Monday, January 23, 2012

May Lugar ba ang Feng Shui sa Buhay-Kristiyano?

May dragon dance.
May bigayan ng tikoy
May mga bati Kung Hei Fat Choi!
Chinese New Year na nga.

Karaniwan ring itinatampok sa panahong ito ay ang paniniwala sa Feng Shui. Ito ay nakabatay sa prinsipyo na may positibong enerhiya (chi) na naghahatid ng suwerte sa ating buhay. Ito ay nagdadala sa atin ng tagumpay, kapayapaan, kasaganaan, kalusugan at kasiyahan. Ang positibong enerhiya na ito ay dapat palapitin at padaluyin ng malaya sa iyong tahanan kung nais mong maging maganda ang iyong buhay. Kailangang alam mo rin iugnay ang puwersang ito sa iba pang mga prinsipyo tulad ng Yin Yang, at Wu Xing (limang elemento).

Kailangang alam mo kung ano ang mga palamuti na iyong isasabit, wastong mga kristal, wastong kulay ng kurtina, tamang hugis at direksyon ng hagdanan, kung saan dapat nakatapat ang pintuan, kung saan ang tamang puwesto ng kalan, kung ilan ang tamang bilang ng mga upuan at marami pang iba.

At kung sakaling ikaw ay nahihilo sa mga kumplikadong prinsipyo ng feng shui, maaari kang sumangguni sa mga feng shui expert. Ilan sa mga kliyente ng feng shui experts ay mga malalaking korporasyon, mga matitinik na negosyante, mga batikang pulitiko at mga sikat na artista.

Sa isang panayam, sinabi ng isang nagtitinda ng mga palamuting pang-feng shui: “Puro science na kasi ang nasa isip ng mga tao ngayon. Pero subukan lang ninyo. Wala namang mawawala.”

Sa paskil na ito, maghahain ako ng tatlong dahilan kung bakit ako tutol sa feng shui; at ang tatlong ito'y hindi dahil sa puros science ang nasa isip ko (mahina nga ako sa subject na 'yan eh). Ang mga pinakamahahalagang bagay sa 'kin ay mga katotohanang supernatural tulad ng Trinidad, Virgin Birth, muling-pagkabuhay, muling pagbabalik ni Kristo, at ang langit bilang walang hanggang destinasyon ng mga mananampalataya.

Unang batayan ng aking pagtutol
Hindi totoo na walang mawawala kung susubukan natin ang feng shui. Ang pagsandal ng ating buhay sa mga gawaing may kinalaman sa okultismo ay hindi kinalulugdan ng Diyos. Sa pagpasok ng mga Israelita sa Lupang Pangako, ang bilin sa kanila ay huwag tularan ang kanilang mga karatig-bansa sa mga gawaing katulad nito.

Tandaan na kapag ang Diyos ay nagbigay ng utos, ito ay para sa ikabubuti ng tao.(Deut. 28:1-2). At kapag may ipinagbawal siya, ito ay para ilayo tayo sa kapahamakan. Alam na alam ng mga sinaunang magulang natin na sina Adan at Eba ang ibig kong sabihin (Gen.3:16-19).

Ikalawang batayan ng aking pagtutol
Sa Feng Shui, binibitiwan natin ang ating pagtitiwala sa isang personal na Diyos at ang kapalit nito'y pagsandal sa isang impersonal na puwersa.

Dahil personal ang Diyos ng Bibliya, maaari tayong magkaroon ng relasyon sa kanya. Personal ang pagsinta niya sa atin; personal rin ang pag-ibig natin sa kanya. Maaari natin siyang kausapin at ibulong sa kanya ang laman ng ating mga damdamin. Ito ay mga bagay na hindi mo maaaring gawin sa isang puwersa-- tulad na lamang ng kuryente. Hindi ka maaaring magkaroon ng relasyon sa kuryente. Hindi ka maaaring ibigin ng kuryente. Ganyan na ganyan sa Feng Shui; ang ating buhay sa kasalukuyan at kinabukasan ay ipinagkakatiwala natin sa impersonal na chi na ni walang batayan sa bibliya.

Ikatlong batayan ng aking pagtutol
Ang konsepto ng malas at suwerte ay pagtanggi sa biblikal na pagpapakilala ng Diyos bilang makapangyarihan sa lahat, na siyang may kontrol ng mga bagay-bagay at mga pangyayari sa ating daigdig. Kay Kristo nakasalalay ang kaayusan at pag-iral ng lahat ng mga bagay (Col. 1:17; Heb. 1:3).

Kung ikaw ay tumutubo sa negosyo, ang tawag ng sanlibutan ay suwerte. Kapag ikaw ay nalulugi, ang tawag ng sanlibutan ay malas. Subalit sa mga anak ng Diyos, walang minamalas. Wala rin namang sinusuwerte. Sila ay mga pinagpala. Sapagkat mayroong Diyos na kumikilos sa lahat ng mga bagay at pangyayari upang magdulot ng mabubuting bagay sa buhay ng mga umiibig sa Diyos at mga tinawag ayon sa kanyang layunin. (Roma 8:28)

Sa mga anak ng Diyos...
… maging ang pagkalugi ay hindi malas
… maging ang gutom ay hindi malas
….maging ang pag-uusig ay hindi malas
… maging ang mga bayo at lindol ay hindi malas
… maging ang kanser at iba pang mga karamdaman ay hindi malas.

Bagkus, ang lahat ng mga ito ay instrumento ng Diyos upang hubugin sa wangis ni Kristo ang mga mananampalataya (Roma 8:29)
------------------

Thursday, January 19, 2012

Joseph Prince and Benny Hinn AGAINST the Inspired Narrator

"Naked I came from my mother's womb,
    and naked I will depart.
  The LORD gave and the LORD has taken away;
    may the name of the LORD be praised."
(Job 1:21)

Joseph Prince's Commentary:
"Thinking that God was the source of his problems and not knowing that it was actually Satan who had come against him, he said, “Naked I came from my mother’s womb, and naked shall I return there. The Lord gave, and the Lord has taken away; blessed be the name of the Lord.” Such a statement seems to honor God, but in reality, it reveals an erroneous view of our heavenly Father." (source)

Benny Hinn's Commentary:
"You know what? We've said it this a million times and it's not even scriptural-- all because of Job: 'The Lord giveth and the Lord taketh away. Blessed be the name of the Lord." I have news for you: that is not Bible, that's not Bible. The Lord giveth and never taketh away. And just because he said, 'Blessed be the name,' he was just being religious and being religious don't mean you're right." (TBN, Nov. 3, 1990)



The Inspired Narrator's Commentary:

"In all this, Job did not sin by charging God with wrongdoing." (Job 1:21)




--------------------
 Related post:

Wednesday, January 18, 2012

Si Kim II-Sung, si Kim Jong il, at si Yahweh

Isa sa mga istatwa ni Kim Il-Sung

Sa kasaysayan ay may mga naitala na mga hari, emperador at ipa pang mga namumuno na umangkin na sila ay mga diyos at nararapat sambahin ng kanilang mga nasasakupan. Kung hindi man sila mismo ang umangkin nito, sila ay isinilang at lumaki sa isang kultura na ganito ang paniniwala. Ang mga ito ay Imperial cults kung tawagin.

Kung sa akala natin ito ay nangyari lamang sa mga sinaunang panahon, nagkakamali tayo. Sa kasamaan ng puso ng tao, ang pagsamba sa mga nilalang sa halip na sa lumalang ay buhay na buhay maging sa modernong panahon. Ang isang halimbawa nito ay ang kaso ng mag-amang Kim II-Sung at Kim Jong il ng Hilagang Korea.

Sapagkat sarado ang Hilagang Korea sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa, ito rin ang pinakamahirap pasukin ng mga misyonero ng ebanghelyo.

Bagamat ang Hilagang Korea ay isang atheistic nation, sa pamamagitan ng propaganda ay nabuo ang mga cult of personalities, una kay Kim II-Sung; pangalawa sa anak niya na humalili sa kanya na si Kim Jong il.

Ang titulo ni Kim II-Sung sa kanilang Saligang Batas ay "Walang Hanggang Pangulo". Ang kanyang kaarawan ay isang pambansang holiday. Mahigit 500 istatwa niya ang nagkalat sa buong Hilagang Korea. Kaugalian sa mga bagong kasal ang mag-alay ng mga bulaklak sa pinakamalapit na istatwa niya.

Ayon sa isang artikulo ni Albert Mohler na ipinaskil sa CNN Belief Blog, itinuro sa mga paaralan na si Kim II-Sung ay imortal; kaya naman nagulantang ang karamihan nang kanilang mabalitaan ang kanyang kamatayan noong 1994.

Sa paghalili sa kanya ni Kim Jong il sa pamumuno, nagpatuloy ang propaganda at ito'y kinagat naman ng taumbayan. Marami sa kanila ay naniwala na ang kanilang pinuno ay may espesyal sa kapangyarihan. Tulad ni Storm ng X-Men, siya daw ay may kapangyarihang kontrolin ang panahon.

May isang awit rin na tunog worship song ang paulit-ulit na ipinatugtog sa mga istasyon ng radyo at maging sa mga lansangan gamit ang mga malalakas na speakers. Ito ay ang awiting No Mother Land Without You"

You pushed away the severe storm
You made us believe, Comrade Kim Jong-il
We cannot live without you
Our country cannot exist without you!

Our future and hope depend on you
People's fate depends on you, Comrade Kim Jong-il!
We cannot live without you
Our country cannot exist without you!

Even if the world changes hundreds of times
People believe in you, Comrade Kim Jong-il
We cannot live without you
Our country cannot exist without you!

Oh... Our Comrade Kim Jong-il
Our country cannot exist without you!

Pero tulad ng kanyang ama, nilisan din ni Kim Jong-il ang Hilagang Korea sa kanyang pagpanaw noong Disyembre 17, 2011.

Naalala ko tuloy ang Awit 82 kung saan tinipon ni Yahweh ang mga pinakapangyarihang pinuno sa daigdig at tuwirang sinabi sa kanila na bagamat sila ay mga tinatawag na mga diyos, sila ay mamamatay ring lahat. Tulad rin ng mga karaniwang tao, sila man ay nasa ilalim ng paghatol ng Diyos. Nananatili at mananatili na walang kapantay ang Diyos ng bibliya.

 "Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala ng iba..." (Isa. 45:5)

"Walang ibang Diyos maliban sa akin,
Walang nauna at wala ring papalit" (Isa. 43:10)

Siya lamang talaga ang walang hanggang mauupo sa kanyang trono.

"Ngunit ikaw Yahweh ang tunay na Diyos,
ikaw ang Diyos na buhay
Haring Walang Hanggan" (Jeremias 10:10)

Sa pagsasaad ng bibliya na ang Diyos ay Haring walang hanggan, hindi lamang nito sinasabi na ang kanyang paghahari ay walang wakas. Kundi sinasabi rin nito na ang Diyos ay walang simula. Ang mga hari, emperador at pangulo sa daigdig ay ipinaglihi ng kanilang mga ina. Doon lamang nagsimula ang kanilang pag-iral. Subalit ang Diyos na nakaluklok sa kaitaas-taasan ay nagtataglay na ng kanyang kapangyarihan bago pa man malikha ang lahat ng nilikha.

"Bago nilikha ang mga bundok, o bago mo nilikha ang lupa at ang sanlibutan, ika'y Diyos, mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan." (Awit 90:2)

Bukod pa doon,  Ayon sa mga sari-saring ulat, malupit sa taong-bayan ang kanilang pamamahala. Halimbawa na lang ay ang ulat na ito mula sa Commission on Human Rights ng United Nations:

"Torture and other cruel, inhuman or degrading treatment or punishment, public executions, extra judicial and arbitrary detention, the absence of due process and the rule of law, imposition of the death penalty for political reasons, the existence of a large number of prison camps and the extensive use of forced labour;

Sanctions on citizens of the Democratic People’s Republic of Korea who have been repatriated from abroad, such as treating their departure as treason leading to punishments of internment, torture, inhuman or degrading treatment or the death penalty;

All-pervasive and severe restrictions on the freedoms of thought, conscience, religion, opinion and expression, peaceful assembly and association and on access of everyone to information, and limitations imposed on every person who wishes to move freely within the country and travel abroad;

Continued violation of the human rights and fundamental freedoms of women, in particular the trafficking of women for prostitution or forced marriage, ethnically motivated forced abortions, including by labour inducing injection or natural delivery, as well as infanticide of children of repatriated mothers, including in police detention centres and labour training camps."

Malayong-malayo 'yan sa trato ng Diyos sa mga makasalanang naninirahan sa kanyang daigdig. Si Yahweh ay mabuti sa lahat. Siya ay may habag at pagmamalasakit sa lahat ng kanyang mga nilalang (Awit 145:9).  At dahil ang paghahari ng Diyos ay walang katapusan, kailanma'y hindi rin magwawakas ang nararanasan nating katapatan niya, kabutihan niya, habag niya, biyaya niya, at pag-ibig niya.

"Ang Panginoon ay mabuti
 Ang kanyang pag-ibig ay mananatili magpakailanman
 Ang kanyang katapatan ay magpapatuloy sa bawat salinlahi" (Awit 100:5)

Tuesday, January 10, 2012

Abominable Prayers

A sick man cries for divine healing through a graven image.

A rapper thanks God for the platinum sales of his album filled with pornographic lyrics.

A young professing Christian girl prays for an unbeliever to marry her.

A pastor asks for God's blessing upon a same-sex couple.


"To ask for anything contrary to His will is not prayer,
but rank rebellion."
~ A.W. Pink
The Attributes of God