Sinasabi natin, "Basketbol lang 'yan" o "Boksing lang 'yan", ngunit sumisidhi ang emosyon natin kung ang ating manok ay biktima ng crucial calls & non-calls, o kung ang score cards ay 114-114 Draw kung alam ng lahat na ito dapat ay 118-110 Unanimous. Kung puwede lang baliktarin ang resulta ay 'yun sana ang ating nais. At hindi tayo kuntento doon: kung garapalan talaga kung kumilos ang mga awtoridad (referees & judges) ay nais natin silang masuspende o tuluyang matanggal.
Bakit ganun? Dahil sa puso natin, alam nating ito'y hindi "basketbol lang" o "boksing lang". Ito'y isyu na ng katuwiran at katarungan. Kung ito ang ating damdamin sa basketbol at boksing kung saan ang nakataya ay trophy lang, medalya lang, o belt lang, eh 'di ba dapat mas sumidhi ang ating damdamin kung ang pinag-uusapan na ay buhay at kalayaan ng tao?
No comments:
Post a Comment