Bagamat ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang aplikasyon ng Ang Ladlad bilang isang lehitimong party list group, ang basa ko sa mga nangyayari (nawa'y mali ako), hindi magtatagal ay mabibigyan rin ng akreditasyon ang grupong ito. Kung hindi man sila makakahabol sa Mayo 2010, malamang sa 2013, pasok na sila.
Hindi maikakaila ang patuloy na paglakas ng suporta para sa gay rights movement dito sa ating bansa. Kamakailan ay nagpahayag ng suporta sa kanila ang Commission on Human Rights (CHR), iba't ibang mga bigating pulitiko, at iba pang mga maiimpluwensyang tao.
Malakas rin ang impluwensya ng kulturang kanluran sa atin lalo na ang Estados Unidos. Ang kanilang kasalukuyang Pangulo na si Barack Obama ay nagpapakita ng sigasig upang maisulong ang adhikain ng mga LGBT (lesbian, gay, bisexual, & transgender). Ito ay bahagi ng kanyang pahayag:
"that's why I support ensuring that committed gay couples have the same rights and responsibilities afforded to any married couple in this country. I believe strongly in stopping laws designed to take rights away and passing laws that extend equal rights to gay couples. I've required all agencies in the federal government to extend as many federal benefits as possible to LGBT families as the current law allows. And I've called on Congress to repeal the so-called Defense of Marriage Act and to pass the Domestic Partners Benefits and Obligations Act." (-Pres. Barack Obama)
Hindi lang mga karapatan ang ipinangako ni Obama sa kanila kundi ang pagtanggap sa kanilang mga relasyon bilang MABUTI at KAAYA-AYA:
"You will see a time in which we as a nation finally recognize relationships between two men or two women as just as real and admirable as relationships between a man and a woman..." (-Pres. Obama) (kasunod ay MASIGABONG PALAKPAKAN mula sa mga tagapakinig)
Ang paglakas ng puwersang LGBT rights sa Pilipinas ay mahahalata sa pananaw ng karamihan. Hindi na nila ito itinuturing bilang kasalanan o paghihimagsik laban sa Diyos na siyang may akda ng dalawang kasarian (lalaki at babae). Sa halip, ito ay ibinibilang na normal at kanais-nais. Isang patunay nito ay ang isang awiting namamayagpag sa himpapawid mula sa Dagtang Lason na pinamagatang Nagmamahal ako ng Bakla.
Ipaabot mo sa kanila ang iyong pagtutol sa kanilang mga pananaw at sila ay sisigaw ng "FOUL !!! Diskriminasyon 'yan". Malaki ang posibilidad na darating ang araw dito sa Pilipinas na kahit kasinganda't kasintalino ka ni Carrie Prejean, katakot takot pa ring mga pag-aalipusta, pangungutsa at pang-iinsulto ang tatanggapin mo dahil lamang ikaw ay tutol sa mga adhikain ng LGBT rights.
Psalm 12:8 "for the wicked seem to be everywhere, when people promote evil." (NET Bible)
Romans 1:32 "Although they know God's righteous decree that those who do such things deserve death, they not only continue to do these very things but also approve of those who practice them." (NIV)
----------------------------------------------
No comments:
Post a Comment