Wednesday, January 30, 2013

Tinubos Tidbits SMS edition, volume 2

VINTAGE NOKIA 3210
There is no such thing as a "good morning" without God's steadfast love and mercy for unworthy sinners (Lam.3:22-23). Good morning!


God's comfort in your suffering is his way of preparing you to comfort others in their own suffering (2 Cor. 1:4)


Friends who are sincere in faith should be the ones we long to see, and the ones who give us joy. My prayer: "Lord, teach me to miss the right persons."

2 Tim. 1:4-5 "... I long to see you, that I may be filled with joy. I am reminded of your sincere faith..." (ESV)



We all know by now that the day of doom is not today. Yet on the other extreme are people who think there is no judgment day at all and that they could go on sinning without fear. May God enrich our understanding of our blessed hope --- the Lord's return.
(sent right after the failed Mayan calendar prediction)


 the sash I want every Christian girl to wear: MISS PROVERBS 31:30
 puwede rin MISS 1 PETER 3:3-4

 (sent right after the 2012 Miss Universe Pageant)


Bago mag-ala una madaling araw, huminga ang aking tatay sa kahuli-huliang pagkakataon. Ang lahat ng kanyang hininga sa nagdaang 75 taon ay bigay ng Diyos na puno ng grasya, habag at pag-ibig. Papuri't pasasalamat sa Diyos na siyang bukal ng lahat ng kabutihan.
(sent a few hours after the death of my beloved father Bernabe Austria Rosario)

Wednesday, January 16, 2013

Ang Bulaklak at ang Multa


Habang minamasdan mo ang mga bulaklak sa isang hardin, lalo kang napapahakbang papalapit. Ang halimuyak ng mga ito'y kumikiliti sa iyong pang-amoy. Halos abot na ito ng iyong mga daliri nang may mapansin kang nakapaskil na karatula: 

BAWAL PUMITAS NG BULAKLAK
MULTA: 200 PESOS BAWAT ISA


Likas sa atin ang masiyahan sa mga magaganda; 'yan man ay bulaklak, sapatos, sasakyan, gusali, musika, pelikula, atbp. Hindi ba't yan ang dahilan kung bakit napipirmahan ang mga marriage contract? Nagsisimula ito sa pagkabighani ng isang binata sa karikitan ng isang dalaga at kanyang sinasabi sa kanyang sarili: "Gusto ko siya at nais ko siyang makapiling habang-buhay." Kaya't ang pagkaakit sa mga magaganda ay hindi naman talaga likas na masama. Ang masama ay kung nais mong mapasaiyo ang mga bagay na ipinagbawal. Kung magpupumilit ka sa iyong nais, kailangang bayaran mo ang multa.

Nang malinlang ng ahas ang nanay nating lahat na si Eva, minasdan niya ang bunga at tatlong bagay ang naglaro sa kanyang isipan (Genesis 3:6):

  • Ang bunga ay kalugod-lugod sa paningin
  • Ang bunga ay tila katakam-takam kainin
  • Ang bunga ay kanasa-nasa dahil sa kasinungalingan ng ahas na siya ay magiging marunong
Subalit nang matapos magkasala ang ating mga unang magulang, ano ang naidulot nito sa sanlibutan?
  • hinagpis
  • dusa
  • kamatayan (Gen. 3:16-19)
Hindi itutuloy ng karamihan sa atin ang pagpitas sa bulaklak dahil ayaw nating bayaran ang multang nagkakahalaga ng dalawan-daang piso, subalit nakakalungkot na nagpapatuloy tayo sa ilang mga kasalanan. 'Di hamak na higit sa dalawan-daang piso ang dulot nitong hinagpis, dusa at kamatayan. Huwag sanayin ang mga mata na tumitig sa alindog ng kasalanan. Sa halip, ating ituon ang ating paningin sa kagandahan ng Diyos at ng kanyang ebanghelyo. Ang hinagpis ay papalitan niya ng kagalakan (Awit 30:11); ang dusa ay papalitan niya ng ginhawa (Mat. 11:28); ang kamatayan ay papalitan niya ng buhay (Juan 10:10) 

"Anong mayroon ako sa langit kundi ikaw?
at liban sa iyo'y wala akong anumang ninanasa sa lupa." 
                             Awit 73:25, Ang Bagong ang Biblia

-------------
Recommended Books:

Monday, January 7, 2013

An Urban Legend in the Pulpit: Mel Gibson as "The Man Without a Face"


