Showing posts with label Bernabe Austria Rosario. Show all posts
Showing posts with label Bernabe Austria Rosario. Show all posts

Wednesday, January 30, 2013

Tinubos Tidbits SMS edition, volume 2

VINTAGE NOKIA 3210
There is no such thing as a "good morning" without God's steadfast love and mercy for unworthy sinners (Lam.3:22-23). Good morning!


God's comfort in your suffering is his way of preparing you to comfort others in their own suffering (2 Cor. 1:4)


Friends who are sincere in faith should be the ones we long to see, and the ones who give us joy. My prayer: "Lord, teach me to miss the right persons."

2 Tim. 1:4-5 "... I long to see you, that I may be filled with joy. I am reminded of your sincere faith..." (ESV)



We all know by now that the day of doom is not today. Yet on the other extreme are people who think there is no judgment day at all and that they could go on sinning without fear. May God enrich our understanding of our blessed hope --- the Lord's return.
(sent right after the failed Mayan calendar prediction)


 the sash I want every Christian girl to wear: MISS PROVERBS 31:30
 puwede rin MISS 1 PETER 3:3-4

 (sent right after the 2012 Miss Universe Pageant)


Bago mag-ala una madaling araw, huminga ang aking tatay sa kahuli-huliang pagkakataon. Ang lahat ng kanyang hininga sa nagdaang 75 taon ay bigay ng Diyos na puno ng grasya, habag at pag-ibig. Papuri't pasasalamat sa Diyos na siyang bukal ng lahat ng kabutihan.
(sent a few hours after the death of my beloved father Bernabe Austria Rosario)

Tuesday, January 1, 2013

Ang Garapon at ang mga Daliri ni Tatay

a tribute post for
Mr. Bernabe A. Rosario
on his 75th Birthday


Tulad ng ibang mga bata, maliliit pa ang aking mga daliri noon. May mga pagkakataon na sa higpit ng pagkakapihit sa takip ng garapon ng asukal, hindi ko ito kayang buksan. Buti na lang nandun si Tatay. Kukunin niya ang garapon at bubuksan para sa akin.

Higit sa sapat ang lakas ng mga daliri niya upang buksan ang garapon:
  • Iyon ang mga daliring nagtrabaho sa sakahan na siyang nagtustos sa amin ng bigas: para sa aming araw-araw na pangangailangan at maging sa carinderia ni Nanay.
  • Noong hindi pa uso ang mga catering services, ang mga daliring iyon ang hanap ng mga magpapabinyag o magpapakasal. Gaano man kalaki ang baboy o baka, bahala na ang mga daliri ng punong kusinero diyan.
  • Wans-a-pan-a-taym, ang mga daliring iyon ay bahagi ng mga kamaong kinatatakutan sa mga suntukan sa kalye. Pero ayon nga sa patotoo ni Ginoong Raymundo Ambanloc sa Golden Anniversary ng aking mga magulang, nagkaroon ng vision si Bernabe matapos niyang pakasalan si Emeliana. Ang mga kamaong dating mahilig sa basag-ulo, nabaling sa paggawa ng mga upuang kawayan.
May isang pagyayari na hindi ko malilimutan. Ako ay isang munting bata, nakaupo sa isang mababang bagay. May isang baboy na mabilis ang takbo. Natangay ng tali ng tumatakbong baboy ang isang mahabang kawayan. Ang kawayang hila-hila ng baboy ay tumusok sa aking singit. Kung iyon ay tumagal, mahihila rin ako at maaaring bumaon sa akin ang kawayan. Maaaring ikamatay iyon ng sinumang bata.

Subalit mabilis at maagap ang aking ama. Naroon siya agad. Mabilis na isip; matulin na mga paa, malakas na mga bisig at siyempre hindi paiiwan ang mga daliri sa kanyang mga kamay upang iligtas ang batang nasa bingit ng kamatayan. Ilang sandali lang, napaghiwalay na ang bata at ang kawayan.

Sa maagang bahagi ng taong 2012, magtitimpla na  ng kape si Tatay. Dinampot niya ang garapon, subalit mahigpit ang takip nito. Hindi kinayang pihitin ng kanyang mga daliri ang takip ng garapon. Ang dating munting bata ay malaki na ngayon. Kinuha ko ang garapon at binuksan. Ipinagpatuloy ni Tatay ang pagtimpla ng kanyang kape. Sa sandaling iyon ay aking napagtanto, kumukupas na nga ang lakas ng mga daliring matagal ko nang pinakikinabangan.


 
------------

UPDATE: Pumanaw po ang aking tatay pitong araw paglipas ng kanyang ika-75 kaarawan sa loob ng Intensive Care Unit (ICU) ng isang ospital dito sa San Carlos City, Pangasinan.