ang nasa kaliwa ay may ukay-ukay. Alin sa dalawang tindahan ang sa tingin ninyo ang lalapitan ni Pilar?

Ang naranasan ni Pilar ay ilang oras lang ng pagkagutom, ano pa kaya sa mga panig ng daigdig kung saan may mga taggutom na tumatagal ng mahabang panahon. Sa isang taong hindi pa kumakain ni umiinom sa loob ng ilang linggo, wala siyang ibang hanap kundi pagkain at tubig. Ikaw man, kung halos mamatay ka na sa gutom at uhaw, hindi mo ba ipagpapalit ang iyong mga mamahaling gamit kapalit ng bigas, mga de-lata at malinis na tubig? Bakit mo panghahawakan ang mga bagay na hindi naman magpapahaba ng iyong buhay?

Sa buhay ispirituwal, madalas ang ninanais ng mga tao ay ang mga bagay na hindi naman magbibigay ng buhay at sigla sa kanilang kaluluwa. Halimbawa ay sa Isaias 55:1-3 kung saan ang mga tao ay sinasabing nag-aaksaya at nagpapakapagod sa mga bagay na hindi naman nakakabusog. Ang paanyaya ng Diyos ay lumapit sa kanya ang mga gutom at uhaw sa kaluluwa at sila ay bibigyan ng walang bayad. Ito ay madalas na nangyayari sa ating pagtalikod sa Diyos sa pag-aakalang maaari tayong mabuhay ng wala siya. Ngunit sa ating pagtalikod ay lumalayo tayo sa tunay na bukal ng buhay (Jeremias 2:13).

Ang iba ay uhaw sa karangyaan at kasikatan; ang iba ay gutom sa kayamanan at kapangyarihan at ang mga ito'y hinahanap-hanap ng kanilang puso ng hiwalay sa Diyos. Ngunit ano nga ba ang mapapala ng tao makamtan man niya ang buong sanlibutan at mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa? (Mateo 16:26)

Ayon sa Panginoong Hesus, ang mga mapapalad ay ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran. Ano ang ibig sabihin nito? Sa kanilang personal na buhay, ang nais nila ay kung ano ang matuwid. Sila ay lumalayo sa mga daan at pananaw na baluktot. Nais nila ay maibigay ang tama sa lahat at mamayani ang katarungan sa buong daigdig. Sa paghahari lamang ng Diyos matutupad ng ganap ang pangako sa kanila na sila ay bubusugin. Hanggat hindi pa bumabalik ang Panginoon, ang daigdig natin ay magpapatuloy na ganito-- salat sa katarungan at katuwiran. Kaya naman ang dalangin ng mga taga-sunod ni Kristo ay ang paghahari ng Diyos sa lupa sapagkat sa paghahari lamang ng Diyos makakamtam ang perpektong daang matuwid at makatarungan1.

Tunay nga na ikaw ay nagugutom at nauuhaw sa katuwiran kung:
1. ang iyong pagka-uhaw ay naka-sentro sa Diyos (Awit 42:2; 63:1)
2. ikaw ay gutom na sundin ang kalooban ng Diyos (Juan 4:34)
3. hanap-hanap mo ay ang kanyang salita (Amos 8:11 ff.)
4. ito'y nagsisimula sa pagkabatid na wala kang sariling katuwiran at ang iyong tanging pag-asa ay kung ibibilang na iyo ang matuwid na buhay ni Kristo (Romans 3:10-24)


-------------------
FOOTNOTE:
1. "So it is better to take this righteousness as simultaneously personal righteousness and justice in the broadest sense. These people hunger and thirst, not only that they may be righteous (i.e., that they may wholly do God's will from the heart), but that justice may be done everywhere. All unrighteousness grieves them and makes them homesick for the new heaven and earth--the home of righteousness (2 Peter 3:13). Satisfied with neither personal righteousness alone nor social justice alone, they cry for both: in short, they long for the advent of the messianic kingdom. What they taste now whets their appetites for more. Ultimately they will be satisfied without qualification only when the kingdom is consummated." D. A. Carson, Matthew, Expositor's Bible Commentary (1st edition)