Monday, January 22, 2024

Treasures of Wisdom and Knowledge

 

in whom [Christ] are hidden all the treasures of wisdom and knowledge. (Colossians 2:3 ESV)
From the free stock images of Pixabay

The Old Testament reports about Solomon’s extraordinary knowledge and wisdom that people from distant nations came to visit and listen. Kings from faraway lands sent emissaries. Since those were pagans, they have had minimal knowledge the One True God. Yet somehow they valued knowledge and wisdom. Even with its preoccupation with material treasures, the world recognizes that knowledge and wisdom are desirable things.

The ultimate treasury of knowledge and wisdom according to Colossians 2:3 is Christ. Christ is the treasury, the storehouse, the vault of all the treasures of wisdom and knowledge.

The problem with the unbelieving world is this: though they acknowledge that knowledge and wisdom are valuable enough to be sought and stored up, they refuse to come to the ultimate source— Jesus Christ. Jesus rebuked the unbelieving scribes and Pharisees by pointing out that the Queen of the South came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon yet unbelievers reject the wisdom of Jesus when in fact he is greater than Solomon! (Luke 11:31)

Brothers and sisters, we may not be knowledgeable and wise according to the world’s standards. We may not have the intellectual sharpness they possess. We may not have reached the level of educational training that they reached. We may not have the academic accolades that they have received. If you are in Christ, God has opened the vault. The treasury of knowledge and wisdom is is accessible to the believer. Instructed by the word of God and guided by the Spirit, we have the mind of Christ.


--- --- ---


Sunday, January 14, 2024

Three Big Things


This morning I just wanna give three things that make God worthy of our praise and worship. Of course, anyone can easily add some other things to this list. As it has been said, at any given moment one can enumerate 10,000 reasons to bless the Lord! Yet the three things in my list are really, really big ones. 
Without further delay, here are three big things that make God worthy of our praise and worship:

1st, The Excellence of His Character and Attributes- 1 Chronicles 16:29 exhorts us, “Ascribe to the LORD the glory due his name”. His name refers to all he is as a personal being. His excellencies deserve nothing less than all glory. It is but proper to ascribe all that glory because it is due. Just to name a few of his excellencies: eternality, aseity, omnipotence, omnipresence, omniscience, omnisapience, immutability, truthfulness, faithfulness, goodness, love, mercy, grace, holiness and righteousness. All these things together manifest his matchless splendor.

2nd, The Mere Fact that He is Our Creator- We are not self-existent. Someone else brought us into existence. He is Creator and we are mere creatures. That fact alone is sufficient enough for us to adore and serve him. Psalm 95:6, "let us kneel before the LORD, our Maker!". In Psalm 100, one of the reasons given why we should serve him with gladness is because “It is he who made us” (v. 2). Lastly, the 24 elders in Revelation 4 fall down before God as they cast their crowns and utter these words of praise:

Worthy are you, our Lord and God, to receive glory and honor and power,

for you created all things, and by your will they existed and were created.” (v.11)

3rd, The Provision of Redemption through His Son- We were born in sin. We were by nature children of wrath (Eph. 2:3). We were utterly powerless to save ourselves. And God has no obligation to provide for us redemption— but he did! The cost for doing so is the life of his Beloved Son— a price of matchless value. He has now required that all acknowledgment of his worthiness do so in a Christ-centered manner. The Father has exalted his Son and "bestowed on him the name that is above every name, so that at the name of Jesus every knee should bow... and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father” (Phil. 2:9-11). And in the fifth chapter of Revelation, the one seated on the throne holds a scroll sealed with seven seals. Yet it only made the Apostle John weep for no one was found worthy to break the seals and open the scroll. He was weeping intensely until one of the elders comforted him with the assurance that someone is worthy. It is none other than the conquering Lion of the Tribe of Judah. He is worthy because he was slain, and by his blood ransomed people from every tribe, language, people, and nation.

These things brothers and sisters are big reasons for us to worship God in service and adoration. Let every worshiper rise up. Let us all together praise and worship God.

--------------

Sunday, December 24, 2023

Gloria in Excelsis Deo

 Glory to God in the highest,

and on earth peace among those with whom he is pleased!”

Luke 2:14 ESV


Photo Credit: Wikimedia Commons

In a region near Jerusalem where the temple stood and where sacrifices were made, there was a sure market for the shepherds’ product. It’s the ordinary thing they do to earn a living. It was supposed to be just an ordinary night in the life of a shepherd; just another day in the office.

Yet the story is familiar to all of us. What was supposed to be an ordinary night turned out to be extraordinary— the most special night of all in their whole lives.

An angel of the Lord suddenly appeared with the Lord’s Shekinah— a light so bright and so blinding that no man can take it. And just like any other sinner who saw this glory in the biblical accounts, they were stricken with great fear. Any mortal sinner, just like Isaiah, would think and feel that he is doomed upon seeing such display of glory.

What a relief they must have felt when the angel assured them that they have nothing to fear. The angel came not for the purpose of bringing judgment but to proclaim good news that brings great joy: it is the birth of the Savior, the Messiah, the Lord— in the City of David.

After giving the two-fold identifying marks of the baby namely being wrapped tightly in swaddling clothes and lying in a manger, there suddenly appeared a multitude of angels. And so from one angel appearing, its now a battalion of angels! They proclaimed praise to God with words which the Latin-speaking church would later call (and sing) as the “Gloria in Excelsis Deo”.

The content of Gloria in Excelsis Deo is two-fold.

  • First, the incarnation is for the glory of God who resides in heaven (“in the highest”). The accomplishment of Jesus’ mission brings glory to his Father.

  • Second, the incarnation brings peace on earth but not in a universal sense, but only “among those with whom he is pleased!”. In the Greek text, the phrase is ἀνθρώποις εὐδοκίας which is closely related to another concept taught elsewhere in the Bible: “God’s elect” or the chosen ones.

This was certainly true in the case of these shepherds. There were many prominent people in that region, but God has chosen the lowly shepherds to be the first visitors of the newborn king.

The same truth still stands today. Out of all the billions of people celebrating Christmas, only are few are given the privilege to truly know the birthday celebrant. We get to know the birthday celebrant only by grace. And because it is only by grace, the glory belongs not to us but unto the Father who is in the highest place.

Monday, November 2, 2020

Huwag Kang Magnanakaw (Part 09: Etikang Kristiyano Para sa Karaniwang Tao)

Sa pagtatapos ng unang taon ng operasyon, nagkaroon ng pagtutuos (audit) ang isang hotel. Ilan sa mga bagay na nawawala ay ang mga sumusunod: humigit-kumulang 38,000 na kutsara, humigit kumulang 350 na sisidlan ng kape, at ito ang pinakamatindi— 100 sipi ng mga biblia! Isang kaibigan mula sa Gideons International ang nagbigay-kumpirmasyon na nangyayari nga ito kahit pa may nakaimprenta na “property of Gideons International; do not remove from room” sa balat ng mga biblia. Tiyak kong hindi naman ito ikinagagalit ng organisasyon. Dahil ministry talaga nila ang pag-imprenta at pagpapakalat ng biblia, matutuwa pa sila kung mayroong mga tao na interesado sa salita ng Diyos. Ngunit ang punto ay maraming mga tao ang nangunguha ng pag-aari ng iba.

Bakit ka nagsasara ng pinto at bintana kung aalis ka at iiwanang walang bantay ang bahay? Ano ang posibleng mangyari kung iiwanan mo ang iyong motorsiklo kasama ang susi nito sa kalye? Bakit ang mga sari-sari store, may grills at screen at may maliit lamang na lagusan na pag-aabutan ng binibili at pambayad? Batid nating lahat na ang pagnanakaw ay laganap— isang patunay ng kasamaan ng puso ng tao (Gen. 8:21; Psa. 14:1-3).

Ang pagkalaganap nito ay makikita rin sa yaman ng bokabularyo na naglalarawan sa iba't ibang uri ng pagnanakaw: shoplifting, robbery, burglary, hijacking, holdup, salisi, budol-budol, pilferage, kupit, pandurukot, embezzlement (dispalko), malversation, plunder— kulang na kulang pa ang mga salitang ito sa dami ng paraan ng pagnanakaw.

Noon pa man ay kinasusuklaman na ng Diyos ang pandaraya sa timbangan (Pro. 11:1). At sa iba na tama ang timbangan, dinadaya ang mamimili sa ibang paraan. Malingat ka lang ng kaunti ay isisingit ng tindera ang malaking piraso ng taba, buto, balat na ubod ng kunat o mga panindang bilasa. May false advertising at hindi pagbibigay ng nararapat sa halagang ibinayad (value). Sa kanyang aklat na Business for the Glory of God, ito ang sinabi ng Wayne Grudem: "by giving us the ability to buy and sell, God has given us a wonderful mechanism through which we can do good for each other... We can honestly see buying and selling as one means of loving our neighbor as ourself."

Sa trabaho, kahit hindi ka nag-uuwi ni isang paper clip o ni isang piraso ng bond paper kung hindi ka nagtatrabaho ng maayos, ninanakawan mo ang nagpapasuweldo sa iyo. Ang prinsipyong “The worker deserves his wages” (Luke 10:7; 1 Tim. 5:18b) ay kakambal ng prinsipyong “Do not muzzle an ox while it is treading the grain” (1 Tim. 5:18a). Ang baka ay kailangang magtrabaho upang maging karapat-dapat sa damo at ang manggagawa ay kailangang magbanat ng buto upang maging karapat-dapat sa sahod.

Subukan mong halughugin ang mga kasangkapan at gamit sa iyong tahanan. May nakita ka bang pag-aari ng iba? Paano napunta sa iyo? Ikaw ba ay humiram mula sa iba at hindi mo na ibinalik? O baka naman sa tagal na sa iyo ng "hiniram" mo ay inangkin mo na? Sadyang may mga tao na humihiram at ito ay hiram forever!

Nakakabahala ang dami ng mga parinig sa social media ng mga taong inutangan at hindi binayaran. Maaaring ang iba dito ay talagang salat at walang pambayad nais man nilang magbayad. Ngunit sadyang may mga tao rin na walang kabalak-balak magbayad ng utang. Ang habilin ng Apostol Pablo, “Let no debt remain outstanding, except the continuing debt to love one another” (Rom. 13:8a NIV).

Kung lahat ng paraan ng pagnanakaw ay ating iisa-isahin, baka hindi tayo matatapos. Kaya tatapusin na lang natin ito sa pagbibigay ng ilang prinsipyo:

Unang prinsipyo, biblikal ang karapatang magmay-ari

Sa utos pa lang na “You shall not steal” (Exo. 20:15) ay meron ng pagpapalagay (presupposed) na ang tao ay may karapatang magmay-ari. Sa Pentateuch o sa naunang limang aklat ng biblia, ang salitang ito ay ginamit upang tukuyin ang pagnanakaw ni Rachel sa mga diyus-diyusan ng kanyang ama (Gen. 31:19). Pag-aari ni Laban ang mga iyon. Ito rin ang salitang ginamit ng mga kapatid ni Joseph ng kanilang itanggi na ninakaw nila ang kopang pag-aari ng punong ministro ng Ehipto (Gen. 44:8). Sa Exo. 22:1, ang salita ay ginamit upang tukuyin ang pagkuha sa baka o tupa na pag-aari ng iba. Samakatuwid, ang bokabularyo ng Pentateuch ay kumikilala sa karapatan ng iba na magmay-ari.

Ikalawang prinsipyo, ang lahat ng pag-aari natin ay bigay at ipinagkatiwala ng Diyos

Hindi lang ang karapatang magmay-ari ang galing sa Diyos; sa kanya rin galing ang lahat ng ating mga tinatamasa. <1> Sa sinambit ni Job na "The LORD gave and the Lord has taken away" (Job 1:21), ito ay pagkilala na ang dati niyang kasaganaan pati na rin ang paglaho nito ay nasa pasya ng Makapangyarihang Diyos. Sa dulo ay pinagpala ulit ng Diyos si Job ng higit sa dati (Job 42:12). <2> Noong siya ay tatawid na muli sa Jordan, naalala ni Jacob na noong una siyang tumawid doon ay isang tungkod lang ang kanyang dala-dala. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ng kanyang pagtawid ay dalawang pulutong na ang kanyang dala-dala kasama ang kanyang pamilya, mga lingkod, at napakaraming mga alagang hayop. Kinilala niya na ang kanyang kasaganaan ay dahil sa kagandahang-loob at katapatan ng kanyang Diyos (Gen. 32:10). <3> Karaniwang ugali ng makasalanang tao na kapag siya ay umaasenso ay kanyang aakalain na ang kanyang kasaganaan ay bunga ng kanyang sariling kakayahan at sikap. Bago pa man makarating sa Lupang Pangako ang mga Israelita ay may paunang bilin na si Moises. Kapag nadoon na sila at nagkaroonon ng magagandang bahay, maraming mga hayop, ginto at pilak, ang panganib ay baka malimot nila ang Panginoon at magmalaki sa pagsabing “My power and the strength of my hands have produced this wealth for me.” (Deut. 8:11-17; cf. Prov. 30:9a). Kaya ang paalala ni Moises, “remember the LORD your God, for it is he who gives you the ability to produce wealth. . .” (Deu. 8:18).

Samakatuwid, hindi lamang ang ninanakawan ang nalalapastangan kundi pati ang nagbigay nito sa kanya. Kung ang payong na bigay ko kay Kim ay nanakawin ng iba, hindi lang si Kim ang masasaktan kundi pati ako na pumili ng payong na iyon para kay Kim. Gayundin naman, kapag ninakaw mo ang alagang kambing ni Mang Carding, hindi lang si Mang Carding ang nilapastangan mo kundi pati ang Diyos na nagkaloob nito sa kanya.

Ikaapat na prinsipyo, kadalasang kalakip ng pagnanakaw ang iba pang mga kasalanan tilad ng kawalang pananampalataya at kasakiman.

<i> Kawalang pananampalaya. Ipinapakita nito na hindi ka naniniwala sa isang Diyos na pumupuno sa bawat pangangailangan ng kanyang mga tagasunod ayon sa yaman ng kanyang kaluwalhatian kay Hesus (Phil. 4:19). Ang magnanakaw na idinadahilan ang gutom niya at ng kanyang pamilya ay hindi naniniwala na ang Diyos na nagpapakain ng mga ibon sa himpapawid ay siya ring Ama na nagpapakain sa kanyang mga anak (Matt. 5:26). Tuturuan ba niya tayong manalangin ng “Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw” (Matt. 6:11) at hindi tutugunin iyon?

<ii> Kasakiman (Greed). Hindi lahat ng nagnanakaw ay gutom o salat sa buhay. Sa isang bagong-bagong artikulong inilathala sa Philippine Star, giniba ng kolumnistang si Jarius Bondoc ang haka-haka na hindi nagnanakaw ang mga mayayaman. Nabanggit doon ang mga political dynasties ng ating bansa na nagpapakasasa sa pork barrel. Nabanggit rin doon ang ilang mga diktador sa modernong daigdig na nagkamal ng nakakalulang mga halaga ng ill-gotten wealth. Syempre hindi nagpaiwan ang Pilipinas dahil mayroon sa kasaysayan natin ng conjugal dictatorship nina William Saunders at Jane Ryan (a.k.a. Ferdinand at Imelda). Salungat sa nagkalat na propaganda sa internet na galing daw umano sa legal na paraan ang kanilang yaman, pitong milyong piso lang ang idineklara nilang yaman sa kanilang SALN sa mga panahon na iyon— halagang malayo sa kanilang maluhong pamumuhay.

May malapit na kaugnayan ang pagnanakaw at kasakiman, kaya siguro sa listahan ni Pablo ng mga taong hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ay magkasunod ang magnanakaw at ang sakim (1 Cor. 6:10). “Watch out! Be on your guard against all kinds of greed”, ika ng Panginoong Hesus (Luke 12:15a). Sa pagkakasabi niya dito ay malinaw na kailangan ng pag-iingat at pagmamatyag sa ating sariling makasalanang puso. Ang kasakiman ay hindi lamang makikita sa mga pulitiko o sa rich and famous. Ito ay maaaring sumibol sa puso nating lahat. Pagpapatuloy ni Hesus, “life does not consist in an abundance of possessions” (Luke 12:15b). Ito ang susi laban sa kasakiman— ang kaalaman na ang buhay ng tao ay wala sa dami ng ari-arian. Bagkus, ang kasiyahan sa buhay ay bumubukal mula sa pagkabatid na ikaw ay nasa panig ng Diyos. “Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, “Never will I leave you; never will I forsake you.” (Heb. 13:5)

-----

Friday, October 16, 2020

Paglinang ng Isang Pusong Monogamous; Part 02: Huwag Kang Mangangalunya (Part 08: Etikang Kristiyano Para sa Karaniwang Tao)

Image by Olessya; freely available at Pixabay


Napatunayan natin mula sa nakaraang paskil na ang kalooban talaga ng Manlilikha sa pag-aasawa ay monogamy o ang pagkakaroon ng isa lamang na kabiyak. Samakatuwid, imoral ang maghangad ng karagdagang karelasyon kung ikaw ay may kapareha na. Imoral rin para sa isang tao ang paghahangad na makarelasyon ang isang taong may katipan na. Winakasan ko ang paskil na iyon sa paggiit na hindi sapat ang pagiging legally monogamous; ang kalooban ng Diyos ay monogamous ka rin sa puso at isip. Wika ni Hesus: “Narinig ninyo na sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, na ang bawat tumitingin sa isang babae na may pagnanasa ay nagkasala na sa kanya ng pangangalunya sa kanyang puso” (Mat. 5:27-28 AB 2001). Hindi lang ang ating mga panlabas na ikinikilos ang mahalaga kay Yahweh. Maaaring marangal kang tignan at wasto ang bawat kilos; magaling! Sapat na yan sa mata ng kapwa-tao. Ngunit hindi lamang ang nasa labas ang nakikita ng Diyos kundi pati ang nasa puso at isip (1 Sam. 16:7). Hindi sapat na walang kahalayan/kabastusan sa iyong pananalita— dapat ay maging katanggap-tanggap rin sa Diyos ang mga pinagbubulayan ng iyong puso. Hindi sapat na malinis ang iyong mga kamay sa pagsamba sa burol ng Panginoon— dapat ay dalisay rin ang iyong puso (Psa. 24:3-4).

Sa loob nagsisimula ang lahat— the inner man. Kaya naman sa Kawikaan 4:23, ang bilin ng pantas sa kanyang anak ay ingatan ang “puso” (MBB 2012) o “isipan” (ASD 2015) "sapagkat mula rito'y dumadaloy ang mga bukal ng buhay" (AB 2001). Ang puso/isip ang siyang bukal ng ating pamumuhay. Kaya sa paskil na ito ay maghahain ako ng mga dapat alalahanin— mga puntong teoritikal na huhubog sa puso at isip at makakatulong sa paglinang ng isang monogamous heart.

Alalahanin na monogamy talaga ang disenyo ng Manlilikha- Ito ay nahahayag sa Genesis 1-2. Kung tatanggihan ng tao ang kaayusang mula sa Diyos (divine order), tiyak na kabaligtaran ang mangyayari— at ang kasalungat ng kaayusan ay kaguluhan (order vs. confusion). Alalahanin na siya ay Diyos ng kaayusan, hindi kaguluhan (1 Cor. 14:33). Sa perpektong disenyo ng Diyos, ang lalaki at ang babae ay nagiging isang laman. Kung may third party, ito ay isang manghihimasok (intruder) sa orihinal na disenyo ng Diyos— at kapag may manghihimasok, nariyan ang kaguluhan.

Alalahanin na kapag may pangangalunya, nasisira ang pagtitiwala ng kabiyak- Sa Saligang Batas ng Pilipinas, ang betrayal of public trust ay isang lehitimong dahilan ng impeachment. Ganun din sa mag-asawa— ang pangangalunya ay betrayal of marital trust (at ito ay lehitimong dahilan ng paghihiwalay, Matt. 5:32). Ito ay isang malalang paglabag sa sumpa at pangakong magiging tapat habang-buhay. Kahit hindi ka pisikal na nambubugbog o nananakit ng asawa, ang pagtataksil sa sumpaan ay nagdudulot ng mga mental at emosyonal na sugat na matagal bago maghilom. At hindi lang ang asawa ang nasasaktan, pati na rin mga anak. Mahihirapan silang irespeto ang magulang na nangalunya.

Alalahanin na ang kultura ng pangangalunya ay may masamang epekto sa lipunan- Ang kaayusan ng pamilya ayon sa disenyo ng Diyos ay hindi lamang sa kabutihan ng pamilya kundi para sa buong lipunan. Sa isang bahagi ng blog series na ito kung saan tinalakay ko ang kahalagahan ng pagbibigay-galang sa mga magulang, aking idiniin ang papel ng pamilya bilang basic social unit ng lipunan. Kung mahina ang pamilya, mahina rin ang pamayanan, lipunan, at bansa. Kung walang kaayusan sa mga pamilya, wala ring kaayusan sa lipunan na binubuo ng mga pamilya. Kung sinira mo ang tiwala ng iyong asawa at mga anak, paano magtitiwala sa iyo ang ibang tao? Kung ang taong dapat sana ay minamahal mo higit sa lahat ay iyong pinagtaksilan, kami pa kaya? Kung ang pinangakuan mo ng katapatan at pinag-alayan ng matatamis na tula tulad ng "Susungkitin ko ang mga bituin sa langit at iaalay sa iyo" ay iyong tinalikuran, kami pa kaya na hindi naman ganun kahalaga sa'yo? Kung hindi ka mapagkakatiwalaan sa iyong tahanan, paano ka namin pagkakatiwalaan sa negosyo, pulitika, at iglesya? Kung sa mga pamilya ay laganap ang panlilinlang (deceit) at pagkakanulo (betrayal), ito ay microcosm lamang ng nangyayari sa lipunan.

Alalahanin na binubura ng pangangalunya ang larawan ni Cristo at ng iglesya- Sa layunin ng Diyos, may espesyal na papel ang Christian marriage sa daigdig. Ito ay ang paglalarawan ng relasyon ni Cristo at ng iglesya. Kapag nagtataksil ang lalaki, winawasak nito ang larawan ng isang mapagmahal na Cristo na naghandog ng kanyang buhay para sa iglesya (Eph. 5:25). Hindi larawan ng sakripisyo ang lalaking nakikiapid kundi masagwang larawan ng pagiging makasarili. Kapag ang babae naman ang nagtataksil, binabasag nito ang larawan ng layunin ni Cristo sa pagtutubos niya ng iglesya; sapagkat ang iglesya ay tinubos upang maging malinis at walang kapintasan (Eph. 5:25-27).

Alalahanin na ang adultery ay larawan ng idolatry- Bukod sa binabalukot ng pangangalunya ang dapat nating i-modelo — 'yan ay ang relasyon ni Cristo at ng iglesya— may iba itong inilalarawan. Sa Banal na Kasulatan, ang pagtalikod ng Israel sa pakikipagtipan ng Diyos ay itinuring bilang ispirituwal na pangangalunya. Ang kanilang pagtataksil sa Diyos at pagsamba sa ibang mga diyos tulad nina Baal, Molech, at Astoreth ay spiritual adulteryit is an illustration of idolatry! (Hosea 1-3). Hindi kataka-taka na laganap ang pagtataksil sa Diyos sa isang adulterous generation (Matt. 16:4)

Alalahanin ang iyong obligasyon na parangalan ang Manunubos sa pamamagitan ng iyong katawan- Ang mananampalataya ay tinubos ng Diyos sa pamamagitan ng dugo ni Hesus na natigis sa Kalbaryo. Kung ikaw ay tunay na Kristiyano, ang iyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu at ikaw ay pag-aari ng Diyos mula ulo hanggang talampakan. Kaya naman dapat lamang na parangalan mo ang Diyos sa pamamagitan ng iyong katawan. Ang utos ni Apostol Pablo ay lumayo ka sa seksuwal na imoralidad (1 Cor. 6:18-20).

Alalahanin na mabigat ang babala ng Diyos laban sa seksuwal na imoralidad- Nabanggit ko na rin lang ang utos ni Pablo na layuan ang seksuwal na imoralidad (1 Cor. 6:18), babanggitin ko na rin na ang salitang Griyego sa orihinal na teksto ay porneia— ito ay isang blanket term na sumasaklaw sa lahat ng uri ng kasalanang seksuwal. Ito ay kabilang sa listahan ng mga gawa ng laman at ang sinumang nagpapatuloy sa mga ito ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (Gal. 5:19-21). Nasa listahan rin ito ng mga dahilan kung bakit paparating ang poot ng Diyos (Col. 3:5). Matapos ituro na pangangalunya ang pagtitig sa babae ng may mahalay na pagnanasa, isinunod agad ni Hesus ang aral tungkol pangangailangang dukutin ang mata kung ito ang sanhi ng pagkakasala. Oo alam nating ito ay hyperbole, ngunit naihatid nito ang punto na kailangan ng mga radikal na hakbang upang makalayo sa mga seksuwal na kasalanan. Sapagkat kalagim-lagim ang dadanasin ng katawang makasalan sa impiyerno (Matt. 5:27-30)

Babanggitin ko na rin ang nais ng puso ko na magsulat Sexual Ethics series, sa ilalim ng mas malaking serye na Etikang Kristiyano Para sa Karaniwang Tao. Napakalawak ng paksa: pre-marital sex, pornography, masturbation, homosexuality, transgenderism, atbp. Hindi ito madali, kaya idalangin ninyo na magkaloob ang aking Diyos ng kakayahang mag-aral, mag-isip, at magsulat pa. Siya rin ang pinagmumulan ng karagdagang enerhiya, karagdagang mga araw, at karagdagang mga hininga. Sa kanya ang luwalhati, ngayon at magpakailanman! Amen.


Talasanggunian

  • Grudem, Wayne (2018), Christian Ethics: An Introduction to Biblical Moral Reasoning (Crossway)
  • Mohler, R. Albert (2009), Words From the Fire (Moody Publishers)
  • Mounce, William; Greek Dictionary < https://www.billmounce.com/greek-dictionary >

Tuesday, October 6, 2020

The Case for Monogamy; Part 01: Huwag Kang Mangangalunya (Part 07: Etikang Kristiyano Para sa Karaniwang Tao)

Image by Olessya
Freely available at Pixabay

Malamang ay ikakagulat ng ilan ang depinisyon ng adultery sa Zondervan Encyclopedia of the Bible (ZEB, 2009)— isang standard reference: "This term is used in the Scriptures to designate sexual intercourse, with mutual consent, between a man, married or unmarried, and the wife of another man." Ano ang kagulat-gulat doon? Sapagkat sa depinisyon na ito, ang pakikipagtalik sa may asawang babae lamang ang itinuturing na adultery. Hindi dito saklaw ang pakikipagtalik ng isang may asawang lalaki sa labas ng tipan ng kanyang kasal basta't wala pang asawa ang kanyang kapareha! Bakit ganun? Dahil hindi ipinaliwanag sa artikulo ng ZEB, ang isusulat ko dito ay sarili kong palagay. Sa wari ko'y isinaalang-alang ng may akda na sa daigdig ng sinaunang Israel at maging sa buong ancient Near East, tanggap sa lipunan ang polygamy at concubinage.

Kung teknikalidad ang pag-uusapan, maaaring tama nga naman ang depinisyon sa ZEB. Ngunit para sa layunin ng paskil na ito, ang depinisyon ay magkukulang sapagkat ang hangad natin ay hindi ang aplikasyon nito sa ancient Near East kundi sa ating panahon. Bukod diyan, ang Mosaic legislation ay kailangang tanawin mula sa mas malawak na bintana ng doktrina ng paglikha (doctrine of creation) upang ating mapiga ang mga moral absolutes na siyang habol natin sa seryeng ito.

Pagtanaw sa batas ni Moises mula sa bintana ng doctrine of creation

Isang araw, lumapit kay Hesus ang ilang mga Fariseo at siya ay tinanong kung naaayon ba sa batas na hiwalayan ng isang lalaki ang kanyang kabiyak sa anumang kadahilanan. Tugon ng Panginoon, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” (Mat. 19:5-6 MBB 2012). May follow-up question ang mga Fariseo; eh kung ganun pala na ang pinagbigkis ng Diyos ay hindi nararapat paghiwalayin ng mga tao, bakit raw ipinag-utos ni Moises sa mga lalaki ang pagbibigay ng dokumento ng diborsyo sa babae? Sagot ni Hesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula” (Mat. 19:8 MBB).

Mapupuna ninyo na ang mga tugon ni Hesus sa magkasunod na tanong ng mga Fariseo ay mula sa orihinal na disenyo “sa pasimula”. Ang pinagbabatayang batas ng mga Fariseo ay matatagpuan sa Deu. 24:1 at ipinaliwanag ni Hesus na ang patakaran na ito tungkol sa diborsyo ay kailangang tanawin mula bintana ng doktrina ng paglikha (doctrine of creation) sa Genesis 1 at 2— ang orihinal na disenyo ng Diyos sa pag-aasawa "sa pasimula" bago mahulog ang tao sa kasalanan sa Genesis 3. Sa aklat na Dominion and Dynasty (p. 27), ganito ang paliwanag ni Stephen Dempster: “In his dealing with the question of divorce, Jesus puts the small text of Mosaic legislation in Deuteronomy 24 in the context of the big Text of the biblical story, which begins at the beginning, with the first union of the male and female (Gen. 1 – 2).” Pansinin ninyo na ang patakaran tungkol sa diborsyo sa Batas ni Moises ay tinawag ni Dempster bilang small text samantalang ang salaysay ng paglikha (creation account) ay tinawag niyang big Text. Sa ibang paraan ng pagsabi, hindi namasdan ng mga Fariseo ang gubat ng doktrina ng paglikha (Genesis 1 at 2) dahil lumabis sila sa pagtutuon ng pansin sa puno ng diborsyo sa Deu. 24. Sa banyagang idyoma, "missing the forest for the trees".

Ayaw kong mangyari sa akin 'yun. I do not want to miss the forest for the trees. Kaya naman sa pag-aaral tungkol sa pangangalunya, sa katapatan sa asawa, sa polygamy at concubinage— nararapat pagsikapan na tanawin ito mula sa bintana ng big Texts sa bibliya, partikular ang doctrine of creation.

Interpretasyon ng casuistic law at biblical narratives

Kaugnay ng naunang seksyon, kailangang batid natin ang pagkakaroon ng mga casuistic law o case law sa Batas ni Moises at kung paano ito dapat hawakan ng sinumang nagtuturo ng bibliya. Ano nga ba ang mga case law? Ito ay mga alituntunin kung sakaling mangyari ang scenario na ganito o scenario na ganyan. Hindi ibig sabihin na ang mga scenario na ito ay pinapagawa ng Diyos, aprobado, o kapuri-puri (Copan, 2011)Halimbawa ay sa alituntunin na nagsisimula sa "When men quarrel . . ." (Exo. 21:18), hindi ibig sabihin na kalooban ng Diyos na mag-away ang mga tao, kundi alituntunin lang kung sakaling mangyari ito at may physical injuries. Isa pang halimbawa ay ang atituntunin na nagsisimula sa "When a man sells his daughter. . ."; hindi ito nangangahulugan na katangap-tanggap na gawain ang pagbebenta ng anak. Kung babasahin ang kabuuang alituntunin (Exo. 21:7-11), ito ay isinulat upang mabigyang proteksyon ang anak na babae.

Ganun din naman ang mga batas tungkol sa bigamy o polygamy. Ang alituntunin na nagsisimula sa “If a man has two wives. . .” (Deu. 21:15) ay hindi nangangahulugan na ito ay pinapagawa ng Diyos, aprobado, o kapuri-puri. Ito ay case law— patakaran kung sakaling mangyari ang ganitong scenario. Kung babalikan ang paliwanag ni Hesus tungkol sa case law ng diborsyo, naglatag ng mga alituntunin na ganito si Moises dahil sa katigasan ng ulo ng tao (Mat. 19:8). Hindi magandang mangyari ngunit ang mga ito'y nangyayari— mga realidad sa daigdig na nahulog sa kasalanan. Sa study note sa ilalim ng Lev. 18:18, paliwanag ng ESV Study Bible"the laws of Israel do not always require the ethical ideal; often they simply set out the minimum level of civility that the Israelite theocracy can tolerate."

Isa pang hindi alam ng marami ay kung paano uunawain ang mga kuwento sa bibliya— mga bahagi ng Banal na Kasulatan na nasa narrative genre. Naaalala ko pa ang isa naming kasama sa ROTC noon na isang Muslim. Inaalaska siya noon ng ilang mga kasamang Katoliko sa kung ilan ang balak niyang kunin na mga asawa. Siyempre dumepensa ang kasama naming Muslim. Ang banat niya ay mas malala sa Kristiyanismo dahil ang mga bayani namin, partikular si Haring Solomon ay nagkaroon ng 700 asawa at 300 concubines.

Eh dahil kakarampot pa lang ang alam ko sa pananampalataya sa mga panahong iyon ay hindi ko nadepensahan ang bibliya at ang Kristiyanismo. Kung sana ay kanina lang nangyari yun, binigyan ko sana siya ng munting lektyur sa biblical hermeneutics. Sa interpretasyon ng narrative genre sa Matandang Tipan, itinatala lang at ikinukuwento lang ang mga naganap— hindi ibig sabihin na kanais-nais ang mga itinalang pangyayari. Hindi rin ibig sabihin na ang mga bible characters— kahit pa ang mga bayani— ay dapat tularan. Sila ay mga makasalanan rin tulad natin. Ang asal at buhay ni Solomon ay kailangang husgahan ayon sa mga direktang itinuturo sa ibang bahagi ng kasulatan tulad ng habilin sa Deu. 17:17 na hindi dapat mangolekta ng maraming asawa ang isang hari upang hindi maligaw ang kanyang puso.

Kung ang naganap mahigit dalawang dekada na ang lumipas ay kanina lang sana nangyari, ibinahagi ko sana sa kasama naming Muslim ang kahalagahan ng inspired narrator sa interpretasyon ng narrative genre. Ang pananaw ng inspired narrator and siyang "divine point of view" (Stuart, 2014). Narito ang komentaryo ng inspired narrator tungkol sa buhay ni Solomon: "Siya'y nagkaroon ng pitong daang asawa, mga prinsesa, at tatlong daang asawang-lingkod, at iniligaw ng kanyang mga asawa ang kanyang puso. Sapagkat nang si Solomon ay matanda na, iniligaw ng kanyang mga asawa ang kanyang puso sa ibang mga diyos, at ang kanyang puso ay hindi naging lubos na tapat sa Panginoon niyang Diyos, gaya ng puso ni David na kanyang ama" (1 Kings 11:3-4 AB 2001). Ito ang divine point of view.

Ang orihinal na disenyo ng Diyos ay monogamy

Kung ang pagbabatayan ay ang big Text ng Genesis 1 at 2, walang duda na monogamy ang kalooban ng Diyos. Unang-una, noong lumikha ang Diyos ng suitable helper para kay Adan, iisang pirasong tadyang ang hinugot mula sa kanya. Pangalawa, sa disenyo ng Diyos, ang dating dalawang laman ay nagiging isa (Gen. 2:27). Ang ikatlong laman na nais sumali ay isang intruder; wala dapat manghimasok sa orihinal na disenyo ng Diyos.

Kung ang layunin ay punuin ang daigdig ng mga tao (Gen. 1:28), hindi ba't mas mabilis na mangyayari 'yun kung binigyan ng maraming bubuntisin si Adan? Ngunit hindi sumagi sa isip ng Diyos ang solusyon na 'yan— at ang dunong ng Diyos ay banal at walang kakulangan.

Monogamy sa mga yugto ng Pagkahulog, Pagtubos, at Wakas

Bukod sa doktrina ng paglikha, may iba pang mga big Texts na puwede nating tignan. Big Texts ang mga ito sapagkat nabibigyan tayo ng big picture ng buong biblical story line o sa tawag ng mga titser natin sa English literature ay plot. Ang biblical story line ay nahahati sa apat na pangunahing yugto: ang Paglikha (Creation), ang Pagkahulog (Fall), ang Pagtubos (Redemption), at ang Wakas (Consummation(Fee & Stuart, 2002).

Una na nating tinalakay ang Genesis 1 at 2— ang big Text ng Paglikha. Isunod naman natin ang yugto ng Pagkahulog (Fall). Ito ay isang mahabang yugto na nagsisimula sa Genesis 3 kung saan isinalaysay ang pasya nina Adan at Eva na mas paniwalaan ang mga kasinungalingan ng ahas keysa panghawakan ang bilin ng Manlilikha. Ang sannilikha na napakabuti sa paningin ng Manlilikha (Gen. 1:31) ay pinasok ng kasalanan na nagdala ng mga sari-saring 'di kanais-nais tulad ng mga sumpa, pagkabulok, pagdurusa, at kamatayan (Gen. 3:14-19; Rom. 5:12, 8:20-21). Dahil sa pagkahulog sa kasalanan, ang puso at isip ng tao ay nababalot ng kadiliman (Rom. 1:21; Eph. 4:18), at mahal nila ang kadiliman (John 3:19). Hindi nakapagtataka na ang orihinal na plano ng Diyos tungkol sa pag-aasawa ay itinuturing ng marami bilang kahangalan— patunay ay ang paghamak ng moderno at postmodernong tao sa biblikal na disenyo ng kasal sa pagitan ng lalaki at babae at ang kanilang pagpupumilit na tanggapin ng lipunan ang kasal ng lalaki sa lalaki at babae sa babae.

Pagkatapos ng salaysay tungkol sa pagkahulog, sa Genesis 4:23 ay ipinakilala sa atin ang isang tao na nagngangalang Lamech. Sa dalawang paraan lutang na lutang ang kanyang madilim na pag-iisip na bunga ng pagpasok ng kasalanan sa sanlibutan. Una ay ang kanyang pagiging marahas— siya ay sinugatan at ang siningil niyang kapalit ay buhay. Pangalawa ay ang kanyang bigamy. Sa unang palatandaan ng kanyang kasamaan (depravity)— hindi niya kinilala ang pagiging sagrado ng buhay. Sa pangalawa— hindi niya kinilala ang pagiging sagrado ng kasal.

Nagkaroon ng mga tunggalian (rivalries) sa pagitan nina Sarai at Hagar (Gen. 16:1-6), Leah at Rachel (Gen. 29-30), Hannah at Peninnah (1 Sam. 1:1-18). Patunay lamang ang mga ito na kapag tinalikdan ang orihinal na disenyo ng Diyos, hindi maganda ang dulot.

Sa yugto ng Pagtubos (Redemption), ang iglesya ay isang birhen na ipinakipagtipan sa isang lalaki (2 Cor. 11:2). Ang relasyon na ito sa pagitan ni Cristo at ng iglesya ay dapat maisalamin ng mga mag-asawang tinubos ng dugo ni Hesus (Eph. 5:22-33). Isa pang patunay: ang kuwalipikasyon na ang mga tagapangasiwa (elders) ng iglesya at maging ng mga diakono (deacons) ay dapat monogamous sila (1 Tim. 3:2; 3:12; Titus 1:6).

Sa yugto ng Wakas (Consummation), may isang Kordero at isang kasintahan na ikakasal (Rev. 19:7).

Mula Creation hanggang Consummation, ang tanging agila na nakatira sa gubat ay ang monogamy.

Kung loloobin ng aking Panginoon, meron itong karugtong na paskil. Doon ay ating makikita na hindi sapat na monogamous ka lang ayon sa batas (legally monogamous). Ito ay dahil ang nais ng Diyos ay monogamous ka rin sa puso at isip.

_________

TALASANGGUNIAN

  • Copan, Paul (2011), Is God a Moral Monster? (Baker Books)
  • Currid, John (2008), study notes on Leviticus in the ESV Study Bible (Crossway), Wayne Grudem (gen. ed.)
  • Dempster, Stephen G. (2003), Dominion and Dynasty: (IVP USA/Apollos England)
  • Fee, Gordon & Stuart, Douglas (2014), How to Read the Bible for All Its Worth, 4th edition (Zondervan)
  • Fee, Gordon & Stuart, Douglas (2002), How to Read the Bible Book by Book (OMF Literature, by special arrangement with Zondervan)
  • Grudem, Wayne (gen. ed.) (2008), "Biblical Ethics: An Overview", in the ESV Study Bible (Crossway)
  • Lambert, Gray (2009), “Adultery” in Zondervan Encyclopedia of the Bible, Volume 1: A-C; Merrill C. Tenney, general editor / Moisés Silva, revision editor (The Zondervan Corporation)
  • Sarfati, Jonathan (2006), “Does the Bible Clearly Teach Monogamy” ; < https://creation.com/does-the-bible-clearly-teach-monogamy > last access, October 05, 2020

Thursday, September 24, 2020

Ramos, Ver, Calvin

 It has been said that the difference between the two top generals of the late Marcos years is this:

👮🏽‍♂️ When Ramos is given orders, the West Point-trained officer asks "Why?"

👮🏽‍♂️ When Marcos gives orders to Ver, he never asks "Why?" When the dictator orders him to jump out the window, he salutes and answers. "From which floor, sir?"

The hyperbolic joke brings to mind John Calvin's teaching regarding the duty of lesser authorities to withstand the licentiousness of kings. For they were appointed by God as protectors of the people's freedom. Calvin wrote:

"For when popular magistrates have been appointed to curb the tyranny of kings . . . So far am I from forbidding these officially to check the undue license of kings, that if they connive at kings when they tyrannise and insult over the humbler of the people, I affirm that their dissimulation is not free from nefarious perfidy, because they fradulently betray the liberty of the people, while knowing that, by the ordinance of God, they are its appointed guardians."

📘 Institutes of the Christian Religion, 4.20.31 (Beveridge translation)

Monday, September 21, 2020

You Shall Not Murder (Part 06: Etikang Kristiyano Para sa Karaniwang Tao)



Taong 2000, napuno na ang pamahalaan sa paulit-ulit na pangingidnap at pangho-hostage ng grupong Abu Sayyaf. Si Pangulong Joseph Estrada mismo ang nag-anunsyo ng all-out war laban sa grupong wala namang ideolohiya kundi ang maghasik ng lagim at kumita sa ransom. Dahil hinog na ang isyu at sawa na rin ang mga tao sa kabalbalan ng Abu Sayyaf, suportado ng taumbayan ang pasya ng Pangulo— maliban sa iilan. Ang ilan sa mga konting tutol sa all-out war ay ang grupong Jesus Miracle Crusade. Pinasok kasi ng ilan sa mga prayer warriors nila— kasama ang mismong pinuno ng sekta na si Wilde Almeda— ang kuta ng Abu Sayyaf nang walang pahintulot mula sa pamahalaan. Sa kanyang mga panayam sa telebisyon, ang batayan ng pagtutol ni Lina (kabiyak ni Wilde) sa pasya ng rehimeng Estrada ay ang ika-anim na utos: "Thou shalt not kill." (Exo. 20:13 KJV).

Ang consensus ng mga iskolar ay malayo ang kahulugan ng orihinal na “ratzach” ng wikang Hebreo sa pagkakasalin ng King James Version. Ang mga mapagkakatiwalaang modernong salin tulad ng ESV, NASB, at NIV ay nagkakaisa sa pagsasalin nito bilang "You shall not murder." Hindi ipinagbabawal ng ikaanim na utos ang lahat ng uri ng pagpatay. Ano ba ang murder? Ako'y sasangguni mula sa unang edisyon ng diksyunaryo ni Noah Webster (1828): "The act of unlawfully killing a human being with premeditated malice, by a person of sound mind1." Kung ang pagbabatayan ay ang depinisyong ito, mga unlawful killing lang ang maituturing na murder na may implikasyon na may mga pagpatay na lawful. Isa pang isinasaad sa depinisyong ito ay dapat human being ang biktima. Paumanhin na lang po sa mga animal rights advocates. Hindi magkasinhalaga ang buhay ng tao sa buhay ng inyong mga alaga. Hindi murder ang mga hindi binalak at aksidenteng mga pagkakapatay sapagkat dapat ay may premeditated malice. Panghuli, hindi matatawag murderer ang tao kung siya ay may kapansanan sa pag-iisip sa sandaling magyari ang pagpatay.

Hindi maibibilang na murder ang mga lehitimong operasyon ng mga pulis, sundalo, at iba pang mga awtoridad laban sa mga salot sa lipunan (kung tunay nga silang mga salot sa lipunan). Hindi murder kung magpapaputok ang mga pulis laban sa hinihinalang kriminal na nanlaban (kung tunay nga itong nanlaban). Ang pagtatangol sa sarili (self-defense) o sa iba pang mga inosenteng buhay (tulad ng mga hostage) ay hindi murder basta't angkop ang ginamit na puwersa— sapagkat sa Exodus 22:2-3, ang buhay ng ninanakawan at magnanakaw ay parehong binibigyan ng proteksyon. Sa ating pambansang awit na Lupang Hinirang ay inaawit pa nga natin na kung may manlulupig ay hindi tayo pasisiil o kung may mang-aapi ay ating ligaya ang mamatay para sa Perlas ng Silangan— sapagkat hindi murder ang makatuwirang pakikidigma (just war). Ang pagpataw ng parusang kamatayan (capital punishment) sa mga angkop na kaso ay isang kapangyarihang ipinagkatiwala ng Diyos sa Estado (Gen. 9:6; Rom. 13:4), basta may makatarungang paglilitis. Oo, isang makatarungang paglilitis— hindi tulad ng mga taktika ng mga diktador at iba pang autocratic leaders tulad ng mga trumped-up charges (mga huwad na paratang) o paggamit ng military courts sa halip na civil courts upang usigin ang mga kalaban sa pulitika. Isipin mo: ikaw ay kakasuhan ng Pangulo na siyang commander-in-chief ng Armed Forces at ang maglilitis sa kaso mo ay mga heneral ng commander-in-chief. Patas ba 'yun? Mukha itong isang murder na dinamitan ng awtoridad!

Bakit Masama ang Murder?

Ang pangunahing dahilan kung bakit masama ang murder ay dahil ang tao ay nilikha sa wangis ng Diyos (Gen. 1:26-27). Bagamat ang larawan ng Diyos sa bawat tao ay dinungisan ng kasalanan, hindi ito tuluyang naglaho. Sa kabila ng ating mga pagkakaiba, nariyan ang imago Dei (image of God) sa bawat kadugo ni Adan (Gen. 5:1). At noong pinahintulutan na ang pagkatay sa mga hayop upang kainin, hindi pa rin puwedeng kitilin ang buhay ng tao (Gen. 9:3-5). Ito'y patunay lamang na magkaibang uri ang tao at hayop. Hindi sapat ang zoological classification na nagsasabing ang tao ang siyang pinakamataas na uri sa animal kingdom. Ang tao ay iba sa hayop sapagkat siya ay ginawang mas "mababa ng kaunti sa mga anghel" (Psalm 8:5 ASD). Ito ang dahilan kung bakit sagrado ang buhay ng tao.

Ang isa pang dahilan na naiisip ko kung bakit masama ang murder ay dahil ang pagiging mamatay-tao ay katangiang unang taglay si Satanas, ang tatay ng mga mamatay-tao. Ang Diablo ang orihinal na Tatay D. na nagpakalat ng kasinungalingang hindi ka puwedeng maging lider kung takot kang pumatay. Ang kanyang mga anak ay tuwang-tuwa sa gawain ng kanilang tatay: “You belong to your father, the devil, and you want to carry out your father’s desires. He was a murderer from the beginning . . .” (John 8:44 NIV). Ngunit iba ang kanilang ama sa ating Ama sa langit. Ang sinumang tagasunod ni Hesus ay dapat may pagpapahalaga sa buhay sapagkat ang Panginoon ang siyang may akda ng buhay (Acts 3:15).

Ilang mga Halimbawa ng Murder

  1. Ang paglalagay ng batas sa sariling kamay. Ang kasabihang Pilipino na “Lintik lang ang walang ganti” ay salungat sa bibliya. “Do not repay anyone evil for evil. . . Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: 'It is mine to avenge; I will repay,' says the Lord” (Rom. 12:17, 19 NIV).

  2. Pagpatay na gawa ng isang taong may awtoridad ngunit hindi naaayon sa batas ang pagkakagawa tulad ng paglabag sa rules of engagement o kaya ay mga extra-judicial killings (EJK). Oo, maging ang mga taong nakaupo sa posisyon ay lumalabag sa ika-anim na utos— at madalas. Sa ika-20 siglo pa lang, tinatayang 175 milyong katao ang pinatay sa bisa ng awtoridad nina Vladimir Lenin at Joseph Stalin ng Soviet Union, Adolf Hitler ng Germany, at Mao Zedong ng Tsina2 . Isang siglo at apat na lider pa lang 'to ay 175,000,000 buhay na ang kinitil. Hindi pa kasali sa bilang ang mga pinatay sa ibang mga siglo at sa kamay ng iba pang mga lider na hayok sa dugo.

  3. Ang garapalang pagpapabaya na nauwi sa pagkawala ng buhay ng kapwa. Dito marahil kinapos ang depinisyon ni Noah Webster. Sa yaman ng Hebreong utos na "lo ratzach" ay pasok ang kaso kahit walang "premeditated malice"— kung ang kapabayaan na nagdulot ng kamatayan ay garapal. Sa Mosaic Law, ang sinumang nagpatayo ng bahay at hindi naglagay ng harang sa palibot ng patag na bubong ay mananagot sa kamatayan ng sinumang mahuhulog mula dito (Deut. 22:8). Kung ang alagang toro ay tanyag na bilang manunuwag at nabigyan na ng babala ang may ari ngunit hindi pa rin niya ito ikinulong, buhay niya ang kabayaran kung sakaling ang kanyang alaga ay manuwag uli't makapatay (Exo. 21:27). Isipin mo ito sa susunod na ikaw ay hahawak ng manibela.

    Ngunit upang maging balanse ay kailangang banggitin na malaki pa rin ang pagkakaiba ng binalak na pagpatay (premeditated) at kamatayan na dulot ng garapal na pagpapabaya. Makikita ito sa paghahambing ng Numbers 35:31 at Exodus 21:29-30. Sa unang nabanggit na talata, hindi pinahihintulutan ang pagtanggap ng bayad kapalit ang buhay ng kriminal na mamamatay-tao. Samantalang sa kaso ng manunuwag na toro, ang may ari ng hayop ay maaaring magbayad bilang pantubos ng kanyang buhay. Nasa rurok talaga ng pagka-karumaldumal ang krimen ng premeditated murder.

  4. Aborsyon o ang sinasadyang paglalaglag ng bata mula sa sinapupunan. Kahit pa ito ay legal sa maraming mga bansa at kahit pa pinaglalaanan ito ng pondo ng mga gobyerno mula sa binayarang buwis ng taong bayan, ito ay kasuklam-suklam sa mata ng Diyos. Ang buhay na nabuo sa sinapupunan ay hindi simpleng raw materials ng tao — siya ay tao— taong nilikha sa wangis ng Diyos— taong may personalidad! (Psalm 139:13-16; Luke 1:44)

  5. Pagpapakamatay (Suicide). Hindi ko itinatanggi na mayroong mga kaso kung saan ang nagpakamatay ay lubhang apektado sa pag-iisip sa puntong hindi siya maaaring papanagutin sa kanyang ginawa. Tandaan ang depinisyon ni Webster— matatawag lamang na murder kung ito ay "by a person of sound mind". Ngunit ilan nga ba sa mga nagpapakamatay ang nawalan talaga ang kakayahang mag-isip? Hanggat mayroon tayong kakayahang gumawa ng wastong desisyon, pananagutan natin ang ating bawat pasya. Angkop dito ang sinabi ni George Swinnock (1627 –1673): "He that would not die when he must, and he that would die when he must not, are both of them cowards alike. To desire to live when one is called to die is a sign of cowardice, for such a one is afraid to enter the list with the king of terrors. To desire to die when one is called to live speaks a faint-hearted creature, for such a man dares not look an affliction or disaster in the face; therefore would take shelter in death.3

  6. Euthanasia. May koneksyon pa rin sa suicide ay ang assisted suicide. Sa bisa ng ideolohiyang “Right to die with dignity”, may mga bansa kung saan legal ang pagtulong sa mga matatanda o sa mga may malubhang sakit na tapusin ang buhay. Madalas din itong ikubli sa ngalan ng habag upang tapusin na raw ang paghihirap ng pasyente. Nararapat banggitin na may pagkakaiba ang active euthanasia at passive euthanasia. Kumplikado ang usapan sa passive euthanasia kung saan hinahayaang dumaan sa normal na proseso ng kamatayan ang isang tao tulad ng pagtanggi o pagtanggal ng life support— halimbawa ay ang tubo na isinasaksak sa lalamunan pantulong sa paghinga. May mga pagkakataon na lubhang maliit ang survival rate at nasa pasya na ng pamilya kung dapat pa bang ipaglaban ang isang bagay na mauuwi sa kasawian. Ang active euthanasia ay sinasadyang pagpatay sa pasyente tulad ng pagtuturok ng lason. Ito ay malinaw na imoral. Kung ang magulang, asawa, anak, o kapatid ay mahina, ito ay isang pagkakataon upang ating ipakita ang ating pagiging mga maka-Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga sa kanila hanggang sa kanilang huling hininga.

    Itong pang-apat (abortion), panglima (suicide), at pang-anim (euthanasia) ay mga isyu na nararapat paglaanan ng mas malaking espasyo. Nais ko sanang magsulat ng isang maikling serye na papaloob sa mas mahabang serye ng Etikang Kristiyano Para sa Karaniwang Tao. At ang maikling seryeng ito ay tatawaging The Sanctity of Life. Ito ay aking gagawin pagkatapos matalakay ang Sampung Utos— kung loloobin ng aking Panginoon.

  7. Ang pagkunsinti sa kultura ng pagpatay. Kung sa lipunan na ating ginagalawan ay laganap ang kultura ng murder, masama ang manahimik lang. Ang pananahimik ay pagkunsinti sa kasamaan. Kung nagkalat ang patayan sa sari-saring anyo— tulad ng aborsyon at extra-judicial killings— at wala tayong imik, ito ay ating kinukunsinti. At mas malala pa kung ang kultura ng aborsyon at extra-judicial killings ay ikinatutuwa ng madla— may palakpakan na, may hiyawan pa— huwag na ninyong asahan ang pabor ng Diyos:"Your hands are full of blood!" (Isa. 1:15). Ika nga ni R. Albert Mohler: "We also need to understand and admit our corporate responsibility. Israel is at times described as bearing corporately a bloodguilt. And if that be so of Israel, it must be so also of those of us who would ignore the carnage around us. . .4" Kabayan, masdan mo nga ang mga kuko mo ngayon; baka may bahid ng dugo.

Mga Sanhi at Pagkakataong Papunta sa Murder

Mula sa panulat ni A. W. Pink (1886 – 1952), “This Commandment not only forbids the perpetration of murder, but likewise all causes and occasions leading to it. The principal of these are envy and anger.5  Kaya talakayin natin ang envy (inggit) at anger (galit).

  • Envy (Inggit)

Sa wari ko'y mas mainam kung sa halip na magbigay ako ng depinisyon ay hihiram na lang ako ng payo mula sa Master Rapper:

Iwasan mo ang inggit

Ang sa iba'y ibig mong makamit

Dapat nga ika'y matuwa

Sa napala ng iyong kapatid6

Hindi kayo kuntento kay Francis Magalona? O sige na nga! Para sa mga naghahanap ng mas teolohikal na reperensya, heto na: "a desire for another’s gifts, possessions, position or achievements . . .7" Mula 'yan sa Dictionary of Bible Themes, at ito ay hindi iba sa rap ni Kiko. Kung mayroon tayong nais tulad ng karangalan, pag-aari, at tagumpay at ito'y napupunta sa iba— mag-ingat sapagkat sa ating puso ay malapit lang ang pagpatay sa kapwa. Ganito ang pagkakasabi ni Santiago: “May mga ninanais kayo pero hindi nʼyo makamtan, kaya handa kayong pumatay dahil dito. May mga gusto kayong makuha at kapag hindi ito nangyari, nag-aaway-away kayo” (James 4:2 ASD).

Dahil si Joseph ang paboritong anak ni Jacob, kinamuhian siya ng kanyang mga kapatid at ni hindi mapakisamahang mabuti (Gen. 37:4). Papatayin talaga sana siya— 'yun ang unang balak, ngunit naisip nila na mas kapaki-pakinabang kung ibebenta na lang bilang alipin— at 'yun nga ang kanilang ginawa (Gen. 37:26-28).

May isang ubasan na gustong-gustong si Haring Ahab. Ang lupa ay akmang-akma sa pinapangarap niyang vegetable garden sapagkat ito ay malapit sa palasyo. Kinausap niya si Naboth— ang may-ari. Maganda naman ang alok ng hari; tutumbasan ang anumang halaga nito sa pilak o iba-barter kapalit ang isang mas magandang ubasan. Ngunit tumanggi sa alok si Naboth sapagkat para sa kanya, walang katumbas na halaga ang lupang minana mula pa sa mga ninuno. Lubhang nalungkot ang hari; ni ayaw niyang kumain. Ang asawa ni Ahab na si Jezebel ang nakaisip ng paraan. Gamit ang mga huwad na saksi, pinaratangan nila si Naboth— mga paratang na pawang mga kasinungalingan. Ang parusa: si Naboth ay pinagbabato ng mga tao na siya niyang ikinamatay. Noong patay na si Naboth, agad-agad na kinamkam ni Haring Ahab ang lupa. (1 Kings 21:1-16)

Bagamat si Jezebel ang nakaisip ng paraan, pareho silang mga mamamatay-tao sapagkat ang liham na ipinadala sa mga tauhan na nagbibilin ng kasamaan ay isinulat sa ngalan ng hari. Wala siyang pagtutol sa binalak ng kanyang asawa. At noong patay na si Naboth ay nawala ang kanyang kalungkutan at agad na kinamkam ang lupa. Sa bilin ni Yahweh kay Propeta Elijah, ang hari ang dapat harapin— ang may pangunahing pananagutan sa kamatayan ni Naboth (1 Kings 21:17-19). Saan nagsimula ito? Sa pagkainggit sa kung anong meron si Naboth na wala kay Ahab.

  • Anger (Galit)

Bagamat binanggit ni Pink ang galit (anger) bilang isa sa mga sanhi ng murder, maingat niyang nilinaw na hindi lahat ng galit ay nauuwi sa pagkakasala. Aniya, "It should be pointed out that anger is not. . . simply and in itself, unlawful.8Isa sa mga uri ng galit na hindi masama ay kapag niyuyurakan ng mga tao ang dangal ng Diyos at tinatapakan ang kanyang kabanalan.

  • Ikinagalit ni Moises ang paggawa ng mga Israelita ng rebultong baka at pagsamba dito (Exo. 32:19)

  • Kay Samuel ay nagsabay ang pagkapuspos sa Espiritu ng Diyos at galit (I Sam. 11:6)

  • Ikinagalit ni Nehemiah ang pananamantala ng mga nagpapautang (Neh. 5:6)

  • Noong mas pinapahalagahan ng mga Fariseo ang kanilang mga tradisyon tungkol sa Sabbath keysa sa ikabubuti ng taong may kapansanan, nagalit si Hesus (Mark 3:5)

Naglaan pa nga si Pink ng puwang para sa galit na dulot ng pagtapak sa ating personal na pagkatao. Sabi niya, "So there is an innocent and allowable anger when we are unjustly provoked by offenses against ourselves, but here we need to be much on our guard that we sin not.9" Dito ay sinusundan niya ang aral ni Apostol Pablo sa Eph. 4:26a, "Be angry and do not sin" (ESV) kung saan ito ay nasa imperative mood— isang utos. Ngunit hindi natatapos doon ang aral ni Pablo tungkol sa galit. Hindi tayo tulad ng Diyos na kung magalit ay dalisay pa rin sa kabanalan. Tayo ay mga makasalanan at madaling mabahiran ng kasalanan ang ating mga emosyon. Ang galit na nagsisimula bilang matuwid ay mabilis mabaluktot dahil sa ating kahinaan. Kaya naman ang "Be angry and do not sin" ni Pablo ay sinundan niya agad ng "do not let the sun go down on your anger, and give no opportunity to the devil" (Eph. 4:26b-27 ESV). Paliwanag ng ESV Study Bible, "Not all anger is sin, but the believer should not be consumed by anger, nor should one’s anger even be carried over into the next day, as this will only give an opportunity to the devil.10"

Kapag ang galit ay hinayaang maghari sa puso, sari-sari ang ibubunga nitong mga hindi kanais-nais. Nabanggit nang ito'y nagbibigay pagkakataon sa mga balak ng diablo (Eph. 4:27). Naging marahas sina Simeon at Levi dahil sa pagkamagagalitin (Gen. 49:5-7). Kapag ang isang tao ay madaling uminit ang ulo, siya ang nagpapaningas ng mga away (Prov. 15:18) kaya ang payo ng pantas ay huwag makipagkaibigan sa mga mabilis magalit dahil baka mahawa ka't tularan sila (Prov. 22:24-25).

Kokopya ulit ako kay Pink: “. . . unjust and inordinate anger, if it is allowed to lie festering in the heart, will turn into the venom of an implacable hatred. Such anger is not only a cause, but it is actually a degree of murder. . .11" Oo, malinaw nga ang aral ng Panginoong Hesus. Kahit wala ka pang sinasaksak; kahit wala ka pang tinataga ng itak; kahit wala ka pang binabaril; kahit wala ka pang nilalason; kahit wala ka pang itinutulak sa bangin— kung sa puso ay may nakatanim na galit at nais mong mapahamak ang kapwa o masira ang kanyang reputasyon— sa puso ay murderer ka na rin! (Matt. 5:22).

Para sa mga Api

Ano ang puwedeng gawin kung talagang inaapi ka na? Puwede kang lumapit sa mga may kapangyarihan— sa mga tinalaga upang magpataw ng parusa sa mga gumagawa ng masama (Rom. 13:4). Sa isa mga ilustrasyon na ginamit ng Panginoong Hesus, positibo ang presentasyon niya sa isang biyuda na paulit-ulit lumalapit sa isang hukom upang humingi ng katarungan (Luke 18:1-5). Kaya huwag mag-aatubiling lumapit sa awtoridad kung ikaw ay agrabyado— sa baranggay chairman, sa police station, o sa hukuman; o sa mga magulang kung may agrabyado sa bahay; kay titser o sa class president kung may agrabyado sa silid-aralan; sa mga elders kung may agrabyado sa iglesya (matapos ang mga naunang hakbang sa Matthew 18:15-17); sa supervisor kung may agrabyado sa trabaho.

Ngunit ano ang gagawin kung hindi makatarungan ang mga awtoridad? Hindi kaila na sa daigdig natin na nahulog sa kasalanan, ang mga sistema ay hindi laging maaasahan. May bahid kasalanan kasi tayong lahat pati na ang mga awtoridad: si Tatay, si Titser, si baranggay chairman, si church elder, si bossing supervisor— pati na ang Supreme Court. Mabuti na lang, wala dito sa lupa ang tunay na Supreme Court. Ang tunay na Kataas-taasang Hukuman at kataas-taasang awtoridad ay nasa langit. Tanong ni Hesus, "hindi ba bibigyan ng Diyos ng katarungan ang kanyang mga pinili na sumisigaw sa kanya araw at gabi. Kanya bang matitiis sila?" (Luke 18:7 AB 2001). Ito ay isang rhetorical question na hindi kailangang sagutin sapagkat alam natin ang sagot— ang Diyos ay makatarungan! Ang aral na ito ay ibinigay ni Hesus upang udyukan ang mga mananampalataya na huwag manlupaypay sa pananalangin (Luke 18:1). Sa pamamagitan ng ating mga dalangin, tayo ay nakakalapit sa tunay na Supreme Court na nasa langit— at doon ay tiyak na makakamtan ang katarungan.

Hindi natin kailangang magbuhos ng poot sapagkat ang Diyos ay may sariling poot— at iyon ay sapat na. At kung kapatid man ang may atraso, hindi natin kailangang manghagupit sapagkat  ang ating Ama sa langit ay namamalo sa kanyang mga supling (Heb. 12:5-6). Ang utos sa atin ay maglaan ng silid para sa poot ng Diyos (Rom. 12:19) at ibigin ang kaaway (Rom. 12:20; Matt. 5:44). Magagawa natin ito sapagkat alam nating maaasahan ang Diyos sa kanyang sinabing "Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti12" (Rom. 12:19 AB 2001).


MGA TALABABA

1. public domain; http://webstersdictionary1828.com/Dictionary/murder

2. Zbigniew Brzezinski, Out of Control; cited in Albert Mohler's Word's From the Fire

3. I found this George Swinnock quote at https://sermons.faithlife.com/sermon-preaching-ideas/topics/courage (last visit, Sept. 17, 2020)

4. R. Albert Mohler, Jr., Words From the Fire (Moody Publishers, 2009)

5. A. W. Pink, The Ten Commandments (ebook file by Chapel Library)

6. Mga Kababayan, from the album Yo! by Francis Magalona; cassette, Side Two (OctoArts, 1990); https://www.youtube.com/watch?v=CwspX-8Jk3k (last viewed, September 18, 2020)

7. Dictionary of Bible Themes (Martin Manser, managing editor; Alister McGrath, general editor); https://www.biblegateway.com/resources/dictionary-of-bible-themes/8733-envy (last visit, September 20, 2020)

8. A. W. Pink, ibid

9. A.W. Pink, ibid

10ESV Study Bible (Crossway, 2008; Tecarta App)

11. A. W. Pink, ibid

12Isinulat ni John Piper ito bilang pagtatanggol sa penal substitutionary view of the atonement, ngunit may kaugnayan sa aking punto:

"Those who try to rescue the love of God by minimizing the wrath of God, undermine not only the love of God, but also his demand that we love our enemies. It is breathtaking to hear one of them say, ‘If the cross is a personal act of violence perpetrated by God towards humankind but borne by his Son, then it makes a mockery of Jesus’ own teaching to love your enemies, and to refuse to repay evil with evil.’ Those are deadly words, which, if they held sway, would take enemy love out of the world.

Why? Because Paul said that counting on the final wrath of God against his enemies is one of the crucial warrants for why we may not return evil for evil. It is precisely because we may trust the wisdom of God to apply his wrath justly that we must leave all vengeance to him and return good for evil. ‘Never avenge yourselves, but leave it to the wrath of God, for it is written, “Vengeance is mine, I will repay, says the Lord.” To the contrary, “if your enemy is hungry, feed him”’ (Rom. 12:19-20 ESV). If God does not show wrath, sooner or later we shall take justice into our own hands. But God says, ‘Don’t. I will see to it.’" 

(page 15, foreword to the book Pierced for Our Transgressions by Steve Jeffery, Mike Ovey, and Andrew Sach; Inter-Varsity Press, 2007). It is also found at https://www.desiringgod.org/articles/foreword-to-pierced-for-our-transgressions , last visited September 21, 2020