AWIT 1, Bagong Magandang Balita Biblia
v.1 Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama,
at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa.
Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya
at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.
v.2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh.
Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
v.3 Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan,
laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon.
Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.
v.4 Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama,
ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.
v.5 Sa araw ng paghuhukom, parusa niya'y nakalaan
siya'y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.
v.6 Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay,
ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.

1. Magkasalungat na mga Prinsipyo
Kung meron mang hindi ipinagdaramot ang mga taong walang takot sa Diyos, 'yan ay ang pagbabahagi nila ng kanilang mga prinsipyo sa buhay. Feeling talaga nila mga wais sila; papayo-payo pa. Ang kanilang mga paninindigan ay kanilang ibinabahagi sa mga personal na pag-uusap, sa kanilang mga awitin, sa kanilang mga isinusulat, sa kanilang mga ipinapaskil sa kanilang timeline at sa kanilang mga itini-tweet. Natutuwa sila kapag may sumasang-ayon sa kanilang likong pamumuhay.
Pero ayon sa unang salmo, ang tugon ng taong matuwid ay pagtanggi sa mga payo ng masasamang tao at sa kanilang mga baluktot na pangangatuwiran. Sa halip, ang mga prinsipyo sa buhay ng mga taong matuwid ay kanilang hinuhugot sa Salita ng Diyos. Ito ang kanilang patnubay sa pamumuhay.
2. Magkasalungat na Kagalakan
Ang kagalakan ng taong masama ay ang kutyain ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kabanalan. Wala silang interes sa mga matuwid na aral. Kapag tuturuan mo ng tama, magagalit pa sa iyo at iinsultuhin ka pa. Bakit? Kasi naman, tinatanggal mo ang kanyang happiness. Ang gusto niya happy siya, at ang happiness niya ay kalikuan.
Salungat yan sa kagalakan ng taong matuwid. Kasiyahan niya ang ipamuhay ang mga prinsipyong nahuhugot niya sa Bibliya. Marami mang pinagkakaabalahan sa buhay, hindi niya kinaliligtaang pagbulayan ang mga banal na aral araw at gabi.
3. Magkasalungat na paglalarawan
Ang taong masama ay inihalintulad sa ipang tinatangay ng hangin. Ang bagong aning trigo ay tinatahipan ng mga Hudyo gamit ang winnowing fork. Bago nila imbakin ang trigo sa kamalig, pinapatangay muna nila sa hangin ang mga ipa sapagkat wala naman itong pakinabang.
Sa kabilang banda, ang taong matuwid ay inihalintulad sa punong itinanim sa tabi ng batis. Laging luntian ang kulay nito at namumunga sa tamang panahon. Salungat sa ipang walang pakinabang, ang punong matatag, luntian at namumunga ay maraming pakinabang.
4. Magkasalungat na kinabukasan
Sa oras na hahatol ang Diyos, hindi makakatakas ang masama. Ihihiwalay siya ng Diyos sa kapulungan ng mga mututuwid tulad ng paghihiwalay sa mga tupa at kambing. Habang sila ay walang hanggang mawawalay sa presensya ng Diyos, ang mga matutuwid ay sasamahan ng Panginoon magpakailanman.

"Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao!
Maninirahan siyang kasama nila,
at sila'y magiging bayan niya.
Makakapiling nilang palagi ang Diyos
at siya ang magiging Diyos nila" (Pahayag 21:3)

Subalit huwag iisipin ninuman na ang mga matutuwid na tinutukoy sa Awit ay nangaligtas dahil sa kanilang sariling kabanalan. Kung babasahin ang mensahe ng buong bibliya, walang matuwid, wala kahit isa. Maliligtas lamang ang tao dahil sa sakripisyong ginawa ni Kristo sa krus. Ito ay biyayang kaloob ng Diyos at tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ang kontribusyon ng Awit na ito sa kabuuan ng teolohiya ng Bibliya ay ang katotohanan na ang mga nananampalataya sa Diyos ay kakikitaan ng buhay na banal, salungat sa buhay ng mga hindi kabilang sa kanyang kawan.
No comments:
Post a Comment