Iniisip ko ngayon: Saan ko ba natutunan yung konsepto ng Bida vs. kontra-bida (Hero vs. Villain)? Ang aking kongklusyon: Ang konsepto ng Bida vs. Kontra-bida ay una kong natutunan sa panonood ng mga cartoons. Oo nga't pamilyar ako sa mga pagmumukha nina Romy Diaz, Paquito Diaz at Max Alvarado, pero sa cartoons ko talaga unang natutunan ang konsepto.
Popeye vs. Brutus
Batman vs. Joker, Penguin, Mr. Freeze
Batman vs. Joker, Penguin, Mr. Freeze
Kasabay ng mga cartoon na iyan, nanonood din ako ng Superbook at Flying House, mga cartoons ng bible stories. Pero dahil nga bata, mas inaabangan ko yung Superbook kasi Old Testament stories ang mga yun. May David vs. Goliath… Samson vs. Philistines… Maaksyon ‘di ba? Tuwang-tuwa talaga ako sa adventures nina Christopher, kaibigan niyang si Joy, at siyempre yung laruang robot na si Gizmo… yung may susi sa likod na kailangang pihitin sa tuwing lowbat siya. Favorite ko talaga ito, kahit tignan nyo pa ang aking Friendster profile.
Sa aking panonood ng Superbook, yung konsepto ng bida vs. kontra-bida ay nadala ko sa kuwento ni Moses. Ang tingin ko sa mga Egyptians, lalo na kay Pharoah ay mga kontra-bida. Eh kasi pinagmamalupitan nila yung mga aliping Israelita.
Sino nga ba ang Bida at mga Kontra-bida?
Sinabi ng Diyos sa Exodus 12:12: “against all the gods of Egypt I will execute judgment” (NKJV). Ibig sabihin, isa sa mga dahilan ng paghatol ng Diyos laban sa Ehipto ay ang kanilang talamak na idolatry.
Ang kaso, hindi lang naman Egyptians ang guilty sa idolatry. Ayon sa Ezekiel 20:6-8:
v.6- On that day I swore to them that I would bring them out of Egypt into a land I had searched out for them, a land flowing with milk and honey, the most beautiful of all lands.
v.7- And I said to them, "Each of you, get rid of the vile images you have set your eyes on, and do not defile yourselves with the idols of Egypt. I am the LORD your God."
v.8-" `But they rebelled against me and would not listen to me; they did not get rid of the vile images they had set their eyes on, nor did they forsake the idols of Egypt. So I said I would pour out my wrath on them and spend my anger against them in Egypt.
Nang mangako ang Diyos na ilalabas niya sila mula sa Ehipto, ipinag-utos niya na layuan nila ang mga diyus-diyosan ng Ehipto. Subalit hindi sila tumalima.Kaya nga doon pa lang sa Ehipto: “in the midst of the land of Egypt” (verse 8, NKJV), nag-aalab na ang poot at galit ng Diyos laban sa kanila. Kaya lang naman natuloy ang kanilang paglaya ay dahil sa:
v.9-“ But for the sake of my name I did what would keep it from being profaned in the eyes of the nations they lived among and in whose sight I had revealed myself to the Israelites by bringing them out of Egypt.”
Para sa karangalan ng Diyos ang nangyari. Siya ang tunay na bida sa kasaysayan ng pagtutubos. Ang mga tinubos (tulad ng may-ari ng blog na ito) ay kinahabagan lamang ng Diyos. Hindi sila karapat-dapat ibigin, pero inibig pa rin sila ng Diyos:
Deuteronomy 7:7-8: “The LORD did not set his affection on you and choose you because you were more numerous than other peoples, for you were the fewest of all peoples. But it was because the LORD loved you and kept the oath he swore to your forefathers that he brought you out with a mighty hand and redeemed you from the land of slavery, from the power of Pharaoh king of Egypt."
Ang Dugo na Ipinahid sa mga Pinto
May sampung salot na ipinadala ng Diyos. Mga Egyptians lang ang tinamaan pero ang totoo, maging ang mga Israelita ay karapat-dapat rin naman magdusa sa mga salot na iyon.
Bago ipadala ng Diyos ang ika-sampung salot, ipinag-utos niya sa mga Israelita na maghanda ng mga tupa. Ipinapahid niya ang dugo sa mga pintuan ng kanilang mga tahanan. Wika ng Diyos: “when I see the blood, I will pass over you.” (Exodus 12:13).
Ang mga nakasulat sa Matandang Tipan ay naisulat para sa ating ikatututo (Romans 15:4). Sa Bagong Tipan ay nasusulat: “Christ, our Passover lamb. Has been sacrificed” (1 Cor. 5:7)
The reason why we are spared from the wrath of God is not because we are better than our unbelieving neighbors. It is because of Christ's blood.
Kung hindi lang dahil sa dugo ni Kristo, mga kontra-bida rin sana tayo.
Romans 5:8-9: “But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us. Since we have now been justified by his blood, how much more shall we be saved from God's wrath through him!”
--------------------------
Mga Sinangguni:
Alexander, Ralph-- Commentary on Ezekiel, in Expositor's Bible Commentary (Frank E. Gaebelein, editor)
Henry, Matthew-- Commentary on the Whole Bible
Jeffery, Ovey, and Sach- Pierced for our Transgressions: Rediscovering the Glory of Penal Substitution
No comments:
Post a Comment