In an old posts, Trevin Wax presented this list of pulpit urban legends (most of which I read or heard about myself):
  • The “eye of the needle” refers to a gate outside Jerusalem.
  • The high priest tied a rope around his ankle so that others could drag him out of the Holy of Holies in case God struck him dead.
  • Scribes took baths, discarded their pens, washed their hands, etc. every time they wrote the name of God.
  • There was this saying among the sages: “May you be covered in your rabbi’s dust.”
  • Voltaire’s house is now owned by a Bible-printing publisher.
  • Gehenna was a burning trash dump outside Jerusalem.
  • NASA scientists have discovered a “missing day” which corresponds to the Joshua account of the sun standing still.
Read the post in its entirety HERE

On Youtube, I lately found an interesting case involving a Filipino preacher sharing an urban legend through the pulpit:

 Pastor Larry Tan

Here are the facts: One day , Mel Gibson got drunk at a party and got involved in a fist fight with three men. He suffered from head stitches, busted nose and dislocated jaw, but he never lost that face. Also, he never worked in a circus and his first big break as an actor is not as the Man Without a Face. Long before that film, he had already appeared in films such as Mad Max, Mad Max 2, Gallipoli, The Year of Living Dangerously, The Lethal Weapon trilogy, Tequila Sunrise, Bird on a Wire, Air America, Hamlet, Forever Young, and the The Chili Con Carne Club.

Lastly, the story of The Man Without a Face is not based on Mel Gibson's life story but on a work of fiction of the same title by Isabelle Holland first published in 1972.

See UrbanLegends.com  HERE and HERE and Snopes.com HERE

What's the big deal? Trevin Wax said it well:

"Those of us who are entrusted with the task of expositing the Scriptures in a local church must take care to verify our sources, illustrations, and stories. No matter how helpful an illustration may be, it is dishonoring to God if it is untrue."

Tuesday, January 1, 2013

Ang Garapon at ang mga Daliri ni Tatay

a tribute post for
Mr. Bernabe A. Rosario
on his 75th Birthday


Tulad ng ibang mga bata, maliliit pa ang aking mga daliri noon. May mga pagkakataon na sa higpit ng pagkakapihit sa takip ng garapon ng asukal, hindi ko ito kayang buksan. Buti na lang nandun si Tatay. Kukunin niya ang garapon at bubuksan para sa akin.

Higit sa sapat ang lakas ng mga daliri niya upang buksan ang garapon:
  • Iyon ang mga daliring nagtrabaho sa sakahan na siyang nagtustos sa amin ng bigas: para sa aming araw-araw na pangangailangan at maging sa carinderia ni Nanay.
  • Noong hindi pa uso ang mga catering services, ang mga daliring iyon ang hanap ng mga magpapabinyag o magpapakasal. Gaano man kalaki ang baboy o baka, bahala na ang mga daliri ng punong kusinero diyan.
  • Wans-a-pan-a-taym, ang mga daliring iyon ay bahagi ng mga kamaong kinatatakutan sa mga suntukan sa kalye. Pero ayon nga sa patotoo ni Ginoong Raymundo Ambanloc sa Golden Anniversary ng aking mga magulang, nagkaroon ng vision si Bernabe matapos niyang pakasalan si Emeliana. Ang mga kamaong dating mahilig sa basag-ulo, nabaling sa paggawa ng mga upuang kawayan.
May isang pagyayari na hindi ko malilimutan. Ako ay isang munting bata, nakaupo sa isang mababang bagay. May isang baboy na mabilis ang takbo. Natangay ng tali ng tumatakbong baboy ang isang mahabang kawayan. Ang kawayang hila-hila ng baboy ay tumusok sa aking singit. Kung iyon ay tumagal, mahihila rin ako at maaaring bumaon sa akin ang kawayan. Maaaring ikamatay iyon ng sinumang bata.

Subalit mabilis at maagap ang aking ama. Naroon siya agad. Mabilis na isip; matulin na mga paa, malakas na mga bisig at siyempre hindi paiiwan ang mga daliri sa kanyang mga kamay upang iligtas ang batang nasa bingit ng kamatayan. Ilang sandali lang, napaghiwalay na ang bata at ang kawayan.

Sa maagang bahagi ng taong 2012, magtitimpla na  ng kape si Tatay. Dinampot niya ang garapon, subalit mahigpit ang takip nito. Hindi kinayang pihitin ng kanyang mga daliri ang takip ng garapon. Ang dating munting bata ay malaki na ngayon. Kinuha ko ang garapon at binuksan. Ipinagpatuloy ni Tatay ang pagtimpla ng kanyang kape. Sa sandaling iyon ay aking napagtanto, kumukupas na nga ang lakas ng mga daliring matagal ko nang pinakikinabangan.


 
------------

UPDATE: Pumanaw po ang aking tatay pitong araw paglipas ng kanyang ika-75 kaarawan sa loob ng Intensive Care Unit (ICU) ng isang ospital dito sa San Carlos City, Pangasinan.