Minabuti ng Diyos na ako ay makapasyal sa PCBS-Dagupan noong nagdaang araw ng Huwebes. Sa kagandahang-loob niya ay naka-diskuwento ako sa ilang mga aklat.
Agaw-pansin naman ang mga aklat ni Charles Capps. Marami ang stock kaya't sa wari ko ay maraming naghahanap at bumubili ng mga aklat na iyon. Nakakalungkot sapagkat si Capps ay isang mapanganib na guro. Ang layunin ng paskil na ito ay bigyang babala ang mga mambabasa.
1. Si Capps ay isa sa mga tagapagturo ng Word of Faith Movement. Sa sistemang ito, ang mga sinasabi ng Diyos ay nagkakatotoo hindi dahil sa siya ay Makapangyarihan kundi dahil sa kanyang pananampalataya. Sa kanilang salin ng Mark 11:22, ito raw ay "Have the faith of God". Ang tanong diya eh, Kung ay Diyos ay may pananampalataya, kanino siya nananampalataya?
2. Tayo bilang mga tao ay may taglay ring kapangyarihan sa ating mga sinasambit. Kung ano raw yung sinabi mo, yun ang magkakatotoo. Kung Positive Confession ang sinabi mo tulad ng "Ako ay magkakaroon ng BMW", magkakatotoo nga 'yan. Kung Negative Confession naman ang sinabi mo tulad ng "Malapit na akong mamatay", 'yan ang magkakatotoo.
3. Maging ang Diyos ay WALANG MAGAGAWA upang bigyang lunas ang bunga ng iyong Negative Confession. Sa kanyang aklat na The Tongue- A Creative Force, sinabi raw sa kanaya Diyos:
"Ikaw ay sinasalakay ng diyablo at WALA AKONG MAGAGAWA. Ako ay IGINAPOS ng iyong mga sinabi."
4. Sa kanyang aklat na Authority in Three Worlds, Isinulat ni Capps na ang Diyos ang namamahala sa daigdig noon; subalit nang magkasala si Adan, nalipat ang kapangyarihan kay Satanas. Hindi makakilos ang Diyos sa daigdig. Ang tanging paraan para makakilos ang Diyos sa daigdig ay gumawa ng mga hakbang na LEGAL ayon sa pananaw ng "SUPREME COURT OF THE UNIVERSE". Sa aral ni Capps, ang Diyos ay hindi ang Kataas-taasang Hukom; kailangan niyang magpasakop sa isang mas mataas na korte-- Ang "Supreme Court of the Universe"

Hindi ganito ang Diyos na ipinakikilala ng Bibliya. Ang Diyos ng bibliya ang siyang pinakamataas at pinakamakapangyarihan. Malaya niyang ginagawa ang lahat ng kanyang maibigan (Awit 115:3)
No comments:
Post a Comment