Friday, August 7, 2009

GUEST POST: Imperishable Beauty

Anna Manelle Manuel

Si Anna ay isang kaibigan, ka-baranggay at kapatid sa pananampalataya. Siya ay nagtuturo sa Colegio De Dagupan at naglilingkod bilang Tagapayo ng San Carlos- United Methodist Youth Fellowship (SCC-UMYF), isang pangkat ng mga Metodistang kabataan sa San Carlos City, Pangasinan na taos-pusong yumakap sa Calvinismo. Hindi po kayo namamalikmata; tama po ang inyong pagkakabasa. Sa kagandahang-loob ng Diyos ay may mga Calvinista sa hanay ng mga Metodista. (-kuyamanny)


Noong nakaraang buwan ay ibinalita ang isang babaeng naghain ng reklamo sa klinikang nagsagawa sa kanya ng butt augmentation noong 2003 at 2005. Mangyari ay nagkakumplikasyon ang naturang operasyon na hindi lamang depormasyon ang naidulot nito kundi ang muntik na niyang kamatayan at ang matagal na pamamalagi sa ospital.

Ang mga ganitong balita ay hindi na bago. Maraming tao na ang nagsabing sila ay nagsisisi sa pagpapasailalim sa operasyon upang mabago ang sa tingin nila ay hindi magandang parte ng kanilang katawan. Ito ang tinatawag nating cosmetic surgery o minsan ay cosmetic plastic surgery.

Tunay ngang malayo na ang naisulong ng ating teknolohiya na ang pango mong ilong ay maisasaayos na sa tangos na nais mo. Ang mga patuloy na pagbalita kaugnay sa cosmetic surgery ay nagdulot sa akin ng dalawang emosyon: Una, pagkamangha hindi sa teknolohiya kundi sa pagdami ng nagnanais na baguhin ang kanilang likas na kaanyuan (na kung saan dumami rin ang nananamantala sa pagdami ng mga pekeng doktor). Pangalawa ay ang pangamba sa kung ano kaya ang epekto nito sa aking mga kapatid kay Kristo lalo na ang mga kababaihan na higit na pressure ang dala ng "kagandahang" depinisyon ng sanlibutan. Ang artikulong ito ay naisulat dahil sa pangalawang emosyong aking nabanggit.

Paano ba dapat harapin ang pressure na kung saan ang sanlibutan ay nagsasabi ng "kagandahang" katanggap-tanggap?

Sabi sa Psalm 139:13-15 na "For you formed my inward parts; you knitted me together in my mother's womb. I praise you, for I am fearfully and wonderfully made. Wonderful are your works; my soul knows it very well. My frame was not hidden from you, when I was being made in secret, intricately woven in the depths of the earth." Malinaw ang pagpupuri ni David hindi dahil sa kanyang taglay na kagandahan (na malamang ay meron) kundi dahil batid ng kanyang puso na siya ay hinubog ng Diyos - na mula sa union ng egg cell at sperm cell ng kanyang mga magulang hanggang sa ito'y maging fetus na unti-unting nahuhubugan ng mga parte ng kanyang katawan. Ang paglagi niya sa loob ng tiyan ng kanyang ina ay kanya pa ring ipinagpupuri sapagkat "my frame was not hidden from you when I was being made in secret." Batid niyang ang Sovereign, ang Omniscient, at ang Almighty God ang humubog sa kanya. Hindi ba't kay inam na isiping ang Diyos ang nakakaalam at may kagustuhan kung bakit ganito ang bawat isa sa atin.

Ang pagkakalikha sa tao ay kamangha-mangha na subalit higit rin nating mas ipagpuri at ipagpasalamat sa Diyos na ang taong nilalang Niya, sumuway at nagkasala sa Kanya ay Kanyang pinagkalooban ng kagandahang-loob. Lahat ay nagkasala (Rom.3:23) subalit ang kabanalan ng Diyos ay ipinagkaloob dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa mga taong nananampalataya kay Hesu-Kristo na Siyang tumubos sa atin (Rom.3:21-25). Tayong mga nananampalataya kay Hesus ay binigyan ng karapatang maging anak ng Diyos (Jn.1:12). Ang papuri at pasasalamat ay sa Diyos sa ating pagkakalalang at pag-ari sa atin bilang Kanyang mga anak dahil kay Hesu-Kristo!

Sapagkat lahat ng nakipagkaisa kay Kristo ay mga bagong nilalang na (II Cor.5:17), isang tagubilin rin ang marapat nating isapuso: If then you have been raised with Christ, seek the things that are above, where Christ is, seated at the right hand of God. Set your minds on things that are above, not on things that are on earth (Col. 3:1-2). Inaamin ko na bilang isang babae ay marami ang tukso at panlilinlang na dulot ng mga materyal na bagay at higit lalo sa paghahanap ng appreciation at affection. Ang mga discontentment sa pisikal na anyo ng isang babae ay dahil sa maling akala na ito ang magbibigay ng pagtanggap mula sa iba at ang self-satisfaction at self-esteem ay makakamtan (hindi ito pagtaliwas sa katotohanang ang lahat ng kasalanan ay nag-ugat sa pagiging likas na makasalan ng tao). Ang discontentment sa isang Kristiyano ay bunga ng maling mindset, bunga ng maling standard na bunga rin ng pagkakalinlang. Isinulat ni Pablo sa mga taga-Colosas na ilagak o italaga nila ang kanilang pag-iisip sa mga bagay na nasa taas o mga makaispirituwal na bagay. Ang lahat ng standards o basehan ng mundo ay pansamantala lamang. Hindi nga ba't nabanggit ni King Lemuel na "charm is deceitful, and beauty is vain, but a woman who fears the LORD is to be praised" (Prov. 31:30). Ito ay isang katuruan na itinagubilin sa kanya ng kanyang ina - na ang kapuri-puring babae ay ang may takot sa Diyos. Takot na hindi ang alam nating takot kundi ito ay reverence sa Diyos na kung saan ang may ganitong takot sa Diyos ay ang mga nakakakilala sa tunay at banal na Diyos dahil sa kanilang malalim sa relasyon sa Kanya. Marami ang nagsasabing may takot sila sa Diyos subalit wala ang reverence sa Diyos bilang isang Diyos na Banal.

Sa mga kababaihan ay ilang beses itinagubilin ni Pablo ang kahalagahan ng tinatawag nating inner beauty:

Do not let your adorning be external--the braiding of hair and the putting on of gold jewelry, or the clothing you wear--but let your adorning be the hidden person of the heart with the imperishable beauty of a gentle and quiet spirit, which in God's sight is very precious. (I Peter 3:3-4)

...likewise also that women should adorn themselves in respectable apparel, with modesty and self-control, not with braided hair and gold or pearls or costly attire, but with what is proper for women who profess godliness--with good works. (I Timothy 2:9-10)


Hindi ang mga panlabas na kaanyuhan ang siya dapat na iniisip ng isang tao (lalo na ang mga babae) na may takot sa Diyos. Ang inner beauty na tinutukoy ni Pablo dito ay aphthartos o imperishable beauty, isang kagandahang kapuri-puri sa Diyos. Aanhin natin ang kagandahang magbibigay lamang ng pansamantalang pagtanggap at kaligayan. Kung nabanggit ni David na huwag tayong matakot o mainggit sa mga yumayaman dahil kapag sila ay namatay ay hindi nila ito madadala sa kanilang patutunguhan, gayundin naman hindi natin dapat ikabalisa kung marami na ang umaayon sa "kagandahan" ng mundong ito at tayo ay napag-iiwanan ng panahon. Ang Psalm 63 ay gawin nating inspirasyon. Si David ay namumuhay ng walang karangyaan habang sinasambit niya ang Salmo na ito - natutulog sa mga kawalan ng Judea, nagugutom at nagtatago kay Haring Saul. Ang mga maituturing nating basic needs (food, water, shelter, at kahit safety) ay wala sa kanya, subalit nagagawa niyang umawit sa Panginoon at sabihing "Your steadfast love is better than life" (v.3). Anong intimacy mayroon si David sa Diyos upang maisawalang-bahala niya ang kakapusan niya sa mga materyal na bagay at mahanap ang kagalakan at kasapatan niya sa Diyos. Ito ang dalangin ng aking puso na ako at lahat tayong may takot sa Diyos ay magkaroon ng ganitong kasapatan sa Diyos. Oh, let us taste and see that the Lord is good (Ps.34:8a).

Let us fix our eyes on Jesus (Heb. 12:2a) so we won't be entangled by the deceptions of this world. Sa aking pagtatapos ay nais kong ibahagi ang sinabi ni John Piper: "With God at the center - like 'sun', satisfying a woman's longing for beauty and greatness and truth and love - all the 'planets' of food and dress and exercise and cosmetics and posture and countenance will stay in their proper orbit."

No comments:

Post a Comment