Mr. Bernabe A. Rosario
on his 75th Birthday
Tulad ng ibang mga bata, maliliit pa ang aking mga daliri noon. May mga pagkakataon na sa higpit ng pagkakapihit sa takip ng garapon ng asukal, hindi ko ito kayang buksan. Buti na lang nandun si Tatay. Kukunin niya ang garapon at bubuksan para sa akin.
Higit sa sapat ang lakas ng mga daliri niya upang buksan ang garapon:
- Iyon ang mga daliring nagtrabaho sa sakahan na siyang nagtustos sa amin ng bigas: para sa aming araw-araw na pangangailangan at maging sa carinderia ni Nanay.
- Noong hindi pa uso ang mga catering services, ang mga daliring iyon ang hanap ng mga magpapabinyag o magpapakasal. Gaano man kalaki ang baboy o baka, bahala na ang mga daliri ng punong kusinero diyan.
- Wans-a-pan-a-taym, ang mga daliring iyon ay bahagi ng mga kamaong kinatatakutan sa mga suntukan sa kalye. Pero ayon nga sa patotoo ni Ginoong Raymundo Ambanloc sa Golden Anniversary ng aking mga magulang, nagkaroon ng vision si Bernabe matapos niyang pakasalan si Emeliana. Ang mga kamaong dating mahilig sa basag-ulo, nabaling sa paggawa ng mga upuang kawayan.
Subalit mabilis at maagap ang aking ama. Naroon siya agad. Mabilis na isip; matulin na mga paa, malakas na mga bisig at siyempre hindi paiiwan ang mga daliri sa kanyang mga kamay upang iligtas ang batang nasa bingit ng kamatayan. Ilang sandali lang, napaghiwalay na ang bata at ang kawayan.
Sa maagang bahagi ng taong 2012, magtitimpla na ng kape si Tatay. Dinampot niya ang garapon, subalit mahigpit ang takip nito. Hindi kinayang pihitin ng kanyang mga daliri ang takip ng garapon. Ang dating munting bata ay malaki na ngayon. Kinuha ko ang garapon at binuksan. Ipinagpatuloy ni Tatay ang pagtimpla ng kanyang kape. Sa sandaling iyon ay aking napagtanto, kumukupas na nga ang lakas ng mga daliring matagal ko nang pinakikinabangan.
------------
UPDATE: Pumanaw po ang aking tatay pitong araw paglipas ng kanyang ika-75 kaarawan sa loob ng Intensive Care Unit (ICU) ng isang ospital dito sa San Carlos City, Pangasinan.
I praise and thank God for the life that He has bestowed upon your father.
ReplyDeleteHi Bro. Warren! Nagagalak ako't nag-abala ka pang mag-comment dito considering that you are a very busy man. Daghang Salamat :)
Delete