Showing posts with label eternity. Show all posts
Showing posts with label eternity. Show all posts

Friday, April 8, 2016

Ang Lunas sa Kamatayan


Tantsa ko'y mahigit dalawang dekada na ang lumipas. Sa column ni Dr. Charles Chante sa Philippine Star, tinalakay ang mga bagong tuklas na paraan ng panggagamot. Patuloy ang pagsulong ng katalinuhan ng tao at maya't maya ay may bagong teknolohiyang natutuklasan upang gamutin ang ibat ibang karamdaman. Sa pagtatapos ng kanyang artikulo, kanyang ipinahayag ang kanyang optimismo na balang araw ay matutuklasan ang lunas sa lahat ng karamdaman at maging ang kamatayan ay magagamot na rin. Posible raw na maging imortal ang tao dahil sa patuloy na pagsulong ng kaalaman sa larangan ng medisina.

Bilang isang tao na dumaan rin sa ibat ibang malulubhang karamdaman, ako ay nagpapasalamat dahil sa lahat ng biyayang ating nakamtan bunga ng pagsulong ng agham at teknolohiya. Kung wala ang mga antibiotiko na ipinainom sa akin o itinurok sa aking katawan, malamang matagal na akong pumanaw.  Sandaang taon na ang nakalipas, ang inaasahang haba ng buhay (life expectancy) ng isang sanggol na bagong silang ay 31 anyos. Sa ating kapanahunan, ito ay 67. Ganyan kalaki ang ating pakinabang sa pagsulong ng kaalaman sa medisina.

Ngunit ang tanong, totoo kaya ang sinasabi ng kolumnistang doktor na iyon na magagamot ng teknolohiya ang kamatayan pagdating ng panahon? Sa katanungan pong iyan, tayo ay tutungo sa Bibliya para sa kasagutan.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit namamatay ang tao?
Ayon sa Bibliya, ang ugat ng ating kamatayan, ay kasalanan. Nang magkasala ang ating mga unang magulang sa Hardin ng Eden, ang isa sa mga parusang ipinataw sa kanila sa atin na kanilang mga inapo ay kamatayan.

Gen. 3:19 -- "Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin."

Rom. 5:12 -- "Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala."

Rom. 6:23-- "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan"

At ang kabayaran ng kasalanan ay hindi natatapos sa pagkalagot ng hininga. Sa Pahayag 21:8 ay may tinutukoy na ikalawang kamatayan-- ang pagtapon sa lawa ng apoy at asupre na mas kilala ng mga tao sa tawag na impiyerno, kung saan ang parusa ay walang katapusan.

Sa kabilang banda, may tama naman ang manggagamot na yun. Totoo naman na may lunas nga sa problema ng kamatayan. Subalit ang lunas sa kamatayan ay hindi produkto ng pagsulong ng kaalaman ng tao sa agham at teknolohiya. Bagkus, ito ay  nakasaad mismo sa aklat na ibinigay sa atin ng Diyos na siyang may akda ng buhay

Kung pag-uusapan ang lunas sa kamatayan, kailangang pag-usapan rin ang ugat ng kamatayan. Iyan ay ang kasalanan. Ang problemang ito ay hindi kayang gamutin ng mga tableta at mga kapsulang nabibili sa Mercury Drug o iba pang mga botika. Ang suliranin na ito ay hindi malulutas sa St. Luke's o iba pang mga ospital. Mas malalim na paggagamot ang kailangan sapagkat ito ay isang ispirituwal na suliranin.

Ano nga ba ang kasalanan?

  • Ang kasalanan ay ang pagbabalewala sa kalooban ng Diyos; ito ay paglabag sa mga utos, sa mga tuntunin ng Panginoon. Sa tuwing isinasantabi natin ang utos ng Diyos, at ang nasusunod ay ang nais natin o ang nais ng Diyablo, tayo ay nagkakasala. (1 John 3:4)
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing hindi natin ginagawa ang alam nating tama (James 4:17)
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing may sinasambit tayo na hindi dapat sambitin. Sa Mat. 12:36, nakasaad na pananagutan natin ang bawat salitang ating binigkas nang walang pag-iingat.
  • Nagkakasala rin tayo sa tuwing meron tayong iniisip na 'di kalugod-lugod sa Diyos, tulad ng pag-iisip ng mahalay (Matt. 5:28) o pagtatanim ng galit sa kapwa (Matt. 5:22)

Maraming paraan ng pagkakasala at ang sinumang magsabing wala siyang kasalanan ay di nauunawaan kung ano ang kasalanan.

Ang kasalanan ay mailalarawan din bilang kawalan ng pasasalamat sa Diyos. Ang Diyos ang ating Manlilikha. Nagpakita siya ng kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay ng buhay sa atin. Ang araw na tumutuyo sa ating mga isinampay ay likha niya. Ang ulan ay ipinapadala niya sa takdang panahon upang lumago ang mga pananim at nang tayo ay may kakainin. Lahat ng ating isinusubo, nginunguya at nilulunok ay galing sa kanyang mapagpalang mga kamay. Siya ang dahilan kung bakit humihinga ka pa hanggang ngayon. Siya ang dahilan kung bakit pumipintig pa rin an iyong puso at dumadaloy pa rin ang dugo sa iyong mga ugat. Napakabuti ng Diyos sa atin. Subalit ano ang ating iginanti kapalit sa lahat ng kanyang kabutihan?

Walang matuwid, wala, wala kahit isa
wala ni isang nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa sa Diyos
Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan, walang gumagawa ng mabuti,
wala, wala kahit isa. (Romans 3:10-12)

Paano maiiwasan ang kaparusahan ng kamatayan?
Ang ating mga sementeryo, nakahimlay ang maraming kakilala natin na mababait at mabubuti. Yan ay patunay na maski ang mga pinakamababait at mabubuti sa atin ay apektado rin ng kasalanan. Hindi sapat ang ating kabaitan at kabutihan upang makatakas sa kamatayan. Walang nakaabot sa pamantayan ng Diyos.

Kung ganyan kahigpit ang Diyos, na maski ang mga pinakamababait sa atin ay napaparusahan pa rin, wala na tayong pag-asa. Mamamatay tayong lahat. Mabubulid tayong lahat sa impiyerno! Mapaparusahan tayong lahat!

Kabayan, meron akong mabuting balitang ihahatid. Ito ang mabuting balita: ang Diyos mismo ang gumawa ng solusyon. Ang Diyos mismo ang nagbibigay ng lunas sa kamatayan. Ipinadala niya ang kanyang tanging anak, si Hesus. Si Hesus na kapilang na ng Ama sa simulat simula pa (Juan 1:1). Sa kanyang kalikasang Diyos, siya ay kumuha ng isa ng kalikasan, kaya naman siya ay likas na Diyos at likas na tao noong siya ay nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa. Ang Manlalalang ay bumaba at namuhay sa piling ng kanyang mga nilalang (John 1:14). Siya ay namuhay ng perpekto, walang kasalanan, walang kapintasan.

Siya ay ipinadala dito ng Ama upang saluhin ang kaparusahan ng mga kasalanan para sa lahat ng sasampalataya sa kanya. Noong siya ay dinakip, at dumaan sa paglilitis na salat sa katarungan.  Siya'y pinarusahan sa krus, sa katuparan ng tagna:

Isaiah 53:5"Sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniiis niya ang nagbigay sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, gumaling tayo." (punahin ang HEALING language)

Siya ay namatay, ngunit hindi siya nanatiling patay. Sa ikatlong araw ay muli siyang nabuhay. At ito ay isang kuwento na kathang-isip. Unang-una, daan-daang taon bago ipinanganak si Hesus, hula na ng kasulatan na hindi siya hahayaang mabulok ng kanyang Ama (Awit 16:10). Pangalawa, si Hesus mismo, bago pa man siya namatay, inihula na niya na kung iguguho ng mga kaaway ang kanyang katawan, muli niya itong itatayo sa ikatlong araw (John 2:19). Pangatlo, maraming saksing nakakita na siya ay namatay, inilibing at muling nabuhay. Sa ulat ng Apostol Pablo, may 500 saksi na nakakita na nabuhay siyang muli.

Bakit mahalagang paniwalaan na si Kristo ay muling nabuhay? Dahil ito ang garantiya na mabubuhay din muli ang mga sumusunod sa kanya. Sa katuruan ng bibliya, kung paano pumasok sa sanlibutan ang kamatayan sa kasalanan ni Adan, ganun rin naman papasok ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng matuwid na si Kristo.

1 Corinto 15:22, Kay Adan, lahat ay mamamatay. Kay Kristo, ang lahat ay mabubuhay.

Ito na nga ang lunas sa kamatayan para sa lahat ng nananampalataya kay Hesus at sa kasapatan ng kanyang sakripisyo sa krus--- pananampalatayang kalakip ang pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.

Wednesday, January 18, 2012

Si Kim II-Sung, si Kim Jong il, at si Yahweh

Isa sa mga istatwa ni Kim Il-Sung

Sa kasaysayan ay may mga naitala na mga hari, emperador at ipa pang mga namumuno na umangkin na sila ay mga diyos at nararapat sambahin ng kanilang mga nasasakupan. Kung hindi man sila mismo ang umangkin nito, sila ay isinilang at lumaki sa isang kultura na ganito ang paniniwala. Ang mga ito ay Imperial cults kung tawagin.

Kung sa akala natin ito ay nangyari lamang sa mga sinaunang panahon, nagkakamali tayo. Sa kasamaan ng puso ng tao, ang pagsamba sa mga nilalang sa halip na sa lumalang ay buhay na buhay maging sa modernong panahon. Ang isang halimbawa nito ay ang kaso ng mag-amang Kim II-Sung at Kim Jong il ng Hilagang Korea.

Sapagkat sarado ang Hilagang Korea sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa, ito rin ang pinakamahirap pasukin ng mga misyonero ng ebanghelyo.

Bagamat ang Hilagang Korea ay isang atheistic nation, sa pamamagitan ng propaganda ay nabuo ang mga cult of personalities, una kay Kim II-Sung; pangalawa sa anak niya na humalili sa kanya na si Kim Jong il.

Ang titulo ni Kim II-Sung sa kanilang Saligang Batas ay "Walang Hanggang Pangulo". Ang kanyang kaarawan ay isang pambansang holiday. Mahigit 500 istatwa niya ang nagkalat sa buong Hilagang Korea. Kaugalian sa mga bagong kasal ang mag-alay ng mga bulaklak sa pinakamalapit na istatwa niya.

Ayon sa isang artikulo ni Albert Mohler na ipinaskil sa CNN Belief Blog, itinuro sa mga paaralan na si Kim II-Sung ay imortal; kaya naman nagulantang ang karamihan nang kanilang mabalitaan ang kanyang kamatayan noong 1994.

Sa paghalili sa kanya ni Kim Jong il sa pamumuno, nagpatuloy ang propaganda at ito'y kinagat naman ng taumbayan. Marami sa kanila ay naniwala na ang kanilang pinuno ay may espesyal sa kapangyarihan. Tulad ni Storm ng X-Men, siya daw ay may kapangyarihang kontrolin ang panahon.

May isang awit rin na tunog worship song ang paulit-ulit na ipinatugtog sa mga istasyon ng radyo at maging sa mga lansangan gamit ang mga malalakas na speakers. Ito ay ang awiting No Mother Land Without You"

You pushed away the severe storm
You made us believe, Comrade Kim Jong-il
We cannot live without you
Our country cannot exist without you!

Our future and hope depend on you
People's fate depends on you, Comrade Kim Jong-il!
We cannot live without you
Our country cannot exist without you!

Even if the world changes hundreds of times
People believe in you, Comrade Kim Jong-il
We cannot live without you
Our country cannot exist without you!

Oh... Our Comrade Kim Jong-il
Our country cannot exist without you!

Pero tulad ng kanyang ama, nilisan din ni Kim Jong-il ang Hilagang Korea sa kanyang pagpanaw noong Disyembre 17, 2011.

Naalala ko tuloy ang Awit 82 kung saan tinipon ni Yahweh ang mga pinakapangyarihang pinuno sa daigdig at tuwirang sinabi sa kanila na bagamat sila ay mga tinatawag na mga diyos, sila ay mamamatay ring lahat. Tulad rin ng mga karaniwang tao, sila man ay nasa ilalim ng paghatol ng Diyos. Nananatili at mananatili na walang kapantay ang Diyos ng bibliya.

 "Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala ng iba..." (Isa. 45:5)

"Walang ibang Diyos maliban sa akin,
Walang nauna at wala ring papalit" (Isa. 43:10)

Siya lamang talaga ang walang hanggang mauupo sa kanyang trono.

"Ngunit ikaw Yahweh ang tunay na Diyos,
ikaw ang Diyos na buhay
Haring Walang Hanggan" (Jeremias 10:10)

Sa pagsasaad ng bibliya na ang Diyos ay Haring walang hanggan, hindi lamang nito sinasabi na ang kanyang paghahari ay walang wakas. Kundi sinasabi rin nito na ang Diyos ay walang simula. Ang mga hari, emperador at pangulo sa daigdig ay ipinaglihi ng kanilang mga ina. Doon lamang nagsimula ang kanilang pag-iral. Subalit ang Diyos na nakaluklok sa kaitaas-taasan ay nagtataglay na ng kanyang kapangyarihan bago pa man malikha ang lahat ng nilikha.

"Bago nilikha ang mga bundok, o bago mo nilikha ang lupa at ang sanlibutan, ika'y Diyos, mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan." (Awit 90:2)

Bukod pa doon,  Ayon sa mga sari-saring ulat, malupit sa taong-bayan ang kanilang pamamahala. Halimbawa na lang ay ang ulat na ito mula sa Commission on Human Rights ng United Nations:

"Torture and other cruel, inhuman or degrading treatment or punishment, public executions, extra judicial and arbitrary detention, the absence of due process and the rule of law, imposition of the death penalty for political reasons, the existence of a large number of prison camps and the extensive use of forced labour;

Sanctions on citizens of the Democratic People’s Republic of Korea who have been repatriated from abroad, such as treating their departure as treason leading to punishments of internment, torture, inhuman or degrading treatment or the death penalty;

All-pervasive and severe restrictions on the freedoms of thought, conscience, religion, opinion and expression, peaceful assembly and association and on access of everyone to information, and limitations imposed on every person who wishes to move freely within the country and travel abroad;

Continued violation of the human rights and fundamental freedoms of women, in particular the trafficking of women for prostitution or forced marriage, ethnically motivated forced abortions, including by labour inducing injection or natural delivery, as well as infanticide of children of repatriated mothers, including in police detention centres and labour training camps."

Malayong-malayo 'yan sa trato ng Diyos sa mga makasalanang naninirahan sa kanyang daigdig. Si Yahweh ay mabuti sa lahat. Siya ay may habag at pagmamalasakit sa lahat ng kanyang mga nilalang (Awit 145:9).  At dahil ang paghahari ng Diyos ay walang katapusan, kailanma'y hindi rin magwawakas ang nararanasan nating katapatan niya, kabutihan niya, habag niya, biyaya niya, at pag-ibig niya.

"Ang Panginoon ay mabuti
 Ang kanyang pag-ibig ay mananatili magpakailanman
 Ang kanyang katapatan ay magpapatuloy sa bawat salinlahi" (Awit 100:5)