Tuesday, January 19, 2016

Huwag Maging Artista (Mateo 6:1-18)

Sa paggawa ng mabuti, tumitibay ang ating katiyakan na tayo nga ay mga anak ng Diyos (1 Juan 2:29). Sa pamamagitan rin ng paggawa ng mabuti, ating naluluwalhati ang ating Ama sa langit (Mateo 5:14-16). Ganyan kahalaga ang paggawa ng mabuti.

Para sa mga Hudyo, may tatlong pangunahing gawain ang isang taong matuwid i:
  • a. pagbibigay sa mga kapus-palad
  • b. pananalangin
  • c. pag-aayuno

Bagamat duda ako na ang mga ito nga ang dapat na ibilang bilang mga “pangunahing gawain”, sapat naman ang datos sa bibliya na ang mga ito nga ay mga gawaing inaasahang makita sa mga taong nagmamahal sa Diyos.

Ang problemang tinugunan ni Hesus sa mga talatang ating sinusulyapan ay ang palagiang pagnanais ng tao na maitaas ang kanyang sarili. Madalas na ang layunin sa paggawa ng mabuti ay hindi na ang pagluluwalhati sa Diyos kundi ang sila ay palakpakan ng mga nanonood.

Noong sinabi ni Hesus sa Mateo 6:1, Beware of practicing your righteousness before other people...” , ang pandiwa na ginamit na isinalin bilang “Beware” o “Be careful” ay isang present imperative. Ang utos ay pagbabantay o pagmamatyag ng walang tigil o pahinga. Ayon kay Charles Quarles:
The grammatical form implies that the disciple must continually and consciously avoid making a show of acts of righteousness since the temptation to seek personal aggrandizement is ever present.”ii
Samakatuwid, likas sa makasalanang tao ang humanap lagi ng kanyang maipagmamalaki at ipagmamayabang. Kailangang bantayan ang ating sarili sa tuwi-tuwina sapagkat naririyan lagi ang pagnanais ng laman na magmapuri sa sarili.

Ang mga Artista 
Sa aking napiling pamagat na “Huwag Maging Artista”, wala akong intensyong hubaran ng dangal ang mga taong ganito ang propesyon. Ako man ay nanonood ng ilan sa kanilang mga obra at napapahanga rin sa husay ng ilang mga artista sa kanilang sining.

Ang pamagat ay hango sa salitang Griyego na hupokrites na isinalin sa wikang Ingles bilang “hypocrites” (verses 2, 5 and 16). Ang salitang ito ay orihinal na tumutukoy sa mga artistang nagtatanghal sa entablado sa mga teatro.iii Sa isa namang Greek lexicon, ang depinisyon sa salitang ito ay “one who pretends to be other than he really is"iv Ganun naman talaga ang mahuhusay na artista: kahit maginhawa ka sa totoong buhay, napapaluha mo ang mga tao kapag nakikita nila ang iyong paghihikahos sa telebisyon; kahit ikaw ay may problemang dinadaanan, napapahalakhak mo ang mga manonood; o mabait ka naman sa totoong buhay pero nasusuklam sa iyo ang mga tao sa iyong pagganap bilang kontra-bida. Sa Kalye-serye ng Eat Bulaga, ang mga gumaganap na lola ni Yaya Dub ay mga lalake!!! 

Ganyan ang mga mahuhusay na artista. Kapanipaniwala at epektibo sa kanilang pagganap. Ang pag-arte ay isang talentong kahanga-hanga sa entablado, telebisyon at sine. Pero ang kakayahang ito ay nagiging masama kung gagamitin upang magmukhang banal sa paningin ng mga tao, tumanggap ng mga papuri at palakpak, at hindi na ang kaluguran ng Diyos ang layunin. 

Ang Logical na Istruktura ng Leksyonv 
Sa bawat gawaing tinalakay, pare-pareho ang lohikal na istrukturang ginamit ng ating Panginoon.

