Pasensya na at hindi ako magaling sa biology kaya hahayaan ko na lang ng Wikipedia na magpaliwanag kung ano ito. Click here. O di kaya masdan na lang ninyo ang larawan na ito:
Ang iba pang mga halimbawa ay
1. 1. Damo--> Pinastulan ng kambing--> kinatay nang birthday ni Bunsoy
2.
2. 2.Butil ng palay --> tinuka ng Sisiw--> dinagit ng uwak--> binaril ng mangangaso at iniulam ng pamilya
Ang daloy ay karaniwang nagsisimula sa:
araw--> mga halaman kung saan nagaganap ang photosynthesis--> herbivore--> carnivore
Ang mga halaman ay tinatawag na producers dahil sila yung may kakayahang gumawa ng sarili nilang pagkain gamit ang enerhiyang buhat sa araw dahil sa taglay nilang Chlorophyll. Ang mga hayop naman at ang mga tao (kung evolutionist ka, ibibilang mo ang tao bilang hayop) ay tinatawag na mga consumers.
Nasaan ang Diyos sa Food Chain?
Malaki ang impluwensya ng mga evolutionist/Darwinist sa Academia at sa pagsusulat ng mga textbook kaya huwag na nating asahan na isasali nila ang Diyos sa usapan. Subalit sa atin na mga Kristiyano, huwag nating kaligtaan na ang Diyos ay parehong Creator at Sustainer ng sannilikha. Sa kanyang kamay nakasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay (Colosas 1:17).
Where is God in the food chain? He is everywhere:
1. Ang Diyos ang may kontrol sa araw (Joshua 10:13; Matthew 5:45). Samakatuwid, ang photosynthesis ay grasya ng Diyos.
2. Ang mga halaman ay pinalalago ng Diyos (Awit 147:8; Mga Gawa 14:17). Samakatuwid, ang mga tinatawag na producers ay walang kakayahang mabuhay. Ang Diyos ay bumubuhay sa mga ito.
3. Ang mga hayop at mga tao ay umaasa lamang sa Diyos para sa kanilang kakainin (Awit 145:15,16). Maski pala si Lion King ay pulubi lamang sa harap ng Diyos.
4. Siya ang nagbibigay sa atin ng buhay, hininga at lahat-lahat (Mga Gawa 17:25)
5. Ito ay kanyang ginawa upang magkaroon ng kagalakan sa ating puso. (Mga Gawa 14:17)
6. Ginawa niya ang lahat ng kabutihan para sa atin upang ipakilala ang kanyang sarili (Mga Gawa 17:27). Ito yung tinatawag sa theology na General Revelation. Nakakalungkot lang na sa kasamaan ng tao, ang mga katotohanan tungkol sa Diyos dala ng General revelation ay patuloy na sinisikil ng mga tao (Roma 1:18-25). Ngunit kahit ganun, ginamit pa rin ito ng mga apostol bilang isang evangelistic tool (Acts chapters 14 & 17). Ang kanyang kabutihan ang dapat umakay sa atin sa pagsisisi (Roma 2:4)
Kung ating kikilalanin na ang Diyos ay nasa Food chain, ito’y mag-uudyok sa ating puso upang sumamba:
sa tuwing ang ating paligid ay kulay luntian;
kapag nakikita natin na namumulaklak na ang mga puno ng tsiko, santol, duhat, makopa at iba pa;
Kapag lumalabas na ang puso ng saging;
Kapag napipisa na ang mga itlog at sumisilip na ang mga sisiw na kulay dilaw;
Kapag tumataba na ang mga biik;
Kapag tumatalon-talon ang mga hipon;
Kapag kulay ginto na ang palay at malapit na ang anihan.
Hi Manny,
ReplyDeleteThanks for you comment on Iron Sharpens Iron blog. I'll pray for you brother. I am just an ordinary Christian who takes faith seriously and do anything I can do to spread the gospel.
God bless you brother.
Paijo