Psalm 12
Help, LORD, for the godly are no more;
the faithful have vanished from among men.
Everyone lies to his neighbor;
their flattering lips speak with deception.
May the LORD cut off all flattering lips
and every boastful tongue
that says, "We will triumph with our tongues;
we own our lips--who is our master?"
"Because of the oppression of the weak
and the groaning of the needy,
I will now arise," says the LORD.
"I will protect them from those who malign them."
And the words of the LORD are flawless,
like silver refined in a furnace of clay,
purified seven times.
O LORD, you will keep us safe
and protect us from such people forever.
The wicked freely strut about
when what is vile is honored among men.(NIV)
-------------------------------------------------------
Naglaho na ang mga matutuwid. Naubos na ang mga may takot sa Diyos. Ang salmista ay napapaligiran ng mga taong mapanlinlang at mapang-api. Ang masasama ay gagala-gala kung saan-saan. Sila'y nagkalat saan mang sulok. Ang kasamaan ay isang bagay na itinataas; ang kasalanan ay tinitingala ng mga tao. Higit sa lahat ng kasamaan, ang mga taong ito ay lantarang lumalapastangan sa Diyos. Hindi nila kinikilala ang awtoridad ng Panginoon. Ika nga nila sa talata 4: "We will triumph with our tongues; we own our lips--who is our master?". Ang mga taong ito ay walang kinikilalang panginoon. At habang namamayagpag, inaapi nila ang mga matutuwid. Kaya naman ang Salmista ay dumadaing sa panginoon upang humingi ng saklolo.
The Turning Point: Sa ikalimang talata, tumanggap ng pahayag mula sa Panginoon ang Salmista.
"Because of the oppression of the weak
and the groaning of the needy,
I will now arise," says the LORD.
"I will protect them from those who malign them."
1. Ang pagsaklolo ng Panginoon para sa mga naaapi at nangangailangan ay tiyak. “I will now arise”, ibig sabihin siya ay kikilos. Hindi siya manunuod lamang ng mga pangyayari. Meron siyang gagawin. Ang Panginoon ay may natatanging pagtingin sa mga dukha at nangangailangan. Sa Awit 35:10, inililigtas ng Diyos ang mga dukha mula sa mga mapag-aping ubod ng lakas. Mula sa mga makapangyarihang magnanakaw. Awit 140:12, “nalalaman ko na si YHWH ang nagtataguyod ng katarungan para sa mga dukha”.
2. Ang paghatol ng Panginoon sa mga mapang-api ay tiyak. Bakit? sapagkat ang hiling ng Salmista ay ang kapahamakan ng mga masasama. Talata 3: "May the LORD cut off all flattering lips and every boastful tongue". Ito ay isang imprecatory request. Hinihingi ng Salmista na ipamalas ng Diyos ang kanyang katarungan sa pamamagitan ng pagpataw ng parusa sa mga masasama—mga parusang nararapat sa kanila. Ito ay tulad ng dalangin sa Awit 94:2, “Tumindig ka, o Hukom ng daigdig, ibigay mo sa mga hambog ang nararapat sa kanila.”
3. Yamang narinig ng Salmista ang tugon ng Panginoon, narito tayo sa ikatlong punto. Ang saligan ng ating katiyakan ay ang salita ng Diyos. Talata 6: "And the words of the LORD are flawless, like silver refined in a furnace of clay, purified seven times.". Ang salita ng Diyos ay dalisay. Ang salita ng Diyos ay lubos na mapagkakatiwalaan. Nang sinabi niyang sasaklolo siya, walang pag-aalinlangan na sasaklolo nga siya. Bagamat sa huling talata ay nagkalat pa rin ang masasama, ang talata 7 ay pahayag ng isang taong nakasandal sa pangakong binitiwan ng Diyos: "O LORD, you will keep us safe and protect us from such people forever." Pakakaingatan ng Diyos ang kanyang mga anak mula sa sa lahing ito na ubod ng sama.
Dapat nating ikagalak na ang Panginoon ay hindi bingi sa ating mga daing. Maaaring sa kagagawan ng mga makapangyarihang tayo, tayo ay agrabyado. Subalit meron naman tayong Diyos na matatakbuhan. Ang pag-ibig ng Diyos ay umaapaw para sa kanyang mga anak na nangangailangan. Tiyak ang kanyang pagpagtatanggol sa atin. Siya rin ay Diyos na makatarungan. Ipapataw niya ang mga kaparusahang nararapat sa mga nagsasamantala sa atin.
Sagana ang kanyang pag-ibig sa atin. Mapagkakatiwalaan siya ng lubusan. Ating purihin ang Panginoon dahil sa kanyang pag-ibig, sa kanyang katapatan at sa kanyang katarungan.
-------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment