PASSAGE: 2 SAMUEL 24:14
Then David said to Gad, “I am in great distress. Let us fall into the hand of the Lord, for his mercy is great; but let me not fall into the hand of man.”
Malalim ang unawa ni Haring David tungkol sa pagkamahabagin ng Panginoon. Ang pangungusap na ating binasa ay sinambit ni David noong siya ay pinapapili kung anong parusa ang gusto niya. Parusa dahil malaki ang pagkakasala niya sa pagsasagawa ng isang unauthorized census. Ang mga pagpipiliang parusa ay ang mga sumusunod:
A. Tatlong taong taggutom sa buong lupain.
B. Tatlong buwan na siya ay hahabol-habulin ng kanyang mga kaaway.
C. Tatlong araw ng salot na ikakamatay ng marami sa buong kaharian.
Pili na David. Pili na!
Labis na nabalisa si Haring David sa pagpili ngunit sa huli ay tinanggihan niya ang pangalawang parusa. Mas ninais niya na magdusa sa kamay ng Panginoon keysa sa kamay ng mga kaaway. Bakit? Dahil unawa niya na masakit man magparusa ang Panginoon, taglay pa rin niya ang katangiang pagkamahabagin. Mayamang habag. Saganang awa. Isang bagay na hindi mo masasabi tungkol sa sinumang tao.
70,000 ang namatay mula Dan hanggang Beersheba, at noong susunod na sana ang lungsod ng Jerusalem ay napatunayang hindi nagkamali sa pagpili si David. Sabi ng Panginoon, “Tama na. Sapat na ang parusang iyon.” Ipinamalas nga ng Diyos na siya ay maawain sa isang bayang karapat dapat sa parusa.
Sa mga mananampalatayang dumaranas ng sari-saring pighati, ang paalala ni Pablo sa atin ay ang ating Ama sa langit ay “Father of mercies and God of all comfort” (2 Cor. 1:3). Ang kanyang trono na ating nilalapitan sa tuwing tayo ay nananalangin ay tinatawag na “throne of grace” at ang mga nagsisilapit ay tumatanggap ng awa at nakakasumpong ng grasya sa oras ng pangangailangan (Heb. 4:16).
Higit sa lahat, ang pagkamaawain ng Diyos ang siyang nagdala ng kaligtasan sa bawat mananampalataya. Ayon sa Titus 3:5, tayo ay kanyang iniligtas hindi dahil sa ating mabubuting gawa. Hindi ito dahil sa ating pagiging matuwid. Bagkus tayo ay kanyang iniligtas ayon sa kanyang awa.