Saturday, November 29, 2008
Bakit Nasa Hall of Faith si Samson?
Sa tuwing nadadaanan ako sa chapter 11 ng Hebrews (yung listahan ng mga pangalan na dapat nating tularan dahil sa kanilang pananampalataya), nagtataka ako kung bakit kasama ang pangalan ni Samson sa verse 32.
Paano napasali ang ang tulad niya? Eh halos dalawang dekadang namuhay sa imoralidad ang taong ito... Marami siyang ginawang kahangalan.
Naalala pa ba ninyo ang mga eksenang iyon...
Tatlong beses siyang nilinlang ni Delilah... pauli-ulit na panlilinlang
Sa ika-apat na pagkakataon, ang sabi ni Delilah: Oh Samson, hindi mo ako mahal... ayaw mong sabihin sa akin ang iyong sikreto.
Bakit hindi man lang sumagot si Samson ng: “huh, wag nga ka dyan Delilah, umaarte ka nanaman.
Tatlong beses man akong nagsinaungaling sa iyo, tatlong beses mo na rin ako sinubukang ipahamak”
Tuloy siya'y nabihag. Hindi siya pinatay sapagkat gusto ng mga kaaway na siya'y malagay sa kahihiyan habangbuhay. Kaya nga nila dinukot ang kanyang mga mata... Isipin ninyo ang pakiramdam ng isang dakilang mandirigma... isang kampeon ng digmaan...
Heto ako ngayon: habang buhay na ako’y bulag. Habangbuhay na wala akong makikita kundi dilim. Habangbuhay na ako’y nakatanila, at narito sa bilangguan bilang taga-giling.
Yun din naman talaga ang intensyon ng mga kaaway- ang siya’y ipahiya at insultuhin habang buhay... At sa kanyang mga kasalanan at kahangalan, iyan ay dapat lang sa kanya... The fool deserves the bitter fruits of his foolishness.
MGA KATANGIANG WALA KAY SAMSON
Maraming mga talata sa bibliya ng nagsasabi na ang hanap ng Diyos ay humble heart... contrite heart... broken spirit... mga katangiang wala kay Samson. Ito po ay isang literal na demonstrasyon ng Mark 9:47: And if your eye causes you to sin, pluck it out. It is better for you to enter the kingdom of God with one eye than to have two eyes and be thrown into hell...
But in this case, Samson did not pluck out his own eyes... the eyes that caused him much trouble... yung mga matang laging naaakit sa mga magaganda tulad ni Delilah... It was God’s design that the enemies would pluck out the eyes of Samson in order to heal the heart of Samson.
Isa. 57:17-18: I was enraged by his sinful greed; I punished him, and hid my face in anger, yet he kept on in his willful ways. I have seen his ways, but I will heal him; I will guide him and restore comfort to him
Before enabling our lips to praise him, God shows us the gravity of our sins so we can mourn for them. Yet in Samson’s strength, God saw that Samson will not mourn for his sins. So what did God do? Tinanggal niya ang lakas ni Samson upang sa wakas ay maturuan si Samson ng pagpapasakop sa kalooban ng Diyos.
THE LAST DAY OF SAMSON
Sa kanyang huling araw ay may pagdiriwang ang mga kaaway sa ngalan ng
diyus-diyusan na si Dagon. Inilabas nila ang kanilang pabiritong bihag upang paglaruan. Akala kasi ng mga kaaway, ang kanilang diyos na si Dagon ang dahilan kung bakit nabihag nila si Samson. Pero hindi... hindi si Dagon kundi si Yahweh ang dahilan ng pagkakabihag ni Samson . Ang tunay na Diyos ang dahilan kung bakit nasa nakakahiyang kalagayan ngayon si Samson.
Marahil pagsulyap pa lamang nila kay Samson ay maririnig na ang nakakabinging sigawan, pagkutya at pag-iinsulto.
Hindi nila alam na ito ang araw na itinakda ng Diyos upang sa wakas ay matupad ay
maging tunay na bayani si Samson. Sa kanyang huling dalangin: O Sovereign LORD, remember me.O God, please strengthen me just once more, and let me with one blow get revenge on the Philistines for my two eyes... Let me die with the Philistines!”And the rest is history...”
BAKIT NGA BA NASA HALL OF FAITH SI SAMSON
Bakit nasa Hall of Faith si Samson?
Heb.11:32-34)... “whose weakness was turned to strength”
God made him physically weak... so that he can strengthen him spiritually. The reason why Samson is in this list is not because of Samson... It’s because God... It’s God
If not for the grace of God we will not even have a list like this; Kung walang grace... walang Hall of Faith ... Walang Hebrews 11... Kung walang grace, wala rin po tayo ngayon dito.
Thank God for his grace... The source of all good things... even our faith.
Psalm 115:1
Not to us, O LORD, not to us
but to your name be the glory,
because of your love and faithfulness.
-------------------------------------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment