Ilang mga botante mula sa Classes A, B and C ang dismayado sa resulta ng katatapos na halalan. Sa kanilang pananaw, may mga nakapasok sa Magic 12 na hindi naman karapat-dapat at merong mga karapat-dapat na malayo sa magic 12.
Ang kanilang sinisisi ay ang mga botante mula sa Classes D and E. Sila yung mga nasa pinakamababa sa mga antas ng lipunan.Karaniwan, sila ay may kakulangan sa edukasyon at hikahos sa buhay. Dahil sa kanilang kalagayan, marami sa kanila ay may mababaw na batayan sa pagpili ng mga iboboto: sayaw-awit sa mga patalastas sa telebisyon; matunog na apelyido mula sa mga angkan may dinastiyang politikal, mga pangalang kasali sa sampol ballot na iniabot ni Kapitan; at pinakamalala: mga kandidatong bumibili ng boto gamit ang salapi at groceries.
Upang ipakita ang pagkakaiba ng pagpili ng mga botanteng nagmula sa magkaibang antas ng lipunan, gagamitin natin ang datos mula sa exit polls ng Social Weather Stations noong 2010. Sa eleksyon na iyon, 15% lang ng mga botanteng nakatapos ng kolehiyo ang bumoto pabor sa kandidatong hinatulan ng hukuman sa kasong pandarambong. Pero sa mga botanteng elementarya ang tinapos, isang malaking hiwa na 31% ang bumoto para sa kanya.
Para sa mga botante mula sa Classes A, B, and C, ang mga kababayang mula sa Classes D and E ang nagpapapangit sa resulta ng mga halalan. Maaaring tama sila. Sa aking pagsang-ayon, hindi ko nilalahat ang mga mula sa Classes D and E. Meron din sa kanila ang matalino sa pagpili. Pero hindi maikakaila na napakarami mula sa antas na ito ang hindi marunong pumili ng mga taong dapat ihalal.
Subalit pagdating sa pagpili sa Diyos, ang lahat ay pantay-pantay. Walang kalamangan ang mga mula sa Classes A, B and C sa mga Classes D and E. Lahat sila ay pare-pareho ng saloobin. Lahat ng tao mula sa iba't ibang antas ng lipunan ay pare-parehong umaayaw sa Diyos. Ang lahat ay naghihimagsik laban sa kanya. Ayaw nilang kilalanin ang Diyos bilang Hari ng Daigdig.
Paano ko nasabi ito? Ito ay aking nasabi dahil sa nakasaad sa bibliya:

"Walang matuwid, wala kahit isa.
"Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos.
Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama.
Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa." Roma 3:10-12
Subalit dahil sa kanyang mayamang habag, nagliligtas ang Diyos mula sa Classes A, B, C, D and E. Yun nga lamang, ayon na rin sa kanyang perpektong karunungan, minarapat niya na mas marami ang kanyang ililigtas mula sa mga mas mababang mga antas. Sa anong layunin? Upang walang sinumang magmalaki sa kanyang harapan.
Ano kaya kung ganito ang iyong patotoo:
Ano kaya kung ganito ang iyong patotoo:
"Praise the Lord, naniwala ako sa ebanghelyo. Minsan lang ipinaliwanag sa akin, naunawaan ko agad. Buti na lang matalino ako. Hayaan na niyo yung mga tamatanggi sa ebanghelyo; Low I.Q. kasi ang mga 'yan."
Sino ang naparangalan? Sino ang naluwalhati? Ang Diyos ba? Hindi. Ikaw ang naparangalan. Ikaw ang naluwalhati. Ang galing-galing mo kasi.
Anu-ano ang nararapat na tugon sa katotohanang ito:
Una, PAGPAPAKUMBABA dahil nalaman natin na walang anumang katangiang taglay natin ang dahilan kung bakit tayo naligtas.
Ikalawa, PASASALAMAT dahil tayo, bagamat mga hindi karapat-dapat ay tumanggap ng masaganang pabor mula sa Panginoon.
Ikatlo, PAGLUWALHATI sa Diyos, dahil ito ang layunin niya sa pagliligtas sa atin-- ang matanyag ang kanyang dakilang ngalan.

1 Corinto 1:26-31: Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika sa paningin ng tao. Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos. Kaya nga, tulad ng nasusulat, "Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon." (Ang Bagong Magandang Balita Bibliya)
No comments:
Post a Comment