Tayo ay madaling gutumin. Hindi pa man natutunaw ng sinangag na ating inalmusal, bumibili na tayo ng palitaw na tinda ni Aling Ansang. Maya-maya lang, pananghalian nanaman—at hindi natin kayang isuko ang ating extra rice. Bago sumapit ang alas-3, napapaindak na ang ating tainga sa kalembang ni Mamang Sorbetero. Ayos lang yan!—kung ‘yan ba ang ating ikalulusog eh…
Sa kanyang pagkakatawang-tao, ang ating Panginoong Hesus ay:
Nagugutom rin: Mateo 4:2
Nauuhaw rin: Juan 19:28
Inaantok rin: Mateo 8:24
Nauuhaw rin: Juan 19:28
Inaantok rin: Mateo 8:24
Sa limitasyon ng kanyang katawang-tao, meron rin siyang mga pangangailangang pisikal noon. Subalit para sa kanya, mayroong isang bagay na higit na pinahahalagahan niya kaysa sa pangangailangan ng kanyang katawan.
Nang sila ay madaan sa Samaria, ang kanyang mga alagad ay nagtungo sa lungsod upang bumili ng makakain (Juan 4:8). Habang wala sila, Kinausap ni Hesus ang isang babaeng Samaritana. Bunga noon, sumampalataya ang babae na si Hesus nga ang Mesiyas, at ang iba ba ay nakakilala rin sa Panginoon (Juan 4:42)
Pagbalik ng mga alagad daladala ang pagkain, siya ay kanilang inalok: "Guro, kumain po kayo” (v.31) Malamang nag-aalala sila dahil matagal nang gutom si Hesus. Subalit ito ang sagot sa kanila ni Hesus: “Ako’y may pagkain na hindi niyo nalalaman”.
Nagtaka tuloy ang mga alagad. Tanong nila sa isat isa: “may nagdala kaya ng pagkain sa kanya?”
Subalit mas malalim ang gustong ihatid sa kanila ni Hesus. Upang kanila itong maunawaan, nilinaw ni Hesus ang nais niyang sabihin:
vv. 34—“Ang pagkain ko ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kanyang gawain”.
Para kay Hesus, ang pagtupad sa kanyang misyon ay pagkain. ‘Yan ang kanyang almusal, tanghalian at hapunan.
John 5:17: "My Father is always at his work to this very day, and I, too, am working."
John 17:4: “ I glorified you on earth, having accomplished the work that you gave me to”
When we serve God and seek to glorify him, we are not depriving ourselves. Rather we feed our souls. We are nourished by doing what he wants us to do.
Magpakabusog tayo sa paglilingkod sa Panginoon!
photo credit: US Food and Drug Administration
------------------------------------
photo credit: US Food and Drug Administration
------------------------------------
No comments:
Post a Comment