Rico Yan, 27
Marky Cielo, 20
AJ Perez, 18
Julie Vega, almost 17
KC De Venecia 16
Hindi nagkukulang ng paalala ang Diyos tungkol sa katotohanang maiksi ang buhay ng tao. Subalit sadyang hindi basta basta natututo ang tao. Hindi sapat ang leksyon na maiksi ang buhay upang tayo ay magkaroon ng sigasig sa kabanalan.
Sa isa sa mga awitin ng sanlibutan, may mga ganitong linya:
Start by admitting
From cradle to tomb
Isn't that long a stay
Alam ng sanlibutan na maiksi ang pagitan ng ating pagiging sanggol (cradle) at ng ating kamatayan (tomb). Subalit batay sa katotohanang iyan ay ganito ang prinsipiyo na kanilang binuo:
"Life is a cabaret. old chum
Only a cabaret. old chum
I love a cabaret"
Ang mensahe ng awitin, dahil maiksi an buhay, lubos-lubusin na natin ang paglilibang. Dahil hindi tatagal ang buhay, mag-inuman at magtugtugan na lang tayo. Maiksi ang buhay kaya "Let us Party Pilipinas!".
Basahin ang buong lyrics ng Cabaret sa link na ito.
Basahin ang buong lyrics ng Cabaret sa link na ito.
Ipinaskil ko ang munting sulatin na ito sa mismong araw ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus sapagkat ang katotohanan ng muling pagkabuhay ang siyang lunas natin panlaban sa Buhay Cabaret ng Sanlibutan. Sa 1 Cor. 15:32, ganito ang isinulat ni Apostol Pablo "... Kung hindi rin lamang bubuhaying muli ang mga patay, mabuti pa'y sundin na lamang natin ang kasabihang ito, 'Kumain tayo at uminom, sapagkat bukas tayo'y mamamatay.'" (Revised MBB)
Samakatuwid, ang buhay Cabaret ay para sa mga taong walang inaasahan na kabilang buhay. Ang mahalaga ay ngayon, ngayon, ngayon at baka wala nang bukas. Salungat diyan ang prinsipiyo ng mga taong may inaasahang muling pagkabuhay. Dahil sa tiyak ang tagumpay natin mula sa kamatayan at pagkabulok, ang habilin na kasunod sa v. 58 ay "Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya."
Ituro mo sa akin ang isang mananampalatayang masigasig sa kabanalan at ituturo ko sa iyo ang isang mananampalatayang nasasabik sa langit.
No comments:
Post a Comment