Nang makita ni Isaias ang kabanalan ng Panginoon, siya ay nanginig sa takot. Napagtanto niya kung gaano siya karumi, at akala niya ay iyon na ang araw ng kanyang kapahamakan (Isaias 6:5).
Tatlong tao ang gumising nang maaga sa araw na ito at sila ay may kanya-kanyang lakad.
1. Sa nauna, nakasanayan na niya ang mamasyal at manood ng sine tuwing araw ng Linggo.
2. Sa pangalawa, ni hindi na siya naligo. Ayon sa kanyang pamahiin, mamalasin ka sa sabungan kapag nagpunta ka doon nang malinis at mabango.
3. Ang pangatlo'y ikaw. Oo ikaw na naririto ngayon upang sumamba.
Sa inyong tatlo, wala ni isa man ang nanginig sa takot tungkol sa poot ng banal na Diyos. Sa una at pangalawa, 'yan ay madaling unawain. Kulang sila sa kaalaman tungkol sa kabanalan at poot ng Diyos. At kung anumang kaalaman meron sila ay kanilang sinusupil (Roma 1:18). Sa kalagayan ng mga hindi sumasampalataya, wala ka talagang aasahang takot ng Diyos sa kanila (Roma 3:18). Subalit ikaw, ikaw na babad sa aral mula sa pulpitong iyan, alam na alam mo na ang Diyos ay banal at kailanman ay hindi siya nalulugod sa kasamaan. Bakit pumarito ka nang hindi nanginginig sa takot?
Nawa'y ang dahilan ng iyong kawalang takot ay batay sa mga katotohanang narito Awit 32:1-2:

1. Hindi ka natatakot sapagkat alam mong ang iyong mga pagsuway ay pinatawad na.
2. Hindi ka natatakot sapagkat alam mong ang iyong mga kasalana'y tinakpan na
3. Hindi ka natatakot sapagkat alam mong wala nang paratang ng kasamaan laban sa iyo
Sa halip, sabi pa nga dito ay "pinagpala" (blessed) ka. Hindi ka man kasinyaman ng iyong kapitbahay; hindi ka man kasinlusog ng umaaway sa'yo, ikaw ay pinagpala sapagkat nilimot na Diyos ang iyong paghihimagsik laban sa kanya. Ikaw ay inari niya bilang kanyang anak (Juan 1:12) at inilagay sa lugar kung saan tatanggap ka ng patong-patong at walang patid na mga pagpapala (Juan 1:16).
Mas mamamangha ka sa habag ng Diyos kung iyong mauunawaan na ito ay isinulat ng isang taong nakagawa ng mga karumaldumal na kasalanan: Pakikiapid (adultery) at Pagpatay (murder). Mapaya ang mga araw ni David hanggang sa ipamukha sa kanya ng Propetang Natan ang kanyang tunay na kalagayan. Nawala ang kapayapaan at kagalakan sa puso ni David (v.3-4; Awit 51:12). Ngunit matapos ang pagsisisi, bumalik ang kapayaan at kagalakan sa kanyang isipan. Sinasabi niya ngayon na siya ay "pinagpala" sapagkat nahugasan na ang kanyang pagkakasala. Bukod doon ay alam niyang pinakikinggan ng Panginoon ang kanyang mga daing at binibigyan pa ng proteksyon (v.6-7).
Ganyan kadakila ang kapayapaang hatid ng pagpapatawad ng Panginoon. Maging ang mga pinakamatitingkad na mantsa ng ating kasamaan ay nabubura.
Dagdagan pa natin ang ating pagkamangha. Sa panahon ng Bagong Tipan, ang awit na ito ang isa sa mga katibayan ni Apostol Pablo sa kanyang pagpapatunay na ang mga tinatangap ng Diyos ay hindi naman talaga mga matuwid. Bagkus, sila ay mga makasalanan na ibinilang ng Diyos bilang mga matuwid sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya-- tulad nina Abraham at David (Roma 4:1-8). Ito ang dahilan ng payapa nating isipan sa hindi lamang tuwing araw ng Linggo kundi sa bawat sandali (Roma 5:1)
No comments:
Post a Comment