Hebrews 4:14-16
"Therefore, since we have a great high priest who has gone through the heavens, Jesus the Son of God, let us hold firmly to the faith we profess. For we do not have a high priest who is unable to sympathize with our weaknesses, but we have one who has been tempted in every way, just as we are —yet was without sin. Let us then approach the throne of grace with confidence, so that we may receive mercy and find grace to help us in our time of need." (NIV 1984)
"Huwag kayong tatalikod!" 'Yan ang pangunahing bilin ng manunulat para sa mga orihinal na tumanggap ng liham na ito. Mangyari kasi, matindi ang pag-uusig laban sa kanila kaya naman malakas ang hatak ng tukso na sila'y bumalik na lamang sa dati nilang relihiyong Judaismo.Isa sa mga argumento ng manunulat upang hikayatin silang manatili sa Kristiyanismo ay ang paghahambing sa pagkapari ni Hesus sa pagkapari ng mga naglilingkod sa templo ng Judaismo.
Nasaan ang mga pari ng Judaismo? Nasa ibabaw ng lupa.
Nasaan ang punong pari ng Kristiyanismo? Nasa langit.
"... we have a great high priest who has gone through the heavens,
Jesus the Son of God... "
Nasaan ang punong pari ng Kristiyanismo? Nasa langit.
"... we have a great high priest who has gone through the heavens,
Jesus the Son of God... "
Sinu-sino ang mga pari ng Judaismo? Mga taong mortal.
Sino ang punong pari ng Kristiyanismo? Ang Anak ng Diyos.
"... we have a great high priest who has gone through the heavens,
Jesus the Son of God... " (Hebrews 4:14)
Sino ang punong pari ng Kristiyanismo? Ang Anak ng Diyos.
"... we have a great high priest who has gone through the heavens,
Jesus the Son of God... " (Hebrews 4:14)
Sa pagkakasulat ng talata 15, tila lumalabas na tumutugon ang manunulat sa isang pagtutol o di kaya ay inuunahan na niya ang isang posibleng pagtutol sa kanyang itinuturo. Komentaryo ni Homer Kent, Jr., "The negative way in which this statement is introduced suggests that rebuttal is being made to an objection."1 At ang pagtutol na ito ay sa punto ng simpatya. Ano yung simpatya? Ito yung nakaka-relate ka sa nararamdaman ng kapwa mo. Kayong mga mapuputi, malamang ay wala kayong simpatya sa mga taong maiitim na pinipintasan ay inaalaska. Diyan ako lamang sa inyo, nakakasimpatya ako sa kanila.
Ang pagtutol ay ganito:
"Kung siya ay nasa langit at kami ay nasa lupa, hindi kaya mas maigi na ang lalapitan naming mga pari ay ang mga kapwa namin taga-lupa? Sila ang makakasimpatya sila sa amin."Heto ang sagot ng manunulat sa pagtutol na iyan: "For we do not have a high priest who is unable to sympathize with our weaknesses, but we have one who has been tempted in every way, just as we are--yet was without sin." (v.15)
"Kung siya ay Anak ng Diyos at kami ay mga tao lamang, hindi kaya mas maigi na ang lalapitan naming mga pari ay ang mga kapwa namin mga tao rin? Sila ang makakasimpatya sila sa amin."
Ang punto ng manunulat, si Hesus bagamat siya ay Impeccable, ibig sabihin bilang Diyos ay hindi siya nagkakasala, ang pinagdaanan niyang mga tukso ay mga tunay na tukso. Ang mga tagumpay niya laban sa kasalanan ay pinaghirapan at pinagsikapan. Komentaryo ni Leon Morris:"... though Jesus did not sin, we must not infer that life was easy for him. His sinlessness was, at least in part, an earned sinlessness as he gained victory after victory in the constant battle with temptation that life in this world entails."2 Mas matindi pa nga ang mga pinagdaanan niya kasi tayo, konting effort lang ni Satanas, bumibigay na tayo sa kasalanan samantalang siya, hindi bumibigay. Ibig sabihin, todo-effort si Satanas sa pagtukso sa kanya. Dahil naranasan niya ang hirap ng pakikipagtunggali laban sa kasalanan, nakakasimpatya siya sa ating mga kahinaan.
Mahirap bang magpakabanal sa mga oras na...
... ikaw ay gutom at walang maisaing? Dinaanan ni Hesus 'yan at nanatiling banal (Mateo 4:2)
... ikaw ay mawalan ng mahal sa buhay? Dinaanan ni Hesus 'yan at nanatiling banal (Juan 11:33-36)
... ikaw ay traydorin, ipagkanulo o iwanan ng mga kaibigan? Dinaanan ni Hesus 'yan at nanatiling banal (Mateo 26:14-16; Luke 22:60; Marcos 14:50)
... ikaw ay pagbintangan ng kasinungalingan at pagkaitan ng katarungan? Dinaanan ni Hesus 'yan at nanatiling banal (Mateo 26:60)
At dahil marunong makisimpatya sa atin ang ating pari sa langit, ito ang pinagagawa ng manunulat sa atin: "Let us then approach the throne of grace with confidence, so that we may receive mercy and find grace to help us in our time of need. " (4:16 a)
Sa ilalim ng matandang tipan, ang "high priest" ang nag-iisang tao na maaaring lumapit sa presensya ng Diyos. Subalit sa bagong tipan, lahat ng mananampalataya ay may kalayaang lumapit sa kanya.
Sa ilalim ng matandang tipan, nakakalapit lamang ang high priest minsan sa isang taon tuwing Day of Atonement. Subalit sa bagong tipan, malaya tayong lumapit sa Diyos anumang oras.
Idagdag mo pa diyan ang katotohanang ang mga sinaunang hari ay hindi basta-basta maaaring lapitan. Maging ang Reynang si Esther ay nakipagsapalaran nang lumapit siya sa asawa niyang hari na hindi naman siya ipinapatawag. Subalit dahil sa ating pari sa langit, malaya tayong lumapit sa ating hari. Ang trono ng Diyos para sa ating mga mananampalataya ay hindi "throne of judgment" kundi "throne of grace". Ang matatanggap natin ay grasya at habag.
"Pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa aking paglapit sa kanya." Nakakapagpagaan ng loob na tayo ay sinasabihan na lumapit ng may "confidence". At ayon pa nga sa isang pang iskolar, ito raw ay maaaring isalin bilang "bold frankness"3; malaya tayong maging honest sa kung ano pakiramdam natin at kung ano ang saloobin natin. Siyempre hindi ito nangangahulugan na tayo ay lalapit sa kanya nang walang kalakip na paggalang at pagsamba. Diyos pa rin siya na dapat sambahin. Pero ito ang tiyak, hindi niya kamumuhian ang sinumang lumalapit sa kanya nang may pagpapakumbaba (Awit 51:17)
--------------------------------
NOTES:
1 Homer A. Kent, Jr., The Epistle to the Hebrews, p.91
2 Leon Morris, Hebrews (EBC)
3 William Lane, Hebrews (WBC). Cited in George's Guthrie's Hebrews (NIVAC)
Enter In
Petra
Another excellent post. Your papers never fail to inspire and convict me, pastor. I'm so privileged to have you as my friend. God bless you!
ReplyDeleteJeph, surely godly friendships are one of the best gifts the Lord has given us in this life, friendships that will last for all eternity. Pagpanaw natin, kita-kita tayong lahat sa langit. :)
Delete