Monday, September 27, 2010

Ang Bading na Naging Badong

Ang dalawang pinakabagong paskil (dito at dito) ni kapatid Ray Aviles (BARM's Churchmouse) ay mga indikasyon na siya ay nasa kalagitnaan ng pakikidigma laban sa mga apologist ng homoseksuwalidad. Habang siya ay nakikipagpalitan ng putok, ako naman ay halos mapahalakhak sa natagpuan ko sa Youtube: ang pagkanta nang live ni Romi Valle ng awiting Badong. Ang mensahe ay hango sa 2 Corinto 5:17, -
Ang sinumang na kay Kristo 
ay nagiging isang bagong nilalang.




Huwag ninyong gaanong pagkatiwalan ang lyrics dito. Umasa lamang ako sa aking imperpektong pandinig.
.
Dating Bading, Ngayo'y Badong
Binago ng Panginoon
Dating Bading, Ngayo'y Badong
Alanganin kahapon, lalaki na siya ngayon

Dating Bading, Ngayo'y Badong
Binago ng Panginoon
Dating Bading, Ngayo'y Badong
Dalaginding kahapon, Binata na siya ngayon

Ang sinumang nakipag-isa kay Kristo
Ay isa nang bagong nilalang
Wala na ang dati niyang pagkatao
Ang lahat ay nagbago
Dahil kay Hesu-Kristo

Dating Bading, Ngayo'y Badong
Binago ng Panginoon
Dating Bading, Ngayo'y Badong
Matrona kahapon, Barako na siya ngayon

Walang sinumang makapagbabago
Maliban sa Panginoong Hesus-Kristo
Kahit ano pang matandang homo
'Pag lalapit kay Kristo, sigurado nang magbabago

--------------------------------

1 comment:

  1. Ayos! maganda pagkagawa. naalala ko tuloy yung kantang "Pastor Pakundo" ni Jun Balquin

    ReplyDelete