- Pagbibigay-galang sa mga magulang (Exo. 20:12)
- Pagbabawal sa pagpatay sa kapwa-tao (Exo. 20:13)
- Pagbabawal sa pangangalunya (Exo. 20:14)
- Pagbabawal sa pagnanakaw (Exo. 20:15)
- Pagbabawal sa pagbibigay ng mga huwad na patotoo na ikasisira ng kapwa-tao (Exo. 20:16)
- Pagbabawal sa pagnanasang maangkin ang pag-aari ng iba. (Exo. 20:17)
Sa nakaraang paskil ay nabanggit ko na ang Etikang Kristiyano ay theocentric o naka-sentro sa Diyos, at ito'y nagsisikap bigyang luwalhati at kasiyahan ang Diyos. Kapuna-puna sa Sampung Utos na ang naunang tatlo ay may tuwirang kinalaman sa pagkilala sa dangal ng Diyos at sa pagbibigay galang sa kanya.
Ang Unang Utos (Exodus 20:3)
“You shall have no other gods before me" (ESV)
Ang punto ng utos ay katapatan (allegiance; loyalty) sa Diyos na nagligtas sa kanila mula sa pagkakaalipin sa Ehipto. Si YHWH lang at wala ng iba. Ito ay mahalaga sapagkat ang mga tao na binibigyan ng batas ay galing sa pagsamba sa mga huwad na Diyos (Eze. 20:6-9). Totoong malaya na sila sa Ehipto ngunit ang kanilang mga puso ay maaaring bihag pa rin ng mga Egyptian idols. Sa kauna-unahang awit na naisulat matapos mahati ang Dagat na Pula, ang ikinikintal sa puso at isip ng mga kumakanta ay ang katotohanang ang mga diyus-diyusan na sinasamba ng ibang mga bansa ay walang kuwenta kung ihahambing sa tunay na Diyos:
“Who is like you, O Lord, among the gods?
Who is like you, majestic in holiness,
awesome in glorious deeds, doing wonders?"
Exodus 15:11
Ito ay mga rherotical questions-- mga katanungang hindi nangangailangang sagutin sapagkat ang sagot ay halatang-halata. Ang nangyari sa Dagat na Pula ay kagila-gilalas. Ito ay gawa ni YHWH, ang tunay na Diyos at walang kapantay.
Sa Shema ay ang kapahayagan na may nag-iisang Diyos: “Hear, O Israel: The Lord our God, the Lord is one." (Deu. 6:4). At dahil siya ang nag-iisang Diyos, siya lamang ang nararapat paglaaanan ng pag-ibig, puso, kaluluwa, at kalakasan (Deut. 6:5). Isang walang alinlangang implikasyon nito ay ang pagtanggi sa mga relihiyon na kumikilala sa maraming diyos o polytheism (Acts 17:16). Matagumpay ang evangelism at discipleship kapag ang mga tao ay tumalikod sa mga huwad na diyos at piniling paglingkuran ang tunay na Diyos (1 Thes. 1:9).
Sakop rin ng utos na ito ang pagtanggi sa mga ipinakikilalang diyos maliban kay YHWH, halimbawa nito ay si Allah ng Islam. Hindi naman polytheism ang Islam; monotheism rin sa kanila tulad sa Kristiyanismo. Ngunit sinumang diyos maliban sa ipinapakilala ng kinasihang banal na kasulatan ay huwad. Sa Matandang Tipan ay mababasa na nagliliyab ang galit ni YHWH sa tuwing may sumasamba kina Baal, Dagon, Astoreth, atbp. Isali na rin natin ang umasa sa impersonal forces tulad sa feng shui o ang isandal ang ating kinabukasan sa malas o suwerte tulad ng paniniwala sa horoscopes, lucky number, lucky day o baraha ng manghuhula (Isa. 47:13-14) sa halip na manampalataya sa Diyos na siyang may hawak ng ating kinabukasan.
Banggitin na rin natin ang hindi pagbibigay-luwalhati sa Diyos, bagkus ay niluluwalhati ang ibang tao o inaangkin ang luwalhati para sa sarili (Acts 12:21-23). Gayundin, ang pagbibigay prayoridad sa mga bagay na nilalang sa halip na sa Lumalang (Matt. 6:4; Col. 6:4; Phil. 3:19; Gal. 1:10).
Ang Ikalawang Utos (Exodus 20:4)
“You shall not make for yourself a carved image, or any likeness of anything that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth." (ESV)
Sa unang utos ay ipinagbawal ang pagkakaroon ng ibang diyos maliban kay YHWH. Dito sa ikalawang utos ay ang pagbabawal sa mga man-made representations ng mga sinasamba ng tao. Dahil sa kanilang matagal na pamamalagi sa Ehipto, nasanay sila sa mga ibat ibang diyos-diyusan na iginagawan ng ibat ibang imahe bilang representasyon. Sa Ehipto ay may huwad na diyos na nagngangalang Horus na ang ulo ay nasa anyo ng ibong falcon. Meron ring huwad na diyos sa tawag na Anubis at ang ulo niya ay nasa anyo ng jackal. Kahit malaya na sila sa pagkakaalipin ay dala-dala parin nila ang pagkahumaling sa pagsambang may mga imaheng nahahawakan at nakikita (Rom. 1:23).
