Showing posts with label Hosea. Show all posts
Showing posts with label Hosea. Show all posts

Tuesday, February 9, 2010

In CASH & in KIND: an illustration of God's sacrificial love

Namumuhay na ng payapa't tahimik si Hosea. Iniwanan siya ng kanyang asawa-- ang taksil na si Gomer. Mag-isa niyang pasan-pasan ang responsibilidad ng pagpapalaki at pag-aaruga sa kanilang tatlong supling. Ngunit 'di na bale. "It's time to move on" ika nga.

Subalit pagdating sa kabanata 3, ginambala ulit ng Panginoon ang payapang buhay ni Hosea. Ang utos:

"Go, show your love to your wife again, though she is loved by another and is an adulteress. Love her as the LORD loves the Israelites, though they turn to other gods and love the sacred raisin cakes." (Hosea 3:1 NIV).

Kailangan niyang tubusin ang kanyang asawa. Mangyari kasi ay ibinenta ni Gomer ang kanyang sarili bilang alipin. Ginawa iyon ni Gomer upang matustusan niya ang kanyang mga pangangailangan mula nang lisanin niya ang tahanan ni Hosea.

Bilang isang masunuring propeta, tumalima si Hosea sa tinig ng Panginoon. Habang siya'y nagbibilang, natuklasan niya na hindi sapat ang kanyang salapi. Kulang ang hawak niyang "cash". Panandaliang nag-isip si Hosea. Aha! Naalala niya ang nakatagong barley na kanyang inuunti-unting ipinapakain sa kanyang pamilya. Ngayo'y nakahanda na siyang tubusin si Gomer (3:2).

"That the payment is both in money and in kind is curious; it suggests that Hosea had difficulty in coming up with enough money to purchase her." (Duanne Garrett, Hosea, Joel; New American Commentary).

Pagdating sa pamilihan, matindi ang tawaran na naganap.

"... the Hebrew word translated as "bought" includes the idea of haggling." (Duanne Garret, NAC)

haggle- "to argue over something such as a price or contract in order to reach an agreement" (Encarta Dictionaries)

Perhaps you  are ready to spend your fortunes to save the life of a loving and deserving wife. But will you do the same for a blatantly unfaithful wife?

Remember that the story of Hosea and Gomer was meant to illustrate God's love for his people.


Romans 5:7-8 "Very rarely will anyone die for a righteous man, though for a good man someone might possibly dare to die. But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us." (NIV)


----------------------------------------------------

Wednesday, December 2, 2009

Ang LEON: Mabangis at Mapagmahal

Hosea 5:14-6:1 (NIV)
For I will be like a lion to Ephraim,
like a great lion to Judah.
I will tear them to pieces and go away;
I will carry them off, with no one to rescue them.

Then I will go back to my place
until they admit their guilt.
And they will seek my face;
in their misery they will earnestly seek me."

"Come, let us return to the LORD.
He has torn us to pieces
but he will heal us;
he has injured us
but he will bind up our wounds.



Nang mga panahong malinaw pa ang RPN sa aming telebisyon, nakapanood ako ng mga programang isiningit nila mula sa National Geographic. Sa isang programa, ganito ang aking natunghayan:

May isang pangkat ng mga zebra ang payapang kumakain at naglalaro sa may damuhan. Pagkaganda-ganda ng mga stripes sa kanilang mga katawan. Wala silang kamalay-malay na sa may kalayuan, may isang leon ang sumisilip sa kanila. Noong una'y dahan-dahan ang kilos ng leon sa likod ng mga matataas na talahid. Ngunit nang lumaon ay bigla na lang kumaripas ng takbo ang leon papalapit sa mga zebra.

Nang namalayan ng mga zebra na sila ay sinasalakay, sila rin naman ay tumakbo papalayo. Ngunit huli na ang lahat. Lubhang mabilis ang leon. Isang zebra ang kanyang sinakmal. Pumapalag-palag pa ang zebra ngunit hindi tinigilan ng leon ang kanyang paglapa. Tuluyan na ngang naubusan ng lakas ang zebra dahil sa mga pinsalang kanyang natamo. Ang leon naman ay tuwang-tuwa sa kanyang masarap na almusal.

Sa Hosea 5:14-6:1, Inihalintulad ng Panginoon ang kanyang sarili bilang isang leon na sumalakay sa mga bansang Israel at Judah:


For I will be like a lion to Ephraim,
like a great lion to Judah.
I will tear them to pieces and go away;
I will carry them off, with no one to rescue them.
(Hosea 5:14)

Ang makapangyarihang si YHWH ang sumalakay sa Israel at Judah, kaya naman sila ay lubhang nasugatan at nasaktan. Subalit salungat sa kalagayan ng inosenteng zebra, sila ay karapat-dapat sa parusa ng Diyos. Punong-puno sila ng immoralidad, pagsamba sa mga diyus-diyosan, at kawalang katarungan sa lipunan. Sila ay nagtaksil sa Panginoon. Nararapat lamang na sila ay parusahan ni YHWH; nararapat lamang na sila ay lapain ng mabangis na leon.

Subalit may kakaibang katangian ang leon na ito. Ang karaniwang leon ay hindi titigil sa paglapa sa kanyang biktima hanggang sa ito mamatay. Hinding-hindi na niya bibigyan pa ng pagkakataon ang biktima na mabuhay pa. Ngunit ibahin ninyo ang leon na ito:

Then I will go back to my place
(Hosea 5:15a)

"Then I will return again to my lair" (NET Bible; see also Duane Garret, New American Commentary)

Kapag naibigay na niya ang sapat na sugat at pasakit, ang leon na ito ay babalik sa kanyang lungga. Wala siyang intensyong tapusin ang Israel at Judah. Hindi niya nais patayin ang kanyang bayan. Siya ay babalik sa kanyang lungga sa dahilang:

Then I will go back to my place
until they admit their guilt.
And they will seek my face;
in their misery they will earnestly seek me
(Hosea 5:15)

Siya ay babalik sa kanyang lungga upang abangan ang pagbabalik-loob ng bayang kanyang sinaktan. Sapat ang mga sugat na idinulot niya upang magsisi at manumbalik ang kanyang bayan.

Nang makabalik na ang leon sa kanyang lungga, nag-usap-usap ang kanayang bayan. Ganito ang kanilang usapan:

"Come, let us return to the LORD.
He has torn us to pieces
but he will heal us;
he has injured us
but he will bind up our wounds."
(Hosea 6:1)


Magbabalik-loob nga ang Israel at Judah dahil sa mga sugat na iniwan sa kanila ng leon. Ang nakakatuwa, ang leon din ang magsisilbing manggagamot nila. Ang leon mismo ang magbibigay-lunas sa kanilang mga sugat.

Samakatuwid, ang mabangis na leon na ito ay mapagmahal rin naman. Ang mga sugat na dulot niya ay hindi para sa ating kapahamakan. Ito ay bahagi ng kanyang paraan upang tayo ay makapanumbalik sa kanya at sa tamang landas.

photo credit: http://standardrgb.com
-------------------------