Showing posts with label Eddie Villanueva. Show all posts
Showing posts with label Eddie Villanueva. Show all posts

Thursday, March 6, 2014

He Has More Insight Than His Bishop

Sa kalagitnaan ng takot at pagkalito ng publiko nang nakaraang linggo bunga ng iresponsableng pag-uulat ng Bandila (late night newscast ng ABS-CBN), nag-tweet si Bishop Eddie Villanueva ng JIL:



Haynaku! ang Intercessors for the Philippines (IFP) nga naman. Mag-iimport ng mga Propeta na mananakot sa mga tao. Kapag tsumatsamba, "Ang galing ng mga propeta namin!" Kapag naman hindi natutupad ang mga hula, "Ang galing namin mag-intercede". Win-win situation palagi.

"Palakpakan! Na may kasamang hiyawan!"

Ganyan din ang pangangatuwiran na nasa likod ng tweet na iyan ng Obispo ng JIL. Samantala, isang karaniwang bahagi ng Pastoral staff ng JIL U-Belt na nagngangalang Jade Angelo Gascon ang nagpahayag ng ganitong puna:
As I have observed from conversations surrounding Sadhu Selvaraj’s prophecies, it is always a dead end: “If they come true, he’s a true prophet. If they don’t come true, it’s because the people repented.” Whatever happens, he’s always right. Although I disagree with that line of reasoning (on the basis of Deuteronomy 18:21-22 and 13:1-4), I will not dispute it for now because it would seem to be an effort in futility to do so.

Thus, this post is not intended to examine his or Bro. Selvakumar’s prophecies bit by bit. Instead, I would like to turn your attention to a doctrine taught by Sadhu Selvaraj which, in my opinion, should be a major reason for all Christians to genuinely reconsider whether or not his prophetic statements are of any value. The doctrine is that dead Biblical prophets or saints can and actually do help Christians achieve God’s purposes on Earth.

I was present in one of his gatherings in Manila a few years ago (I’ve forgotten the exact year) when, much to my surprise, he claimed that the prophet Joel was in our midst, imparting to him revelations he was supposed to tell the people. No, it wasn’t Joel Houston or Joel Osteen or Joel Lamangan. It was the prophet Joel son of Pethuel of the Bible he was talking about. It was the first time I heard someone claim that a Biblical prophet is personally and spiritually coming down from heaven to deliver a message through him.

Basahin ang kabuuan ng kanyang blog post DITO.

Nang mabasa ko ang magkasalungat na posisyon ng isang Obispo at isang mas nakababatang bahagi ng pastoral staff , ang unang pumasok sa aking isip ay ang awit ng Salmista:



Monday, May 17, 2010

Maaari bang matalo ang Diyos sa halalan?

Buwan ng Mayo, taong 1998, sa kabila ng ipinapatupad na political ad ban, bumili ng ilang oras na air time ang ilang prominenteng evangelical leaders sa PTV-4 upang ipalabas ang programang "Jesus' Declaration of Victory"-- (JDV-- mga initials ni Jose De Venecia). Doon ay inihayag ng mga evangelical leaders na ito na si De Venecia raw ang God's anointed bilang susunod na pangulo ng bansa.

Lumipas ang araw ng halalan at nagkabilangan. Ang resulta: landslide victory pabor kay Joseph Estrada, ang kandidatong pinanigan ng mga grupong Iglesia ni Cristo at El Shaddai. Nabigo ang "anointed" raw ng Panginoon.

Maaari nga bang matalo ang Diyos sa halalan? Maaari bang mabigo ang Panginoon na ilagay sa puwesto ang kanyang mga napili? Tignan natin ang patotoo ng bibliya:

Paano nagkaroon ng kapangyarihan ang Pharoah ng Ehipto?

Romans 9:17 For the Scripture says to Pharaoh: "I raised you up for this very purpose, that I might display my power in you and that my name might be proclaimed in all the earth." (NIV)

Paano nagkaroon ng kapangyarihan si Pontious Pilate?

John 19:10-11 ""Do you refuse to speak to me?" Pilate said. "Don't you realize I have power either to free you or to crucify you?"

Jesus answered, "You would have no power over me if it were not given to you from above..."

Paano nagkaroon ng kapangyarihan ang mga emperador ng Roma tulad nina Nero at Domitian?

Romans 13:1 "Everyone must submit himself to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God."

Ayon sa Romans 13:1, lahat ng pamamahala at awtoridad ay galing sa Panginoon-- kahit nga sa mga lugar kung saan bawal ang pangangaral ng ebanghelyo.

 Demokrasya man o sosyalista; diktadorya, military junta, parliamentary, monarkiya-- LAHAT nito ay galing sa Panginoon.

Psalm 75:6-7 "No one from the east or the west
    or from the desert can exalt a man.
But it is God who judges:
    He brings one down, he exalts another.


Daniel 2:21 "He changes times and seasons; he sets up kings and deposes them."

Daniel 4:25 "... the Most High is sovereign over the kingdoms of men and gives them to anyone he wishes."

Ibinibigay niya ang kapangyarihan sa sinumang kanyang nais. Maaari niya itong ibigay sa isang pastol tulad ni David o sa isang housewife tulad ni Cory o sa isang racist tulad ni Hitler. Maaari rin niya itong bawiin anumang oras kaya siya rin ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Manuel Roxas noong 1948 at kung bakit bumagsak ang eroplano ni Ramon Magsaysay noong 1957. Hindi rin tatamaan ng bala si John F. Kennedy kung wala siyang pahintulot. Maaari siyang gumamit ng People Power tulad ng EDSA 1 at EDSA 2. Maaari rin niyang biguin ang People Power tulad ng EDSA 3. Maaari rin niya itong ipagkait sa iyo kahit kasinsikat ka ni FPJ o kasinyaman ni Manny Villar o kahit mag-kudeta ka ng maraming beses tulad ni Gringo Honasan.

Kahit pa may flying voters, kahit pa may vote buying, kahit pa may dagdag-bawas, kahit pa pumalya ang PCOS machines (na hindi naman)-- ang Diyos na aking sinasamba ay hindi natatalo sa halalan.
---------------------

Friday, May 14, 2010

Bitterness and Sour Graping Continues on Bro. Eddie's Facebook Fan Page

When Bro. Eddie wrote this letter to his supporters, I thought they would stop. I was wrong. The bitterness and sour graping continues:

i will not give up hoping for God will do something for our country and for us kabangon naniniwalang si BRO EDDIE VILLANUEVA ang instrument ng Diyos to changes our country..pipili lang sila ng dadayain yung pang pinili ng Diyos, di ba sila natatakot sa gagawin ng Panginoon sa kanila at sa mga taong nag paloko at nagpab...ili...Vengeance is not ours ..EXPECT D UNEXPECTED FROM GOD..HE WILL TWIST AND TURN sa tama ang sitwasyon isasalamin nya eto sa buong sambayanang Filipino...excited na ako at kaming mga OFW..GOD BLESS BRO EDDIE AND D PHILIPPINES..
-----------------------------------
 I believe God will do something that we will all be amazed, in fact He is already moving. Ang dami na pong naglilitawan na mga anomalya sa pandaraya sa eleksyon. Ang malaking pagkakamali na naman nila ay ang pagtalaga ng maliit na numero sa mga votes kay Bro Eddie. Constantly he was only receiving around 3% accross the... board. if 3-5millions pa ang itinalaga nila, wala siguro masyadong reaction ang mga Pinoy, so magiging acceptable yung number. pero yung 1million votes lang? it's very far to possibility, considering the fact that a lot of different sectors have pledged their support to Bro Eddie all around the country. As far as I know ngayon lang nagkaroon ng pagkakaisa ang mga religious group including the Muslim community. 1MILLION votes? IMPOSSIBLE!
-----------------------------------
 saka nasan ung mga UV lamps na binili ng comelec?..

may nakausap nga akong teacher na naging BEI, wala daw silang ginamit na ganun.. tsk tsk
----------------------------------
 MERON PONG LUMABAS NA GENERAL NA NAGSABI NA GAWA NA ANG ELECTION BGO MAG MAY 10NAPANOOD KO SA NEWS SINO PO BA YUN???... DAPAT INTERVIEWHIN YUN NG MEDIA... GOD BLESS PO... LALABAS DN ANG KATOTOHANAN... GOD WILL MAKE A WAY... KAKAMPI NATIN ANG DIYOS...
--------------------------------------------
respect everyones opinion, pero eto po ang opinion ko:

Kung maaalala mo binaboy n ung boto
ni Bro Eddie nuong 2004 ng Hello Garci...papayag ba uli tyo na gahasain
ng Electronic PCOS Garci ung BOTO KO at BOTO MO at BOTO NG BODY OF
CHRIST AT MGA MUSLIM at LAHAT ng Taong nanindigan sa pagbabago???
Kung walang
maninindigan sa a...tin paikot-ikot nalang mangyayari at puro ... KASINUNGALINGAN
na lang ang lulunukin natin....
Di ba we want CHANGE....? Pano mababago
ang ganitong uri ng sistema sa election kung mananahimik na lang tayo!
DI PA TPOS ANG LABAN...HANGGAT WALA PANG FINALITY MAY CHANCE PA RIN SA PAGBABAGO!
GOD WILL REVEAL THE TRUTH IN DUE TIME!!!

HONESTLY SINO SA INYO ANG NANINIWALA NA 1MILLION LANG ANG NAKUHANG BOTO NI BRO EDDIE???? SINO??????
THERE IS REALLY A BIG CONSPIRACY ON THESE!!!
-----------------------------------------------
In the precinct where i voted, i have found out that only 28 out of 948 voters voted for Bro. Eddie, according to the Comelec ER's. But then what literally shock me is that i personally know that most of my folks voted in that precinct. The votes could have reach to a hundred or more atleast.
------------------------------------
bro. eddie wag ka mag conceed ma bubuko na ang mga dapat ma buko.... tuloy natin ang totoong laban laban para sa karapatan ng taong bayan. this time ma pupulbo na ang mga eto... mahuhulog sila sa sarile nilang bitag. watch closely at di nila what really hit them.... is mismong kagagawan nila..... Babangon na ang Pilipi...nas For sure laban sa katiwalian ng mga taong sa likod ng garapal na pandadaya sa taong bayan.... they will definitely see God's Glory beyond human reasoning...... eto na nga ang sinasabi ko eh na kelangan na e drive out mga demons sa mahal nating bayan eh.... if you guys understood what i meant.... dko tinutukoy yung tao but the spirit behind nitong kalokohan... watch this at yayanig ang mga balita soon...... for sure natataranta na mga yan to cover up that but hehehe... too late.. i have a backup of the mess they did.and this will take its toll on them for sure big time!
------------------------------------
 lets accumulate enough evidence pra matigil na kalokahan ng mga mandaraya, hindi matutuwa c Lord kung mananahimik lang tayo.. Besides, isa sa plataporma ni Bro. Eddie matigil ang injusticeness... Love u Bro. Eddie, we're proud of you!
------------------------------------
 Bro. Eddie bawiin nyo na po un pag-concede nyo...for the sake of the destiny of the Filipino people...
---------------------------------
 si SIR DELOS REYES ng KAPATIRAN ng decline ng kanilang concede dahil me PAPASABUGIN syang anumalya! na patay nito ang comelec... go go go... L for LABANAN ang kadayaan!
------------------------------
Yes, hamanda cla lagot cla k Lord sbi nga Nya, " revenge is mine". Imagine mas mataas pa score ni Acosta s kanila nla Jamby at Perlas patawa naka 60thou votes pa c Acosta samantalang tig 40thou lng cla nla Jamby at Perlas
------------------------------------------
 PANAWAGAN
PO SA LAHAT O SA ADMIN SUGGEST LANG PO: Bat di po natin pamirmahin ang
lahat ng mga bomoto kay BRO EDDIE sa bawat rehiyon ng Pilipinas at
kausapin ang lahat ng mga pastor na sumuporta sa kanya o anumang sekta
para malaman natin ang talagang totoong boto natin lahat may lagda at I
kompile natin yun.....
------------------------------
BINIGYAN TAYO NG DIYOS NG KAALAMAN PARA ALAMIN ANG TAMA AT MALI. KUNG ANG PAGPAPARAYA AY KAPALIT NG PAGDURUSA NG NAKAKARAMI, PILIIN NATIN LUMABAN PARA SA KABUTIHAN. SO, TUKLASIN NATIN ANG ANOMALYA SA ELECTION NA ITO.
----------------------------------
Dapat mag-imbestiga tayo at magtaka kung bakit 1M lang ang boto ni Bro. Eddie. Maglabas lang po tayo ng mga credible evidences/reliable testimonies at kung totoo na nagkaroon ng dayaan ay sama sama uli tayo para isulong ang katotohanan. Sabihin po natin na kalahati lang ang bomotong JIL out of 5M-3Mn nasan naman ang bo...to ng MINDANAO, KATOLIKO, OFW'S + RELATIVES, AMANAH COALITION, MILF, PAMANA, KKB, FARMERS ASSOCIATION, BAPTIST PHILIPPINES, 7TH DAY ADVENTIST, ASSEMBLIES OF GOD, JMC, 4TH WATCH, TAU GAMA PHI, SENIOR CITIZENS, ADD, MNLF, PJM AT MARAMI PANG IBA. NAKAPAGTATAKA TALAGA KAYA DAPAT ALAMIN NATIN ITO MGA KABANGON!!!
-------------------------------------
unite na tayo para mag marcha sa daan, wag na tayo tumahimik pa, ang tagal na natin tumahimik...gaun na ang time sumugaw at isulong natin....Im for bro.eddie!!! ikaw pa rin nanalo ng landslide bro.eddie!!!
-------------------------------------
Noong 2004, 1.9 MILLION. Ngayong 2010, 1.07 MILLION. Ang laki ng DIFFERENCE. Eh, ang dami nating pumunta ng LUNETA di ba?
------------------------------------
ayaw kong maniwala maraming pilipinong stupid!!! niloloko na tayo wala
pa tayong ginagawa!!! puro lang salita...sa klase ng gobyerno na tin ,
pagkakaisa sa edsa ang kailangan natin!!!!!!!!
-----------------------------------------------
AKO...NAIINTINDIHAN KO ANG MGA KAPWA KO KABANGON DITO...HIDNI TAYO NAGHAHABOL PARA MABAWI KAY NOYNOY ANG PAGKAPANGULO NIYA IF EVER...ANG AMIN LANG ILABAS NILA ANG TOTOONG BOTO NI BRO EDDIE...BILANG RESPETO SA KARAPATAN NG LAHAT NA BUMOTO AT MAKITA ANG BOTO NILA.
--------------------------
 BAKIT KAYA DI TYO ULIT MAG JERICHO MARCH S COMELEC N PARA MAIMBESTIGAHAN N NG MAAYOS?..PERO DAPAT THIS TIME YUNG LAHAT N NG BUMOTO K BRO.EDDIE..ANO S TINGIN NYO?
-------------------------
kasalanan ito ng pcos.. na HOCUS PCOS A TA!!
----------------------------------
baket po ganun..nasa 1M lang ba kaming JIL people..and so where's the other and the non-JIl and the non- Christian na sumopporta kay Bro Eddie...saan na ang boto para ka Bro Eddie..

-----------------------------------

UPDATE: May 14, 2010 (11:07 am)
Tuloy pa rin sila:

Ano na po ang update ngayon? May gagawin po bang hakbang ang BP para imbestigahan ang malawakang dayaan?
-------------------------------------
Guys, the problem is not in body of Christ but with the PCOS. May glitches kasi yun or manipulation
--------------------------------------
 please BE INFORMED....COMPUTE ALL THE RESULTS OF EVERY PRICINCTS IN PERCENTAGE... YOU WILL COME UP WITH 3% AVERAGE VOTES FOR BRO.EDDIE...
THIS IS THE FORMULA USED IN MANIPULATING THE RESULT OF ELECTION...
----------------------------------
That's right.. Last May 11, right after the election. Naglabas sila ng result na tumpak na tumpak na percentage sa survey. Parang kinurot ang puso ko nung time na yun. 5am in the morning nung May 11, I already knew that there's really a dauntingly massive election fraud happening.
---------------------------------
mahusay talaga sila ha! muko mong 50 milyon voters alam nila ang saktong porsyentong makukuha ng kandidato 3% sa survery pati sa actual voting WOW!!!! mahusay talaga ginagawang bobo ang mga tao!!!! magbago na kayo!!!!!!
----------------------------------------
Tingnan nyo po... Look-a-like ba sa survey results? Indeed, the first ever Philippine automated election was manipulated!!!
-----------------------------------
 Let's help Bangon Coordinators in our respective precincts get as many signatures for the "Mass Affidavit of Loss Votes" to be used legally by Bangon lawyers. For more information contact 4703848 (BP HQ).
--------------------------------
 "nagtext ung pastor from cotobato na si Bro. Eddie ay landslide s mindanao at maguindanao pati mga baptist nagulat sa resulta ng boto..Please pray n iexpose yung mga gumawa ng kalokohan" - text 1 of the pastor in mindanao
----------------------------------
IN THE FIRST DAY OF COMELEC TALLY UP TO NOW... CONSISTENT 3% BRO.EDDIE...

PLS. BE INFORMED THAT BRO.EDDIE IS CONSISTENTLY 3%IN THE SURVEY...

MIND CONDITIONING TACTICS NG MANIPULATORS...
----------------------------------

Yan din ang naisip ko na yung SWS at False Asia ang 3% ni BRo Eddie ay ginawa nila talagang 3% sa actual voting tyak na nakaprogram na iyon sa kanila na 3% lang dapat ang pumasok sa kanya
-------------------------------



 


Wednesday, May 12, 2010

Bro. Eddie writes a much needed letter to Bangon Pilipinas supporters

I would like to commend Bro. Eddie Villanueva for writing a much needed letter to pacify his supporters. Before he conceded defeat, his fan page at Facebook were filled with bitterness and sour graping. See samples below Villanueva's letter.


Sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa Bangon Pilipinas,

Ito na siguro ang pinakamahirap na sulat na ginawa ko. Mahirap kasing isalin sa salita at pagkasyahin sa isang papel lang ang nag-uumapaw na pasasalamat sa puso ko.

Natapos na ang eleksyon at nagbigay na ng kanilang mandato ang sambayanang Pilipino. Hindi pumabor sa atin ang mandato ng eleksyon. Pero hindi ibig sabihin na nasayang ang prinsipyong pinanindigan natin sa labang ito.

Sa loob ng tatlong buwang campaign period, naramdaman ko ang pagsama ninyo.

Hindi biro ang pinagdaanan nating laban. Mabigat man ang sakripisyo ko, naging magaan dahil sa inyo. Hindi ko na maiisa-isa lahat ng kontribusyon ninyo para sa pagsusulong ng tunay na pagbabago... para sa matuwid na pamahalaan. Hindi ko man maisa-isa, salamat! Kayo ang “unsung heroes” ng Bangon Pilipinas.

Sa panahong ito, dalangin ko na lahat tayo ay magkaroon ng kapayapaan na ang lahat ng ginawa natin ay hindi para sa ating sarili kundi para sa Diyos at Bayan.

Ang ginawa natin para sa Diyos, hindi mawawalan ng kabuluhan. “Therefore my dear brothers, stand firm. Let nothing move you. Always give yourselves fully to the work of the LORD, because you know that your labor in the LORD is not in vain.” (1 Corinthians 15:58).

Ang ginawa natin para sa bayan, nakaukit na sa kasaysayan. Wala nang makakanakaw nito sa atin.

Gaya ninyo, nasasaktan din ako. Pero maiibsan ang sakit na ito kung sama-sama pa rin tayong magpapalakasan sa bawat isa at hindi matitinag sa patuloy na pagdalangin sa Diyos na magkaroon ng matuwid na pamahalaan sa ating minamahal na bansa!

A paraphrased prayer from Daniel 3: 16-18: God, we do not need to defend ourselves in this matter. If we are thrown into the blazing furnace, the God we serve is able to save us from it and You will rescue us. But even if You do not, we want the Filipinos to know that we remain steadfast in our service to God and country.

We have given joy to the heart of God as we supported His cause for the Philippines. Now, let the joy of the LORD be our strength!



Thank you once again!

God bless you all marvellously!

GOD bless the Philippines!



Para sa Diyos at Bayan,



BRO. EDDIE C. VILLANUEVA


---------------------------------------

These were the sort of things you will find on their fan page before Villanueva conceded defeat:


"TO BRO.EDDIE/MR,YASAY/AND APPOINT PV/BANGON PILIPINAS SUPPORTERS:

I WAS TOTALLY DISAPPOINTED NOT IN MY PART BUT IN OUR COUNTRY'S FUTURE. I THINK THIS ELECTION WAS FIXED, NOYNOY AND BINAY??INSTEAD OF MAR ROXAS? BRO EDDIE ARE NOT EQUALS THE NUMBER OF VOTE TO MR.YASAY????

BUT ATLEAST YOU ALL DID UR PART..YOU TEACHED US TO E...DUCATE OURSELVES. TO LOVE OUR COUNTRY AND OUR PEOPLE AND TO LOVE GOD ABOVE ALL.


NOW,KEEP MOVIN ON AND LETS SEE HOW THIS CONSEQUENCE HAPPEND AGAIN IN OUR BELOVED NATION..."


--------------------------------------


HINDI NIO BA NAPAPANSIN HINDI GUMAGALAW ANG BOTO NI BRO EDDIE? KASI NAKAPROGRAM NA ANG RESULT NG ELECTION BEFOREHAND

--------------------------------------------

MANIWALA ANG DAPAT MANIWALA NA KAHIT GRADE 1 STDENT MALALAMAN NA MAY DAYAAN NA NAGANAP SA NAKARAANG ELEKSYON SA PILIPINAS. SA DAHILANG ANG COMELEC AT ANG MGA INTENTIONALLY MALFUNCTION PCOS MACHINES WERE UPLOADED ALREADY WITH NUMBERS OF VOTES IN FAVOR FOR NOYNOY, LOOK THIS WAS FRAMED BY ALSO BY MAKATI BUSINESSMEN, CHIN...ESE BUSINESSMEN AND CORRUPT GOVERNMENT OFFICIALS THE RESULTS WERE ALREADY FORETOLD BY THEM.. KAYA CONTROLADO NA NG MGA BUSINESSMEN NA CHINESE AT BUSINESS SECTOR ANG MALACANAN. BELIEVE ME THE LAST ELECTION IS MARRED WITH DECEIT AND MANIPULATIONS.

--------------------------------------------

  Noong 2004 , Mano-manong bilangan at Mano-manong dayaan at umabot ng higit

2 MILLION votes for BRO.EDDIE. Ngayong 2010, Automated ang bilangan, Automated din ang dayaan at WALA PA SA MILYON ang boto ni BRO.EDDIE

---------------------------------------------------------

SA UMPISA PALANG MAY ABERYA NA ANG MGA PCOS MCHN, AT MGA MEMORY CRD, INAYOS NAMAN DAW AT NAPALITAN NA ANG NAKAPROGRAM NA NAME NI GIBO....?SA PANONG PROGRAM NAMAN KAYA ANG INAYOS NILA...PILIPINO SOBRA ANG GALING AT TALINO MO..SANAY ITOY GAMITIN NG TAMA AT WAG SA PANDARAYA..

---------------------------------------------

COMELEC DIN ANG GINAMIT NI MARCOS NOON TO WIN INSTANTLY SA MGA ELECTIONS. KAYA MAGTITIWALA PA BA KAYO SA COMELEC?? ANG DAPAT GAWIN NINYO AY MA PENETRATE NYO ANG COMELEC AT IBA PANG OUTPOSTS NG PHILIPPINE GOVERNMENT..PAANO??? MAG ARAL KAYONG MABUTI MGA STUDENTS AT MAGING EMPLEADO NG COMELEC OR NG MGA GOVERNMENT OFFICES,... THEN PAG NAKA POSITION NA KAYO DOON, MAITITIGIL NYO ANG MGA DAYAAN SA FUTURE NA ELECTION.

----------------------------------------

ang problema kami mismo hindi kami makapaniwala sa mga resulta ng election.. hindi kapanipaniwala talaga.. basta sa harapan ng Diyos panalo tayo dahil bumoto tayo sa ating kanya kanyang koncenxa at sa katotohanan... walan iba kung di si BRO> EDDIE VILLANUEVA!!!

---------------------------------

lhat ng jil bumoto kso ung iba wla ung name s mga listahan, mrming pinagmarahsan...at nadya p ang eleksyon kya yan ang result.

-----------------------------------

KA INIS..................................................................................... LORD PLEASE DO SOMETHING...................................................... MAHIRAP TANGGAPIN.................... MA EXPOSE SANA ANG MGA ANUMALYA..........

----------------------------------------

I PERSONALLY NOT BELIEVING ON THE ELECTION RESULT, UNTILL IT WILL BE PROVEN THAT THERE THIS ELECTION COUNTING HAVE NO MANIPULATIONS AT ALL...

----------------------------------------

sana po lumabas na tau!!!sa mga kalsada!!!upang ipakita kung gaano karami ang nagmamahal sa Diyos at sa Bayan!!!!!!

-----------------------------------

 Ayaw namin maniwala sa vote result coz our promise to vote for Bro.Eddie is a covenant to God,kami lang dito sa amin marami kaming na convince bcoz of the ppb dvd samantalang last 2004 kami lang ata ang bumoto but now we campaign alot with my family.but our labor is not in vain,God will repay our labor and sacrifice.

-------------------------------------------

MGA KABANGON WE NEED TO GO TO THE STREET TO SHOW OUR NUMBERS... HAVE A SIGNATURE CAMPAIGN.. SURASSING 1MILLION VOTES... 5-MILLION AND UP... IT WILL BE EASY TO PROTESTS...

-------------------------------------

Saturday, April 24, 2010

Absuwelto ba si Mr. Villanueva dahil sa I Corinthians 9?

Kamakailan ay ipinadala ko sa pamamagitan ng email ang mensaheng ito sa JIL:

Dear Brothers & Sisters:
       Grace to you and peace from our God.

       This concerns Bro. Eddie Villanueva's controversial statements over the flock of Apollo Quiboloy. Is there an internal system within JIL by which biblical church discipline as mandated in Matthew 18:15-17 and 1 Corinthians 5 could be implemented?
        My concern is not political. My concern is the witness of the evangelical community. The Apostle Paul teaches that sin will not restrict its effect to the offender. Like a little yeast, it will affect the entire batch of dough (1 Corinthians 5:6).
       Given the prominence of Villanueva within the evangelical community, his sin is no small yeast. The extent of his influence will not be limited to the JIL churches. It threatens to affect us all. JIL should put him under disciplinary action-- not to harm him but to restore him and to fix the damage that has been done to the evangelical churches.

Sincerely yours,
Bro. Manny Ambanloc Rosario

Tumugon naman ang JIL subalit malinaw na wala silang balak isailalim sa disiplina si Mr. Villanueva. Ang kanilang ipinadala sa akin ay yung ipinamamahagi na rin nila sa Internet na transcript ng interview ni Mr. Villanueva sa Roxas city noong Abril 12. Ang transcript ay inyong mababasa sa link na ito.

Nagbigay si Mr. Villanueva ng dalawang dahilan kung bakit niya ginawa yung kanyang ginawa doon sa pagtitipon ng kawan ni Quiboloy. Ang Una ay biblical reason at pangalawa ay tungkol sa pamamalakad ng pamahalaan ng walang diskriminasyon.

1. BIBLICAL REASON:
Ika niya: "Listen carefully please, number one biblical reason, 1 Corinthians 9 if i need to be a Jew, I have to be a Jew. if i need to be a Roman i have to be a Roman, if that is the only way i can gain these people for the kingdom of God."

2. NON-DISCRIMINATORY POLICY
Ika ulit ni Villanueva: "Number two reason, si John F Kennedy (student po ako ng history nahalukay ko po ito) the first Catholic President of the United States of America when he assumed office in the white house he was visited by a Catholic Cardinal obviously asking a special favor prejudicial against the non-catholics. Anong sabi ni John F Kennedy? "I am sorry Cardinal, my religion is secondary to me. First and foremost I am elected as president of all American people." Kaya sabi ng mga historian at mga political analyst, despite the weaknesses of  John F. Kennedy as a man... president John F. Kennedy was considered by history as one of the great presidents of america because of his non-discriminatory policy."

 Yung kanyang dahilan na non-discriminatory policy ay hindi ko masyadong bibigyan ng diin. Pero nais ko lang sabihin na hindi naman humihingi ng special favor ang mga born again. Puwede namang ibigay ang nararapat ibigay sa lahat ng Pilipino sa ilalim ng batas nang hindi sumasang-ayon sa doktrina ng mga demonyo. Hindi naman plataporma ang ginamit niyang panghikayat sa kanila kundi mga salitang tiyak na kikiliti sa pandinig ng mga taong nais manatili sa kadiliman. "Men loved darkness" ang sabi ni Apostol Juan sa John 3:19-- kung papupurihan mo ang kanilang madilim na paniniwala, tiyak mamahalin ka nila. Kaya naman panay ang sigawan at palakpakan habang nagsasalita si Villanueva sa harap ng Quiboloy crowd.

Ang bibigyang diin ko ay ang sinasabi ni Villanueva na biblical reason Ito ay ang  1 Corinthians 9:19-23: " Though I am free and belong to no man, I make myself a slave to everyone, to win as many as possible. To the Jews I became like a Jew, to win the Jews. To those under the law I became like one under the law (though I myself am not under the law), so as to win those under the law. To those not having the law I became like one not having the law (though I am not free from God's law but am under Christ's law), so as to win those not having the law. To the weak I became weak, to win the weak. I have become all things to all men so that by all possible means I might save some. I do all this for the sake of the gospel, that I may share in its blessings" (NIV)

Ang mga tinutukoy diyan ng Apostol ay mga adjustments within scriptural limits. Halimbawa na lang ay yung pagpapatuli ni Apostol Pablo sa kanyang kasamang si Timoteo alang-alang sa mga Hudyo (Acts 16:3). Bagamat hindi sila nasa ilalim ng kautusan, nagpasailalim sila sa kautusan upang maging madali para sa mga Hudyo ang pakikinig ng ebanghelyo. Minsan ay sumailalim rin siya sa mga purification ceremonies upang burahin ang ipinagkakalat ng iba na iniwan na raw niya ang kautusan ni Moises (Acts 21:20-26). Wala siyang pakinabang sa mga seremonya ng Kautusan pero sumailalim pa rin siya dito alang-alang sa mga kaluluwa ng mga taong inaabot nila.

Pagdating naman sa mga Hentil, within Scriptural bounds ulit, nakibahagi siya sa Gentile customs. Hindi kasali dito yung paggawa at pagsabi ng mga bagay na malinaw na salungat sa bibliya. Kung sa Pilipinas maglilingkod si Pablo, kakain rin siya ng balot maski gaano kalaki ang sisiw; magmamano rin siya sa mga nakakatanda at sasagot ng po at opo; maaaring magsusuot rin siya ng bahag tulad ng mga katutubo-- pero hindi niya kukunsintihin ang pagsamba nila sa mga anito.

Ganito ang komentaryo ni John Macarthur:
 " If a person is offended by God’s Word, that is his problem. If he is offended by biblical doctrine, standards, or church discipline, that is his problem. That person is offended by God. But if he is offended by our unnecessary behavior or practices—no matter how good and acceptable those may be in themselves—his problem becomes our problem. It is not a problem of law but a problem of love, and love always demands more than the law “Whoever slaps you on your right cheek, turn to him the other also. And if anyone wants to sue you, and take your shirt, let him have your coat also. And whoever shall force you to go one mile, go with him two” (Matt. 5:39-41)." 1 Corinthians, The MacArthur New Testament Commentary

So the adjustments Paul was talking about for the sake of Jews and Gentiles are just on unnecessary behavior or practices which may serve as stumbling blocks in reaching the lost. Its not about giving approval to evil doctrines and deeds. You must not call a person who spreads destructive doctrines as "a preacher of righteousness"; It remains that we should not call as "mga kapwa ko taga-langit" those who embrace abominable doctrines. We should not give our "Amen" to a mission born out of the darkness.
-------------------------------

Friday, March 26, 2010

An Unusual Birthday Meditation

It's my birthday! In years past, my favorite meditation for this occasion was God's love for me from eternity past to the present. I marveled about how that sperm cell out of millions ever found that egg cell. What a delight to think that God formed me in my mother's womb.

But this year is different. Its NOT because the great truths I wrote in the preceding paragraph are worthless now. Of course not! I still treasure those truths. I just can't shake-off the Villanueva-Quiboloy controversy out of my mind.

For the record: I have already observed Eddie Villanueva's slide to ecumenism a long time ago. During the 25th Anniversary of JIL (2003), he declared: "I don't care what your religion is. What's important is we are all the People of God. We cannot allow the Devil to have a fiesta on our nation." 

What did he mean when he said he doesn't care what your religion is as long as you belong to the people of God? Mine is just a suspicion but it makes sense. By that time he was (perhaps still is) the chairman of God's People Coalition for Righteousness, an umbrella organization of Evangelicals, Catholics, and Muslims (perhaps other groups were also represented). That organization was very visible during Armida Siguion-Reyna's stint as chairman of MTRCB. These religious groups actively opposed obscenity in Philippine movies which was then a trend.

In the past, he has already labeled those who deny the essentials of the evangelical faith as "God's people"  so calling the members of Quiboloy's cult as citizens of heaven is not really a new thing.

Also, in his 2004  Miting d'Avance, there was an interfaith confession of sin among Evangelicals, Catholics and Muslims.

This is an unusual birthday meditation. But it is good to be reminded that ecumenism is a dangerous thing. Let us learn from the mistakes of Bro. Eddie.
---------------------------

Monday, March 22, 2010

My musings about Cindy Jacobs' prophecy on Eddie Villanueva's presidency

I think this is a good follow-up to my earlier post relating to Bill Hamon's prophecy. I have long ceased watching Eddie Villanueva's programs so I was not familiar with the recent prophecy uttered by Cindy Jacobs. Today, I watched it for the first time on Youtube. I transcribed a portion of it and I will state my musings below the video clip.

Starting at 5:34, Jacobs says: "There's a lot of things God wants to make happen in the earth. He wants his will done on the earth as it is in heaven. But his will will always be done but sometimes it can be delayed to another generation because people will not stand up and fight. In 2006, I was at Los Angeles, California in a hotel. I had not seen Bro. Eddie and Sis. Dory for a few years. I came up and asked if I could pray for him. I don't really understand the political climate of the Philippines at that time. And I said to him, "Bro. Eddie God showed me its his will for you to be the president of the Philippines. That is God's will. But when whether.. listen to me. Its not fate. Its going to take a nation of Davids that says we no longer stand for a corrupt nation... Bro. Eddie, you will always love your sheep but God is calling you to go from the priestly anointing to the kingly anointing."


My musings:

1. Cindy Jacobs is playing it safe. If Villanueva fails again, she will put the blame on us because we did not stand up and fight.

2.  There is a possibility that for the third time, Villanueva will run again in 2016. Jacobs says that unfulfilled prophecies are not frustrated, just delayed. 

3I now understand why calls for Bro. Eddie to stay with his flock and be faithful to his calling as an evangelist fell on deaf ears. Its because he believes he has received a "kingly anointing" as opposed to "priestly anointing"-- whatever those terms mean.

4Some Pro-Eddie Christians are so militant in supporting their candidate because they see themselves as a "nation of Davids".

5.  When other evangelical Christians support other candidates (perhaps Pro-Noynoy or Pro-Villar), some Pro-Eddie Christians see them outside the "nation of Davids". They refuse to say "No" to a corrupt nation. (In effect, they are saying "YES" to corruption).
--------------------

Tuesday, March 16, 2010

Yeast in the Dough

In a way, this is part two of my previous post. As I see it, there is a link between economic improvement and the advancement of the gospel in Eddie Villanueva's thought. Let me explain.

I was an avid viewer of Villanueva's Jesus the Healer TV Program. One of Villanueva's passions way back then is Bill Hamon's prophecy in 1992. Hamon prophesied that within the span of 20 years, God will use three presidents to transform the Philippines into "The America of Asia". There will be so much economic prosperity that the Philippines could afford sending missionaries. The Philippines will be the "launching pad of the gospel" says the (false) prophecy.

Thus, Villanueva has two great dreams:
1. economic glory for the Philippines that will lead to
2. the advancement of the gospel message to the nations with the Philippines as the launching pad.

Let's suppose Villanueva wins and resides in Malacanang for the next six years, will the cause of the gospel be advanced if Villanueva refuses to repent?

Again, I DON'T THINK SO.

On the contrary, I think the witness of God's people will be severely impaired if Villanueva's sin will not be dealt with. The Apostle Paul teaches that sin will not restrict its effect to the offender. Like a little yeast, it will affect the entire batch of dough (1 Corinthians 5:6).

Given the prominence of Villanueva within the evangelical community, his sin is no small yeast. The extent of his influence will not be limited to the JIL churches. It threatens to affect us all.

Oh God, have mercy on us!