1. Babala na huwag gumawa ng mabuti sa layuning ikaw ay mapapurihan ng mga tao. (pagbibigay limos 6:2a/ pananalangin 6:5a/ pag-aayuno 6:16a)

2. Sa mga hindi makikinig sa babala, makukuha nila ang gusto nila ("papuri ng mga tao"), pero hanggang doon na lang yun (pagbibigay limos 6:2b/ pananalangin 6:5b/ pag-aayuno 6:16b)

3. Ang bilin na gawin ang kabutihan ng palihim (pagbibigay limos 6:3/ pananalangin 6:6/ pag-aayuno 6:17-18) 
  4. Ang katiyakan na ang Ama na nakakita ng palihim na kabutihan ay magbibigay gantimpala (pagbibigay limos 6:4/ pananalangin 6:6b/ pag-aayuno 6:18) 

Paano Magbigay sa mga Nangangailangan (Mateo 6:2-4)
Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay isang gawain na dapat gampanan ng sinumang may pananampalataya sa Diyos (Deuteronomy 15:7-11, Leviticus 19:9-10, Matthew 25:34-40). May mga ipinangako pa ngang mga pagpapala at gantimpala sa mga tumutupad nito (Deuteronomy 15:10, Proverbs 19:17, 1 Timothy 6:18-19). Ngunit meron rin namang mga gumagawa nito na hindi kinalulugdan ng Diyos. Sila yung mga nagbibigay sa layuning sila ay mapansin at parangalan ng mga tao. Hindi kaluwalhatian ng Diyos ang kanilang hangad kundi ang pagtingala sa kanila ng lipunan.

Paano sila magbigay? Inaanunsyo nila ang kanilang pagbibigay sa pamamagitan ng pagpapatunog sa trumpeta. Iba-iba ang opinyon ng mga nasangguni kong iskolar tungkol dito:
  1. May mga nagsasabi na ito ay literal na pagpapatugtog ng trumpeta.
  2. May mga nagsasabi na ito ay isang sisidlan na hugis trumpeta kung saan inihuhulog ang mga alay na salapi.
  3. May mga nagsasabi na ito ay hyperbole lamang na ginamit ni Hesus upang ilarawan ang mga taong papansin sa pagbibigay
Ang aking puso ay may pagkiling sa pangatlo: ito ay hyperbole lamang na ginamit ni Hesus pang ilarawan ang mga taong papansin sa pagbibigay. Paliwanag ni Craig Keener:
 “Although some scholars have argued that people actually blew trumpets during giving in the synagogues, Jesus probably simply uses rhetorical exaggeration to reinforce his point, as when picturing the Pharisees who swallow a camel whole but strain out a mere gnat (23:24)”vi

Para sa mga taong ganun magbigay, natanggap na nila ang kanilang gantimpala (they have received their reward in full”). Ang salitang Griyego na isinalin bilang “in full” ay apechousin na nangangahulugang "to receive something in full, with the implication that all that is due has been paid"vii . Ibig sabihin, nakuha na nila ang gusto nila: ang sila ay parangalan ng mga tao. Ngunit hanggang doon na lang yun. Wala na silang matatanggap pa na parangal mula sa langit.

Paano ang tamang paraan ng pagbibigay sa katuruan ni Hesus? Huwag ipaalam sa kaliwang kamay ang pagbibigay ng kanang kamay. Siyempre hindi literal ang kahulugan niyan. Muli, ito ay isang hyperbole. Ito ang nagkakaisang opinyon nina Charles Quarles at William Hendriksen:
the image of keeping one’s acts of goodness secret even from oneself is a hyperbole meaning that the disciple must not give so that he can pat himself on the back or applaud his own goodness.” (Charles Quarles)viii
the expression probably refers to the fact that as much as possible a person must keep his voluntary contribution a secret not only to others but even to himself; that is, he should forget about it, instead of saying in his heart, “What a good man, woman, boy, girl, am I!” (William Hendriksen)ix
Ang ating Ama sa langit ay nakakakita ng ating mga kabutihan na ginagawang palihim. May gantimpalang laan para sa atin. 

Paano Mag-ayuno (Matthew 6:16-18)
Ang orihinal na utos tungkol sa pag-aayuno (fasting) ay ibinigay kasama ng utos sa paggunita sa Day of Atonement ng mga Israelita. Higit sa pagkain at inumin ang saklaw nito. Ang utos ay deny yourselves (Leviticus 16:31; 23:27). Kaya naman may mas malawak na depinisyon (broader definition) ang pag-aayuno:
"... fasting... must not only be confined to the question of food and drink; fasting should really be made to include abstinence from anything which is legitimate in and of itself for the sake of some special spiritual purpose. There are many bodily functions which are right and normal and perfectly legitimate, but which for special peculiar reasons in certain circumstances should be controlled. That is fasting." (Martyn Lloyd-Jones)x
"Traditionally this self-denial included abstaining from eating, drinking, sexual activity, washing, anointing, or putting on sandals." (Charles Quarles)xi
Subalit ang pag-aayuno na saklaw ng kasalukuyang leksyon ay ang mas makitid na depinisyon (narrower definition) nito: "The act of total or partial abstinence from food for a limited period of time, usually undertaken for moral or religious reasons." (Robert D. Linder)xii 

Kung tutuusin ay mayroon pang mas makitid na depinisyon. Ito ang depinisyong alok ni Donald Whitney: “a Christian’s voluntary abstinence from food for spiritual purposes”. xiii Ang mga salitang sinalungguhitan diyan ay pawang mahalaga:
  • Christian: hindi natin bibigyang pansin ang pag-aayuno sa ibang relihiyon tulad ng sa Islam at Jainism sapagkat wala namang ispirituwal na halaga ang mga ito.
  • for spiritual purposes: hindi natin ibibilang ang mga nagha-hunger strike o nagpapapayat
  • voluntary: hindi natin ituturing na pag-aayuno ang mga taong nagkataon lamang na wala talaga silang budget pambili ng pagkain o 'di kaya ay ang mga taong nagmamadali sa pagpasok sa trabaho at wala ng oras mag-almusal.
Ang pag-aayuno ay maaaring gawin ng kongregasyon (Acts 13:2). Maaari rin itong gawin ng isang indibiduwal (Matthew 4:2). Ang uri ng pag-aayuno na tinalakay dito ni Hesus ay ang personal na pag-aayuno ng mga indibiduwal.
Iba-iba rin ang mga biblikal na dahilan ng pag-aayuno:
  • 1. bilang pagpapahayag ng pagluluksa (1 Samuel 31:13)
  • 2. bilang pagpapakita ng pagsisisi (2 Samuel 12:15-23)
  • 3. upang idulog sa Diyos ang isang seryosong suliranin (2 Chronicles 20:1-4)
Nakapulot ako ng pang-apat na biblikal na dahilan ng pag-aayuno mula kay Donald Whitney:
  • 4. bilang pagpaparamdam natin sa Diyos ng ating pag-ibig at pagsamba sa kanya tulad ng isinabuhay ni Anna (Luke 2:36-37)
Paliwanag ni Whitney:
Fasting can be an expression of finding your greatest pleasure and enjoyment in life from God. That’s the case when disciplining yourself to fast means that you love God more than food, that seeking Him is more important to you than eating. This honors God and is a means of worshiping Him as God. It means that your stomach isn’t your god as it is with some (Philippians 3:19). Instead it is God’s servant, and fasting proves it because you’re willing to sublimate its desires to those of the Spirit.”xiv
Ngunit merong mga nag-aayuno na mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos sa sarili at sinasadya nilang magmukhang malungkot sa layuning sila ay mapansin ng mga tao. Sila ay walang mapapalang anuman sa langit. Ang parangal sa kanila ng tao ang tanging babaunin nila sa kabilang buhay.

Sa aral ng Panginoong Hesus, ang mga nag-aayuno ay kailangang mag-ayos sa sarili. Lumabas at ngumiti sa mga tao. Huwag ipahalatang walang laman ang iyong sikmura. Hindi man alam ng mga tao ang iyong mga banal na gawain, meron ka namang Ama sa langit at siya ang magbibigay gantimpala sa iyo.

Meron ka bang alalahanin na lubhang seryoso at nangangailangan ka ng isang ekstra-ordinaryong pagkilos mula sa Panginoon? O 'di kaya nais mo lang magpahayag ng pag-ibig sa Diyos? Bagamat ang pag-aayuno ay hindi gaanong naipapangaral at nabibigyang atensyon sa mga iglesya ng Diyos ngayon, ang pamamaraang ito ng pakikipagpisan sa Panginoon ay nariyan pa rin at maaari nating gamitin. Tandaan lamang na ito ay ating gagawin hindi upang mapansin ng mga tao. Mayroon taong Ama na nagbabantay sa atin. Nakikita niya ang lahat ng kabutihang gawa mo kahit ito pa ay ginawang palihim. 