Tuloy pa rin ang kamangmangan 'yan hanggang ngayon. Alam naman ninyo ang buhay, maraming pangangalingan at iba't ibang gastusin: bigas, grocery, palengke, electric bill, water bill, tuition fee ng mga anak, at resetang gamot kung may sakit. Balisa si Nanay sa dami ng mga alalahanin, hanggang sa makita niya sa Facebook ang mga sumusunod:
- Larawan ng cute na biik. I-share mo ito at hindi ka mawawalan ng pera.
- Larawan ng hinog na mangga. I-share mo; in two weeks ay darating ang hinihintay mong suwerte.
- Larawan ng isang kahon ng one thousand peso bills. I-share mo at magkakaroon ka ng ganitong karaming pera.
Sa isang sermon ni Russell Moore na inilathala sa Southern Baptist Journal of Theology ay kanyang sinabi:
“There are very few people in Christian churches who have ever danced in worship around a cow statue. But the Scripture warns us that our forefathers weren't especially aberrant. There remains before all of us, everywhere, a pull toward a golden calf spirituality."Hindi pa rin nagbabago ang makasalanang puso ng tao. Ipinagpapalit pa rin ang maluwalhating Diyos na hindi nakikita sa mga bagay-bagay na nahahawakan at nakikita. Ano ang dahilan kung bakit ayaw ng Diyos ng ganitong gawain? Ang ibinigay ni YHWH na dahilan sa Exo. 20:5 ay ang kanyang pagiging mapanibughuin (jealous God). Ayaw niya na ang kaluwalhatiang para sa kanya ay napupunta sa mga imahe na hindi naman lumalarawan sa kanyang tunay na kaluwalhatian. Mapanibughuin siya at hindi niya ibibigay ang luwalhating sa kanya sa mga imahen ng tao, hayop, ibon, isda o anupamang nilalang.
Bukod sa ayaw niyang mapunta ang kaluwalhatian sa iba, ayaw rin niya na ang konsepto natin tungkol sa kanya ay bunga lang ng ating imahinasyon. Noong gumawa ng imahe ng gintong baka ang mga Isaelita sa Exodus 32, marahil ay naisip nilang ito ang imahe na nababagay sa Diyos na nagligtas sa kanila mula sa pagkakaalipin sa Ehipto. Ang baka ay malakas at maliksi; malamang sa isip nila ay ito ay nababagay na parangal sa tunay na Diyos.
Ngunit hindi kailanman mabibigyang parangal ang Diyos sa mga imaheng tulad nito. Bagkus, pinapababa pa nito ang tingin natin sa Diyos. Ang Manlilikha ay ginawa nilang kapantay ng nilikha. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay ipinantay nila sa isang baka. Hinding-hindi maaaring irepresenta ng bakang ginto ang Diyos. Hindi mo makikita sa gintong baka ang kanyang kaluwalhatian, kabanalan, katapatan, grasya, habag, pag-ibig, kabutihan at iba pang mga perpektong katangian. Sa halip na tumaas ang tingin mo sa Diyos, ito'y bumaba.
Ang Ikatlong Utos (Exodus 20:5)
“You shall not take the name of the Lord your God in vain." (ESV)
Nakakatuwang isipin kung paano nagbabago ang panlasa ng mga magulang sa kung anong pangalan ang magandang ibigay sa mga supling.
- Bago naging hispanic ang ating mga pulo, ang ilang mga pangalang naitala sa kasaysayan Humabon, Lapu-lapu, Sulayman, Dula, atbp.
- Sa ilalim ng kolonya ng Espanya, ang mga indio ay bininyagan bilang Carlos, Apolinario, Emilio, Josefa, Melchora, atbp.
- Sa impluwensya ng kulturang Kano, ang mga Pinoy ay pinangalanang Robert, Michael, Christopher, Elizabeth, Mary Rose, atbp.
Para sa mga sinaunang magulang na Israelita, ang isinasaalang-alang sa pagpili ng pangalan ay kung ano ang kahulugan nito. Sapagkat sa kanila ang pangalan ay hindi lamang “label” na para bang produkto na binigyan lang ng brand para may maitawag sa tao. Para sa kanila, ang pangalan ay may kinalaman sa iyong pagkatao, karakter, at reputasyon. Sa kanilang pananaw, ang pangalan ay may direktang koneksyon sa karangalan o kahihiyan:
A good name is to be chosen rather than great riches,
and favor is better than silver or gold. (Pro. 22:1)
Then the commanders of the Philistines came out to battle, and as often as they came out David had more success than all the servants of Saul, so that his name was highly esteemed. (1 Sam. 18:30)
Yet he saved them for his name's sake,
that he might make known his mighty power. (Psa. 106:8)
Ang isa sa mga palatandaan ng pagbagsak ng moralidad ng lipunan ay kung hindi na iginagalang ang ngalan ng Diyos. Dati ay nangingilabot ang mga tao kapag ginagamit ang ngalan ng Diyos sa walang kuwentang mga bagay. Ngayon, nakikitawa pa ang mga tao kapag nilalapastangan ang ngalan ng Diyos. Ang Diyos ay ginagamit sa pagmumura at sa mga birong wala sa lugar. Binabanggit rin ang Diyos ng hindi iginagalang sa mga “expression lang”. Meron din mga taong nagbibigay ng opinyon tungkol sa Diyos na nakakasira ng kanyang reputasyon tulad ng “Who is this stupid God?” (tulad ng Tatay Digong ninyo) o paghamak kay Kristo na ipinako sa krus (si Tatay Digong ninyo ulit). Nariyan din ang mga bulang guro at mga propeta na ginagamit ang ngalan ng Diyos sa pagkakalat ng mga bulaang aral at bulaang propesiya: “Thus says the Lord . . .”. Ang pagbanggit sa Diyos sa paglilinlang at pagsisinungaling. “Sa ngalan ng Diyos ay sumusumpa akong gagawin ko ang ganito o ganyan”, tapos hindi tutupad sa ipinangako. Kasali dito ang mga saksi sa hukuman o resource persons sa Senado/Kongreso na nanunumpang magsasabi ng totoo at may “So help me God” pa sa dulo ngunit pagkatapos ay pawang kasinungalingan ang sasabihin.
Mga oral offenses pa lang ang mga ito o mga paglabag sa ikatlong utos gamit ang bunganga. Ngunit hindi lamang sa pamamagitan ng bibig nalalabag ang ikatlong utos. Merong mga non-oral offenses ng hindi pagbibigay galang sa ngalan ng Diyos. Ang ibig kong sabihin ay bilang mga Kristiyano, dala-dala natin lagi ang kanyang pangalan:
“. . . in Antioch the disciples were first called Christians.” (Acts 11:26)
“if my people who are called by my name . . ." (2 Chr. 7:14)
Ibig sabihin, sa tuwing gumagawa ng imoral ang isang mananampalataya, hindi lamang ang dangal niya ang kanyang sinisira kundi pati na rin ang pangalan ng Diyos na dinadala niya. Binabahiran niya ng putik ang malinis na pangalan ng kanyang Panginoon:
"lest I be poor and steal and profane the name of my God." (Pro. 30:9)
"A man and his father have sexual relations with the same girl,
profaning my holy name." (Amos 2:7 CSB)
Kung sa ating mga gawaing imoral ay binabahiran natin ng dumi ang pangalan ng Diyos, totoo rin ang kabaligtaran nito. Ano ang kabaligtaran? Kapag ikaw ay gumagawa ng naaayon sa biblikal na moralidad, naipapahayag mo ang dangal ng pangalan ng Diyos na iyong dala-dala bilang Kristiyano: ". . . if you suffer as a Christian, do not be ashamed, but praise God that you bear that name.” (1 Peter 4:16 NIV)
KONKLUSYON
Ang una, ikalawa, at ikatlong utos ay pawang may kinalaman sa pagpaparangal at paggalang sa Diyos. Bakit ang mga ito ang nauna? At ano ang kinalaman ng mga ito sa Etikang Kristiyano? Ito ay dahil sa patotoo ng Bibliya. Kung kailan nawawala o bumababa ang pagpaparangal at paggalang ng tao sa Diyos, bumabagsak rin ang kanyang moralidad. Noong nawala ang takot sa Diyos sa mga Judio at Griyego (Rom. 3:18), noong wala ng nakakaunawa at humahanap sa Diyos (Rom. 3:11), ay ganito ang nangyari:- Walang gumagawa ng mabuti (Rom. 3:12)
- Ang kanilang mga lalamunan, dila, labi, bibig ay naging mga kasangkapan ng sari-saring kasamaan (Rom. 3:13-14)
- Ang kanilang mga paa ay naging matulin sa karahasan at pagpapadanak ng dugo (Rom. 3:15)
- Walang nakakabatid sa daan ng kapayapaan (Rom. 3:17)
Sa isang artikulong isinulat ni John Frame ay ipinahayag niya ang kanyang pagsang-ayon sa mga pulitikal na pananaw ni Abraham Kuyper, dating punong ministro ng Netherlands. Aniya:
“In the Kuyperian view, all the ills of society are essentially religious. They stem from people worshiping false gods. Either sinners worship the gods of some pagan ideology, or they give primacy to their own autonomous thought. It is such false religion that leads to war, violence, disdain for the poor, abortion, adultery, divorce, and homosexuality.”Sa madaling sabi, ang moral na kalagayan ng isang lipunan ay may kaugnayan sa mga teolohikal na pananaw nito. Kung mga huwad na Diyos ang pinahahalagahan ng lipunan, o kung itinatanggi ang Diyos kapalit ng mga ideolohiya, o kahit pa kumikilala sa tunay na Diyos ngunit mababa naman ang tingin sa kanya o kulang ng katapatan sa kanya, magdudulot ito ng sari-saring mga problemang moral.
______
No comments:
Post a Comment