Sunday, December 7, 2008
Kahit Maputi na ang Buhok Natin
Psalm 71:9-12
Do not cast me away when I am old;
do not forsake me when my strength is gone.
For my enemies speak against me;
those who wait to kill me conspire together.
They say, "God has forsaken him;
pursue him and seize him,
for no one will rescue him."
Be not far from me, O God;
come quickly, O my God, to help me.
Nang panahon ng kanyang kabataan, si David ay isang mahusay na mandirigma. Sa 2 Sam.17:8, ang paglalarawan sa kanya ni Hushai ay “mighty… expert in war” (ESV). Hindi ba’t may isang awit na lubhang ikinagalit ni Haring Saul? : "Saul has slain his thousands, and David his tens of thousands." (I Sam. 18:7)
Subali’t hindi totoo ang kasabihang “Kalabaw lang ang tumatanda”. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting naramdaman ni David ang paghina ng kanyang mga bisig; nauubos ang liksi ng mga binti at tibay ng mga tuhod. Pati ang kanyang paningin na dati-rati’y ubod ng talas, ngayon ay patuloy na lumalabo. Doon nga sa I kings 1:1, sumapit ang sandali na kahit pagpatung-patungin mo ang mga kumot sa kanyang katawan, giniginaw pa rin ang matandang David.
Dito sa Psalm 71, tumanda na nga si David, pero ang kanyang mga kaaway ay hindi nauubos. Sinasamantala nila ang lahat ng pagkakataon upang magsabwatan sa pagpapabagsak kay David.
Sa mga sitwasyong ganito, walang ibang lalapitan si David kundi ang matagal na niyang sinasandalan. Ps. 71:5-6: “For you have been my hope, O Sovereign LORD, my confidence since my youth. From birth I have relied on you;you brought me forth from my mother's womb. I will ever praise you.”
Kahit pala noong panahon ng kanyang kabataan; kahit nuon-noon pang malakas siya, hindi siya nagtiwala sa sarili niyang kapangyarihan. Sa lahat ng kanyang pinagdaanan, siya pala ay paulit-ulit na nagkubli sa proteksyon ng kanyang Diyos. Sa verse 20-21, ang kanyang mga pinagdaanang pighati ay marami at pawang mapapait, pero paulit-ulit rin ang paghango sa kanya ng Panginoon mula sa pagkakabagsak kaya’t panatag siya na muli siyang bibigyang karangalan ng Diyos.
Saksi ang bawat araw na idinadagdag ng Panginoon sa ating edad; nagpapatotoo ang mga ito sa katapatan ng Panginoon. At habang tayo ay tumatanda, nawa’y tumitibay rin ang ating pananampalataya sa ating Diyos. Pumuti man ang buhok natin- maaasahan natin siya sapagkat nakataya dito ang kanyang karangalan at kapurihan: (v. 22-24). Ang nais nga ng Panginoon ay maipahayag natin sa mga susunod na salin-lahi ang kanyang kadakilaan (v.18)
Dito sa ibabaw ng lupa, habang tayo ay humihinga. Tiyak na darating ang ibat ibang kahirapan, kapighatian, at problema. Subalit ito ang ating kapanatagan, na ang Diyos ay kasama natin sa lahat ng panahon: edad man natin ay 20, 40, o 80… pumuti man ang buhok natin o kahit malagas na ang lahat ng buhok natin, ang Panginoon ay isang kanlungan na paulit-ulit na masisilungan.
----------------------------------------------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment