Buwan ng Mayo, taong 1998, sa kabila ng ipinapatupad na political ad ban, bumili ng ilang oras na air time ang ilang prominenteng evangelical leaders sa PTV-4 upang ipalabas ang programang "Jesus' Declaration of Victory"-- (JDV-- mga initials ni Jose De Venecia). Doon ay inihayag ng mga evangelical leaders na ito na si De Venecia raw ang God's anointed bilang susunod na pangulo ng bansa.
Lumipas ang araw ng halalan at nagkabilangan. Ang resulta: landslide victory pabor kay Joseph Estrada, ang kandidatong pinanigan ng mga grupong Iglesia ni Cristo at El Shaddai. Nabigo ang "anointed" raw ng Panginoon.

Maaari nga bang matalo ang Diyos sa halalan? Maaari bang mabigo ang Panginoon na ilagay sa puwesto ang kanyang mga napili? Tignan natin ang patotoo ng bibliya:
Paano nagkaroon ng kapangyarihan ang Pharoah ng Ehipto?
Romans 9:17 For the Scripture says to Pharaoh: "I raised you up for this very purpose, that I might display my power in you and that my name might be proclaimed in all the earth." (NIV)
Paano nagkaroon ng kapangyarihan si Pontious Pilate?
John 19:10-11 ""Do you refuse to speak to me?" Pilate said. "Don't you realize I have power either to free you or to crucify you?"
Jesus answered, "You would have no power over me if it were not given to you from above..."
Paano nagkaroon ng kapangyarihan ang mga emperador ng Roma tulad nina Nero at Domitian?
Romans 13:1 "Everyone must submit himself to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God."
Ayon sa Romans 13:1, lahat ng pamamahala at awtoridad ay galing sa Panginoon-- kahit nga sa mga lugar kung saan bawal ang pangangaral ng ebanghelyo.
Demokrasya man o sosyalista; diktadorya, military junta, parliamentary, monarkiya-- LAHAT nito ay galing sa Panginoon.
Psalm 75:6-7 "No one from the east or the west
or from the desert can exalt a man.
But it is God who judges:
He brings one down, he exalts another.
Daniel 2:21 "He changes times and seasons; he sets up kings and deposes them."
Daniel 4:25 "... the Most High is sovereign over the kingdoms of men and gives them to anyone he wishes."
Ibinibigay niya ang kapangyarihan sa sinumang kanyang nais. Maaari niya itong ibigay sa isang pastol tulad ni David o sa isang housewife tulad ni Cory o sa isang racist tulad ni Hitler. Maaari rin niya itong bawiin anumang oras kaya siya rin ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Manuel Roxas noong 1948 at kung bakit bumagsak ang eroplano ni Ramon Magsaysay noong 1957. Hindi rin tatamaan ng bala si John F. Kennedy kung wala siyang pahintulot. Maaari siyang gumamit ng People Power tulad ng EDSA 1 at EDSA 2. Maaari rin niyang biguin ang People Power tulad ng EDSA 3. Maaari rin niya itong ipagkait sa iyo kahit kasinsikat ka ni FPJ o kasinyaman ni Manny Villar o kahit mag-kudeta ka ng maraming beses tulad ni Gringo Honasan.
Kahit pa may flying voters, kahit pa may vote buying, kahit pa may dagdag-bawas, kahit pa pumalya ang PCOS machines (na hindi naman)-- ang Diyos na aking sinasamba ay hindi natatalo sa halalan.

---------------------
No comments:
Post a Comment