Paano manalangin (Matthew 6:5-6) 
Gustong-gusto nating maglaan ng oras upang makasama ang mga mahal natin sa buhay. Hindi nga ba't 'yan din ang dahilan kung bakit naghihinagpis tayo sa pagpanaw ng isang taong mahalaga sa atin. Sa sandaling naputol na ang kanyang paghinga, alam mong hindi mo na siya makakausap; hindi mo na rin maririnig ang kanyang tinig. Nagluluksa tayo dahil alam nating hindi na natin sila makakaniig sa kasalukuyang buhay. 

May mga tao na gusto nating makasama; mga taong itinuturing nating mahalaga sa buhay natin. Kung gayon, hindi ba't dapat ay sabik din tayong makausap at makaniig ang Diyos? Hindi ba't nararapat lamang na ang Diyos ang pinakamamahal ng ating puso? "Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin" (Mateo 10:37).

Sa panalangin, nakakapisan natin ang ating Manlilikha (Acts 17:26b), Tagapangalaga (1 Peter 5:7), Tagapagligtas/Manunubos (Isaiah 43:11), Manananggol (Proverbs 23:10-11) at Kaibigan (John 15:15). Sa anumang relasyon, mahalaga ang komunikasyon. Ipinapahayag ng Diyos ang kanyang kalooban sa atin sa pamamagitan ng Bibliya. Naipapahayag naman natin ang ating saloobin sa pamamagitan ng pananalangin.

Ngunit gaya ng iba pang mga mabubuting gawain, ito ay maaaring mawalang saysay dahil sa maruming motibo. Ang motibo ng maraming tao noon sa panahon ni Hesus at maging sa ating kapanahunan ay hindi ang pakikipagniig sa Diyos kundi magpa-impress sa mga tao. Pinuna ni Hesus ang gawain ng marami sa panahong iyon sapagkat sinasadya nilang tumayo at manalangin sa mga lugar kung saan maraming tao. Makukuha nga nila ang nais nila: papuri ng mga tao, subalit hanggang doon na lang yun. Wala na silang maaasahang gantimpala pa buhat sa langit.

Salungat sa pamamaraang ito, ang dapat na panalangin ayon kay Hesus ay dinadala sa isang lugar (Marcos 1:35-36) na walang ibang makakaalam kundi ikaw. Ang Diyos na nakakakita ng mga lihim na bagay ang siyang magbibigay gantimpala. Hindi nito minamasama ang lahat ng pampublikong pananalangin (Acts 4:24). Ang punto ay ano ba ang motibo sa pananalangin? Ito ba ay para ikaw ay hangaan ng mga tao sa iyong “kabanalan”?

Kailan at saan ka nakakapanalangin? Sa piling lang ba ng isang grupo tulad ng konggregasyon o isang bible study group? Isa sa mga sukatan nga ispirituwal na kalusugan ay ang pagkakatugma ng kanyang public prayer life at private prayer life. Ika nga ni D. A. Carson: 
 “The person who prays more in public than in private reveals that he is less interested in God's approval than in human praise. Not piety but a reputation for piety is his concern.”xv
Ang ating audience
Sa mga artista, paramihan ng audience ang laban. Pataasan ng ratings ang mga istasyon ng TV. Sa mga mananampalataya, iisang audience lang ang mahalaga; siya ay ang ating Ama na nakaluklok sa kanyang walang hanggang trono at nanonood sa atin mula sa langit.

---------------- 

FOOTNOTES
i the three chief acts of Jewish piety: almsgiving, prayer, and fasting (C.G. Montefiore and H. Loewe, A Rabbinic Anthology). Cited by D. A. Carson in EBC, 1st edition
ii Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
iii Craig Keener, Matthew (IVP New Testament Commentary)
iv J.P Louw and Eugene Nida, Greek-English Lexicon of the New Testament: Based on Semantic Domains
v H.D. Betz, "Eine judenchristliche Kult-Didache in Matthaus 6:1-18; cited by D.A. Carson in EBC, 1st edition
vi Craig Keener, Matthew (IVP New Testament Commentary)
vii J.P Louw and Eugene Nida, Greek-English Lexicon of the New Testament: Based on Semantic Domains
viii Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
ix William Hendriksen, Exposition of the Gospel According to Matthew (NTC)
x Martyn Lloyd-Jones, Studies in the Sermon on the Mount
xi Charles Quarles, Sermon on the Mount: Restoring Christ's Message to the Modern Church
xii Evangelical Dictionary of Theology, 1st edition (Walter Elwell, editor)
xiii Donald Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life
xiv Donald Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life
xv D. A. Carson, Matthew in Expositor's Bible Commentary, 1st edition